You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Marinduque
Santa Cruz East Cluster
MASAGUISI NATIONAL HIGH SCHOOL
Masaguisi, Santa Cruz, Marinduque

Unang Markahang Pagsusulit


Filipino 8

PANGALAN: ____________________________________ ISKOR: ___________________


PETSA: ___________________
I. A. Panuto:Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba na nangyayari sa totoong buhay sa kasalukuyan. Mula
rito,piliin ang pinakaangkop na kasabihan, salawikain o sawikain batay sa sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa unahan ng bawat bilang.
_____1.Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat ka sa pangangailangan pero puno ka naman sa
pagmamahal ng iyong mga magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging inspirasyon upang
mag-aral nang mabuti. Mabilis na dumaaan ang panahon at ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral. Ang dating
tinutukso noon ay umunlad at nagkaroonna ng magandang buhay.
A. Kapag may tiyaga, may nilaga.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin sa iyo.
D. Bago mo linisin ang dungis ng iba, linisin muna ang putik sa iyong mukha.
_____2.Hiniling ng matalik mong kaibigan na magsinungaling ka at sabihing kayo ang magkasama sa kaniyang
panonood ng sine. Hindi ka pumayag kaya nagalit siya. Hindi ka niya kinibo nang mahabang panahon. Ipinagkibit-
balikat mo na lang ang kanyang ginawa. Dumating ang araw humingi siya ng tawad sa kanyang ginawa at naibalik
ang inyong magandang pagkakaibigan.
A. Ang tunay na kaibigan, karamay kailanman.
B. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan.
C. Ang tunay na kaibigan ay karamay sa kasinungalingan.
D. Ang mga hangal ay nagsisinungaling, ang mga matatalino ay nananatili sa katotohanan.
_____3.Ang mga front liner sa panahon ng pandemyang Covid 19 ay taus- pusong naglilingkod hindi lamang sa
ating komunidad at sa ating bansa.
A. bukal sa loob C. matalas na ulo
B. makitid mag-isip D. malawak mag-isip
_____4.Sa kinakaharap nating iba’t-ibang isyu sa ating lipunan, hindi maaaring magbingi-bingihan lamang tayo sa
mga pangyayaring ito. Kailangan nating kumilos.
A. taingang-kawali C. bahag ang buntot
B. mahina ang loob D. matalas ang pandinig
_____5. Nag-apply sa trabaho si Arnel. Masyadong mahigpit ang pagtanggap ng bagong empleyado kaya nilapitan
ni Arnel ang kakilala niyang tagapamahala ng kompanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, hiningan siya
nito ng halaga upang maipasok siya sa trabaho. Hindi tumugon si Arnel sa nais ng kakilala sa halip pumila sa hanay
ng mga aplikante. Ipinagmamalaki niyang natanggap siya sa trabaho na dumaan sa tamang proseso.
A. matalas na ulo C. malawak ang isip
B. mataas na noo D. bahag ang buntot

I. B. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng talinghagang may salunggguhit.Isulat ang titik ng tamangsagotsaunahan ng
bawatbilang.
_____6. Namimitak pa lamang ang araw ay nasa bukid na si ama.
A. umaga na C. hapon na
B. maagang-maaga pa D. katanghalian
_____7. Kaagad ay nabato- balani si Aurora kay Tithonus.
A. napaibig C. nagalit
B. napakabit D. nambato

I. C. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may diin sa pangungusap.
a. hindi nadisiplina d. pinag-isipan
b. katalinuhan e. problema
c. matalino
_____8. Hindi maiiwasang makaranas makaranas ng bagyof. walang magandang
sa buhay hinaharap
ang mga tao.
_____9. Inisip niya nang makapito ang bagay na ito bago niya gawin.
_____10. Matigas ang ulo ng anak na hindi napapaluha.
_____11. Malayo ang mararating ng batang matalas ang isip.
_____12. Marami siyang masasamang bisyo kaya’t sigurado akong nakatunganga na iyan bukas.

