You are on page 1of 3

FULLBRIGHT COLLEGE BASIC EDUCATION

FIRST PERIODICAL
EXAM
IN FILIPINO 7

Pangngalan: Skor:
Petsa:

MARAMING PAGPIPILIAN: Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod


na pahayag. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng may tamang sagot.
Erasures means wrong

________1. Saang bahagi ng Mindanao matatagpuan ang Aliwagwag Falls at Enchanted River?
A. ARMM C. Rehiyon IX
B. Rehiyon XI D. Hilagang bahagi ng Mindanao
________2. Ang Rehiyon IX ay dating tinatawag na?
A. Silangang Mindanao C. Hilagang Mindanao
B. Kanlurang Mindanao D. Timog-Silangang Kanluran
_______3. Ano ang isa sa rehiyon ng Mindanao na nabuo dahil sa pagtalaga ng saligang batas ng
1987.
A. ARMM C. Rehiyon IX
B. Rehiyon XI D. Hilagang bahagi ng Mindanao
_______4. Saang bahagi ng Mindanao matatagpuan ang lalawigan ng Bukidnon?
A. Silangang Mindanao C. Hilagang Mindanao
B. Kanlurang Mindanao D. Timog-Silangang Kanluran
_______5. Anong bundok ang kilala sa pinkamataas na bundok sa Pilipinas?
A. Mount Apo C. Mount Kapwas
B. Mount Pinatubo D. Wala sa nabanggit
_______6. Ano ang kasingkahulugan ng salitang HUWARAN?
A. Modelo C. Ginagayahan
B. Iniidolo D. Wala sa nabanggit
_______7. Sa bahaging ito pinakilala ang mga pangunahing tauhan.
A. Simula C. Kasukdulan
B. Saglit na kasiglahan D. Kakalasan
_______8. Sa bahaging ito unti-unti nang humihina ang matinding emosyon.
A. Simula C. Kasukdulan
B. Saglit na kasiglahan D. Kakalasan
______9. Sa bahaging ito mababasa o malalaman ang suliranin o tunggaliang mararanasan ng
pangunahing tauhan.
A. Simula C. Kasukdulan
B. Saglit na kasiglahan D. Kakalasan
_______10. Sa anong bahagi makikita ang pinakarurok ng kuwento?
A. Simula C. Kasukdulan
B. Saglit na kasiglahan D. Kakalasan
_______11. Ano ang tumutukoy sa isang salaysay na may kaugnayan sa isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain.
A. Alamat C. Kuwentong-Bayan
B. Maikling Kuwento D. Wala sa nabanggit
______12. Ano ang pinakamahalagang elemento ng kuwentong-bayan?
A. Tauhan C. Protagonista
B. Tagpuan D. Antagonista
______13. Ano ang ibang tawag sa bida sa kuwento?
A. Protagonista C. Wala sa nabanggit
B. Antagonista
______14. Ano naman ang tawag sa kontrabida sa kuwento?
A. Protagonista C. Wala sa nabanggit
B. Antagonista
______15. Anong salita ang nagpapakita ng patunay o ebidensiya at mga kalakip na edidensiya ay
kapani-paniwala.
A. Nagpapakita C. Nagpapahiwatig
B. Kapani-paniwala D. Katunayan
_______16. Anong salita ang ginagamit kapag ang patunay ay hindi tuwirang mahahawakan.
A. Nagpapakita C. Nagpapahiwatig
B. Kapani-paniwala D. Katunayan
_______17. Anong ekspresyon ang ginagamit kapag nagpapahayag ng posibleng mangyari.
A. Tila C. Maari
B. Siguro D. Marahil
_______18. Anong ekspresyong ginagamit ng walang katiyakan?
A. Tila C. Maari
B. Siguro D. Marahil
_______19. Anong ekspresyon ang ginagamit kapag ang pangyayari ay may posibilidad?
A. Tila C. Maari
B. Siguro D. Marahil
________20. Anong ekspresyon ang ginagamit sa pagpapahayag ng may pag-aalinlangan?
A. Tila C. Maari
B. Siguro D. Marahil
_______21. Ang prinsipeng mas ninanais ng mamamayan na magmana ng trono ng hari
matapos ito’y pumanaw.
A. Bantugan C. Madali
B. Maduli
________22. Ang Kaharian nina Prinsipe Madali at Prinsipe Bantugan
A. Kaharian ng Bumbunan C. Kaharian ng Bumbaran
B. Kaharian ng Balamban
________23. Bakit ipinag-utos ni Haring Madali na walang makikipag-usap kay
Prinsipe Bantugan?
A.Dahil iyan ang batas ng kanilang kaharian.
B. Dahil ayaw ni Haring Madali na makilala ang kanyang kapatid.
C. Dahil hinahangaan si Prinsipe Bantugan at maraming babae ang nagkagusto sa kanya.
________24. Ano ang nangyari kay Prinsipe Bantugan sa pag-alis niya sa kaharian?
A. Nagkasakit C. Nagkasakit at namatay
B. Nasagasaan
________25. Tumutukoy ito sa tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao, ano ito?
A. Tula C. Epiko
B. Alamat
_______26. Anong pulo sa Pilipinas ang tinaguriang “LUPANG PANGAKO”?
A. luzon C. Mindanao
B. Visayas
________27. Ano ang nagbibigay buhay sa kuwento?
A. Tagpuan C.Banghay
B. Tauhan
________28. Sa bahagi ng banghay ng kuwento dito makikita ang mga suliranin at
tunggaliang mararanasan ng pangunahing tauhan?
A. Kasukdulan C. Saglit na kasiglihan
B. Kakalasan
________29. Ano ang pinakamahalagang elemento ng maikling kuwento?
A. Tagpuan C. Saglit na kasiglihan
B. Kakalasan
________30. Ano ang kasingkahulugan ng malamlam?
A. Malabo C. Marumi
B. Magulo
________31. Balikan ang salitang nasa bilang 10, Ano naman ang kasalungat nito?
A. Malinis C. Maliwanag
B. Malinaw
______32. Ito ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig, ano ito?
A. Tula C. Epiko
B. Alamat
_______33. Anong kuwentong baya ang nagtataglay ng aral na magsisilbing gabay sa buhay.
A. Tula C. Epiko
B. Alamat
_______34. Ang mga ekspresyon baka, siguro, malamang, at yata ay nagpapahayag ng
A. Posibilidad C. Panghihikayat
B. Pagsang-ayon
________35. Isang paraan upang maging matagumpay ang nilagdaang peace agreement ng
gobyerno at ng MILF.
A. Pakikiisa ng MILP sa gobyerno
B. Pagsunod ng gobyerno at MILF sa nilagdaan
C. Pagpayag ng gobyerno sa kahilingan ng MILF
________36. Taong mapaghangad ng kapangyarihan ay isang?
A. Sakim C. Walang tiwala sa sarili
B. Matapang
________37. Ano ang pinakamataas na uri ng kapanabikan sa kuwento?
A. Wakas C. Kasukdulan
B. Tunggalian
________38. Ano ang nagtataglay ng mga aral o mensahe na kalimitang ginagawang gabay sa
kanilang pang-araw-araw.
A. Maikling kuwento C. Karunungan bayan
B. Kuwentong bayan
_________39. Ano ang nagpapasalin-salin sa bibig ng mga tao mula noon hanggang sa
ngayon sa pasulat pasalitang paraan.
A. Panitikan C. Karunungan bayan
C. Kuwentong bayan
________40. Ito ay isang uri ng maikling kuwento na ang pokus ay ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
A. Banghay C. Salaysayin.
B. Alamat

