You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO
Polomolok 5 District
POLOMOLOK CREEK INTEGRATED SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


S.Y. 2022-2023

Pangalan_________________________________ Seksiyon___________________Iskor_____________
I. Tukuyin ang The 12 Great Olympian Gods at kani-kanilang katangian. Isulat ang sagot sa patlang.
(24puntos)
GREEK ROMAN KATANGIAN
1. Jupiter
2. Hera
3. Poseidon
4. Hades
5. Ares
6. Apollo
7. Athena
8. Diana
9. Vulcan
10. Hermes
11. Venus
12. Vesta

II. Basahin at piliin mo sa Kolum B ang tumutukoy sa mga salitang nasa Kolum A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang. (15 puntos)

KOLUM A KOLUM B

_________1. Mathilde A. Isang mapanghalina at sopistikadong babae


_________2. Gilgamesh B. Epiko ng Mindanao
_________3. Enkido C. Isang mapagmahal na asawa
_________4. Madam Forestier D. Diyosa ng Pag-ibig at Kamatayan
_________5. G. Loisel E. Tunay na Kapatid ni Bidasari
_________6. Ishtar F. Halimbawa NG Maikling Kuwento sa France
_________7. Bidasari G. Kaharian kung saan isinilang si Bidasari
_________8. Humbaba H. Hari ng Uruk at bayani ng epiko
_________9. Garuda I. Nakapulot ng sanggot at pinangalanang Bidasari
_________10. Diyuhara J. Babaeng naiinggit kay Bidasari
_________11. Lila Sari K. Kaibigan ni Gilgamesh;gawa mula sa
_________12. Sultan Mongindra L. Mayamang ale na may-ari ng alahas
_________13. Sinapati M. Ibong kumakain ng tao
_________14. Ang Kuwintas N. Pinakasalan ni Bidasari
_________15. Kembayat O. Halimaw na nagbabantay sa kagubatan ng Cedar
P. Babaeng kumakain ng tao
III. Basahin ang mga pahayag sa ibaba.Tukuyin at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa patlang bago ang bilang. (15 puntos)

Pormal Epos Sukat Deogracias A. Rosario

Di- Pormal Tunggalian Maikling Kuwento

Maikling Kuwentong Tauhan Edgar Allan Poe Manghikayat

Epiko Batay sa Guy de Maupassant Photo Essay

______________________1. Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay
ang kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan?
______________________2. Tulang pasalaysay na naglalahad ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhang nagtataglay ng katangiangnakahihigit sa karaniwang tao.
______________________3. Salitang Griyego ng Epiko na ang ibig sabihin ay salawikain o awit.
______________________4. Epiko mula sa Mesopotamia na kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan.
______________________5. Elemento ng Epiko na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong.
______________________6. Uri ng sanaysay na tumatalakay ng seryosong mga pagsa nga nagtataglay ng
masusing at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat.

______________________7. Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan, personal, at pang araw-araw
na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa.

______________________8. Tinaguriang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog.


______________________9. Ito ang pakikipagsapalaran o pakikipagtunggali ng mga sentrong tauhan laban sa
mga hamon na kanyangkinakaharap.
______________________10. Ang kathang ito ay maikli lamang kung kaya’t ang pagbabasa nito ay maaring
matapos sa isang upuan lamang.
______________________11. Isang Amerikanong manunulat na tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento.
______________________12. Halimbawa ng Ekspresyong nagpapahayag ng damdamin.
______________________13. Isa sa mga layunin ng Pormal na Sanaysay ay___________.
______________________14. Ang may-akda ng maikling kuwentong “Ang Kuwintas”.
______________________15. Isang koleksiyon ng mga imahe na inilagay sa partikular na pagkakasunod-sunod
upang ipahayag ang mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

IV. Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_______1. Ang Cupid at Psyche ay isang___________________.
A. Maikling Kuwento B. Mitolohiya C. Parabula D. Epiko
_______2. Si Cupid ay Diyos ng______________.
A. Pag-ibig B. Karagatan C. Impiyerno D. Kagwapuhan
_______3. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”. Sino ang nagwika nito?
A. Psyche B. Cupid C. Zeus D. Venus
_______4. Kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.
A. Mitolohiya B. Maikling Kuwento C. Epiko D. Parabula
_______5. Ito ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng
mga kuwento sa Banal na Kasulatan.
A. dagli B. Nobela C. Pabula D. Parabula
_______6. Pagkain ng mga diyos at diyosa na pinakain kay Psyche upang siya ay maging immortal na rin.
A. Ambrosia B. Tubig C. Burger D. Prasko
_______7. Ang sumusunod ay halimbawa ng isang akdang parabola maliban sa isa.
A. Ang Ama b. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano D. Ang Tusong KatiwalA
_______8. Ang sumusunod ay kahulugan ng salitang Griyego na “Parabole”maliban sa isa.
A. Analohiya B. Ilustrasyon C. Katangian D. Paghahambing

_______9. Ang mga sumusunod ay elemento ng parabula maliban sa __________.


A. Aral B. Diyalogo C. Tagpuan D. Tauhan
_______10. Ito ang matututunan ng isang tao matapos ang kuwento.
A. Aral B. Diyalogo C. Tagpuan D. Tauhan
_______11. Sino ang nagsulat ng, “Ang Alegorya ng Yungib”?
A. Plato B. Socrates C. Glaucon D. Aristotle
_______12. Sino-sino ang dalawang nag-uusap sa akdang Ang Alegorya ng Yungib?
A. Socrates at Glaucon B. Plato at Socrates C. Glaucon at Plato D. Eva at Adan
_______13. Ito ay isang simboliko sa Ang Alegorya ng Yungib na nangangahulugang hadlang ng pangarap.
A. Pader B. Bilanggo C. Yungib D. Free Man
_______14. Ito ay isang simboliko sa Ang Alegorya ng Yungib na nangangahulugang SARADO ANG ISIPAN at
naniniwala sa kung ang lang ang kanilang nakikita.
A. Pader B. Bilanggo C. Yungib D. Free Man
_______15. Ito ay isang akdang pampanitikang nagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro. Isa itong akda na
nasa anyong tuluyan.
A. Sanaysay B. Tula C. Maikling Kuwento D. Nobela
_______16. Upang lubusang mabighani at maipagmamalaki ang angking kagalingan ng mga manunulat sa
pagsulat ng sanaysay ay gumagamit sila ng_____________________ salita.
A. Matatalinhaga B. Simple C. Payak D. Bongga
_______17. Isang kuwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan, at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa
literal nitong kahulugan.
A. Alegorya B. Nobela C. Mitolohiya D. Tula
_______18. “Lubhang nalibang si Mathilde sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikaapat na ng medaling araw nang
silang mag-asawang umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar ay
isang ________.
A. Kalesa B. Maliit na Bangka C. lumang kotse D. Pampasaherong Dyip
_______19. Kinilala bilang Kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
A. Epiko ni Gilgamesh B. Amaya C. Bidasari D. Ang Kuwintas
_______20.Ito ang ipinatayo ni Gilgamesh bilang alaala ni Enkido.
A. Estatwa B. Bandila C. Bahay D. Puno ng manga

Kung loyal ka, hindi mo gagawin ang tumingin sa iba.


Magfocus ka lang at makukuha mo ang tamang sagot. 
_____________________________________
Inihanda ni: BB. RHEA CLAIRE A. CHAN Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like