You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SAPANG PALAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Dibisyon ng Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan

SUMATIB NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


Unang Markahan

Pangalan: ___________________________________________________________ Guro: _____________________________

Baitang at Pangkat:____________________________________________________ Petsa: _____________________________

I. PAG-UNAWA
Panuto: Basahing minsan ang teksto at unawain. Sagutin ang mga tanong batay sa pagka-unawa sa binasa. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Teksto A

Noong unang panahon, may isang langaw sa isang maliit na kaharian ng niyog, ang Agama Niyog.
Iba ang partikular na langaw na ito sa mga langaw na alam at nakikita natin ngayon. Ito ay dahil paborito ng
Diyos ang langaw na ito. Hindi iyon lumilipad-lipad para maghanap ng pagkain. Ang kailangan lamang
gawin niya ay humiling ng kahit ano at agad na ibibigay iyon ng Diyos.

1. Aling elemento ng pabula ang inilarawan ng talata?


A. banghay B. kaisipan C. tagpuan D. tunggalian
2. Kung uuriin ang nilalaman ng teksto, anong bahagi ng kuwento ang isanasaad nito?
A. simula B. gitna C. wakas D. tauhan
3. Ang langaw ay iba sa karaniwang langaw dahil _______________________
A. ambisyoso ang langaw na ito C. matalino ang langaw
B. lumilipad-lipad ito para humarap sa pagkain D. paborito ng Diyos
4. Mahihinuha sa akda na ang katangiang ipinakita ng langaw ay _____________.
A. batugan B. maiingitin C. makasarili D. mapagkumbaba

Teksto B
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay ang lahat ng hinihingi ni Pilandok at isinakay sa
isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat, inihagis ni Pilandok ang hawlang kinalululanan ng
sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon, si Pilandok ang naging
sultan.
5. Anong bahagi ng kuwento ang isinalaysay sa teksto?
A. simula B. gitna C. wakas D. tagpuan
6. Batay sa tekstong binasa, ano ang mahihinuha mong paksa ng kuwento?
A. ang paghihiganti ni Pilandok C. paano naging sultan si Pilandok
B. ang tusong sultan D. paano pinatay ni Pilandok ang sultan
7. Ang pabula ay kadalasang nagwawakas sa ______________________.
A. aral na praktikal at moral C. tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan
B. pagkamatay ng pangunahing tauhan D. tunggalian ng tauhan

Teksto C
Isang kampanang kumukuliling mula sa kanyang itak ang nagpapabatid na dumarating na si
Bantugan. Labis na nagtataka ang magiting na mandirigma dahil sa walang sumalubong sa kanya. Hindi siya
sinagot ng Hari, pati na ng mga maginoo. Pinuntahan niya nag kanyang anak at pinupog niya iyon ng halik.
Ipinaliwanag sa kanya ng kanyang kapatid na babae na matanda na ang hari at dapat pagbigyan. Nagpaalam
si Bantugan sa kanyang anak at kapatid at sinabi na magkikita na lamang tayo sa paraiso.

8. Ang pangunahing tauhan sa epiko ay maituturing na ___________________.


A. bayani B. hari C. mandirigma D. pinuno
9. Si Bantugan ay magiting na mandirigma. Ang magiting ay nangangahulugang
A. mabait B. mahusay C. malakas D. matapang
10. Pinuntahan niya nag kanyang anak at pinupog ng halik. Bilang isang ama, ilarawan ang damdaming nanaig kay Bantugan.
A. sabik na ialay ang mga handog sa anak C. sabik na makaulayaw ang anak
B. sabik na makahalik sa anak D. sabik na makapiling ang anak
11. Nagpaalam si Bantugan sa kanyang anak at kapatid at sinabi niyang magkikita na lamang sila sa paraiso. Ipinahihiwatig ni Bantugan sa huli
niyang mga kataga na _______________________________.
A. hintayin ang muli niyang pagbabalik sa kaharian
B. magkita na lamang sa langit
C. magkita na lamang sa muling pagtatagpo
D. magkita na lamang sa kabilang buhay
12. Ang epiko ay nasa anyong __________________________________.
A. pasalaysay B. patula C. prosa D. tuluyan

Teksto D

Tahimik ang buhay ng aming pamilya sa isang bayan sa gitnang Mindanao. Ngunit, isang araw,
nang ako’y siyam na taong gulang pa lamang, dumating sa amin ang maliliit na nilikha-ang mga duwende.
Maingay sila. Kumakalampag, kumakalantog, pumapadyak sila mula umaga hanggang gabi. Madalas
tinatapak-tapakan nila ang lumang duyan sa kisame. Hindi nila kami pinatutulog sa gabi.
13. Ano ang pangyayaring nagpagulo sa buhay ng pamilya?
A. pag-iingay ng mga duwende C. panggugulo ng mga duwende
B. pagdating ng mga duwende D. paglipat nila ng tirahan
14. Ang pangunahing tauhan sa kuwento ay ____________________.
A. ang duwende C. ang tatay ng bata
B. ang pamilya D. isang batang babae na siyam na taong gulang
15. Sa isang maikling kuwento, ang pagbabanggaan ng mga puwersang nag-uugnay sa mga insedente sa isa’t isa at nagpapagalaw sa banghay ay
tinatawag na___________________.
A. tagpuan B. papataas na aksyon C. tunggalian D. wakas
16. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento ay tinatawag na ________________________.
A. banghay B. kasukdulan C. kongklusyon D. tagpuan
17. Sa isang maikling kuwento, kinakailangang labanan ng pangunahing tauhan ang kanyang maling paniniwala upang magtagumpay. Ang
tunggalian ay tinatawag na_______________________.
A. tao laban sa lipunan C. tao laban sa sirkumstansya
B. tao laban sa kanyang sarili D. tao laban sa tao
18. Aling bahagi ng kuwento ang nagsasalaysay ng pinakapanapanabik na mga pangyayari?
A.kasukdulan B. papataas na aksyon C. pababang aksyon D. tagpuan
19. Ang elemento ng maikling kuwento na nagbibigay-buhay sa akda.
A. tauhan B. tagpuan C. kasukdulan D. kakalasan
20. Ang elemento ng maikling kuwento na naglalaman ng kinahinatnan ng mga pangyayari.
A. tauhan B. tagpuan C. tunggalian D. wakas

