You are on page 1of 4

FIRST PERIODICAL EXAM

IN FILIPINO 10

Pangngalan: Iskor:
Petsa:

MARAMING PAGPIPILIAN: Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod


na pahayag. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng may tamang sagot.
Erasures means wrong

________1. Ano ang tumutukoy sa kabuuang mensaheng nais iparating ng


may-akda.
A. Tema C. Mensahe
B. Paksa D. Pangunahing kaisipan
________2. Ano ang tawag sa pinaka-kaluluwa ng maikling kuwento.
A. Tema C. Mensahe
B. Paksa D. Pangunahing kaisipan
________3. Ano ang tumutukoy sa mensahe ng kuwento.
A. Tema C. Mensahe
B. Paksa D. Kaisipan
________4. Ang __________ ay kalipunan ng mga sulatin at mga akdang
maituturing ding mga likhang sining
A. Mga Akda C. Akdang Pampanitikan
B. Panitikan D. Mga Maikling Kuwento
__________5. Ano ang tumutukoy sa mga akda tulad ng mga tula, maikling kwento,
pabula, parabula, epiko, alamat, sanaysay, talumpati at ibp.
A. Mga Akda C. Akdang Pampanitikan
B. Panitikan D. Mga Maikling Kuwento
_________6. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong nito ay tungkol sa mga diyos at
nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
A. Mito C. Alamat
C. Parabula D. Mga Maikling Kuwento
________7. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalasay ng kabayanihan at supernatural
na mga pangyayari.
A. Mito C. Epiko
B. Alamat D. Parabula
________8. Mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas
ng buhay.
A. Dagli C. Nobela
B. Alamat D. Parabula
_________9. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na
paksa.
A. Dagli C. Sanaysay
B. Dula D. Talumpati
_________10. Anong aspekto ang nagpapakita na ang kilos ay tapos na.
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo
_________11. Anong aspekto ang nagpapakita na ang kilos ay mangyayari palang.
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo
________12. Anong aspekto ng pandiwa na ang ay katatapos pa lamang.
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo
________13. Anong aspekto ng pandiwa ang tawag kapag hindi pa tapos ang kilos at
kasalukuyan pang tinatapos o ginagawa.
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo

_________14. Kaagad na nilapitan ng mga mensahero ang dalagang kanilang nakita sa hardin.
anong aspekto ng pandiwa ang ginamit?
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo
________15. Maglalakbay ang mga mensahero alang-alang sa kaligayahan ng kanilang mahal
na paraon. Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit?
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo
________16. Inaasahan ng lahat na magkukuwento ang dalaga sa kung paano nawalay sa
kaniya. Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit?
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo
________17. Isang alipin ang nagbabantay sa dalaga upang matiyak ang kaniyang kaligtasan.
Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit?
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo
________18. Sinisiyasat ng paraon ang tsinelas na dala ng agila upang matukoy kung sino ang
may-ari nito. Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit?
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo
_______19. Anong gamit ng pandiwa ang tinutukoy kapag naglalahad o nagsasabi ng isang
pangyayari?
A. aksiyon C. pangyayari
B. karanasan D. wala sa mga nabanggit
_______20. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-, ma-,
mang-, mag-an.
A. aksiyon C. pangyayari
B. karanasan D. wala sa mga nabanggit
_________21. Ang gamit ng pandiwang ito ay resulta ng isang ganap.
A. aksiyon C. pangyayari
B. karanasan D. wala sa mga nabanggit
________22. Namasyal ang kanilang anak, anong gamit ng pandiwa ang ginamit sa
pangungusap?
A. aksiyon C. pangyayari
B. karanasan D. wala sa mga nabanggit
________23. Anong gamit ng pandiwa na kung saan ang pandiwa ay maaaring magpahayag
ng damdamin/emosyon.
A. aksiyon C. pangyayari
B. karanasan D. wala sa mga nabanggit
________24.Nalibang si Anjelo sa panonood ng anime, anong gamit ng pandiwa ang ginamit
sa pangungusap?
A. aksiyon C. pangyayari
B. karanasan D. wala sa mga nabanggit
______25. Sinasabing ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay makatutulong sa
mambabasasa pag-unawa sa sanaysay.
A. Tema C. Plot
B. Balangkas D. Anyo at estruktura
_______26. Ito ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
A. Himig C. Tema
B. Kaisipan D. Larawan ng buhay
_______27. Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya,
malungkot, mapanudyo at iba pa.
A. Himig C. Kaisipan
B. Kaisipan D. Damdamin
_______28. Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng
tinatalakay ng paksa upang patunayan, o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
A. Gitna C. Wakas
B. Panimula D. wala sa nabanggit
_______29. Epiko: Epiko ni Gilgamesh: Mitolohiya: ______
A. Ang Kuwintas C. Cupid at Psyche
B. Ang Kuba sa Notre Dame D. Alegorya ng yungib ni Plato
________30. Nobela: Ang Kuba sa Notre Dame: Sanaysay: _____
A. Ang Alegorya ng Yungib ni Plato C. Epiko ni Gilgamesh
B. Ang Kuba sa Notre Dame D. Ang Kuwintas
_______31. Ayon sa kanya ang sanaysay ay “pagsasalayasay ng isang sanay.
A. Michel de Montaign C. Genoveva Edroza Matute
B. Alejandro G Abadilla D. Roselyn T. Salum
_______32. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
A. Paglalahad C. Pangangatuwiran
B. Paglalarawan D. Pagsasalaysay
_______33. Ginagamit ang makabuluhang tunog at sa paraang pasalita na tumutukoy sa
pagpaparating ng ideya o mensahe gamit ang salitang nagririprisinta sa mga kaisipan, ano ito?
A. Salita C. Di-berbal
B. Berbal D. Pangungusap
_______34. Sa pamamagitan nito nabibigyang buhay ang isang piyesa na madalas lamang na
nababasa.
A. Dula C. Pagsasabuhay
B. Dagli D. Pagsasadula
_______35. Ang akdang “ Araw na May Rebolusyon” ay sanaysay na mula sa Ehipto, na akda ni:
_________
A. Idries Shah C. Roderick P. Urgelles
B. Mansoura Ez-Eldin D. Cristina Dimaguila-Macascas

