You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 10

Pangkalahatang Panuto: Basahin ang mga lunsaran at batayang teksto sa pagsagot sa mga
kasanayan sa bawat aytem. Isulat sa sagutang papel ang pinakamalapit na sagot.

I. Tukuyin mula sa mga pahayag ng mga tauhan ang kanilang saloobin, reaksyon at tunggalian. Isulat
sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

Ikaw ay malakas kaysa sa tingin ko lamang. Anong kakayahan ang mahusay kayo ng mga
kasama?Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki wika ni Utgaro-
Loki

____1. Anong damdamin ang lutang sa pahayag ni Utgaro-Loki kay Thor?


A. Tiwalang hindi madadaig ni Thor ang kanyang Kapangyarihan.
B. Sobrang mayabang sa sarili dahil alam niyang sa laki pa lamang ay lamang na sila.
C. Panatag ang kalooban dahil alam nilang kanila teritoryo ang pinasok nina Thor at ng mga
kasama.
D. Natatakot at nagtatapangtapangan lamang dahil alam niyang malakas at may
kakayahan si Thor na magapi sila.
____2. Anong tunggalian ang nangingibabaw sa binasa?
A. tao vs kalikasan B. tao vs. hayop C. tao vs. sarili D. tao vs tao/ ibang elemento
____3. Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa aking sarili malakas na sabi ng matanda, at napatay
ko siya ng mahusay (mula sa Ang Matanda at ang Dagat)
A. masaya B. nagyayabang C. nagulat D. natatakot

Beinte Pesos, ang wika ni Madame, Bayaran ninyo ako agad, ang wika ni Delia.
____4. Bakit ganoon ang pagnanais ni Delia na bayaran siya kaagad?
A. dahil iyon ang halagang kapalit ng kanyang buhok.
B. nagmamadali siya at mayroon pang pinaglalaanang mahalagang gagawin.
C. naniniguradong bago gupitin ang buhok at nasa sa kamay na ang biente pesos.
D. kakaripas siya ng alis at hindi na siya babalik para ipaputol ang buhok dahil ayaw ni Jim.
Kagabi po ay sa labas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng
bahay (karanasan ng batang si Amelia sa Ako poy Pitong Taong-Gulang)
____5. Suriin ang hindi dahilan sa mga nakatala sa ibaba/
A. Sadyang may kalupitan ang kanyang mga amo.
B. Nahuli ng uwi mula sa Eskwela kaya pinagsarhan siya ng pinto.
C. Parusa sa kanya kapag may ayaw ang kanyang mga amo o mainit ang ulo.
D.Walang malasakit at pagmamahal ang kanyang mga amo sa kanya kaya sila salbahe.
Pinaputukan kami ng mga security guard ng RCBC ng limang beseswika ni Jojie.
____6. Tukuyin ang nangingibabaw sa damdamin ng mga bata?
A. kalmado B. kinabahan C. nagulat D. natakot
II. Mula sa pagsusuri sa mga genra, elemento, kaisipan, kakanyahan, mensahe, reaksyon, damdamin,
paksa at implikasyon sa bawat aytem, isulat sa sagutang papel ang titik ng pinakatamang sagot.
____7.Ang tula ay matalinhagang pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Isa sa mga elemento
nito ang gumagamit ng matalinhagang salita, alin sa mga nakatala?
A. Tema B. Tugma C. Karikitan D. Larawaydiwa

Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalaban at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin, ang
lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paanong
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nananatili sa kahihiyan ang bansa
sapagkat hindi nawawala ang kahirapan at nagkakaroon ng mga hadlang upang patunayang
maunlad na nga tayo bilang mamamayan.
Hindi ako titigil hanggat may Brazillians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyar na
pakalat kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahirap na batang
tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain,
kapayapaan at kaligayahan. Ito ang panagarap na pagsisikapan kong tuparin.

