You are on page 1of 3

DEPARMENT OF EDUCATION

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of City Schools
GODOD NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Godod, Zamboanga del Norte

Unang Markahang Pagsusulit


FILIPINO VII
Pangalan: _____________________________________________________ Iskor: __________________
Baitang at Seksyon: __________________________________________ Petsa: __________________

I. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot
sa patlang bago anng bilang.

________1. “Nakakahiya, ngunit totoong ang ating panahon ay henerasyon na ng panggagaya, panghuhuwad, panloloko,
krimen, pagsasamantala...”
A. pagkadismaya B. pagkainggit C. paghanga D.pagkabagabag
________2. “Tuwinig mangingibang-bansa ka’y nagiging hungkag at tuyot ang buhay naming mag-iina. Kailangan nating
subaybayan ang mga bata sa kanilang paglaki.”
A. pangungulila B. pagmamahal C. pagbabanta D. pagkadismaya
________3. “Hindi ko naman inaasahang maging Rizal ka, o Bonifacio, o Magsaysay ka; ngunit isipin mong maliit mang
kandila’y nakapagbibigay rin ng liwanag. Anak, nangangapa na ang marami sa lumalaganap na kadiliman!”
A. pagpapaalala B. pagkainis C. pagmamalaki D. pagyayabang
________4. “Sa harap ng mga kasalukuyang pangyayari, hindi ko malubos-isipin kung paano ‘muling dadakila’ ang
Pilipinas”
A. maawain sa sarili B. mapagmalaki C. nawawalan ng pag-asa D. mapagmahal
________5. “Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka’t katiwaliang aking nakikita, nadarama, nababasa. Sayang at
hindi ako naging nobelista o mandudula, kung nagkatao’y baka isang Noli na rin o isang Kahapon, Ngayon at Bukasang
masusulat ko.”
A. natatakot B. nadidismaya C. nalulungkot D. nagbabanta
________6. Ayon sa kuwentong-bayan na Munting Ibon, sino ang pangunahing tauhan na mapanlinlang at tusong
maituturing?
A. Lokes A Babay B. Usa C. Malaking ibon D. Lokes A Mama
________7. Sa palagay ninyo, bakit nangangamba parati si Kamamwen para sa kaligtasan ng kanyang ina?
A. Nagandahan siya sa kanyang natanaw sa kalawakan. C. Nais niyang magkaroon ng pagkain dahil siya ay
nagugutom na
B. Laging tinataguan siya ng kanyang ina D. Nais kainin ang kanyang ina.
________8. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari na nagpapatunay na Epiko ang akdang Biag ni Lam-ang. Maliban sa
isa, ano ito?
A. Pitong buwan pa lamang si Lam-ang ay kaya na nitong lumakad, magsalita at may pisikal na pangangatawang
pambinata na.
B. Si Lam-ang ay naghigante laban sa mga igorot dahil sa ginawa sa kanyang ama.
C. Ang alagang aso at tandang ni Lam-ang ay kayang itumba at muling isaayos ang bahay gamit lamang ang
pagtahol at pagtilaok ng mga nito.
D. Tinipun-tipon ang mga boto ni Lam-ang bago tinabunan ng pula na panyo para muli siyang mabuhay
________9. Ang ginawang paghihiganti ni Lam-ang laban sa mga Igorot ay isang __________________________.
A. paghanga B. pagkutya C. pagkamuhi D. pakunwari
________10.Ano ang mensahe sa akdang Munting Ibon?
A. Maging tapat at ‘wag manloko ng kapwa. C. Magpakumbaba sa tuwina.
B. Ang ayaw mong gawin sa iyo, ‘wag gawin sa iba. D. Maging matalino sa lahat ng bagay.
________11.Batay sa akdang Si Kamamwen, saan ang tagpuan ng kwento?
A. Baybayin B. Siyudad C. Kagubatan D. Kapalayan
________12.Sino ang tauhan na may kakaibang kakayahan na kayang gawin ng mga ordinaryong tao?
A. Lam-ang B. Lokes-A-Babay C. Kamamwem D. Lokes-A-Mama
________13.Ang taglay na katangian ng pangunahing tauhan sa akdang Biag ni Lam-ang ay _________ .
A. kabutihan B. katapangan C. kasipagan D. kaguwapuhan
________14.Anong damdamin ang mahihinuha sa ginawang pagsugod ni Lam-ang sa mga Igorot?
A. naghihimagsik B. naghihinanakit C. nagmamakaawa D. nangingimi

15-18. Basahin ang akda sa ibaba at tukuyin kung anong elemento ng akda ang may salungguhit. Piliin ang titik ng

Noong araw, may isang 15. batang lalaking tinatawag na Sinungaling. Isa siyang matalinong bata, ngunit
gaya ng sinasabi ng kanyang pangalan, madalas ay ginagamit niya ang kanyang katalinuhan sa pagsisinungaling.
16.Nasisiyahan siyang lokohin ang ibang tao sa paligid niya. Lahat ay nagiging biktima ng kanyang kasinungalingan,
maging ang kanyang tiya at tiyo na nagpalaki sa kanya pagkamatay ng kanyang magulang. 17. Habang naghihintay
sa hawla si Sinungaling, isang bulag na lalaki ang nagdaan sa may 18. pampang ng ilog.

