Professional Documents
Culture Documents
Ba! pdd: pinaikling Abá; katagang nagpapahayag ng gúlat, tákot, mangha, gitla, at iba pang kauring
damdamin.
ba·ák pnr: nahati sa dalawang bahagi; nais makinabang sa kapuwa ngunit ayaw namang mapakinabangan.
Baal(béy·al) png: pangunahing diyos ng sinaunang Semite, lalo na ng mga taga-Canaan at Phoenicia, at
sinamba bílang diyos ng mga nais magkaanak; huwad na diyos.
ba·át png: yantók o kawáyan na nilálang pabilóg at ikinakabit sa ilalim ng salakót para lumapat sa úlo.
ba·bá png: pagtatalik ng mga hayop na apat ang paa; pagsakay sa magkabilâng balikat.
ba·bá pnr: sadyâ.
ba·bà png: pinakailalim na bahagi ng mukha ; sa laláki, tinutubuan ng balbas; kakulangan ng taas.
ba·bâ png: kilos mula sa itaas pailalim; pag-ibis mula sa sasakyan; paglalapag ng anumang sunong; pag-
múra ng mga bilihin; paghupa ng tubig; pamimitas ng bunga o prutas.
ba·bád pnr: lubhang basâ dahil sa matagal na paglubóg sa tubig, gaya ng damit na nilabhan.
bá·bad png: pamamalagi sa tubig o sa anumang likido; pananatili sa isang pook nang walang balak na
umalis.
ba·bá·e pnr: tumutukoy sa sex na may kakayahang magbuntis at manganak; sa hayop, may kakayahang
magbuntis o mangitlog; sa haláman, nagtataglay ng estrukturang panreproduksiyon na may elementong
nagdudulot ng binhi; idinisenyo upang lumapat sa bahaging laláki.
ba·bá·gan png: bunga ng langka na hindi lumalakí at sa kalaunan, natutuyo sa punò at nalalaglag.
ba·bag·tí·ngan png: alinman sa dalawang pares ng mga tupiî ng mucous membrane na nakaungos sa
bútas ng larynx.
bá·bak pnd: tabasin o lagariin nang pakuwadrado ang tabla upang magkasiya o maihugpong sa isa pa.
ba·ba·lâ png: pahayag ng dáratíng na pangyayari o kahihinatnan ng anumang kilos; hudyat ng masamâng
mangyayari; balità.
ba·ban·sî png: isdang-alat na abuhin ang katawan at karaniwang may guhit na itim mulang leeg hanggang
buntot.
ba·báw pnr: labis o lagpas na, ginagamit din sa “babáw na ang hatinggabi ” o lagpas na sa hatinggabi;
malapit, gaya sa “Babáw baga ang Tondo sa atin? ” o Malapit ba ang Tondo sa atin.
bá·baw png: paglalagay ng isang bagay sa ibabaw ng isa pa; babà ng tubig; kakulangan o kawalan ng lálim.
ba·bé·ro png: piraso ng tela o plastik na inilalagay sa ilalim ng babà ng batà upang mapanatiling malinis
ang damit hábang kumakain.
Ba·bi·lón·ya png: sinaunang rehiyon ng Mesopotamia na yumabong mula 1900 BC hanggang 538 BC,
sinakop ng Persiya noong 539 BC.
bad·bádpnr: tastás.
bad·bád png: maliliit na piraso ng ginto na inilalagay sa pagitan ng mga butil ng rosaryo.
bá·di·gárd png: tao o pangkat ng mga tao na umaalalay o nagtatanggol sa ibang tao.
Bad·jáw png: pangkating etniko na naninirahan sa tabing-dagat o sa mga tahanang bangka sa Sulu at Tawi-
tawi var Badyáw.
bád·min·tón png: larong dalawahan, ginagamitan ng net, raketa, at mabilog at may pakpak na tapón.
bá·dok png: halámang damo na palasak sa Ilocos Norte; patuto o palupo ng bubong;páwid.
bád·yet png: detalyadong talaan ng tinatáyang kíta at gastos sa loob ng tiyak na panahon ng isang pamilya,
pamahalaan, pribadong tanggapan, at iba pang organisasyon at institusyon; halaga ng salapi na kailangan para
sa pagbili ng isang bagay.
ba·gà png: bahagi ng katawan ng tao o anumang vertebrate na may kaugnayan sa paghinga, sinasalalayan ng
tadyang, at nagdadalá ng hangin sa dugo.
