You are on page 1of 7

Reviewer sa Filipino 10

Kompetensi: Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda.


Panuto: Suriin ang diyalogo ng mga tauhan sa akda. Sagutin ang tanong at isulat lamang ang letra ng tamang
sagot.
1. Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin nang ilang araw. Sayang na gamitin agad
ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo
na ang karne.” Sa sinabing ito ni Jim, anong damdamin ang namayani sa kanayang puso.
A. galit B. kasiyahan C. inis D. pagkalungkot

Kompetensi: Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw realismo o alin mang angkop
na pananaw/ teoryang pampanitikan.
Panuto: Suriin kung anong pananaw o teoryang pampanitikan ang mga sumusunod . Piliin lamang ang letra ng
tamang sagot.

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring was akin ang isang tao pero hindi siya
magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob loob niya. Parating na ngayon ang masamang
panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at
matalino. Pero mas matalino ako kaysa sa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas
armado lang ako.
- Ang Matanda at ang Dagat

2. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya
magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na _________.
A. hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
B. kung may dilim may liwanag ding masisilayan
C. may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin
D. nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang

Kompetensi: Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit sa
panunuring pampanitikan.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mahihirap na salita. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot.
3. Si Amelia ay laging nangunguna sa klase dahil sa kanyang angking talino kaya naman labis ang paghanga ng
kanyang mga kamag-aral dito. Subalit, siya naman ay may katangiang napakabalat-sibuyas kaya mahirap itong
pakisamahan. Paano mo bibigyang kahulugan ang katangian ni Amelia?
A. matalino B. mahirap pakisamahan C. napakamaramdamin D. kahanga-hanga

Kompetensi: Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pa
sa nakasulat na akda
Panuto: Basahin ang talata .Piliin ang titik ng tamang sagot.

“Ang kalayaan ng tao’y isang biyaya, kaya naman sa lahat ng nagtatamasa nito, pakaingatan at huwag hayaang ito’y
mawala”
-Amelia Bohler sa sanaysay na “Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall”

“Mamamatay akong hindi namamalas ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking Inang Bayan! Kayong
makakakita, malugod Ninyo siyang tanggapin, at huwag kakalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!”
- Elias sa Nobelang Noli Me Tangere
“May dalawang uri ng Kalayaan: una’y ang huwad kung saan ang tao ay malayang gawin ang anumang naisin niya;
pangalawa’y ang tunay kung saan ang tao’y malayang gawin ang mga bagay na nararapat niyang gawin.”
- Charles Kingsley

4. Base sa mga nabasa mong sinipi na naglalahad ng tungkol sa Kalayaan, ano ang pagpapakahulugan ang
maibibigay mo para sa salitang Kalayaan?
A. Ang Kalayaan ay mahirap makamit
B. Ang Kalayaan ay para sa mayayaman lamang
C. Ang Kalayaan ay mahirap makamit kung kaya’t itoy dapat ingatan at pahalagahan alang-alang sa mga
taong nagbuwis ng kanilang buhay upang ito ay matamasa natin
D. Ang Kalayaan ay para sa iilang tao lamang

Kompetensi: Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati
o editoryal)
Panuto: Ibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang parte ng talumpati. Piliin lamang ang letra ng
tamana sagot.
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat
Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word
sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona.
association
Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na
Kompetensi: Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: Paksa, paraan ng pagbabalita at iba pa.
pagsisikapan kong maisakatuparan.
Panuto:
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa kanyang Inagurasyon

5. Bakit mahalagang masolusyunan ang mga suliranin na kinakaharap ng pamahalaang Rousseff?


A. upang maging isang sikat na namumuno si Rousseff
B. upang maging mabuting ehemplo ang kanyang administrasyon sa mga karatig na bansa
C. upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Brazilian sa ilalim ng kanyang pamamahala
D. upang ipakita na ang isang babaeng namumuno ay kayang makipagsabayan sa isang lalaki pagdating sa
pamamahala.

Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word
association.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang di-lantad ang kahulugan.

6. Napakaraming mamamayan ng Silangang Berlin ang nag-alsa balutan at tumakas patungong kanluran.
A. naglayuan B. nag-alisan C. nag-aklas D. nagtaguan

Kompetensi: Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
Panuto : Punan ang patlang ng tamang salita upang makabuo ng ibang kahulugan.
7. Puso -__________ (mabait ) .
A.Pusong malambot B.Pusong-mamon C. Nagdurugong puso D. pusong Bato
8. kapit -_________( pagkakaisa )
A. kapit-tuko B. kapit-bahay C. kapit-bisig D. kapit-kaibigan
9. _______-tingin (pagsulyap sa isang tao na hindi nalalaman)
A.nakaw-tingin B.sulyap-tingin C.ligaw-tingin D. titig-tingin

Kompetensi: Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood.