____8.. Ano ang paksa ng binasang lunsaran?


A. pag-asa at pag- unlad B. pamilya at pagkakataon
C. pagsugpo sa kahirapan D. pagtupad sa pangako
____9.Sino at kanino nakapatungkol ang unang talata?
A. Dilma Rousseff para kay Pangulong Lula. B. Pangulong Lula para sa mga kababayan.
C. Brazillians para sa mga kababayan. D.Rousseff Para sa mga Brazillians.
____10. Ano ang ipinapangako ng tagapagsalita sa mga kausap?
A. Tinitiyak ng kanyang pamahalaan ang paglalaban.
B. Paglaban at pagsugpo sa kanyang pamahalaan.
C. Lalaban at susugpuin ang droga at pang-aabuso.
D. Pagkakataon sa lahat at labanan ang kahirapan.
____11. Tukuyin ang implikasyong nakapaloob sa ikalawang talata.
A. Hindi naging mabuting pangulo si Lula.
B. Mahirap mapaunlad ang bansang maraming kumakalaban.
C. Hindi naiahon sa kahirapan at kahihiyan ang mga Brazilllians sa panahon ni Pangulong Lula.
D. Sa dalawang termino ni Lula, nagkaroon ng mga pagkakataong umunlad din naman ang
mga mamamayan.
____12. Surii n ang nilalaman/mensahe ng Ikatlong talata.
A. Lahat ng mga Brazillians ay pakakainin ng pamahalaan.
B. Pangarap na walang pamilyang Brazillian ang nagugutom.
C. Pagsisikapang maiahon mula sa kahirapan at walang magugutom na Brazillian.
D. Bubuo ng pamilyang kakalinga sa mga walang pagkain, nakakalat sa daan, inabandona
ng mga magulang.

Natapos na siyang magayos ng silid aralan. Dinampot ang ilang duming hindi naisilid sa sakong
mga naglinis, nabunot at napatay na rin lahat ng ilaw at bentilador. Tiniyak na naikandado ang mga
pinto.
Nagmamadaling umuwi upang mabigyang panahon ang lulutuing ulam para sa mga anak,
nakasuot pa ang uniporme subalit nakasalang na sa kalan ang sinaing at ulam na pagsasalu-saluhan
ng pamilya. Isasabay sa pagpapakulo sa karneng pinalalambot ang pagbibihis ng pambahay.
Tatawagan ang atensyon ng mga anak para sa mga takdang gawain, parang sirang plakang
paulit ulit na sinasabing iyon lamang ang dakilang pamana na maiiwan sa kanila.
Magsasalo- salo at magpapasalamat sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos, Pagdalangin at
muling paghingi ng biyaya sa darating na bukas.
Matapos mailigpit at mahugasan ang mga plato sa tulong ng mga anak ay titiyaking ang
bawat isa sa kanila ay nakapag ayos na ng gamit at handa na para sa kinabukasan.
Siya, noon pa lamang sisimulan ang dapat gawin para sa kanyang misyon, sumulat para sa DLL,
ihahanda ang mga pagsasanay para sa mga estudyanteng ilalaban sa timpalak, iisip ng bagong
estratehiya para sa mga non- readers. Lumalalim ang gabi subalit hindi pa niya ipapahinga ang mga
mata, subalit kailangan niyang ihanda rin ang katawan para sa mga batang naghihintay sa kanya
kinabukasan.
_____13. Anong anyo/genra ng panitikan ang binasa?
A. Sanaysay B. Dagli C. Maikling kuwento D. Lathalain
_____14. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
A. anak B. guro C. non readers D. mag-aaral
_____15.Tukuyin ang mensahe ng binasa.
A. Pagod ang karakter sa teksto C. Mahirap na trabaho ang pagiging guro
B. Dakila ang maging gurong- ina D. Pweding pagsabaying ang maging ina at guro
_____16. Buuin ang pahayag na, Ang pagiging guro at ina ay________
A. mahirap pagsabayin B. isang trabaho at obligasyon
C. naitalagang misyon D. dapat paghiwalayin
______17. Alin sa mga pahayag ang hindi nauugnay sa binasang lunsaran?
A. Hindi natatapos sa walong oras ang trabaho ng guro.
B. Bago ang sarili, sa mga anak at estudyante na muna.
C. Ang pagiging ina ay sa bahay lamang at ito ay para sa mga anak lamang.
D. Ang paghahanda para sa kinabukasang pagtuturo ay Hudyat ng pagiging mabuting tao.

Pero hindi nilikha ang tao para magapi, sabi niya. Maaaring umiwas sa akin ang isang tao pero hindi siya
magagapi. Nagsisisi ako na napatay ko ang isda sa loob-loob niya. Parating na ngyon ang masamang
Panahon at wala man lang ako salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino.
Pero mas matlino ako kaysa kaniya. Siguroy hindi, sa loob-loob niya. Siguroy mas armado lang ako.