Ba·gâ! pdd:Bulagâ!
bá·ga-bá·ga png: isdang-alat na makináng, matigas, at matibò ang kaliskis, matinik ang ulo, at tumitirá sa
mga korales.
ba·gág·ya·nak png: hindi nakikítang espiritu o ibon na naririnig ang sigaw sa gabi.
ba·gá·kay png: uri ng kawayan na ginagamit na sumpit o kayâ’y bakod sa baklad ; itinuturing na
pinakamaliit, pinakamalambot, ngunit may pinakamahabàng biyas na kawayan; paléndag; pampakintab na
katulad ng mula sa punongkahoy na box.
ba·gak·bák png: pagsalungat laban sa malakas na hangin o malaking agos o ang bangkang napigil ng
ganitong pangyayari; malimit ngunit maliit na patak ng tubig, ulan, o pawis.
ba·ga·lú·nga png: punongkahoy na 15 m ang taas, may tatluhang dahon sa tangkay, at may mga bulaklak
na maliit at kumpol sa bawat tangkay, katutubò sa Filipinas.
ba·ga·mán pnt: maganáp man; katagang nagpapasubali sa bagay na naipahayag na, karaniwang
sinasamahan ng dinaglat na at upang maging bagama’t.
ba·gáng png: mga ngiping nása panulukan ng gilagid na malaki kaysa mga nása gitna at siyang ginagamit
na pandurog ng kinakain.
bag-áng png: bagáng; dalawang tao na magkasundo o dalawang bagay na mahusay ang pagkakalapat, gaya
sa sinasabing “kabag-ang” o “magkabag-ang.”
ba·gá·ong png: uri ng babansî na may tatlong nakakurbang guhit na itim sa katawan.
ba·gar·bás png: malaki-laking punongkahoy, 10 m ang taas, may dahong manipis at pahabâ, may bungang
bilugan, kayumanggi ang kulay ng balát at 5–10 sm ang diyametro, katutubò sa Filipinas lalo na sa Basilan at
Tawi-tawi.
ba·gát pnd: mag-atas ó magbigay ng kapangyarihan sa isang katalona; magsiyasat, tulad ng mga guwardiya.
bá·gat pnd: hanapin ang tamang daan sa paghila ng anumang kahoy; hanapin ang daan para matunton ang
sinuman;harangin o pahintuin.
ba·ga·ú·ngan png: ilahas na ibon putî at abuhin ang balahibo, at mahilig magpugad sa sanga ng mga
punongkahoy.
ba·gá·wak png: mataas na palumpong, kulay lila ang tangkay at may pum-pon ng bulaklak sa dulo ng
tangkay na kulay putî o mapusyaw na pink ang korola.
ba·gá·wak na pu·tî png: palumpong, mabango at putî ang bulaklak, at 4 m ang taas.
bá·gay png: anumang nadarama ng limang pandamdam o naaabot ng isip ng tao, nakikita man o hindi; gaya
rin ng sinundan ngunit ikinakapit lámang sa mga hindi tiyak na kahulugan na iniuukol kadalasan sa mga
pakahulugang sanhi, dahilan, kabuluhan, o halaga;pag-apina ng mga instrumentong pangmusika.
bag·bág png: tibág; pagpatag sa burol na lupa; paghupa ng silakbo ng gálit dahil sa pagkaawa; pagsadsad
ng sasakyang-dagat dahil sa samâ ng panahon; lumubog na barko.
bag·bá·gin png: tawag sa pook na malapit sa ilog, karaniwang mabató at matigas ang lupa.
bag·hóy png: baníg na karaniwang inilalatag upang ilaan ang isang bahagi sa báhay.
