You are on page 1of 2

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Pangalan:_____________________________________Baitang at Seksyon:_______________________Puntos:______

Kabuuang Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto at katanungan.

Panuto I. Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at itiman nang maayos ang bilog na nakahanay sa letra ng tamang
sagot.
A B C D
1. Sa pag-aaral ng ponemang suprasegmental, alin dito ang hindi binibigyang tuon?
A. diin C. hinto o antala
B. tono o intonasyon D. lalim at kahulugan
2. Sa bansang ito nagmula ang mga tulang tanka at haiku.
A. Hapon C. Korea
B. Tsina D. Timog Korea
3. Ito ang tawag sa mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema ng sanaysay.
A. paksa C. di-lantad na kahulugan
B. kaisipan D. layunin
4. Ito ay panandang kohesyong gramatikal na ginagamit sa pagtitipid ng pahayag. May mga salitang hindi na
inilalagay o nawawala na sa pahayag dahil naiintindihan na ito at magiging paulit-ulit lamang.
A. anapora C. elipsis
B. katapora D. pag-uugnay
5. Ngayong taglagas
‘Di mapigil pagtanda
Ibong lumipad
Ano ang pinapaksa nito?
A. kapaligiran C. karunungan
B. kamatayan D. kahirapan
6. Ito ay pagpapatungkol o reference kung saan ang panghalip ay ginagamit sa unahan bilang pananda
sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng pangungusap sa talata.
A. anapora C. elipsis
B. katapora D. pag-uugnay
7. Ito ay isang uri ng talumpati ayon sa layunin na naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang
particular na paksa.
A. impormatibo C. nanghihikayat
B. okasyunal D. nang-aaliw
8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa proseso sa pagsulat ng talumpati?

A. Pag-unlad C. Kakalasan
B. Paghahanda D. Pagbaba
9. Ito ay isang uri ng panitikang naglalahad ng komunikasyong pampubliko.

A. talumpati C. pabula
B. parabula D. sanaysay
10. Piliin ang pangkat ng salita na nakaantas batay sa tindi ng emosyon o damdamin.

A. napangiti, napahagikhik, napahalakhak


B. napahagikhik, napangiti, napahalakhak
C. napahalakhak, napangiti, napahagikhik
D. Wala sa nabanggit
Panuto II: Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag at isulat ang sagot sa patlang.

________________________________ 1. Tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita.


________________________________ 2. Ito ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang
kinapupulutan ng impormasyon at aliw ng mga mambabasa.
________________________________ 3. Ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan ng pangungusap o talata.
________________________________ 4. Ito ay tulang may 31 na pantig, nahahati sa 5 taludtod at may sukat na 5-7-5-7-7.
________________________________ 5. Ito ay bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng
mga salita maging ito man ay pareho ng baybay.
Panuto III: Tukuyin ang pangungusap kung ito ba ay Anapora, Katapora, Elipsis, Pagpapalit, at Pag-uugnay. Isulat sa patlang ang sagot.
________________________ 1. Siya ang dahilan kung bakit naghihirap tayo ngayon, ang matapobreng si Don Felix.
________________________ 2. Si Jessica ay mabait na bata kaya siya ang paboritong pinsan ni Kyla.
________________________ 3. Maraming dolyar ang papasok sa Pilipinas kapag nakapagbibili tayo ng langis sa ibang bansa.
________________________ 4. Sa Luneta tayo unang nagkita. Dito kita unang nakilala.
________________________ 5. Ang hirap ng ganito lagi na lang nagkakaubusan ng ulam.
________________________ 6. Ito ang paborito kong ulam, ang adobong manok na luto ni nanay.
________________________ 7. Wala ng ibang hinangad si Jerry kundi makapunta sa lugar na iyon.
________________________ 8. Ayoko ng ganitong buhay.
________________________ 9. Nagkaisa ang mga mamamayan sa paglilinis ng kapaligiran sapagkat sila rin ang maaapektuhan
nito.
________________________ 10. Siya ay mapagmahal na bata sapagkat pinalaki si Jane nang maayos ng kaniyang mga magulang.
Panuto IV. Piliin sa loob ng kahon ang tamang salitang binibigyang-kahulugan ng pahayag. Isulat ang letra sa patlang.

a. buNOT f. BUnot
b. SAya g. saYA
_____________ c. na
1. Bao ng niyog LAmang h. ng
ginagamit na pagpapakintab laMANG
sahig.
d. LInga i. liNGA
_____________ 2. Paghugot ng isang bagay sa suksukan o lalagyan.
e. puNO j. PUno
_____________ 3. Ligaya
_____________ 4. Isinusuot ng babae
_____________ 5. Nakahihigit
_____________ 6. Natatangi
_____________ 7. Paglingon
_____________ 8. Buto ng halamang ginagamit na pampabango sa pagkain
_____________ 9. Okupado ang lahat ng espasyo; apaw
_____________ 10. Malaking halaman
Panuto V: Basahin ang bawat pahayag. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita. Bigyang-pansin ang kuwit na ginamit.

1. Tiyo, Randy, Carlson ang pangalan niya.


Paliwanag:____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
2. Tiyo, Randy Carlson ang pangalan niya.
Paliwanag:____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
3. Carmina, Martina Ignasio ang kaibigan ko.
Paliwanag:____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
4. Carmina, Martina, Ignasio, ang kaibigan ko.
Paliwanag:____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
5. Hindi, si Anna ang pumunta..
Paliwanag:____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________

You might also like