Panuto : Basahin ang parte ng napanood na mitolohiya. Sagutin ang mga tanong.Piliin ang letra ng tamang
sagot.
Kinabukasan habang natutulog pa ang higante, ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si Skymer,
kinamot ang kanyang pisngi at nagwika “kung may mga ibon bas a itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may
mga nahuhulog na dahon sa kanynag ulo. “gising ka na ba Thor?” wika niya. “oras na upang bumangon at magbihis.
Malapit na kayo kay Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang higante. Kung
makararating kayo kay Utgaro, makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo.
Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki sabi pa nito.
-Bahagi ng Epikong Sina Thor at Loki sa Mundo ng mga Higante

10. Ang pahayag na “Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng
pagmamataas kay Utgaro Loki” ay nangangahulugang ___________.
A. Pagtanaw ng utang na loob C. pagmamahal
B. Pagmamalasakit D. Pag-aalala
11. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang
hindi niya
A. Nalalaman ang sikreto ni Thor C. naramdaman ang paglipad ng ibon
B. alam na naunang nagising si Thor D. naramdaman na tinaga siya ni Thor
12. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng kilos ng tauhan na
________.
A. Siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos. C. Sa Diyos pa rin sya kumuha ng lakas
B. Sa Diyos sya tumakbo at nagtago D. Wala na syang magagawa pa

Kompetensi: Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino


13. Panuto : Piliin ang letra ng nagsasaad ng paghahambing ng mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Pilipino.
A. Ang mga tao sa mitolohiya ay naninirahan sa kagubatan
B. Ang mitolohiyang Rihawani ay naganap sa lugar ng Marugsu.
C. Sa lupaing ito ay maaari kang makarinig ng isang malakas na ungol.
D. Ang mga tauhan sa mitolohiyang Thor at Loki ay mga Diyos at Diyosa samantalang ang mitolohiya sa
Rihawani ay ordinaryong tao lamang.
Kompetensi: Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig.
Panuto: Ihambing ang kultura ng pinagmulan ng akda sa kultura sa alinmang bansa. Isulat lamang letra ng
tamang sagot.
14. Tulad ng mga Filipino, ang palagiang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan ay nagpapakita ng
kulturang ___
A. pagiging madasalin C. pagpapahalaga ng relihiyon
B. pagsuway sa magulang D. pagkapit sa simbahan sa panahon ng
suliranin

Kompetensi: Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng kuwentong-bayan


batay sa napanood na bahagi nito.
Panuto: Basahin ang mga pangyayari hango sa napanood na kuwento at sagutin ang mga katanungan tungkol
dito. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
15. Kahit alam na niyang matatalo siya ay ipinagpatuloy pa rin ni Macbeth ang pakikipaglaban hanggang sa
mapatay siya. Ipinapakita ng pahayag na ito ang isang kaugalian ng mga mandirigmang Scottish na pagiging
_______.
A. mapagmalaki B. mapagkakatiwalaan C. matapang D. tamad

Kompetensi: Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung
ihahahambing sa kultura ng ibang bansa
Panuto : Isulat o tukuyin ang sariling damdamin at saloobin batay sa nabasang kultura

Maaga silang gumising upang ayusin ang dekorasyon sa harap nila pati na rin ang mahabang lamesa na
lalagyan ng maraming pagkain para sa darating nilang mga bisita s ngayong araw ng kapistahan.

16. Anong damdamin o saloobin ang mahihinuha ninyo batay sa kulturang nabasa ninyo?
A. Nasasabik dahil sa kapistahang darating.
B. Matrabaho ang ginagawang pag-aayos ng dekorasyon para sa kapistahan
C. May kasiyahan dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan.
D. May kasiyahan sa pagkakaisa sa pag-aayos ng dekorasyon at pagkain sa kapistahan para sa mga
bisita .

Kompetensi: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula.


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sat ula. Isulat lamang ang letra ng
tamang sagot.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Mula sa tulang “How Do I Love Thee”-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning

17. Ano ang kahulugan ng taludtod na may salungguhit?


A. walang hanggang pag-ibig C. Minamahal niya ng tunay
B. Taos-puso niyang minamahal D. Ang pag-ibig niya ay tunay at tapat

Kompetensi: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (epitimolohiya)


Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito.s
18. Ang salitang pamangkin ay nagmula sa salitang para naming akin. Ano ang uri ng pinagmulan ng salita?
A. hiram na salita C. morpolohikal na pinagmulan
B. onomatopea D. pagsasama-sama ng mga salita

Kompetensi: Nasusuri ang mga elemento ng tula.


Panuto: Suriin ang tula batay sa tiyak na elemento nito.Piliin lamang ang letra ng tamang sagot.
Yaring pag-ibig ko ang nakababagay Yaring pag-ibig ko ang siyang lahat na

Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal Ngiti, luha, buhay at aking hininga!