_______18. Ilarawan ang damdamin o kakayahang mayroon at nagingibabaw sa matanda mula sa binasa.
a. determinasyon b. lakas ng loob c. pangamba d. takot
A. a-b B. b-c C. c-d D. a-d
______19.Mula sa binasa, alin sa mga elemento ang litaw sa bahagi ng teksto?
A. tagpuan B. tauhan C. pananaw D. simbolismo
______20.Paano kinakitaan ang matanda ng positibong reaksyon sa kabila ng kanyang sitwasyon?
A. pero hindi nilikha ang tao para magapi
B. nagsisisi ako at napatay ko ang isda
C. Maaring wasakin ang tao pero hindi siya magagapi
D. Malupit ang dentuso pero mas matalino ako kaysa sa kanya.
_____21. Huwag kang mag-isip tanda, malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin
ang anumang darating. Ano ang ebalwasyon o nakikita mong nais ipaabot ng pahayag?
A. Hindi kailangan sa pagkakataong ito ang pagsusuri higit na kailangang maging handa.
B. Nakalimutan niyang mag-isa lamang siya sa gitna ng dagat at kailangang maging gising palagi
sa kanyang paglalayag.
C. Magpatuloy sa laban, damihan pa ang kailangang mahuling isda dahil malayo na ang
kaniyang nasusuong.
D. Kalimutan muna ang dentuso at bilisan ang paglalayag, harapin na lamang kapag andiyan na
at umaatake.
_______22.Ang bawat pangyayari sa nobelang Ang Matanda at ang Dagat ay sumasalamin sa
katotohanan. Ang karanasan ay naglalarawan sa tunay na buhay.Anong pananaw ang litaw o
lutang dito?
A. Eksistensyalismo B. Humanismo C. Realismo D. Romantesismo
Kinaumagahan, si Thor at ang kanyang mga kasamahan ay nagbihis at naghanda na sa
paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa kanilang paghihiwalay
tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung
saan ay may nakilala ba
itong mas malakas kaysa sa kanya (utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya maikakaila na nalagay siya
sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil ay iniisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito
ginusto.
______23.Anong elemento ng mitolohiya ang mga nakasalungguhit?
A. Banghay B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema
______24.Damhin at suriin ang damdaming naghahari kina Thor at ng kanyang mga kasama.
A. MAlungkot dahil natapos na ang labanan.
B. Malungkot dahil hindi nila nakamit ang tagumpay ay sila ay nabigo.
C. Masaya dahil natapos na ang paglalaban sa pagitan ng dalawang grupo.
D. Masaya dahil naging magkaibigan ang dalawang pangkat nila ni Utgaro-Loki.
_____25.Batay sa mensahe o mga pahayag ni Thor, paano ninyo ilalarawan ang sitwasyon o estado ng
isang magiting na mandirigmang kagaya niya?
A. Naging mahina ang loob kaya natalo sa labanan.
B. Napahiya sa sarili at sa lahat dahil naging talunan sila.

C. Nadaya dahil sa laki ng mga nakalabang mga higante.


D. Naging masyadong mayabang at pangahas sa pakikipaglaban.
______26Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan
upang hindi manaig ang iyong Kapangyarihan sa akin Ano ang nilalaman ng pahayag na ito ni
Utgaro-Loki?
A. Walang sinomang pweding maghari sa kanyang nasasakupan.
B. Matatalo man siya ni Thor at ng ninuman, babawiin niya ang kanyang kuta.
C. Pinakamakapangyarihan siya sa lahat kaya walang makakatalo sa knayang lakas.
D. Ang kanyang kuta ay protektado ng mga tanggulang ginagamitan niya ng kanyang mahika.

Isang araw habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah, tinawag nito ang kanyang kasabwat at
ginupit ang kanyang buhok. NAnghina si Samson kayat nahuli siya ng mga kalaban.
_____27.Ano ang implikasyon ng pangyayaring ito sa sinapit ni Samson?
A. Hindi tapat si Delilah kay Samson may iba itong mahal.
B. Ang kasabwat ay nagalit kay Samson dahil inagaw nito si Delilah.
C. Napatunayang ang kalakasan ni Samson ay nangagaling sa kanyang buhok.
D. Si Delilah ang naging daan para magupitan at tuluyang mawala ang kalakasan ni Samson.

Ibig kong mabatid, ibig kong malaman


Kung paano kita pinakamamahal
Tuturan kong lahat ang mga parran
IIsa-isahin, ikaw ang bumilng