I. D. Panuto: Ibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar na may guhit na ginamit sa pangungusap.
_____13. Nalasing ang binata sa magdamag na inuman.
A. nalunod sa bote C. nadaganan ng bote
B. nababad sa bote D. nasagasaan ng bote
_____14. Sa hindi inaasahan,siya ay nabuntis na wala sa panahon.
A. nagdalang tao C. nagdadalang habag
B. nagdadalang-poot D. nagdadala ng buhay
_____15. Huwag maniwala sa tsismis.
A. kuwento kutsero C. kuwentong-bangkero
B. kuwetntong barbero D. kuwentong-karpentero
_____16. Mag-ingat sa magnanakaw.
A. mabilis ang kamay C. mabagal ang kamay
B. manipis ang kamay D. makapal ang kamay
_____17. Presinto ang hantungan ng mga taong luko-luko
A. basag ang pula C. mabagal ang bungo
B. basag ang tinig D. basag ang pinggan

I. E. Panuto: Piliin ang pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kaisipang nakapaloob sa karunungang-
bayan. Isulat ang itik nang tamang sagot.
18. Ang magandangasal ay kaban ng yaman.
A.Palaging pinaaalalahanan si Ana ng kanyang ina na ugaliin ang maging magalang sa kapwa dahil ito ay
natatanging kaugalian.
B.Hindi man mayaman si Ana, higit pa ring hinahangaan ang walang sawang pagtulong sa kanyang mga
kaklase.
19. Ang malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
A.Napakalakas ng loob ni Jose ng makipag-usap sa kanyang mga kasama sa kabila ng kaniyang mga
ginawa.
B.Hindi kailan man natatakot si Baldo sa lahat ng kanyang naging desisyon dahil malinis ang kanyang
intensyon.
20. Kung nagbigay ma’t mahirap sa loob, ang pinakakain ay di mabubusog.
A.Isang hapunan ang inihanda ng tiya ni Lina, ngunit hindi ako mabusog-busog dahil sa bawat subo
naming, siya naman ay nakatingin.
B.Magaan ang pakiramdam ni Mang Juan sa pag-abot ng tulong sa mga naging front liner ng COVID 19
21. Siya ang itinuturing na itim na tupa sa kanilang pamilya.
A.Si Roel ay may katigasan ang ulo at hindi sumusunod sa kanyang magulang.
B.Maitim ang pangangatwiran ni Roel kaya siya naiiba.

I. F. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bawat
bilang.
HANAY A HANAY B
_____22. maamongkordero A. matulungin

_____23. bukas-palad B. mahinhin

_____24. busilak ang puso C. mabaitnatao

_____25. di-makabasagpinggan D. tapat, malinis ang kalooban

_____26. butas ang bulsa E. magpakasal

_____27. umagay sa tahimik F. walangpera

II. A. Panuto:Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng
bawat bilang.
_____28. Iba ang tabas ng mukha
A. bilog ang mukha C. mahaba ang mukha
B.maganda ang mukha D. makinis ang mukha
_____29. pabalat-bunga
A. mali C. tama
B. peke D. tunay
_____30.ibang babae
A. asawa C. kamag-anak
B. kaibigan D. kinakasama
_____31.nagbibilang ng poste
A. maraming poste C. nangangarap
B. may trabaho D. walang trabaho

II.B.Panuto: Bigyan mo ng tamang paghihinuha ang mga pangyayaring naganap sa dalawang Epiko (Epiko ng
Nalandangan at Si Tuwaang at ang Dalaga ng BuhongnaLangit).Pumili ng dalawang letra sa bawat pamilian at
isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bawat bilang.
_____32-33. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Mahihinuha mong si Bai bilang kapatid
ay ______.
A. Walang tiwala sa kanyang kapatid.
B. Nais niyang samahan ang kanyang kapatid.
C. Nag-aalala sa maaaring mangyari sa kanyang kapatid.
D. Hindi maganda ang pakikitungo at relasyon sa kanyang kapatid.
_____34-35. Ang Dalaga ng Buhong na Langit ay tumakas at nagtago mula sa Binata ng Pangumanon, isang
higante na may palamuti sa ulo naabot ang mga ulap. Bilang isang dalaga, mahihinuha mong ______.
A. May galit ang Dalaga ng Buhong na langit sa Binata ng Pangumanon.
B. Natatakot ang Dalaga ng Buhong na Langit sa Binata ng Pangumanon.
C. May ibang nangingibig sa Dalaga ng Buhong na Langit at natatakot siya rito.
D. Nais paglaruan ng Dalaga ng Buhong na Langit ang damdamin ng Binata ng Pangumanon.

