You are on page 1of 3

SIKAP

FILIPINO 8
Ikatlong Markahan

Pangalan: _____________________________________________ Grado at Seksiyon: ______________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at sagutin ito nang buong katapatan. Isulat lamang ang letra ng napiling
tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.

Para sa bilang 1- 4

Nasaktan ang lalaki at tila nawasak ang kanyang puso. Gayunpaman, gusto niyang maging masaya ang nobya kaya pinapalaya na niya ito.

“ Sana’y mahanap mo ang tunay na kaligayahan ngayong nakakakita ka na”, sabi ng nobyo. “ Isa lang ang hinihingi ko, ingatan mo ang iyong mga
mata bilang alaala sa tunay kong pagmamahal sa iyo…. Dahil ang mga mata mo ngayon ay ang dating mga mata ko.”

- Sipi sa site ni Jim Lloyd sa https://buklat.blogspot.com/2017/12/bulag-malungkot-na-kuwento.html

_____1. Alin sa ibaba ang tumutugon sa tono ng teksto?


A. Nalilito B. Nagagalit C. Nalulungkot D. Nangangamba

_____ 2. Ano ang nangingibabaw na kaisipan sa tekstong binasa?


A. Iisiping mabuti ang mga desisyon sa buhay.
B. Huwag magpapadala sa bugso ng damdamin.
C. Magdesisyon nang nasa mataas na emosyon.
D. Uunahin ang sariling kapakanan bago mag-abot ng tulong sa iba.

______ 3. Ano ang iyong pananaw ukol sa ginawa ng lalaki batay sa teskto na magpapatunay sa isang wagas at dalisay na pag-ibig?
A. Hindi magandang tularan ang pag-ibig na mayroon ang lalaki.
B. Kahanga-hanga ang ginawa ng lalaki para sa babaeng iniibig.
C. Hindi siya nakapag-iisip nang maaayos dahil kinabukasan niya ang nakataya.
D. Walang nakapagbigay payo sa kanya mula sa kaniyang pamilya kaya niya nagawa ang ganoon.

______ 4. Ano ang kahulugan ng tunay na pag-ibig batay sa teksto?


A. Matiisin at magpaparaya.
B. Sukatan ng pagiging totoo sa nararamdaman.
C. Laging naghihintay ng kapalit at hindi alintana ang sakit.
D. Handang ibuwis ang buhay ng iba para sa taong minahal.

______ 5. Isang mahirap na batang lalaki ang naglalako ng mga paninda sa bahay-bahay upang makapag-aral. Gutom na gutom siya isang araw,
ngunit nang tingnan niya ang natitira niyang pera, hindi ito sapat para makabili kahit isang tinapay. Nagdesisyon siyang kumatok sa isang
pintuan para humingi ng pagkain, subalit nang mabuksan ang pinto at lumabas ang isang magandang dalaga, napahiya siya at humingi na
lamang ng isang basong tubig.

- Sipi sa page ni Jim Lloyd sa https://buklat.blogspot.com/2017/12/isang-basong-gatas-kuwentong-may-aral.html

Ano ang angkop na tono sa teksto?


A. Masaya B. Nagbibiro C. Nagagalit D. Malungkot

______ 6. Isa sa mga mahahalagang gawain ng mga personalidad sa radyo at telebisyon ay ang pagpili ng paksang tatalakayin sa palabas.
Maaaring isipin na tulad din ito ng pagpili sa mga sasabihin sa pagsulat ng isang sanaysay o sa isang proyekto. Ibig sabihin dapat na
mahalaga rin ang pagpili ng mga makabuluhang paksa sa mga pag-uusap sa radyo at telebisyon. .

Bakit mahalagang maiuulat ang mga impormasyong nakalap ukol sa isang paksa?
A. Upang marami ang makasalamuha ng tagapag-ulat.
B. Para tumaas ang tiwala at respeto ng tao sa tagapag-ulat.
C. Upang makapagbigay ng wastong impormasyon sa taumbayan sa makabuluhang paksang inilahad.
D. Para lumawak ang kaisipan ng isang tagapag-ulat sa pamamagitan ng walang humpay na pagbasa, pag-iisip, panunuri at paglalahad o
paglalapat ng interpretasyon.