ba·gi·lum·báng png: punongkahoy na tumataas nang 10–15 m at may butóng napagkukunan ng langis na
ginagamit sa paggawâ ng barnis, katutubò sa Filipinas.
bá·ging png: haláman, karaniwang mula sa genus Vitis na may mga mahabà at payat na tangkay na
gumagapang sa lupa o umaakyat o kumakapit sa pamamagitan ng mga káway; tangkay ng ganitong haláman.
bag·kát png:asukal na ginawâng arnibal at nagiging matigas at makunat pagkatapos maluto at lumamig;
malapot na pulut, o pulut-pukyutan na inilutong mabuti; pagbiyak sa niyog sa pamamagitan ng pagpalô.
bág·man png: sa Great Britain, naglalakbay na ahente ng paninda; sa Australia, paláboy; kolektor o
tagapamahagi ng kinita mula sa ilegal na gawain.
bag·nás pnr: makapal na hibla o lubid;inihasa nang malakas; labis na malakas ang pagkahasa kayâ nasira
ang talim, karaniwang ginagamit sa talim ng lagari.
ba·gôpng: uri ng sakít na kakikitahan ng panghihina o panlalambot ng buong katawan, pamamaga sa bahagi
ng tiyan, at paninilaw ng balát, karaniwang sanhi o dalá ng lamok at susô; pananagútan.
bá·go png: malakí-lakíng punongkahoy na tumataas nang 10 m, magkakatapat ang mga dahong matutulis
ang magkabilâng dulo at matingkad na lungti ang kulay, kumpol-kumpol at mapulá ang bunga; maliit na
punongkahoy na karaniwang 2–3 m ang taas, ginagamit na pantalì ang balát, at magkakatapat ang mga dahon,
makinis, at may bahagyang tulis sa dulo at punò; unang bunga.
bá·go pnr: ibá sa dati; kayayari, kalalabas, o kagaganap lámang ; hindi pa katagalan; iba sa nakíta o naláman
na; hindi pa sanay.
ba·gók png: tunog ng pagbagsak ng isang malaki at mabigat na bagay; biglang umpog ng dalawang bagay
na matigas; mahinàng tunog ng nalaglag na barya o metal, karaniwang nagpapahiwatig ng pagiging huwad.
ba·gól pnr: magaspang ang ugali ; kakatwa o asiwa ang anyo o kilos; malaki ang katawan ngunit
mahinà;tamád at mabagal; walang pakialam.
ba·gon·dón png: uri ng wrasse na may tíla mga laso na guhit sa katawan mula ulo hanggang gawing
buntot.
ba·go·né·ta png: maliit at bukás na trak, kinakargahan ng mga produktong karaniwang mula sa minahán.
bá·gong-go·là png: sa sinaunang lipunan, kahon na yarì sa isang buong pirasong kahoy.
Bá·gong Ti·pán png: dalawampu’t pitóng aklat sa Bibliya na nagtatalâ ng búhay, ministro, kamatayan sa
krus, at muling pagkabúhay ni Jesucristo at ang mga turo ng Kaniyang mga apostol.
bá·gong-yá·man png: tao na bago pa lámang yumaman at hindi gáling sa angkan ng dati nang
mayayaman.
ba·gó·ok png: mabaón nang bahagya mula sa mataas na pagkakalaglag, tulad ng niyog na bagóok sa
putikan; dagóok.
ba·go·óng pnr: napakatagal bago dumatíng o napakatagal naghintay, hal nabagoong ang dáratíng na
kalakal o nabagoong sa paghihintay.
ba·gót png: pagkayamot sa isang bagay na nakasasawà na sa pandinig o paningin; pag-ubos o pag-aksaya sa
isang bagay; dahon ng isang halámang tubig.
bág·ras png: galmos; punongkahoy, may balakbak na tíla hiblang guhit-guhit na lungti, bughaw, dilaw, at
iba pa, at may aromatikong amoy kapag dinurog, katutubò sa Mindanao.