III. A. Panuto: Basahin ang buod ng Epiko sa ibaba pagkatapos ay pumili ng dalawang titik ng tamang kasagutan
sa bawat katanungan.

ANG EPIKO NI BIAG NI LAM-ANG

Noong unang panahon, may mag-asawang nagngangalang Juan at Namongan. Ang mag-asawa ay nakatira
sa baryo ng Nalbuan. Noong magbuntis si Namongan ay umalis ang asawang si Juan upang parusahan ang isang
grupo ng igorot.
Habang wala si Juan ay isinilang ni Namongan ang kanilang anak na lalaki. Lubos na kahanga-hanga ang
sanggol sapagkat pagkapanganak pa lamang ay marunong na itong magsalita. Ang pangalang "Lam-ang" ay siya
mismo ang pumili. Maging ang mga ninong at ninang ay siya ring nagtalaga.
Isang araw, nagtanong si Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama.
"Nasa bundok ito upang parusahan ang mga igorot," sabi naman ng ina. Nalungkot si Lam-ang sapagkat
matagal na niyang hindi nakikita ang ama buhat nang siya ay isilang. Isang araw ay nanaginip si Lam-ang na ang
kanyang ama ay pinatay ng mga igorot. Sa galit nito ay nagpunta siya sa kabundukan at pinatay lahat ng igorot
doon.
Ang batang si Lam-ang ay siyam na taong gulang pa lamang noon. Sa kanyang pag-uwi sa kanilang lugar
sa Nalbuan ay napadaan si Lam-ang sa ilog ng Amburayan. Doon ay pinaliguan siya ng mga kaibigang babae. Ang
mga dumi at dugo sa katawan ni Lam-ang ay naging tila lason na pumatay sa mga isdang nasa ilog.
Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala niya si Ines Kannoyan. Siya ay umibig dito.
Nagpasyang manligaw si Lam-ang sa magandang si Ines. Dala ang kanyang tandang at paboritong aso. Lubos na
nainis si Lam-ang nang makitang maraming nakapalibot na manliligaw sa bahay ni Ines kaya't inutusan niya ang
kanyang tandang na tumilaok. Sa pagtilaok ng manok ay agad na nasira ang bahay ni Ines at namatay ang lahat ng
manliligaw.
Agad namang inutusan ni Lam-ang nakumahol ang aso at tumahol nga ito. Sa tahol naman ng kanyang aso
ay tila himalang bumalik sa dati ang gumuhong bahay ni Ines. Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin
si Lam-ang. Hiningini Lam-ang ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi naman tumanggi ang mga magulang ni
Ines sa isang kondisyon.
Tapatan lamang ang kanilang kayamanan. Hindi naman ito naging hadlang kay Lam-ang. Umuwi si Lam-
ang at bumalik na may dalang Bangka na puno ng ginto. At kalauna’y ikinasal din sila ni Ines. Lumipas ang
maraming taon ay dumating ang pagkakataon upang manghuli si Lam-ang ng isdang "Rarang". Isang obligasyon sa
mga lalaking may asawa ang humuli nito.
Ngunit may pangitain na si Lam-ang na mapapatay siya ng isdang "Berkahan". Ito ay isang isda na kalahi
ng mga pating. Sa kabila nito ay di pa rin nagbago ang isip ni Lam-ang na hulihin ang isdang Rarang. Ngunit
nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at siya ay napatay ng Berkahan. Lubhang nagtangis si Ines at agad na
umupa ng mga maninisid upangmakuha ang mga butoni Lam-ang. Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang.
Kasama ni Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan gabi-gabi ang mgabuto ng asawa.
Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay. Mula noon ay namuhay sila nang masaya.