Para sa bilang 7 -8

Sa panonood ng balita ay mas lalong naging bukas ang isipan ng isang manonood kung ano nga ba ang
tunay na nagaganap sa loob at labas ng bansa. Mas madaling makuha ang mga detalye o nasaksihan mismo ng
manonood. Kung minsan kasi, nahihirapan sa pagkuha sa mga detalye ng balita ang isang tao kapag ito’y
nakikinig lalo pa’t nawawala ito sa pokus.
______7. Bakit mas pipiliin ng karamihan ang manood ng balita kaysa makinig sa radyo?
A. Sapagkat nakikisabay sa takbo ng panahon.
B. Naging matalino sa pagtitimbang-timbang ng opinyon.
C. Mas nakaaangat ang dating sa lipunan kung nanonood ka.
D. Dahil mas madaling makuha ang mga detalye at nakawiwili.

______8. Paano maiuugnay ang mga balitang nakalap mula sa telebisyon, radyo, internet at iba pa sa pang-araw-araw na buhay ng tao?
A. Lamang sa kapwa sa aspeto ng katalinuhan.
B. Naging mapanuri sa mga bagay-bagay na narinig.
C. May basehan upang maging mapanghusga sa mga nagaganap.
D. Nagkaroon ng mga kabatiran ukol sa mga nagaganap sa loob at labas ng bansa.

______9.
Ang sintomas na makikita o mararamdaman ng taong positibo sa Covid-19 virus ay lagnat, ubo,
pananakit ng lalamunan, pagkawala ng panlasa, pang-amoy at paninikip sa paghinga. .
Paano ipinararating ang mensahe na nasa loob ng kahon sa mambabasa?
A. Nagsasabi ng hinuha C. Nagpapaunawa ng opinyon
B. Nagsasaad ng katotohanan D. Nagpapahiwatig ng Interpretasyon

Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking
______ 10.
ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking
isusulat ay higit na mauunawaan at makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko,
dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay
pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

- Halaw sa “ Sa Gitna ng Dilim” ni Mil Adonis

Anong hinuha ang angkop sa dokumentaryong “ Sa Gitna ng Dilim”?


A. Nangangarap na guminhawa ang buhay.
B. Nagpapahiwatig na walang ilaw sa kanilang lugar.
C. Nagbabakasakaling may makarinig sa kaniyang paghihirap.
D. Sa gitna ng kahirapan marami pa ring pagsubok o balakid ang kinakaharap.
______11. Alin sa pahayag sa ibaba ang HINDI nagsasaad ng positibong pananaw?
A. Walang kapaki-pakinabang ang mga ordinansang ipinatutupad.
B. Tama lamang na gabayan ang mga bata sa panood ng telebisyon.
C. Sapat na sa amin ang ayudang natanggap dahil kahit papaano ay nakararaos naman.
D. Tunay na nakatutulong sa kaayusan ng pamayanan ang pagsunod sa mga alituntunin.

______ 12. Gaya ng pelikula, ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisislbing
libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan,
pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa
katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.

Paano nakatutulong ang mga programang pantelebisyon sa kamalayan ng mga kabataan sa kasalukuyan?
A. Nalinang ang kamalayan sa social media.
B. Mas nahahasa ang kanilang galing sa paghihinuha.
C. Naging mulat at gising sila sa katotohanang kinakaharap ng ating lipunan.
D. Lalo silang naging agresibo sa kanilang mga layunin kahit may nasagasaan.

______ 13. Hindi ininda ni titser ang nararamdamang uhaw, gutom at hirap sa paglalakbay marating lamang ang paaralang pinagtuturuan na kung
saan naghihintay ang mga batang-paslit.

Ano ang iyong mahihinuha ukol sa katangian ng guro?


A. Kapuri-puri ang trabaho niya. C. May kahanga-hangang dedikasyon sa trabaho.
B. Kakaiba ang lakas ng katawan. D. Marunong makibagay sa kinabibilangang lugar.

Para sa bilang 14 - 15

Ang pelikulang “Anak” ay umiikot sa buhay ng isang inang naging domestic helper--- si Josie Agbisit. Iniwan niya ang kaniyang pamilya sa Pilipinas sa
hangaring mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang tatlong anak. Matagal na panahon siyang nagtrabaho at hindi nakauwi mula sa Hongkong kahit
nang mamatay ang kaniyang asawang si Rudy. Kinulong siya ng kaniyang amo at hindi pinayagang makabalik sa Maynila. .

