You are on page 1of 2

FILIPINO 10

UNANG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan: ____________________________________ Seksyon: _________________


Guro: Iskor: ____________________

PANUTO: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ang _____ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng


katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
A. alamat C. mitolohiya
B. epiko D. nobela

2. Nagsimula kay _________ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC.
A. Beowulf C. Homer
B. Gilgamesh D. Joselyn Calibara Sayson

3. Paano tinugon ng diyos ang dasal ng mga mamamayan ng Uruk para kay Gilgamesh?
A. nagpadala ang Diyos ng taong kasinlakas ni Gilgamesh na si Enkido.
B. nagpadala ang Diyos ng anghel.
C. pinarusahan si Gilgamesh.
D. pinatay si Gilgamesh.

4. Katangian ni Gilgamesh na hindi nagustuhan ng kanyang mga nasasakupan.


A. abusado sa kapangyarihan at pagiging mayabang nito.
B. pagiging mabait at may takot sa Diyos
C. pagiging matipuno at matapang
D. wala sa nabanggit.

5. “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya.” Ano ang ibig
ipakahulugan ng salitang dakila?
A. bantog C. mapagmahal
B. makapangyarihan D. uliran

6. Isa sa mga suliraning pandaigdig na ating kinakaharap ngayon ay ang pandemyang Covid -19. Wala ni isa sa
atin ang nakakaalam ____ hanggang kailan ito matatapos.
A. at saka B. dulot nito C. kaya D. kung

7. Kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.


A. Beowulf C. Iliad at Odyssey
B. Gilgamesh D. Tuwaang

8. Isang pilosopo na sumulat ng “Alegorya ng Yungib”.


A. Aristotle C. Pythagoras
B. Plato D. Socrates

9. Sa akdang “Alegorya ng Yungib”, sa tingin mo ilang tao ang nag-uusap?


A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat

10. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito, “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala”.
A. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.
B. Ang taong hindi marunong magtiis ay gustong aliwin ang sarili Sapagkat takot siyang masaktan.
C. Marunong magtiis sa mga bagay-bagay at huwag itong madaliin kaysa maaliw sa mga huwad na akala.
D. Ang pagtitiis ay makatutulong sa ating upang makaligtas at kung hahayaan nating maaliw tayo sa mga
huwad na mga akala maaari natin itong maipanganib.

11. Sa pamagat na sanaysay na “ALegorya ng Yungib”, anong kaisipan ang agad agad na pumapasok sa iyong
isipan.
A. Pagkabilanggo
B. paglaban sa Karapatan
C. pagkakaroon ng edukasyon
D. pagkakaroon ng magandang hinaharap

12. Tukuyin ang angkop na paggamit ng pangungusap gamit ang salitang nagliliyab.
A. Nagliliyab ang kasiyahan ni Sheena.
B. Nagliliyab ang angking kagandahan ni Flor.
C. Nagliliyab sa tuwa si Anna nang siya ay natumba.
D. Nagliliyab sa galit si Aliya nang malaman niyang dinaya siya.

13. Ang sanaysay na “ALegorya ng Yungib” ay isang ________ na uri ng sanaysay.


A. di-pormal C. pormal
B. walang tema D. walang wakas

14. Ang nag-uusap na tauhan sa sanaysay ay sina ______________________.


A. Aristotle, Sosrates at Glaucon C. Plato, Aristotle at Glaucon
B. Socrates at Glaucon D. Socrates at Plato

15. Ano ang aral sa “Alegorya ng Yungib”?


A. pagkakakulong ng tao sa yungib
B. pagkaugnay ng tao sa kalikasan
C. pagtatakas ng tao sa pagkakakulong
D. pagtuklas ng tao ng mga bago sa paningin

PAGPALAIN NAWA KAYO NG PANGINOON!

You might also like