You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Laguna
District of Los Baños
IBAYIW NATIONAL HIGH SCHOOL
San Miguel, Alaminos, Laguna

Ikatlong Panahunang Pagsusulit sa Filipino


Grade -9
I. KAALAMAN
I. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong kasagutan ng mga sumusunod
na pahayag. Titik lamang

a. Hambingan h. Parabula
b. Nobela i. Epiko
c. Pamaksang Pangungusap j. Sinematograpiya
d. Istorya k. Kaisipan
e. Pagbabagong metaporikal l. Hambingan Pasahol
f. Tono m. Paksa
g. Tauhan n. Pagpapakahulugang Retorika

_____1. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay


sa nakasaad sa banal na Aklat
_____2. Nakapaloob dito ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, dito
umiinog ang maliliit na detalye ng akda
_____3. Isang akdang pampanitikan na nahahati sa mga kabanata at may mga
kawing-kawing na mga pangyayari.
_____4. Ito ang nagbibigay-kahulugan na salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.
Nababatay ito kung paano ito ginamit na pangungusap.
_____5. Ito ay saloobin ng may akda sa nabasa.
_____6. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at
katapangan ng pangunahing tauhan.
_____7. Pinag-ugatan ito ng maraming uri ng diskurso. Karaniwan itong sumasagot sa
tanong na “ Tungkol saan ang akda”
_____8. Lahat ng talata ay may pangunahing ideya. Ito ay nagbibigay ng pahiwatig
tungkol saan ang pag-unawa sa talata.
_____9. Mahalagang sangkap sa nobela. Ito ay nagbibigay buhay at gumagalaw sa
kwento.
_____10. Inilalahad dito kung ano ang konsepto ng pelikula, hindi kailangang
madetalye.
_____11. Ito ay matapat na paglalarawan sa buhay o pamumuhay ng tao sa pelikula.
Ang nagbibigay ng anggulo ng mga tagpo o eksena.
_____12. Uri ng hambingan na nagpapakita ng higit na katangian ng inihahambing sa
bagay na pinaghahambingan

II. PROSESO
A. Panuto: Tukuyin sa talata ang pamaksang pangungusap at isulat ito sa sagutang
papel.
Talata 1

Walang dalisay na wika sa daigdig. At dito’y tinutukoy natin ang mga


13.
wikang buhay habang ang mundo’y patuloy na lumiliit at kumikipot. Dala ng
mga kaunlaran sa agham ng paghahalu-halo ng mga wika na namamalasak
at hindi maiiwasan.
Talata 2
14.
Isda at bigas ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Ang
pagsasaka at pangingisda ay magkatulong sa paghahandog sa atin ng mga
biyayang handog ng kalikasan. Ang mga hanapbuhay na ito ay maisasagawa
ng sinuman at hindi nangangailangan ng mataas na pinag-aralan. Sapat na
ang sipag at tiyaga upang pakinabangan ang ating matatabang kabukiran at
malalalim na dagat.

Talata 3
15.
Sa isang bansang walang sariling wikang pambansa ang hindi
maaaring maging matatag. Ito ay dahil sa hindi niya maipapahayag ang
kanyang diwa at tunay na damdamin. Hindi niya maipamamana ang mga
kaakit-akit na kaugalian sa mga darating na saling lahi. Sadyang ang
pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang lubhang napakahalaga sa
isang bayan.

Panuto: Punan nang angkop na pamaksang pangungusap ang talata.


Talata 1
16. _________________________________ Sa tahanan unang natutong
magsalita, bumilang at bumasa ang isang bata. Dito rin niya unang natutunan ang
maraming kaugalian tungkol sa kalusugan, kagandahang asal at marami pang iba.
Talata 2
17. Ang panustos na bigas ang pinag-uukulan ng ating pamahalaan ng malaking halaga
dahil hanggang ngayon ay umaaangkat pa tayo nito sa ibang bansa.
____________________________________. Ang pagtatanim ng palay ay
napakahalaga para sa mga Pilipino sapagkat dito nagbubuhat ang kinakain ng 72
bahagdan ng mga mamamayan.
B. Panuto; Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod na mga salita batay sa
sidhi ng kahulugan nito.