II. IDENTIFICATION: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.


__________________1. Ano ang tawag sa salitang-ugat lamang.
__________________2. Ano tawag kapag ang salita ay may isa o higit pang panlapi.
__________________3. Ito ay tumutukoy dalawang salita pinagsama ay nagkaron ng
ibang kahulugan
__________________4. Ano ang tawag sa dalawang salitang pinagsama at ang
kahulugan ay nananatili at ito ay ginagamitan ng gitling.
__________________5. Sino ang ama ng maikling Kuwento sa Pilipinas?
__________________6. Sino ang ama ng maikling kuwento sa buong mundo?
__________________7. Ano ang tumutukoy sa ay karaniwang tumatalakay sa mga
katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran
_________________8. Isa itong maikling kuwento na naglalayong magturo ng
kagandahang asal at ugali, at magbigay espiritwal na aral.
_________________9. Tumutukoy sa ordinaryong bagay, hayop, o tauhan na may
kaakibat na kahulugan.
_________________10. Ito ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ngmaaaring
tumalakay ng iba't ibang paksa gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya,
lipunan, mundo, at iba pa.
________________11. Nakapaloob sa bahaging ito ang pangkalahatang palagay.
________________12. Ang ang tawag sa uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.
________________13. Anong uri ng sanaysay na tumatalakay sa karaniwang paksa.
________________14. Anong uri ng panitikan ang nasusulat sa anyong tuluyan na kung
saan ang kalimitang paksa ay mga mapaghahanguan ng impormasyon.
________________15. Ano ang tawag sa palabas na naglalayong maghatid ng
komprehensibong proyekto na sumasalalim sa katotohanan.
_______________16. Anong tawag sa mga taong aktibo sa online communities.
_______________17. Ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na tungkol sa
kabayanihan ng pangunahing tauhan.
_______________18. Ito ay isang sangay ng panitikan na nagsasalaysay.
_______________19. Ano ang mga salitang humahalili o pamalit sa ngalan o
pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.
_______________20. Sino ang may akda ng “Ang Kuwintas”

“Ang taong nagmamahal nang tunay ay parang estudyante na kumukuha ng exam. Hindi siya titingin sa iba kahit na nahihirapan na”
Inihanda ni Ma’am Rana

You might also like