You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
Division of Isabela
District of Cabagan
300521-ALFREDA ALBANO NATIONAL HIGH SCHOOL
Magassi, Cabagan 3328 Isabela
_____________________________________________________________________________________________________
LINGGUHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
UNANG LINGGO
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at kung MALI, palitan ang salitang may salungguhit
upang ito ay maging tama. Isulat sa puwang ang iyong sagot.

____________1.Ang salawikain,sawikain bugtong at kasabihan ay mga halimbawa ng karunungang- bayan.


____________2. ”Si Mariang Mapangarapin” ay isang halimbawa ng pabula.
____________3.Ang pabula ay isang anyo ng panitikan kung saan ang gumaganap ay mga hayop o kaya mga bagay
na walang buhay.
____________4.Ang maikling-kuwento ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado.
____________5.Ang dula ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
____________6.Ang karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at
paniniwala,sumasailalim sa iba't ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura.
____________7.Ang salawikain ay mga pahayag na sinasabing pinag-ugatan ng panulaang Pilipino.
____________8.Ang kawikaan ay salawikain na may tahasan at payak na pagpapakahulugan.
____________9.Ang salawikain ay ang mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang
maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
____________10.Ang bugtong ay isang uri ng palaisipang na anyong patula.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na bugtong. Ayusin ang mga naitimang letra upang mabuo ang tamang salita
na tutugma sa bawat bugtong.
____________1. Langit sa itaas,langit sa ibaba, tubig sa gitna. GOYIN
____________2. Ate mo, ate ko, ate nating lahat ng tao. TISA
____________3. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik. APA
____________4.Dalawang batong itim, malayo ang nararating. TAMA
____________5.Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. INGATA
____________6.Isang pamalu-malo, libot na libot ng ginto. ASIM
____________7.Bulaklak muna ang gawin, bago mo ito kainin INGGAS
____________8.Isang bundok,hindi makita ang tuktok OON
____________9.Maliit pa si kumpare, naakyat na ang tore. MAGGNAL
____________10.Isang butil ng palay,sakot ang buong bahay. WALI

PANGALAWANG LINGGO
Panuto: Ang nasa Hanay A ay mga eupemestikong pahayag. Suriin ang kahulugan at hanapin ang kasalungat nito
sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
_____1.sumakabilang buhay A. nakakakita, hindi bulag
_____2.walang ilaw ang mata B.malumanay magsalita
_____3. matalim ang dila C.masunurin
_____4.matigas ang ulo D.busog
_____5.kumukulo ang ulo E. tapat sa asawa
F.madaldal
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salita. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
_____1. maamong kordero A. matulungin
_____2. Bukas-palad B. mahinhin
_____3.busilak ang puso C.mabait na tao
_____4. Di-makabasg pinggan D. tapat, malinis ang kalooban
_____5.butas ang bulsa E. magpapakasal
_____6.lumagay sa tahimik F. walang pera

Panuto: Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng mga sumusunod. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____1. Iba ang tabas ng mukha
a. bilog ang mukha b.maganda ang mukha c.mahaba ang mukha d.makinis ang mukha
_____2.Pabalat-bunga
a.mali b.peke c.tama d.tunay
_____3.Ibang babae
a.asawa b.kaibigan c.kamag-anak d.kinakasama
_____4.Nagbibilang ng poste
a.maraming poste b.may trabaho c.nangangarap d.walang trabaho

Panuto: Ibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar na may guhit na ginamit sa pangungusap.
_____1. Nalasing ang binata sa magdamagang inuman.
a. nalunod sa bote b.nababad sa bote
c.nadaganan sa bote d.nasagasaan sa bote
_____2.Sa hindi inaasahan,siya ay nabuntis na wala sa panahon.
a.nagdadalang-tao b.nagdadalang-poot
c.nagdadalag-habag d.nagdadala ng buhay
_____3. Huwag magtiwala sa tsimis.
a. kuwentong-tubero b.kuwentong barbero
c.kuwentong-bangkero d.kuwentong-karpintero
_____4.Mag-ingat sa magnanakaw
a.mabilis na kamay b.manipis na kamay
c.mabagal ang kamay d.makapal ang kamay
_____5.Presinto ang hantungan ng mga taong luko-luko.
a.basag ang pula b.basag ang tinig
c.basag ang bungo d. basag ang pinggan

PANGATLONG LINGGO
Panuto: Ibigay ang Konotasyon at Denotasyong kahulugan ng mga sumusunod na salita.

DENOTASYON SALITA KONOTASYON


Takipsilim
Kotseng Kimikinang
Naalimpungatang natutulog
Magkasalikop na kamay
Apoy sa impyerno
Pulang Rosas
Krus
Puti
Sinturon
Ilaw
IKAAPAT NA LINGGO
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

____1. Isang uri ng sulatin o komposisyon na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng mga sumulat nito.
Ito ay naglalayong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, manghikayat ng ibang tao
at iba pa.
a. alamat b.maikling kuwento c.nobela d.sanaysay
____2.Hanggang ngayon,sinusunod pa rin ng nakakarami ang mga lumang tradisyon. Ano ang kahulugan ng
salitang
may salungguhit?
a.nakaugalian b.pamahiin paniniwala c.panuntunan d.tanikala
____3.Ang tawag sa mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, dalawang parirala at dalawang sugnay
a. pang-angkop b.pangatnig c.pang-abay d. pang-ukol
____4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema,hindi na niya alintana ang mga darating pa. Alin ang
pangatnig na angkop gamitin sa pangungusap?
a.dahil sa b.kaya c. sapagkat d.subalit
____5.”Kung wala kang magandang sasabihin, mainam na itikom mo nalang ang iyong bibig upang hindi
makasakit”.
Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a.huwag magsalita kung walang sasabihing maganda b.mahalagang mapigil ang damdamin
c.matutong magpakahinahon d.lahat ng nabanggit
____6.Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay. Kinakailangang ikahon ako.
Ano ang kahuluganng salitang sinalungguhitan?
a. itali sa bahay b.ikulong c.pinagbawalan d.saktan
____7.”Bata pa si Red subalit siya’y responsable na”.Alin ang pangatnig na ginamit sa pangungusap?
a. bata b. subalit c. siya’y d.responsable

Panuto: Isulat sa nakalaang patlang kung OPINYON o KATOTOHANAN ang mga sumusunod na pahayag.
___________1. Humihingi ng bayad ang ibang bumbero bago patayin ang sunog.
___________2.May mga taong ang gagawin ay magsilbi sa kapwa.
___________3.Walang basurerong yumayaman.
___________4.Ang mga magsasaka ang gumagawa ng ating kinakaing bigas.
___________5.Sa initan nagtatanim ang mga magsasaka.
___________6.May nanghihila sa ilog na iyon kung kaya’t marami ang namamatay at nalulunod sa tuwing maliligo.
___________7.Ang mga babae lang ang dapat na gumawa ng gawaing bahay.
___________8.Matigas ang bato.
___________9. Sang-ayon kay nanay, bagay sa akin ang maging guro paglaki ko.
___________10. Mas gusto ko ang kapatid na babae kaysa sa lalaki.

Ipinasa Ni: Iwinasto Ni: Pinagtibay Ni:

RACHEL ANNE D. ADARME CYNTHIA M. CABACCAN JUDY B. TARUN


Guro Koordineytor Punong-guro

MARIFE M. ADARME
Guro
KEVIN M. BALABBO
Guro

You might also like