Teksto E

21. Ang mga salitang may salungguhit ay


A. Pangngalan B. Pahayag sa pagbibigay patunay C. Retorikal na pang-ugnay
22. May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Anong retorikal na pang-ugnay ang ginamit sa salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap?
A. pagsasalaysay C. pang-ukol
B. pang-angkop D. pangatnig
23. “Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.” “Ayoko po,” tugon niya. Ngunit na ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang
ama sa anak na bunso at gayundin ang kanyang sinabi. “Opo,” ang tugon nito. Para sa iyo, sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang
ama?
A. anak na nakatatanda C. parehas
B. anak na bunso D. walang sumunod
24. Ang pagsunod sa utos ng ama ay mahalaga ____________ nagpapakita ito ng respeto at pagmamahal. Alin sa sumusunod ang angkop sa patlang
na retorikal na pang-ugnay?
A. at C. bagkus
B. pati D. sapagkat
25. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, “Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.” Ang retorikal na pang-ugnay na ginamit sa loob ng
pahayag ay ________________.
A. sa C. ka
B. anak D. ngayon
26. Ang paghalik sa kamay ay tanda ng pagmamahal para sa ating magulang. Ang retorikal na pang-ugnay na may salungguhit sa loob ng
pangungusap ay __________________.
A. pagsasalaysay C. pang-ukol
B. pang-angkop D. pangatnig
27. Ang retorikal na pang-ugnay ay mahalaga upang __________________.
A. makita ang kaugnayan ng isang pangungusap o sa bahagi ng teksto
B. mapunan ang nawawalang bahagi ng pangungusap
C. mabuo ang diwa ng isang pahayag
D. maging maganda pakinggan ang isang salita o pahayag
28. Nais kong pumasok sa trabaho ngunit may sakit ako. Ang retorikal na pang-unay sa loob ng pangungusap ay _______.
A. nais C. may
B. ngunit D. loob
29. ________________ ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak. Hindi nila natiiis kailanman ang kanilang anak _____________ ang
anak ay kayang tiisin ang kanilang magulang. Anong retorikal na pang-ugnay ang angkop sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. Kailanman - at C. Bukod-tangi - subalit
B. Subalit -ng D. Ngunit – dahil

II. PAG-AANALISA
Gamit ang “Fish Bone Teknik”. Itala ang naging sanhi at bunga ng mga sumusunod na sitwasyon na hango sa tekstong “Nakalbo ang Datu”. Pillin sa
ibabang bahagi ang titik ng tamang sagot.

lubhang naging nag-isip si nakalbo


abala ang Datu Hasmin ng
31 ang Datu
sa pamamahala paraan up ang 33
sa kanyang maging bata ang
SANHI nasasakupan Datu

natuto ring pagpapatunay na


BUNGA sila ay
umibig ang Datu magsintanda
30 32 lamang 34
a. binunot ang mga mapuputing buhok

b. tumandang binata

c. tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga mapuputing buhok ng Datu

d. labis na pagmamahal nina Hasmin at Farida

e. sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho

35._________, ikaw ang naging kabuoan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring ipuno sa patlang upang ito ay mapatotohanan?
A. Talagang C. Sa totoo lang
B. Tunay na D. Sa tingin ko
36. “Baka umulan ng malakas mamayang gabi.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?
A. pag-aalinlangan C. posibilidad
B. panghuhula D. pag-aalala

37. 1.) Marahil ay 3. marami nang napatay

2.) mabagsik ang matandang asong iyon 4. bulong niya sa sarili

Alin sa mga salitang may salungguhit sa loob ng kahon ang nagpapahayag ng posibilidad?
A. bilang 1 C. bilang 4
B. bilang 3 D. bilang 2
38. “Harinawa’y magtagumpay ka sa iyong mithiin.” Anong damdamin ang isinasaad ng salitang may salungguhit.
A. takot C. pag-asa

B. saya D. galit
39. Anong uri ng pangungusap ang, “Aray.”
A. walang paksa C. tambalan
B. payak D. paturol
40. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangungusap na walang paksa maliban sa isa. Alin ito?
A. Maginaw ngayon! C. Lumilindol!
B. Alas dose na. D. Maliligo sila bukas.

III. PAGLALAPAT
PANUTO. Gawan ng “plot diagram” ang mga pangyayari sa maikling kuwentong “Ang Reynang Matapat.” Isulat ang mga titik ng mga detalye sa
patlang bago ang bilang upang mabuo ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

43. ________ kasukdulan

42. ________ papataas na 44. ________ pababang


aksyon aksyon

41. ________ eksposisyon 45. ________ wakas

A. Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad, namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga-Kutang Bato dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng
patakaran, paggalang, paggawa at katapatan ng kanyang mga tauhan.

B. Ipinagbiling mahigpit ni Reyna Sima sa kanyang nasasakupan na walang gagalaw sa nasabing supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna
Sima sa kanyang nasasakupan nang sa gayon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot na ginto.

C. Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namumuno sa kaharian ng kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya dahil sa kanyang katalinuhan, katapatan at
sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan.

D. Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.

E. Minsan, isang negosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng ginto sa isang mesa sa palasyo.

You might also like