You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
CAYAMBANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City Pangasinan

PANGATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9
Pangalan:___________________________________ Petsa:_______________
Bilang at Taon:_______________________________ Iskor:_______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot bago ang
bilang.

_________1. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghambing ay may patas na katangian.
a. Komparatibo c. Pasahol
b. Palamang d. Di-magkatulad
_________2. May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.
a. Pahambing na komparatibo c. Pahambing na pasahol
b. Pahambing na palamang d. komparatibo
_________3. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa
nakasaad sa banal na aklat.
a. Pabula c. Nobela
b. Parabula d. Epiko
_________4. Ito ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay
kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
a. Pagpapakahulugang semantika c. Pagpapakahulugang retorika
b. Pagpapakahulugang gramatika d. Pagpapakahulugang ponemiko
_________5. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng
masidhing amaminpatungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
a. pasalaysay c. elehiya
b. pangkalikasan d. tulang oda
_________6. Elemento ng sanaysay na pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan itong
sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang aka?”. Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-uusapan.
Ito rin ang sentro ng ideya ng buong akda.
a. Tono c. kaisipan
b. Paksa d. ideya
_________7. Ito ay saloobin ng may-akda sa paksa. Sa pamamagitan ng mga espesipikong wika na
ginamit ng may-akda, mababatid kung sino ang target na mambabasa.
a. Tono c. paksa
b. Kaisipan d. ideya
_________8. Nakapaloob dito ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, ditto umiinog ang
maliit na himaymay ng akda. Maaaring ito ay hindi tuwirang binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig
ng may-akda para mailahad ito.
a. Tono c. paksa
b. Kaisipan d. ideya
_________9. Ito ay isang maikling buod ng isang paksa. Nasa anyong patalata at hindi sa anyong
pabalangkas. Buod ito subalit malaman. Karaniwang ginagamit ito na panimula sa mga akdang
pampanitikan para maipakita ang pangunahing daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan. Ginagamit
din ito sa nobela sa pamamagitan ng pagpapaikli ng buong nobela mula sa simula hanggang saw akas.
Gayundin ginagamit ito sa manuskripto at sa anumang aklat.
a. Kalakasan c. synopsis
b. Kasukdulan d. wakas ng nobela
_________10. Ang sumusunod ay mga dahilan ng Pangangatuwiran. Alin ang hindi?
a. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
b. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
c. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
d. Makapagpaimpress ng sarili.
_________11. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang
panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig
na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatuwirang
pagpapahayag.
a. Pagtatalo c. Debate
b. Pangangatuwiran d. panghihikayat
_________12. Ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi ay isang orihinal na aka mula sa bansang;
a. Bhutan c. Saudi Arabia
b. Singapore d. Israel
_________13. Isang akdang pampanitikan na nahahati sa mga kabanata at may mga kawing-kawing na mga
pangyayari.
a. Maikling kuwento c. Parabula
b. Epiko d. Nobela
_________14. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng
pangunahing tauhan. Inilalarawan din ang kanyang pakikipagsapalarang pinagdaanan at binibigyan din ang
katangiang supernatural ng tauhan. Nagtataglay siya ng nobela. Maaari itong;
a. Simula c. Kalakasan
b. Gitna d. Wakas
_________15. Isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo ang kaniyang napangasawa. Dahilan ito
upang siya ay malungkot. Umibig siya sa isang guwapong lalaking mas bata sa kaniya. Ang pahayag sa itaas
ay bahagi ng synopsis ng nobela. Maaari itong;
a. Simula c. Kalakasan
b. Gitna d. Wakas
_________16. Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila.
Lumabas sila ng bahay na tinatakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng
mga kapitbahay. Ang pahayag sa itaas ay bahagi ng ______ ng isang kuwento.
a. Simula c. Gitna
b. Wakas d. Tunggalian
__________17. “Kailangang makasama ka, kung hindi mapag-iwanan ka”. Ano ang layunin ng nagsasalita?
a. Nanghihikayat c. Nagtuturo
b. Nagpapaliwanang d. Nang-aaliw
Para sa bilang 18-20.

Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawian kong likmuan sa pagsusulat. Sa gilid
ng isang mesang may katamtaman ang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking mga
kakailangananing gamit sa panonood. Hindi ko napigilan ang aking sarili isang gabing hindi ako
makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng ulan ngunit wala naming masabing may
masamang namumuong panahon. Wala naming mapakinggang anunsiyo sa telebisyon o radio.
Nakipagsabayan sa malakas na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ang aking luha habang
pinanonood ko si Ishaan. Siya ang bida sa aking puso at si titser. Napukaw agad ang aking interes sa
pinanonood kong pelikula. Dala marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam
ang bawat eksena. Sa una’y mas tamang sabihing dahil ako’y isang guro. Tama. Isa akong guro… at
isa rin akong magulang.