Iniibig kita ng buong taimtim


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
_____28.Ang naisaling tula ay hango sa orihinal na isinulat ni Elizabeth Barret Browning. Ano ang pamagat
nito?
A. How Do I Love You B. How Much I Love You
C. How Do I Love Thee C. How Much I Love Thee
_____29. Ilan ang sukat ng bawat pantig sa mga taludtod ng unang saknong?
A. 12--12-12-11 B 12-11-12-12 C.12=-12-11-13 D. 12-12-12-12
______30.Anong elemento ng tula ang nakapagpapaganda sa pagkakabuo nito?
A. Kariktan B. Imaheng diwa C. Sukat D. Tugma
Ang aking pansintang masidhit marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan.
_____31.Punan ang simulang pahayag para mabuo ang kaisipan ng taludtod. Ang pag-ibig ay _____
A. walang kamatayan
B. isang pagsinta mula pagkabata
C. mararamdaman hanggang kamatayan
D. mararamdaman at maipararamdam hanggang kabilang-buhay
_______32.Suriin ang saknong, anong salita ang kaugnay ng pagsinta?
A. Masidhi B. Marangal C. Pag-ibig D. Pagtulong

(Bahagi ng Sintahang Romeo at Juliet)


Juliet: Hwag sabihin, Padre, na narinig mo yan
Kundi masasabi kung paano ninyo ito maaring hadlangan.
Kung sa karunungan ninyoy di makatutulong
Sabihin man lamang na tama ang nilalayon
At sa tulong ng lansetang ito ay gagawin ko
Huwag nang mag-atubili, nais kong mautas
Kung ang Iyong sasabihin ay hindi makalulunas.

Padre: Umuwi ka at, matuwat pumayag kay Paris pakasal


Miyerkules bukas, at bukas ng gabi, mahiga kang nag-iisa;
Matapos mahigay kunin ang garapang ito
At ang lamang alak namay tunggain mo.
Pagkatapos sa mga ugat moy maglalagos
Ang pagdaramdam ng antok at ang tibok
Ng pulso moy titigil at mawawala

Walang init o hiningang sa buhay moy magbabadha;


Ang rosas mong labit mga pisngi ay kukupas
Parang kamatayang nagpipinid sa araw ng buhay;
Bawat bahaging malambot sa iyong kataway
Maninigas, manlalamig at parang tunay na patay;
Sa ganitong hiram na anyo ng kamatayan
Mamamalagi ka sa loob ng apaynaput dalawang oras.
______33.Tukuyin mula sa pahayag ni Juliet kung ano ang namumuong desisyon niya?
A. Kailangan niya ang payo ni Padre sa pagdating ng konde para sa kanyang kasal.
B. Ikakasal siya sa konde na hindi naman niya mahal kaya siya ay tatakas.
C. Magpapakamatay siya kapag hindi siya nabigyan ng mahusay na payo ng padre.
D. Hahadlangan ni Padre ang kasalan para hindi ito matuloy at tuluyan na siyang makalaya.
______34.Suriin naman ang nakapaloob na kaisipan sa pahayag ni Padre?
A. Magpanggap na payag pakasal,pero iinom ng alak na magpapatulod sa dalaga ng 2 araw.
B. Umuwi na, iplano ang balak na pagpapakamatay mula sa pag-inom sa garapang ibinigay sa
kanya.
C. Magpapakalasing sa alak na nasa garapa hanggang sa maramdamang nagmamanhid at
tuluyan ng siyang mamatay.
D. Pagkatapos ng kasal at nag-iisa na lamang ay iinom siya hanggang sa malasing at walang
mangyayari sa unang gabi nila ng konde.
______35.Paano mo nakikita ang personalidad ni Juliet. Piliin ang isang hindi niya katangian.
A. Kahanga-hanga dahil wagas siyang magmahal.
B. Mabuting anak at mapagmahal na kasintahan
C. Mahina nag loob at hindi maipaglaban si Romeo.
D. Matapang at hindi takot magpakamatay para sa pag-ibig.
_____36.Tukuyin mula sa mga reaksyon ang pinakamainam na solusyon kung sa panahon ngayon ito
naganap.
A. Sasabihin ng padre na walang kasalang magaganap dahil walang namamagitang
pagmamahal.
B. Hindi nalang sisipot sa kasalan dahil alam niya sa sarili niyang hindi niya mahal ang konde at hindi
siya magiging masaya.
C.Magtatanan sila ni Romeo dahil sila ang tunay na nagmamahalan, mag-iiwan ng sulat kay Padre
para maipaliwang sa mga magulang ang katotohanan.
D. Susunod na lamang sa gusto ng mga magulang baka siya pa ang masisi ng mga kapatid kapag
namatay ang ina dahil sa sama ng loob sa kanyang gagawin.
______37.Naging mainam at katanggap tanggap ba ang payo na ibinigay ni Padre sa dalaga?
A. Hindi, dahil bilang pari hindi niya dapat ipinayong magkunwari siyang patay para lokohin ang
iba.
B.Hindi, dahil kasinungalingan pa rin ang ipinagawa niya at naging dahilan ito para magpakamatay
si Romeo.
C. Oo, dahil kapag hindi niya ito tinulungan ay magpapakamatay din si Juliet, makokonsensya siya
bilang alagad ng simbahan.
D.Oo, dahil alam niyang hindi mahal ni Juliet ang Konde at naniniwala ang pari na hindi dapat
maikasal sa simbahan ang dalawang nilalang na hindi nagmamahalan

Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang ipinagmamalaki nila nang
labis. Ang isay gintong relos ni Jim na minana niya sa kanyang ama at sa ama ng kanyang ama. Ang isa ay
ang buhok ni Della.
______38.Maghinuha sa sitwasyon sa buhay ng mag-asawa.
A. Mahirap at walang marangyang buhay.
B. Kapos dahil iyon lamang ang namana sa mga magulang.
C. Naghihikahos dahil kapwa na sila mahirap tapos sila pa rin ang nagtagpo.
D. Nagkukulang sa pinansyal at pang-araw-araw, walang mga yamang materyal na
maipagmamalaki.
______39.Batay sa binasa, paano magpahalaga ang dalawa sa yamang mayroon sila?
A. Maingat at may pagmamahal C. May pagmamayabang at pag-iingat
B. May pagpapahalaga at Pagmamalaki D. May reklamo at hinaing
Bumili si Della ng kadena para sa relo ni Jim, Bumili ng huwego ng suklay si Jim para kay Della
______40.Bakit hindi sila naging masaya sa mga regslo nila sa isat isa?
A. dahil ayaw nila pareho ang mga binili nila sa isat isa.
B. dahil hindi na nila kapwa magagamit ang mga sorpresa nila sa isat-isa.
C. dahil higit pa roon ang dapat nilang inihandang ragalo para sa isat-isa.
D. dahil inuna pang bilhin ang mga regalo kesa sa ihahanda para sa noche Buena
Della, tabi muna natin ang ating mga pang-aguinaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na
gamitin agad ngayon ang mga iyan. Mabuti pay prituhin muna ang karne
______41.Alin sa mga pahayag ang may positibong pananaw?
A. Della, itabi muna natin ang mga iyan.
B. Itago muna natin ng ilang araw
C. Sayang na gamitin agad ngayon
D. Mabuti pay prituhin muna ang karne.
______42.Mula sa huling pahayag, anong implikasyon ang pinakamahusay?
A. Kumain na at kapwa na sila gutom.
B. Sadyang walang handa para sa Noche Buena.
C. Salubungin ang Pasko na may tuwa sa kabila ng kakulangan.
D. Magluto na at baka maabutan pa ng Noche Buena para maagang magpahinga.
III. Gramatika at Retorika :Nasusuri/ Naiaangkop/ Natutukoy ang pormalidad, tayutay, pokus ng pandiwa at
pangatnig batay sa kasanayang linilinang sa bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel

Piliin at suriin mula sa talaan kung anong pokus ng pandiwa at sa mga bilang 43-47. Titik lamang ang isulat.
Ka-POKUS-an
A. Kalaanan B. Kagamitan C. Layon D. Ganapan E. Sanhi F.Tagaganap

________43.Ang mga naibabalitang walang batayan at malinaw na pagpapatotoo o mga fake news ay
pinag-uugatan ng iba pang suliraning panlipunan.

________44. Ang Bren Z. Guiao ay pinagdausan ng programa para sa Teachers Day.


________45. Isasailalim sa counselling ng simbahang katoliko ang mga pamilya ng mga napatay dahil sa EJK
na nakakaranas ng trauma.
________46. Ipinantawag ni SDS Leonardo Ding Zapanta ang mikropono sa mga nagwagi sa raffle noong
pagdiriwang sa Araw ng mga Guro.

________47. Nagtanghal ang mga piling guro at mag-aaral sa nasabing selebrasyon noong Oktubre 5.

________48-49. Punan ng pang-ugnay ang mga patlang sa talata para mabuo ang diwa nito.

Ang pagtuloy na pagtaas ng bilng ng mga HIV-Aids positive ay nakababahala na.__________mababa


pa ang bilang ng mga positibo kumpara sa ibang bansa ______________ang mabilis na pagtaas ng
bahagdan ay sadyang nakababahala na.

_______50. Basahin at isulat ang mga salitang magkakasingkahulugan. Pataas na pormalidad ang gamiting
paraan. Maraming mga yagit sa lansangan, bakas sa kanila ang mahirap na buhay, ilan sa mga busabos ay
inabandona. Ngunit sa kabila ng hikahos na buhay ay tuloy pa rin ang laban.

1.___________ 2.___________ 3.___________ 4.___________

You might also like