Professional Documents
Culture Documents
IKALAWANG MARKAHAN
UNANG LINGGO: IKALAWANG ARAW
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng leksyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga salitang magkapares upang makabuo ng
panibagong salita;
b. napahahalagahan ang pagsasama-sama ng mga salita;
c. nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang nabuo na may
ibang kahulugan.
II. PAKSANG-ARALIN:
Paksa: Kolokasyon
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig Filipino-10
Kagamitan: sipi ng mitolohiya, telebisyon, Pentel pen, manila paper,
LM
III. PAMAMARAAN
Panimulang Panalangin
Gawain Pagbati
Pagtala ng liban
Pagbigay ng Kasunduan
1._____________________+__________________= mapagbigay
2. ______________+_______________= matigas ang kalooban
B.
Tatalakayin sa araw na ito ang mga salitang tinatawag na
Paglalahad Kolokasyon. Inaasahang pagkatapos ng talakayan, kayo ay
ng aralin nakatutukoy ng mga salitang magkapares upang makabuo
ng panibagong salita; napahahalagahan ang bawat salita na
maaaring isama sa ibang salita; at nagagamit sa sariling
pangungusap ang mga salitang nabuo na may ibang
kahulugan.
C.
Pagtatalakay
DI__N_ _NG__L
N _ G _ U _ U N _ _ NG K _ L _ _
Pangkat 3. Pinagtagpo at itinadhana
Panuto: Tukuyin ang kapares ng mga salita mula sa Hanay A
sa mga salitang nasa Hanay B. Isulat ang nabuong salita sa
patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
_______________1. kapit a. kabayo
_______________2. pusong b. hari
_______________3. nakaw c. mamon
_______________4. usad d. aklatan
_______________5. kayod e. kamatis
_______________6. silid f. sibuyas
_______________7. urong g. pagong
_______________8. balat h. tingin
_______________9. ningas i. bisig
_______________10. bahag j. sulong
k. cogon
Pangkat Pangkat Pangkat
PAMANTAYAN 1 2 3
1. magarang____________ 6. katawang____________
2. marangyang____________ 7. kwentong____________
3. bahay__________________ 8. kaibigang____________
4. kapit___________________ 9. matandang__________
5. pusong__________________ 10. balat________________
F.Pagpapahalaga
Gawain 4: Natutuhan ko, Ibahagi ko!
Isulat patalata ang kahalagahan ng mga kolokasyon o
tambalang salita.
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik sa tamang sagot at isulat sa inyong
sagutang papel.
1. Bukas-palad sa mga mahihirap na mamamayan ang
aming batang-batang mayora. Alin dito ang salitang
magkapares?
A. Bukas-palad B. mahihirap na mamamayan
C. batang-batang D. mayora
2. Ang bukas-palad ay nangangahulugang?
A. matulungin B. maasikaso
C. mahilig magpautang D. mapanakit
3. ___________________si Maria. Siya ay maramdamin.
A. Balat-sibuyas B. Anakpawis
C. Alilang-kanin D. Kayod-kalabaw
4. Marami ang anak ni Mang Pedro kaya kayod-kalabaw siya
makatapos lang sa pag-aaral ang mga ito. Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugang?
A. nagtatrabaho ng maigi B. nagbibisyo
C. nagnenegosyo D. nagpapalimos
5. Nagalit ang amo ni Juan dahil kilos-pagong siya kung
magtrabaho. Ang kasalungat na kahulugan ng kilos-pagong
ay?
A. mabagal B. mahina
C. mabilis D. maingat
6. Alin sa ibaba ang tamang paggamit ng salitang bukang-
liwayliway?
A. Bukang-liwayway na nang makauwi sa bahay si Itay
galing sa sakahan.
B. Bukang-liwayway kung magsalita ang aming
kapitbahay.
C. Mahirap hanapin ang bukang-liwayliway sa hapon.
D. Iniisip kong magkaroon ng bukang-liwayway.
7. Nakatira kami noon sa bahaykubo. Ano ang kahulugan ng
bahaykubo?
A. bahay na bato
B. Munting bahay na yari sa kahoy at patpat
C. bahay ng aso
D. bahay na paglulutuan ng kopra
8. Nararanasan kong magsunog ng kilay noong ako’y nag-
aaral pa. Ano ang kahulugan ng nagsusunog ng kilay?
A. nag-aaral nang mabuti B. nag-ahit ng kilay
C. nagpapalagay ng artificial na kilay D. tattoo na
kilay
9. Ano ang tawag sa mga salita na kapag dinagdagan pa ng
ibang salita ay makabuo ng bagong salita at kahulugan?
A. Kolokasyon B. Konotasyon
C. Denotasyon D. Lokasyon
10. Sa anong bagay mahalaga ang mga kolokasyong salita?
A. Nagdagdag ng kagandahan sa pangungusap.
B. Nagpapahaba ng pangungusap.
V. Takdang C. Nagpaparami ng salita sa loob ng pangungusap.
Aralin D. Nagbibigay kalituhan sa mga mambabasa.
Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salita sa
ibaba. Isulat sa isang kalahating papel.
1. anak-pawis
2. tulog-manok
3. luksong tinik
4. hingal-kabayo
5. pusong mamon
Susi sa pagwawasto:
1. A
2. A
3. A
4. A
5. C
6. A
7. B
8. A
9. A
10.a
Inihanda ni :
LENNIE P. ONDOG
Guro III ng Dohinob NHS