__________18. Anong uri ito ng teksto?


a. Nagsasaysay c. Naglalahad
b. Naglalarawan d. Nangangatuwiran
__________19. Ano ang uri ng tekstong ito?
a. Naiinis c. Nakauunawa
b. Nagagalit d. Nahahabag
__________20. Ang tekstong ito ay nagmula sa akdang;
a. Isang Libo’t Isang Gabi c. Mga Patak ng Luha
b. Tilamsik ng Sining …. Kapayapaan d. Hindi Ako magiging Adik
__________21. Ang nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi’” ay isinulat sa Ingles ni Richard Burton at nirebisa ni
Paul Brians. Isinalin naman ito sa Filipino ni:
a. Vilma C. Ambat c. Jocelyn C. Trinidad
b. Mary Grace A. Tabora d. Julieta U. Rivera
__________22. Ang talinghaga tungkol sa May-Ari ng Ubasan ay nagmula sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ito ay
mula sa Ebanghelyo ni:
a. Mateo 20:1-16 c. Juan 14:6
b. Lucas 15:11 d. Mateo 21:1-15
__________23. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang
Banga sa kaniyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.” Ito ay hinango sa parabula ng:
a. Parabula ng Banga c. Parabula ng Isang Lapis
b. Talinghaga ng Butil ng Mustasa d. Alibughang Anak
__________24. Lalong maunlad ang Saudi Arabia sa India. Ang salitang lalo ay salitang naghahambing sa
paraang:
a. Magkatulad c. Palamang
b. Komparatibo d. Pahambing
Para sa Bilang 17-20
May mga enerhiyang nukleyar at ibang kauri. Pamuksa ba ng tao o pantulong sa ating
pangangailangan ang enerhiya? Napakalaki ang maitutulong ng agham at teknolohiya sa
pagkakaroon ng maunlad na pamumuhay kung magagamit ito sa mabuting kaparaanan na may
maganda at makataong hangarin. Hindi lamangang pag-unlad na pisikal ang mahalaga kunsi
pagsaalang-alang ng sosyal na kalagayan ng tao kaalinsabay ng mga teknolohiyang dumarating. Sa
hangaring mabuti, ang agham at teknolohiya ay ilaw na magbibigay –liwanag at nag-uugnay sa
lahat ng mga bansa sa mundo.

____________25. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?


a. Nagsasalaysay c. Naglalahad
b. Naglalarawan d. Nangangatuwiran
____________26. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
a. Enerhiyang nukleyar c. Pisikal na pag-unlad
b. Pumupuksa ng tao d. Makataong Hangarin
____________27. Ano ang maitutulong ng agham at teknolohiya sa atin ayon sa teksto?
a. Naging makabago ngayon c. Maunlad na pamumuhay
b. Bumubuti ang serbisyo d. Nag-uugnay sa mga bansa sa mundo
____________28. Bukod sa pag-unlad na pisikal, ano pa ang dapat isaalang-alang?
a. Sosyal na kalagayan ng tao c. Emosyonal na kalagayan ng tao
b. Moral na aspekto ng tao d. Pinansiyal na kalagayan ng tao

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

___________29. Paratang a. palalayain


___________30. Pakakawalan b. nakapiit
___________31. Nakakulong c. ipinanukala
___________32. Iminungkahi d. layon
___________33. Pakay e. bintang
___________34. Bonnet f. Banal na Aklat
___________35. Turban g. guwantes
___________36. Qur’an h. gora
___________37. Rama at Sita i. Pat V. Villafuerte
___________38. Elehiya sa Kamatayan ni Kuya j. Rene O. Villanueva
k.yari sa telang ipinupulupot o ibinabalot
sa paligid ng ulo
39-48. Sanaysay (10 puntos)
Sumulat ng isang Sanaysay tungkol kaunlaran ng alinmang bansa sa Timog Kanlurang Asya.

******END OF EXAM******

Sa pag-aaral, kapag nagkamali ka matuto ka.


Sa love, kapag nagkamali ka iiwan ka.

Prepared by: Recommending Approval: Approved by:

Jemimah R. Paa Arsenia T. Manuel Edmundo A. Bisquera, Ph. D


Substitute Teacher I Principal II EPS 1 - Filipino
Susi sa Pagwawasto

1. a 26. a
2. b 27. d
3. b 28. b
4. a 29. e
5. c 30. b
6. b 31. b
7. a 32. c
8. b 33. d
9. c 34. g
10. d 35. k
11. b 36. f
12. c 37. j
13. d 38. i
14. b 39-48. Sanaysay
15. b 49-50. Bonus points
16. b
17. a
18. b
19. c
20. b
21. d
22. a
23. a
24. a
25. a

You might also like