18.____ lawak 19. ____ tangis 20. ____ dampi


____ laki ____ atungal ____ hipo
____ luwang ____ iyak ____ hawak

21 ____ saya 22. ____ pangamba


____ galak ____ kaba
____ tawa ____ takot

C. Panuto: Ibigay ang kahulugang metaporikal ng mga salitang may salungguhit sa


pangungusap.

23. Sa dami ng tagasuporta’t kanyang tagahanga, lumaki ang kanyang ulo.


24. Dugo’t pawis ang ibinibigay ng magulang sa anak para lang makatapos ito ng
pag-aaral.
25. Bibihira sa tao ang may bukas-palad sa kanyang kapwa-tao.

D. Panuto: Ayusin ang mga pangungusap ayon sa pagkakasunod-sunod upang


magkaroon ng kaisahan. Isulat ang titik A-E sa bilang.
_____ 26. Napapawi nito ang mga kalungkutan natin sa buhay.
_____ 27. Ito ay di nabibili ngunit kusang namamalas sa muka ng isang taong nais
magpaligaya sa kapwa.
_____ 28. Ang ngiti ay isang magandang kalasag sa buhay ng tao.
_____29. Katulad nitong isang bulaklak nab ago pa lamang namumukadkad at
ipinagkakaloob nang buong katapatan.
_____30. Kaya’t kaibigan,halina’t ngumiti upang ang buhay ay maging puno ng
kaligayahan.
III. PANG-UNAWA
I. Panuto: Ibigay ang damdaming isinasaad ng bawat pahayag.

a. Panunumbat b. pagsusumamo c.paninindigan


d. pananakot e. pag-aalala f. pagkatuwa

31. “Kung hindi ka papayag, makakaalis ka na at huwag mo akong sisisihin”


32. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa”
33. “Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan”
34. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko saiyo ang lahat ng kayamanan”
35. “Ayoko ng droga”

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

36. Kung isa ka sa manggagawa sa ubasan at maghapong nagtrabaho at nagtiis sa


nakakapasong init ng araw ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho rin ng
isang oras lang nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba?
a. Oo, dahil di makatao yon
b. Oo, dahil di patas yon
c. Hindi, dapat makuntento na lamang sa kung ano ang ibinigay.
d. Hindi, buti na lang may kita kahit paano.
37. Kung ikaw ay isang guro na may estudyanteng nagkasakit na dyslexia, paano
mo siya pakikitunguhan.
a. Sasabihan ng masasakit na mga salita
b. Uunawain ang kanyang kalagayan
c. Pahahalagahan at tuturuan ng mabuti
d. Ilalayo sa iba para di tularan
38. Tama bang umibig sa iba kung ang iyong asawa ay laging wala at palaging
naglalakbay sa buong mundo.
a. Oo, nakakalungkot ang mag-isa
b. Hindi, dahil kasalanan ang magmahal ng iba
c. Oo, Malaya namang magmahal ang lahat di ba
d. Hindi, dahil may-asawa ka na.
39. Kung sa inyong lugar ay maraming adik, ano ang gagawin mo para di-
mapabilang sa kanila?
a. Itutuon ko ang panahon sa pag-aaral
b. Lalayuan ko sila
c. Lilipat ng tirahan
d. Magsusumbong sa kinauukulan.
40. Kung ikaw si Rama, gagawin mo rin ba ang ginawa niya para iligtas si Sita na
iyong minamahal sa isang buhong o demonyo.
a. Hindi, mahirap kumalaban sa isang demonyo
b. Oo, mahirap mawalan ng mahal sa buhay
c. Hindi, mas mahal ko ang buhay ko
d. Oo, ang asawa ay asawa
Pag-unawa sa binasa:
Panuto: Basahin at unawain ang seleksyon. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Titik
lamang ang isulat
Seleksyon A
Likas sa tao ang mapangarapin. Ito ay nagsisilbing inspirasyon upang
lalo siyang magsikap at magpunyagi sa buhay. Ang anumang balakid ng handa niyang
harapin, magkaroon lamang ng katuparan ang kanyang hangarin. Patuloy siya sa
paghahanap ng “ bayang umaapaw sa ginto sa paanan ng bahaghari”.Ang iba ay
mapapalad, ang iba ay bigo. Bakit kaya? Anuman ang dahilan, walang masama kung
patuloy tayong nangangarap, kung di titigil sa pagsisikap, sa pagdalangin, sa pag-asa.
Hindi ba, habang may hininga, habang may buhay, may pag-asa ang tao.
41. Ang paksa ng seleksyon ay tungkol sa______
a. Pag-ibig
b. Pangarap
c. Tagumpay
d. kinabukasan
42. Ang seleksyon ay ipinapatungkol sa ______
a. Kabataan
b. Kalalakihan
c. Kababaihan
d. Lahat
43. Ang pinakadiwa ng seleksyon ay ______
a. Ang lahat ng tao ay maaaring umunlad
b. Ang pangarap ay para sa lahat
c. Hindi lahat ay umuunlad
d. Ang kaunlaran ay kusang dumarating
44. Bukod sa pagsisikap, ang unang dapat gawin upang umunlad ang tao ay ______
a. Magdasal
b. Mag-aral
c. Mangarap
d. Gumawa
45. Likas sa tao ang pagiging mapangarapin kaya ____
a. Dapat lamang na siyang mangarap nang mangarap
b. Natural lamang sa tao ,magkaroon siya ng mga ambisyon
c. Kailangang managinip siya ng kaunlaran
d. Lahat ay may karapatang magnais na umunlad
Seleksyon B
Isang labis na kasiyahan para sa akin na palaging kasama sa Alay Lakad na
proyektong ito. Natutuwa ako’t nabibilang pa rin ako sa mga beteranong nagsasagawa ng
dakilang pamumuno para sa kabataan mula pa noong 1972. Nakahahawa ang kasiglaan at
kalusugan ng mga kabataang naglalakad na’y tumatakbo pa bilang pagkakaisa sa mabunying
tunguhing ito.