36-37. Ano ang kakaibang katangiang taglay ni Lam-ang nang siya ay isilang?
A. marunong nang magsalita C.marunong nang maglakad
B marunong nang makipaglaban D.marunong nang magdesisyon
38-39. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng pakikipagsapalaran ni Lam-ang habang hinahanap ang kanyang
ama??
A.hindi niya kaagad nakita ang ama C.nakaranas siya ng matinding gutom
B.marami siyang nakasagupang kalaban D.napatay niya lahat ng igorot
40-41. Ano ang katangian ni Lam-ang bilang isang pinuno, mandirigma at mangingibig?
A.matapang C.mapagbigay
B.mapanuri D.may malasakit sa nasasakupan

III. B. Panuto: Mula sa Kuwentong Ang Kalupi ni Benjamen Pascual, suriin mo ang piling mga pangyayari.
Kilalanin ang layunin nito at magbigay ng paghihinuha sa bawat pangyayari na may kaugnayan sa dati mong
kaalaman at karanasan.

Pangyayari 1: Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong.
Maaliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang
malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi,
bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan.

42. Ano ang layunin ng talata?


A.Ilarawan ang pisikal na anyo ng pangunahing tauhan
B.Isalaysay ang mga pangyayari
43. Ano ang hinuhang mabubuo sa bahagi ng kwento?
A.Maganda ang gising ni Aling Marta B.May hatid na saya at biyaya ang bawat umaga

Pangyayari 2: Nang dumating siya sa gitna ng pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na
humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata
ay tumama sa kanyang dibdib. “Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay patakbo ka
pa kung lumabas!”
44. Ano ang layunin ng talata?
A.Ipadama sa mambabasa na may kinatatakutan ang batang lalaki
B. Iparamdam ang pagkairita ni Aling Marta nang mabangga ng bata
45. Ano naman ang hinuhang mabubuo?
A.Masyadong maikli ang pasensya ni Aling Marta
B.Pagkadama ng galit ng pangunahing tauhan sa pagkabangga sa kanya ng bata

Pangyayari 3: Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestida upang magbayad.
Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang
kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

46 . Ano ang.layunin ng talata?


A.Makisimpatya sa kalungkutang nararamdaman ng tauhan sa pagkawala ng kanyang pitaka
B.Ipadama ang matinding pagkabigla ng pangunahing tauhan sa pagkawala ng kanyang pitaka.
47. Ano ang hinuhang mabubuo sa kwento?
A. Maaaring mapagbintangan niya ang batang nakabangga niya na siyang kumuha ng kanyang pitaka
B. Nanlisik ang mga mata ni Aling Marta sa kanyang kaharap sa labis na pagkabigla dulot ng
Pagkawala ng kanyang pitaka

Pangyayari 4: Hindi niya gustong tumakbo. Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay
makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta
at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayuan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis. Siya ay
humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang
maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling
Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae. Bahagya ng umabot sa kanyang pandinig
ang malakas na busina ng ilang humahagibis nasasakyan.
48. Ano ang layunin ng talata?
A. Iparating na hindi alintana ng bata ang panganib makalayo lamang sa mga gustong manakit sa kanya
B. Ipahatid sa mga mambabasa na anumang uri o kalagayan mayroon ang tao nangangailangan ng pantay na
pagtingin,respeto at pagpapahalaga.
49. Ano naman ang hinuhang mabubuo?
A.Nawala na sa isip ng bata ang panganib na dulot ng humahagibis na sasakyan ang nais lang niya ay makatakas
sa pulis at sa mapanakit na si Aling Marta.
B.Labis na napahiya at nasaktan ang bata sa pagbibintang at pananakit ni Aling Marta kaya siya tumakbo nang
mabilis.

Pangyayari 5: “Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya.Nakatayo ito sa
kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”

50. Ano ang layunin ng talata?


A .Mabigyang aral ang mambabasa na masama ang magbintang
B.Iparating na hindi natutuwa ang pulis sa ginawang pagbibintang ni Aling Marta sa bata
51. Ano ang hinuhang mabubuo?
A. Labis na magsisisi si Aling Marta sa ginawang pagbibintang sa bata.
B. Maiinsulto si Aling Marta sa sinabi ng pulis at makadarama siya ng galit siya sanabanggit na tauhan.