bag·tíng png: lubid o kawad na nakatalì ang magkabilâng dulo sa magkalayông talian; pisi o munting
kawad na nakatalì sa kudyapi, gitara, at kauring instrumentong pangmusika na kinakalabit upang
tumugtog;malakíng kawad na ginagawâng suhay sa bahay kung bumabagyo;lubid, kawad, baging, o anumang
katulad na balakid o hadlang sa daan; batingáw.
bág·tis png: isdang pipî at lapad ang ulo, malaki ang bibig, at dikit-dikit ang palikpik sa dibdib.
bag·tó png: maliit at mapusyaw na kinakaing mollusk o crustacean na may limang paa.
ba·gu·lán png: olúsko na kahawig ng malapad na pusit, may walong galamay at dalawa ang mahaba na
ginagamit sa pangsunggab ng biktima.
Ba·gum·bá·yan png: pook na karatig ng Intramuros at ginamit na pook bitayan noong panahon ng
Español.
bá·gum·bá·yan png :pook na katatatag pa lámang upang pamayánan ng tao; dagat o gubat na tinambakan
ng lupa.
ba·gum·bóng png: maliit na hayop na sumisirà ng mga kahoy sa pamamagitan ng paghungkag sa loob
nitó; bumbong na ikiran ng sinulid na panghabi.
bá·gum·bú·hay pnr png: pagpapanibagong anyo, ayos, o simula ng kabuhayan matapos dumaan sa mga
kasawian; pagkaligtas sa mapanganib na sakuna.
ba·gun·tá·o png: laláking pumapasok sa yugto ng pagiging binate; báka o kalabaw na malaki na ngunit
hindi pa maaaring ipang-araro, ipanghila, o masakyan.
bag·yát png: láso na gawâ sa da-hon ng palmera at inilalagay sa binti bílang gamot sa rayuma o pulikat.
bag·yó png: ligalig sa atmospera, karaniwang may palatandaang malakas na hangin na may kasámang
malakas na ulan, kulog, at kidlat; sa eskalang Beaufort, hangin na may lakas na 102–115 km bawat; marahas
na kaguluhan, gaya ng kaguluhang sibiko, pampolitika, panlipunan, at katulad; marahas na pag-atake.
bag·yóng tu·yô png: bagyong walang kasámang ulan at puro hangin lámang na humahagunot at
nakapipinsala.
ba·hâ png: pag-apaw ng lumaking tubig mula sa normal nitóng lugar túngo sa karatig na lugar, karaniwang
dulot ng malakas na ulan, daluyong, at katulad na kalamidad; katulad na pangyayari.
bá·ha png: ibabâng bahagi; pagbabâ ng halaga o presyo; pagbabâ sa pagpapahalaga ng kapuwa tao; pagtigil
ng rasyon.
ba·há·ba png: isdang-alat na kulay rosas at kahawig ng tulingan ang hugis ng katawan.
ba·hág·ha·rì png: arko na may sari-saring kulay at likha ng pagtama ng sikat ng araw sa hamog.
ba·ha·lí·na png: tubâ na nilagyan ng barok, pinatanda, at mga dalawang araw na kayâ mapait-pait at
maasim-asim ang lasa.
ba·hár png: malakí at maitim na nunál o marka sa anumang bahagi ng katawan ng tao.
ba·háw pnr: hilóm o magalíng na ang sugat, lamat, at katulad na pinsala; kung sa tinig, paos o malát.
bá·haw png: natira at lumamig nang pagkain; ibong kauri ng pitúpit ngunit mas malaki at mas mahabà ang
buntot, purong itim ang balahibo ng lalaki samantalang kulay kastanyas at batík-batík ang balahibo ng babae.
bá· hay png: kubo, gusali, o katulad na ginagamit na tirahan ng isa o ilang mag-anak; kanlungan ng ilahas
na hayop; natural na pambálot, gaya ng talukab ng mollusk, upang magdulot ng proteksiyon sa hayop ;
gusaling inilaan para sa isang gawaing pangmadla; angkan, kasáma ang mga ninuno at kamag-anak.
ba·ha·yán png: pook na may mga bahay o ang pangkat ng mga bahay sa isang pook.