Ito na nga ang kabataan. . .sulong para sa Pilipinas 2020. Halina at isigaw
natin nang sama-sama ang pangunang hudyat para sa pagdating ng 21 dantaon. Ang Pilipinas
2020 ay isang pambansang panawagan upang umunlad at bumuti ang ating kabuhayan.
kailangan dito’y tulungan at pagsisikap nang sa gayon, ang mga kapus-palad ay mabigyan ng
sinag ng kaningningan ng bagong umaga. Tinatawagan ang tanan para makilala ng mga
kabataan na sila ang magiging tagapagmana ng pamunuan ng salinlahi ng bansa.

Dahil sa diwang ito, minamarapat kong susugan ang pinagtibay ng Kongreso,


ang Pambansang Komisyon ng Kabataan o ang National Youth Commission at dito’y ang mga
kabataan ay magkakaroon ng puwang sa pag-ugit ng kanilang kinabukasan. Ang mga hindi
nagsisipag-aral sa kasalukuyan ay dapat na may kinatawan sa komisyong ito. Club at ang iba
pang samahan.

Binabati ko rin ang mga nasa likuran ng kilusang tulad ng Kiwanis, Lions,
Rotarians, Jaycees at iba pang nasa pribadong organisasyong nagsikhay upang
maisakatuparan ang gawaing ito. Itong abang lingkod ninyo na pinuno ng bansa’y nag-
aanyayang bawat hakbang ng bayan ay ialay sa kabataan. Maraming salamat at mabuhay
tayong lahat” Binigkas ito sa Quirino Grandstand, Rizal Park ng ating mabunying , ama ng
bansa.

46. Ang seleksyong ito’y mauuring talumpating ________


a. Pampasigla
b. Pampalibang
c. Paghahandog
d. Panghihikayat
47. Inilalarawan ng bumigkas ang kanyang damdaming may _____
a. Agam-agam
b. Panghihinayang
c. Kagalakan
d. Mapag-udyok
48. Ang Pilipinas 2020 ay pambansang panawagan upang ____
a. Umunlad at bumuti ang ating kabuhayan
b. Tulungan ang mga kabataan
c. Ihanda ang mga kabataan
d. Manguna ang Pilipinas sa Silangang Asya
49. Mahihinuhang may pagpapakumbaba ang bumigkas ng talumpati sa kanyang
palagay na _____
a. Natutuwa at napabilang sa mga beterano
b. Nahawa sa kasaiglahan ng kabataan
c. Ito’y abang lingcod ninyo
d. Sinusugan ko ang pinagtibay ng kongreso
50. Sa ilalim ng kabataan, ang mga kabataan ay magkakaroon ng puwang sa _____.
a. Pag-ukit ng kanilang karapatan
b. Pagtatapos ng pag-aaral
c. Matulungan ng pamahalaan
d. Pagtuklas ng kapalaran

You might also like