You are on page 1of 2

Talambuhay ni Martin Luther King, Jr.

Si Martin Luther King, Jr. (15 Enero 1929 - 4 Abril 1968), ay isa sa mga pangunahing
pinuno ng kilusang para sa mga karapatang
sibil ng mga Amerikano.

Naging ministro ng mga Bautista sa


pamamagitan ng pagsasanay, si King ay naging
aktibista ng karapatang sibil sa simula ng
kanyang karera, na nagpasimuno
ng Montgomery Bus Boycott at tumulong sa
pagbuo ng Southern Christian Leadership
Conference.

Ang kanyang pagpupursige ay nagdulot


sa Martsa sa Washington noong 1963, kung
saan ay inihayag niya ang kanyang
talumpating Mayroon akong Pangarap ("I Have
a Dream"), na nagpataas sa kamulatan sa
kilusang karapatang pangsibil at nagpakilala
kay King bilang isa sa pinakadakilang orador sa
kasaysayan ng Amerika. noong Agosto 28,
1963, binigkas niya bilang lider ng mga
karapatang-sibil sa Amerika, ang mga pananalitang naglalayon ng pantay na karapatan na
nagpabantog sa kaniyang talumpati. Gamit ang magandang pananalitang iyon, ipinahayag ni
King ang kaniyang pangarap, o pag-asa, na balang-araw ay mawawala na ang pagtatangi.
Bagaman sa mga taga-Estados Unidos niya sinabi ang pangarap na ito, inasam din ito ng mga tao
sa maraming bansa.

Tatlong buwan pagkatapos ng talumpati ni King, noong Nobyembre 20, 1963, itinaguyod ng
mahigit 100 bansa ang United Nations Declaration on the Elimination of All Forms of Racial
Discrimination. Nang sumunod na mga dekada, may iba pang mga polisiya na itinaguyod.
Kapuri-puri naman ang mga pagsisikap na iyan, pero ang tanong, Ano ang naging resulta?

Noong Marso 21, 2012, sinabi ng U.N. Secretary-General na si Ban Ki-moon: “Marami nang
mahahalagang kasunduan at programa—at mayroon ding isang komprehensibong agenda na
pambuong daigdig—para maiwasan at maalis ang rasismo, diskriminasyon sa lahi, xenophobia at
iba pang katulad nito.

Noong 1964, si King ay naging pinakabatang taong nakatanggap ng Nobel Peace


Prize para sa kanyang pagpupursige na wakasan ang pagkakahiwalay-hiwalay, at diskriminasyon
sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa pamahalaan at mga gawaing mararahas.

Si King ay pinaslang noong 4 Abril 1968, sa Memphis, Tennessee. Anak siya ni Martin
Luther King, S
Talambuhay ni Dilma Vana Rousseff
Si Dilma Vana Rousseff (ipinganganak 14 Disyembre 1947) ay isang ekonomista at
politiko sa Brazil. Siya ay nasisilbi bilang ika-36Pangulo ng Brazil. Siya ang unang babae sa
puwesto.[1] Siya ay dating Chief of Staff ni Pangulong Luiz Inácio Lula da Silva mula 2005
hanggang 2010.[2]

Anak ng isang negosyanteng Bulgarian, lumaki


si Rousseff sa isang pamilyang upper middle
class sa Belo Horizonte, Minas Gerais.[2]Siya ay naging
sosyalista sa kanyang kabataan, at matapos ang coup
d'état noong 1964 sumapi siya sa iba't ibang
makakaliwa at Marxistang urban guerrilla groups na
lumaban laban sa diktadurang militar. Si Rousseff ay
nahuli at nabilanggo mula 1970 at 1972, sa panahong
iyon ay naiulat pinahirapan (tortured).[2][3]

Matapos mapalaya, nagsimula ulit si Rousseff


ng buhay sa Porto Alegre kasama ni Carlos Araújo, na
kanyang magiging ka-partner ng 30 taon.[2] Tumulong
sila sa pagtatag ng Partido Democrático
Trabalhista (PDT; Democratic Labour Party) sa Rio
Grande do Sul, at lumahok sa ilang kampayang
panghahalan ng partido. Siya ay naging Secretary of the
Treasury of the City of Porto Alegre sa administrasyong Alceu Collares, sumunod ay naging
Secretary of Energy of the State of Rio Grande do Sul sa administrasyong Collares at Olívio
Dutra.[2] Noong 2000, matapos ng panloob na alitan sa gabineteng Dutra, iniwan niya ang PDT at
sumapi sa Partido dos Trabalhadores (PT; Workers' Party).[2]

Noong 2002, sumapi si Rousseff sa komiteng gagawa ng polisiya sa enerhiya ng


kandidato sa pagkapangulo na si Luiz Inácio Lula da Silva. Nang manalo si da Silva sa halalan,
inanyayahan niya si Rousseff upang maging Minister of Energy.[2] Noong 2005, isang krisis
pampolitikang dulot ng isang corruption scandal ang nagtulak sa pagbibitiw ni Chief of
Staff José Dirceu. Si Rousseff ang humalili sa puwesto, at nanatili hanggang 31 Marso 2010,
nang siya ay bumabab upang tumakbo sa pagkapangulo.[2] Siya ay nahalal sa isang run-off noong
31 Oktubre 2010, tinalo niya ang kandidato ng Partido da Social Democracia Brasileira (PSDB)
na si José Serra, at nahalal muli noong 26 Oktubre 2014 laban kay Aécio Neves, kandidato rin ng
PSDB.

You might also like