______ 14. Ano ang pinakamainam na gagawin ng isang anak kung sakaling iiwanan ka ng iyong ina upang maghanapbuhay para maibigay ang
iyong pangangailangan?
A. Magrerebelde ka sa buhay.
B. Magtatampo ka sa iyong ina.
C. Sasama ka sa barkada upang mawala ang lungkot.
D. Intindihin mo ang iyong ina at ibigay mo ang iyong suporta.
______ 15. Alin sa mga sumusunod na isyu ang kinakaharap ng mga tauhan sa buod ng pelikulang “ Anak” ang hindi kabilang?
A. Ang pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na
nagtitimbang at nagpapasiya sa katangian nito.
B. Nagagalit ang anak sa magulang dahil umalis ito upang maghanapbuhay para maibigay ang pangangailangan ng mga anak ay
karaniwang tanggap na ng mag-anak at maging ng lipunan.
C. Ang kalagayan ng mga OFW sa ibang bansang naaabuso o napagsasamantalahan ng mga amoi dahil sa kakulangan ng batas na
magpoprotekta sa kanila roon at tapang na ipaglaban ang kanilang karapatan.
D. May mga pamilyang dumaranas ng problemang pinansiyal, ang iba naman ay may kinalaman sa di-maayos na relasyon sa loob ng
sambahayan, o kaya naman ay may miyembro ng pamilyang nasasangkot sa masasamang bisyo o barkada.

“ Kaya ‘wag na ‘wag mong sasabihin sa akin na alam mo ang totoo at hindi totoo para sa amin dahil wala kayong alam’, linya ito ni
______ 16. Carla sa pelikulang “ Anak”.

Alin ang ankop na tema ng binasang talata?


A. Pagkabata. C. Pagsasakripisyo ng magulang.
B. Paghanga sa magulang. D. Paghahanap ng kalinga mula sa ina.

______ 17. Paano natin maipahahayag ang ating sariling pananaw o opinyon tungkol sa isang isyu nang hindi makasasakit ng damdamin?
A. Hindi magsasalita para walang masasaktan.
B. Isusulat na lamang sa papel ang gusto mong sabihin.
C. Dapat maging positibo sa pagharap sa mga problema o suliraning dumarating sa ating buhay.
D. Kailangan maging magalang, may respeto at malumanay sa pagbibigay ng ating mga opinyon.

______ 18. Napakahalaga ng ginagampanang papel ng mass media sa buhay ng tao. Ang iba’t ibang midyum nito tulad ng broadcast media,
print media, popular na panitikan maging ang mga video technology ay nagsisilbing mabisang mekanismo ng pagbabago ng kulturang
Pilipino sapagkat may kakayahan itong baguhin ang mga paniniwala, pag-iisip at pagpapahalaga ng mga tao sa mabilis na paraan. Kaya
naman sa kasalukuyang panahon ang lahat ng ito ay magagamit na instrumento sa kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social
awareness campaign. Ang mga kampanyang ito ay nakatutulong upang mabigyang kabatiran ang mga tao tungkol sa isang tiyak na isyung
nagaganap sa ating lipunan. Nagagamit din ito upang himukin ang mga mamamayang suportahan ang isang proyektong makatutulong sa
paglikha o pagsisimula ng isang pagbabago. ( Alma M. Dayag, et.al, 2015)

Paano makatutulong ang kampanyang social awareness sa ating lipunan ukol sa mga isyung dapat tutukan?
A. Nagbibigay-daan sa mga kabataang nangangarap.
B. Nagbunsod ng pagkamulat sa mga mamamayan na umaksyon.
C. Nagdudulot ng wastong impormasyon sa paksa upang di-makibaka.
D. Naging daan upang makilala ang isang tao sa larangan ng pagsulat.

______19.
Sa pag-aaral, lumalabas na 82% ng mga bata sa Pilipinas ang nakaranas na ng pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang mga
magulang. Ayon naman sa UNICEF, 60% ng mga nanay sa Pilipinas ang umaming pinarurusahan nila ang kanilang mga anak at 3% sa
kanila ang gumagamit ng matinding pananakit.

Alin sa ibaba ang dahilan kung bakit lumalabas sa pag-aaral na malaki ang porsiyento ng mga bata sa Pilipinas ang nakararanas ng pisikal na
pananakit sa kamay ng mga magulang?
A. Maraming trabaho ang mga magulang.
B. Iba na ang tinatahak na landas ng mga kabataan ngayon.
C. Hindi na kayang kontrolin ng mga magulang ang kanilang mga anak.
D. Wala ng pakialam ang mga magulang sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

______ 20.
Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio, ang Komentaryong panradyo ay pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at
pagtuunan ng pansin.
Ang pagbibigay ng opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita.
Aling pahayag sa ibaba ang nagsasaad ng katotohanan ukol sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw/ opinyon tungkol sa mga kabataan?
A. Dapat matibay ang loob kahit sa mga bashers.
B. Dahil mas napalawak nito ang kaniyang mundo.
C. Nagiging madali ang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
D. Nakatutulong ito upang higit na maging epektibo ang pagsasalita ukol sa isang isyu o paksa.

You might also like