IV. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga isyu pagkatapos ay piliin sa loob ng kahon ang titik na tumutugon sa
angkop teknik na ginamit sa pagpapalawak ng talata.

A.pagbibigay katuturann C.pagsusuri


B.paghahambing

_____52.Ayon sa kasalukuyang sitwasyon,may ilang corona virus na maaaring maipasa ng tao sa tao (human to
human transmission) kadalasan ay nangyayari ito sa malapitang pakikisalamuha sa iba ng taong mayroon nito
gaya ng sa bahay,trabaho o health facility.
_____53.Maraming bagay ang pinagkukunan ng karbon: ang pagsunog ng kagubatan o kaingin,transportasyon,mga
planta at mga pabrika at lahat halos ng uri ng industriya
_____54.Ang corona virus sabi ng DOH ay malaking pamilya ng virus mula sa simpleng “common cold”hanggang
sa mga mas seryosong infections gaya ng MERS-COV at SARS- COV.
_____55.Ang CORONA VIRUS ay mga pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa karaniwang sipon
hanngang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle Cast Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS).

V. Panuto: Isulat ang titik A kung sanhi ang isinasaad ng pangungusap at titik B naman kung bunga. Isulat ito sa
unahan ng bawat bilang.

56. Minahal nang husto ni Adlaw si Bulan kaya pinakasalan niya ito.
57. Kaya pinakasalan niya ito.
58. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa.
59. Kaya biniyayaan sila ng maraming anak.
60. Nagkaroon tuloy ng buwan at bituin sa gabi.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Marinduque
Santa Cruz East Cluster
MASAGUISI NATIONAL HIGH SCHOOL
Masaguisi, Santa Cruz, Marinduque

Talahanayan ng Ispesipikasyon
Kabuuang Pagsusulit sa Filipino 8
Unang Markahan

Bilang Bilang
Bahagda Katam-
Kasanayang Pagkatuto ng ng Madali Mahirap
n taman
Araw Aytem
1. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga karunungang bayan sa mga 8 12 20% 8 2 2
nangyayari sa tunay buhay sa kasalukuyan.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga talinhaga,
eupemistiko o masining na pahayag na ginamit
8 12 20% 8 2 2
sa tula, balagtasan, alamat, maikling kwento,
epiko ayon sa kasingkahulugan.
3. Napipili ang pangyayari sa kasalukuyan na
may kaugnayan sa kaisipang nakapaloob sa 5 8 12.5% 6 2 0
karungang-bayan.
4. Nabibigyang kahulugan ang mga talinhaga,
eupemistiko o masining na pahayag na ginamit
5 8 12.5% 6 2 0
sa tula, balagtasan, alamat, maikling kwento,
epiko ayon sa kasalungat.
5. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa
binasa sa pamamagitan ng paghihinuha batay sa
7 10 17.5% 7 2 1
mga ideya o pangyayari sa akda
-dating kaalaman kaugnay sa binasa
6. Nakikinig ng may pang-unawa upang
mailahad ang layunin ng napakinggan,
maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng 7 10 17.5% 7 2 1
mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng
mga pangyayari.
Kabuuang Bilang 40 60 100% 42 12 6

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MERCEDITA R. RIEGO RAMER R. MANSALAPUS


Guro sa Filipino Katiwalang Guro
Filipino 8
SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 16. A 31. B 46. B

2. B 17. A 32. A 47.A

3. A 18. A 33. C 48. B

4. A 19. B 34. B 49. A

5. A 20. A 35. C 50. A

6. B 21. A 36. A 51. A

7. A 22. C 37. D 52. C

8. E 23. A 38. A 53. C

9. D 24. D 39. B 54. A

10. A 25. B 40. A 55. B

11. C 26. F 41. D 56. A

12. F 27. E 42. A 57. B

13. B 28. B 43. A 58. A

14. A 29. D 44. B 59. B

15.A 30. A 45. A 60. A

You might also like