II. TAMA O MALI: Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.


Sagutin ng TAMA (isulat sa malalaking titik) kung ang pangungusap ay
wasto at isulat ang MALI (sa malalaking titik ) kung hindi wasto ang
pahayag.

__________1. Ang salitang “Napakaganda” ay may unlaping paglalapi.


__________2. Ang tekstong naglalahad ay nagsasaad ng posibilidad na maaaring mangyari sa tuwing
dumarating ang panahon ng tag-ulan.
__________3.Ang editoryal ay isang halimbawa ng ekspositori o paglalahad.
__________4. Sa pagsulat ng editoryal, kailangang may inilalarawan na matitibay na
edidensiya.
___________5. Ang kasingkahulugan ng wagas ay sobra at kasalungat nito ay kulang.
___________6. Ang kasalungat ay dalawang magkaibang salita na pareho ang kahulugan.
___________7. Ang salitang “kung gayon” ay mga pang-ugnay na ginagamit sa
pagbibigay ng patunay.
__________8. Ang salitang “Bumasa” ay may panlapi na makikita sa gitna.
___________9. Ang alamat ay isang kuwentong bayan na ang gumaganap ay hayop,
halaman o hayop na nagsasalita.
__________10. Ang pabula ay gumagabay at umaakay sa mga bata tungo sa tamang landas ng buhay.
“Ang taong nagmamahal nang tunay ay parang estudyante na kumukuha ng exam. Hindi siya titingin sa iba kahit na nahihirapan na”
Inihanda ni Ma’am Rana

You might also like