You are on page 1of 4

Ang Tayutay ay isang salita o grupo ng mga salita na kadalasang ginagamit

upang maipahayag ang isang emosyon sa paraang hindi karaniwan upang


makabuo ng mas malalim na kahulugan. Ito ay hindi literalkundi isang
patalinghaga na minsa'y ginagamit bilang simbolo.
MGA URI NG TAYUTAY
1) ALITERASYON (Alliteration) - Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na
bahagi ng salita.
Halimbawa:
a. Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang nangyari sa kaniya
kasama si Marco. (makikita, mga, mata, Maria, masasayang, Marco)
2) KONSONANS - Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa final na bahagi ng salita.
Halimbawa:
a. Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habang
tumatagal. (pagmamahal, Rosal, tumatagal)
3) ASONANS - Pag-uulit ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita.
Halimbawa:
a. Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan pagdating ko sa amin.
4) ANAPORA - Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o taludtod.
Halimbawa:
Ikaw ang aking pangarap.
Ikaw ang bigay ng maykapal.
Ikaw ang lahat sa akin.
5) EPIPORA - Pag-uulit sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.
Halimbawa:
Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan,
Gawa ng mamamayan,
At mula sa mamamayan.
6) ANADIPLOSIS - Pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o talutod.
Halimbawa:
Ang mahal ko ay tanging ikaw,
Ikaw na nagbigay ng ilaw,
Ilaw sa gabi na kay dilim,
Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal pa rin.
7) PAGTUTULAD (Simile) - Isang di-tuwirang paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay gamit ang pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya
ng, makasing, at magkasim.
Halimbawa:
a. Parang hari si Tonio kung mag-utos.
8) PAGWAWANGIS (Metaphor) - Isang tuwirang paghahambing ng
magkaibang bagay at hindi gumagamit ng mga pariralang nabanggit sa itaas.
Halimbawa:
a. Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.
9) PAGHAHALINTULAD (Analogy) - Ito ay paghahambing na nagpapakita ng
ugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan.
Halimbawa:
a. Ang mga dalaga ay bulaklak at ang mga binata naman ay bubuyog.
10) PAGBIBIGAY - KATAUHAN (Personification) - Ginagamit ito upang
bigyang-buhay ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.
Halimbawa:
a. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.
11) PAGMAMALABIS (Hyperbole) - Lagpas sa katotohanan o eksaherado ang
mga pahayag kung pagkasusuriin.
Halimbawa:
a. Narinig ng buong mundo ang iyong sigaw.
b. Huminto ang pagtibok ng aking puso nang makita kong may kasama siyang
iba.
12) PAGPAPALIT-TAWAG (Metonymy) - Ito ang pagpapalit ng katawagan o
pangalan sa bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
a. Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas. (palasyo - Presidente
ng Pilipinas)
13) PAGPAPALIT-SAKLAW (Synecdoche) - Ito ay ang pagbabanggit ng bahagi
bilang pagtukoy sa kabuuan.
Halimbawa:
a. Apat na mata ang patuloy na tumititig sa kanya.
14) PAGLUMANAY (Euphemism) - Ito ay paggamit ng mga piling salita upang
pagandahin ang isang dikagandahang pahayag.
Halimbawa:
a. Sumakabilang buhay kagabi ang ama ni Nena. (sumakabilang buhay -
namatay)
15) PANAWAGAN (Apostrophe) - Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang
bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
a. O tukso! Layuan mo ako!
b. Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.
c. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian.
16) PAGHIHIMIG (Onomatopeia) - Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita
ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
Halimbawa:
a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalim
na kidlat.
b. Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.
17) PAG-UYAM (Irony) - Isang pagpapahayag na may layuning mangutya
ngunit itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.
Halimbawa:
a.Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang
humahanga.
18) PAGTATAMBIS (Oxymoron) - Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na
magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Halimbawa:
a. Kailan nagiging tama ang mali?
19) PAGLILIPAT-WIKA (Transferred Epithet) - Katulad ng pagbibigay-
katauhan na pinagsasabay ang mga katangiang pantao na ginagamit ang pang-
uri.
Halimbawa:
a. Madilim ang kinabukasan para sa kaniya at kaniyang pamilya mula nang
iwanan sila ng kanilang ama.
20) TANONG RETORIKAL (Rhetorical Question) - Ito ay isang tanong na
walang inaasahan sagot na ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang
mensahe.
Halimbawa:
a. Natutulog ba ang Diyos?
b. Bakit napakalupit ng kapalaran?

You might also like