tamang sagot.
A. TAUHAN B. TAGPUAN C. BANGHAY D. MENSAHE

15._________ 16.__________ 17._________ 18.____________

________19.Mula sa akdang “Munting Ibon”. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. Hatinggabi B. Katanghaliang tapat C. Madaling-araw D. Papalubog na ang araw
________20. Kitang-kita sa kanya ang pagiging tuso. Ano ang kasalungat ng salitang tuso?
A. taksil B. mabuti C. traydor D. sukab
21-25.Panuto: Ang mga sumusunod na pangungusap ay magkakaugnay at tumutukoy sa iisang paksa. Basahin at
unawaing mabuti ang mga ito at isulat ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng kaisipan. Isulat ang letrang A, B, C, D,
E.
________21. Maingat din ako sa aking pananalita lalo na kapag ako’y nangangatwiran sapagkat ayaw kong makasakit ng
damdamin ng aking kapwa.
________22. Sa kasalukuyan, nililimi kong mabuti ang maaaring mangyari bago ako magpasya.
________23. Anupa’t malaki ang pagbabagong naganap sa aking katauhan.
________24. Noong ako’y bata pa, nagsasalita ako, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata.
________25. Ngayong ako’y mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang asal bata.

26-35. Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang mga salitang nakasulat nang madiin. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.

HINDI MAGANDANG MUKHA NG BUHAY


Kung may mukha ng kasamaan ang buhay ay mayroon din itong 26. magandang mukha– ang maging
mayaman, 27.matalino at magkaroon ng magandang pag-uugali. Ang karunungan at salapi ay kapwa magandang
instrumento na maaaring magamit sa pag-unlad ng buhay ngunit ang pagkakaroon ng 28.mabuting pag-uugali ay
magiging basehan upang magamit nang wasto at maging kapaki-pakinabang ang mga ito.Ilan sa magagandang ugaling
dapat taglayin ng 29. tao ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili, ang pagiging masipag, produktibo at pagiging tapat at
mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Ang pagtitiwala sa sariling kakayahan ay ang paniniwala ng tao sa kanyang
katangian upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay. Ayon sa karanasan ngmarami, magkaroon man ng 30.
maraming karunungan o salapi ang isang tao kundi namanniya ito magagamit dahil sa kawalan ng paniniwala sa
sariling kakayahan ay mawawalalamang itong parang bula sa kanyang mga kamay. 31. Samantalang ang pagiging
tapat at mapagkakatiwalaan ang maaaring magingpuhunan ng tao 32.upang magkaroon ng magandang relasyon sa
kapwa. Nagkakaroon ng maraming kaibigan ang tao kapag siya ay tapat at mapagkakatiwalaan. 33.Siya ay
nakatatagpo ng tunay na 34. kaibigang nagiging karamay niya 35. at tagapagtanggol sa oras ngpangangailangan.

A. PANG-URI B. PANGHALIP C. PANG-ABAY D. PANDIWA


26. _______ 27._______ 28.________ 29.__________ 30.____________
31. _______ 32._______ 33.________ 34.__________ 35.____________

_______36. Ang akdang Munting Ibon ay nagpapakita ng ilang mga kaugaliang Maranao. Alin sa mga nabanggit ang
nagpapakita ng kaugaliang Maranao?
A. Ang mga kalalakihan ang may karapatang makipaghiwalay sa mag-asawa.
B. Ang mga asawang babae ay di dapat bigyang-halaga dahil mas nakatataas ang mga kalalakihan.
C. Walang karapatang magreklamo ang mga asawang babae.
D. Kapag kumakain ang mag-asawa dapat hindi imbitahin ng lalaki ang asawa nito sa hapag-kainan
_______37. “Kahit na anong mangyari ay huwag kang mag-iingay para di ka niya Makita at makain” habilin ni Kamamwen
sa kanyang ina bago umalis sa kanilang tahanan. Anong kaugalian ang pinapakita dito?
A. Pagbabaliwala sa Ina C. Kinahihiya ang Ina
B. Pag-aalala para Ina D. Pag-aasikaso sa kanyang Ina

_______38.” Si Lam-ang ay naabiso na ng kanyang asawa tungkol sa kanyang nalalapit na kamatayan . Ito raw ay
napaginipan nito kung paano at saan siya namatay kaya bago umalis si Lam-ang ang nagbilin si Lam-ang kung ano ang
marapat gawin ng asawa.” Anong kaugalian ang mahihinuha dito?
A. Ang paniniwala sa mga kasabihan C. Ang paniniwala sa mga prominisyong nakikita sa panaginip
B. Ang paniniwala sa mga payo ng katandaan D. Ang pagsunod sa mga napapanaginipan

_____39. “Ang matabang usa ay niluto at kinain ni Lokes-A-Babay na di man lang inimbitahan ang kanyang asawa na si
Lokes-A-Babay.” Sa pahayag na ito, ip[inakita ang pagtrato ng asawang lalaki sa babae na salunggat sa dapat na
pakikitungo nito. Ano ang tamang pagtrato ng Lokes-A-Babay sa asawa?
A. Dapat ay bigyang respeto at halaga ang mga kabiyak sa buhay o asawa.
B. Dapat ay ipakita ang pagkakaiba ng estado ng respeto sa bahay.
C. Dapat nag-alok si Lokes-A-Babay ngunit parin bibigyan ng anumang pagkain ang asawa.
D. Wala sa nabanggit

_____ 40. “Payag na ako sa hiwalayang nais mo” ang pahayag na ito ay nagpapahiwatig ng anong kaugaliang muslim?
A. Lalaki ang may karapatang makipaghiwalayan sa isang relasyon
B. Sa buhay mag-asawa, magkakaroon lamang ng hiwalayan kung ang lalaki ang unang makikipaghiwalay.
C. Lahat nang nabanggit
D. Wala sa nabanggit

You might also like