Na ang mangawala ay parang nanamlay At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

Sa pagkabigo ko at panghihinayang Malibing ma”y lalong iibigin kita

19.Kung mapapansin natin, may lalabindalawahing pantig ang bawat taludtod.Anong elemento ng tula ang
sumasaklaw dito?
A. Sukat B. tugma C. kariktan D. talinhaga

Kompetensi: Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula.


Panuto: Piliin ang letra ng tamang kahulugan ng mga sumusunod na matatalinhagang pananalitang ginamit sa
tula.

Yaring pag-ibig ko , ang nakababagay

Ay ang pag-ibig ko ay maraming banal

Na nang mangawala ay parang nanamlay

Sa pagkabigo ko at panghihinayang

20. Na nang mangawala ay parang nanamlay,sa pagkabigo ko at panghihinayang


A. Simula ng magkahiwalay sila , siya ay tumamlay
B. Nanaisin pa niyang mamatay nang magkahiwalay sila
C. Di na siya makakain at palaging matamlay sa araw-araw
D.Sobrang bigo ang paghihinayang ang naramdaman niya nang magkahiwalay sila.

Kompetensi: Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.


Panuto: Tukuyin ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay ang kahulugan .Piliin lamang ang letra ng
tamang sagot
21.Napangiti si Paulo,ngiting walang bahid ng kapaitan dahil sa mga kabiguang naganap sa
kanyang magulong buhay pag-ibig.
A. napangiti-pag-ibig C. kapaitan-kabiguan
B. naganap-magulo D. bahid-buhay

Kompetensi: Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento nito.
Panuto: Ihambing ang akda sa iba pang katulad na genre. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
22. Masasabing ang nobelang “Ang Matanda at ang dagat” at ang nobelang “Bata bata, Panu ka ginawa” ay
may pagkakapareho. Sa papaano kaya ito nagkakapareho?
A. Pareho sila na may temang Feminismo.
B. Pareho sila na tumatalakay sa napapanahong isyu ng lipunan.
C. Pareho ang mga pangalan ng mga tauhan.
D. Parehong patungkol sa pag-aampon ang tema

Kompetensi: Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring –basa o
panunuring pampanitikan.
Panuto: Suriin ang mga ginamit na angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa. Sagutin
ang tanong at isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
23. “Huwag kang mag-isip , tanda,” malakas niyang sabi. “ Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang
anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng uri ng tunggaliang
A. tao vs tao B. tao vs sarili C. tao vs kalikasan D. tao vs lipunan
Kompetensi: Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap.
Panuto: Piliin ang tamang salita na makatutulong sa pagpapalawak ng mga pangungusap sa ibaba.
24 .Ang ____________ Berlin Wall ay simbolo ng paniniil.
A. malawak B. makasaysayang C. kalayaan D. bansang

Kompetensi: Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet tulad ng fb,
email, at iba pa)
Panuto: Basahin at bigyang puna ang nabasa mula sa social media at piliin lamang ang letra ng tamang sagot.
25. Friendzone lang muna until tanggapin niya ako sa lovezone niya! Lol! Hokage! Balita ko na friendzone ka
raw. Edi Wow
A. Bigo dahil friedzone sya C. Maghihintay siyang i-love zone
B. Nakikibalita sa mga friends D. Nakakakilala ng mga bagong salitang dala ng teknolohiya

Kompetensi: Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang karaniwang nakikita sa social media.
26. Yolo-
A. You only love once C. You only live once
B. You only last once D. You on love on

Kompetensi: Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social
media.
Panuto: Tukuyin ang mga popular na anyo ng panitikan sa social media. Piliin lamang ang ltra ng tamang
sagot.
27. Ito ay tumutukoy sa pagpopost ng maiikling update na maaaring i-push sa lahat ng miyembro ng site upang
Mabasa nila. Ang pinakapopular na halimbawa nito ay ang Twitter.
A. Social Networking B. Media Sharing C. Microblogging D. Blog

Kompetensi: Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang


usapan ng mga tauhan
Panuto :Kilalanin an g kultura ng lugar na pinagmulan ng dula batay sa sumusunod na pangyayari. Piliin ang
letra ng tamang sagot.
28. Inihayag ni Haring Duncan na gusto niyang maging tagapagmana ng trono ay ang kanyang anak na si
Malcolm. Ipinakikita ng pahayag na umiiral na uri ng pamahalaan sa bansang ito ay _________.
A. monarkiya B. parliamentaryo C. demokrasya D. diktaturya
PAGSULAT

29-31 Panuto: Sumulat ng sariling tula na may paksa tungkol sa pag -ibig. Ang tula ay binubuo ng 2 saknong sa
anyong malaya. ( 3 points )

Kompetensi: Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu. (4 puntos)
32-35. Panuto : Sumulat ng maikling talumpati tungkol sa paksang “ Pagtindi ng Kahirapan”.

You might also like