bá·hay-a·ni·lán png: báhay-pukyútan.
ba·háy-ba·há·yan png: laro ng mga batà, nagkukunwang isang pamilya ang mga naglalaro at
ginagampanan ang tungkulin ng amá, ina, anak, at ibang miyembro.
bá·hay-puk·yú·tan png: estruktura ng mga hanay ng cell na gawâ sa pagkit, may anim na gilid, at
nililikha ng mga pukyot upang pag-imbakan ng kanilang mga itlog, pulut, at pollen.
ba·hír png: balát na nasunog ng sikat ng araw, o mukhang namagâ dahil sa bugbog.
ba·hít pnd: ilayô sa apoy ang lutuan; angkining asawa ang isang babae nang walang pahintulot ng mga
magulang.
bá·ho png: pinakamababàng tinig pang-awit ng laláki ; mang-aawit na may ganitong tinig ; bahagi ng piyesa
na isinulat para rito;pinakamababàng bahagi ng musikang armonisado; instrumentong may pinakamababàng
tono sa pamilya nitó ; tagatugtog ng instrumentong ito; pinakamalalim o pinakamababàng tunog.
ba·hóg png: kanin na sinasabawan ng gatas, tubig, o anumang malabnaw; hinalòng likido o tinunaw na
pagkain; pagkain ng baboy.
ba·hók png: paglampas o paglagpas; paraan ng pagkain ng lugaw.
ba·hu·gán png: sabsaban ng mga baboy, o ang sisidlan ng mga tiráng pagkain na magiging pagkain ng
baboy.
ba·hú·ra png: umbok ng lupa o buhangin, gaya sa baybayin, na maaaring sadsaran ng maliliit na
sasakyang-dagat.
ba·i·gór pnr: pagdaan ng ibon, bató, o tao na halos masagi sa bató, barko, atbp.
ba·im·bî png: kuliling na isinasabit sa leeg ng áso o ipinahihiyas sa kasuotan ng payaso o mapagpatawang
tauhan sa dulaan; ginagamit din ng nakabalatkayong piyerot sa karnabal.
ba·í·no png: malaking halámang tubig, may malatúbong risoma, mabango ang putî o pink na bulaklak, at
karaniwang nakalutang sa tubig.
ba·ír png: uri ng uod; pagpapakinis ng ginto gamit ang isang bató; matséte.
ba·i·sít png: katangian ng punongkahoy na matigas ang punò at mga sanga, at may lihang paayon sa
kahabaan.
ba·ít png: kakayahang humatol ng tama o mali, mabuti o masamâ, maganda o pangit; ingat sa isip, salita, at
gawâ.
bá·ka-bá·ka png: isda na matatagpuan sa batuhan at may dalawang tinik sa ulo na tíla sungay ng báka.
ba·ká-ba·ká·han png: laruang hubog báka; laro ng mga batàng gumagapang at ginagagad ang hakbang
ng báka; hindi tunay na báka; muthâ.
ba·kál png: paraan ng pagtatanim sa bukiring walang tubig; pambungkal, karaniwang may bákal sa dulo.
bá·kal png: element na mabigat, napapanday, makunat, magnetiko, metaliko, at kulay pilak kapag dinalisay
ngunit madalîng kalawangin.
ba·kám png: lápat ng mga kahoy sa paggawâ ng bahay o muwebles; buklod ng tapayan upang hindi ito
maláhang.
bá·kam png: paghakab sa balát ng isang tao na may karamdaman sa pamamagitan ng kristal na kawangis ng
baso.
ba·ka·nál png: isang napakasayá at walang pagpipigil na pagdiriwang na idinaraos ng mga sinaunang
Romano tuwing ikatlong taon para kay Bacchus.
ba·kán·te pnr: kung sa trabaho o tungkulin, walang gumaganap;kung sa bahay o gusali, walang nakatirá o
walang umookupá.
ba·kás png: marka ng yapak ng tao o hayop;palatandaang pagkakakilanlan sa isang bagay o pangyayaring
nakalipas na; pilat ng isang sugat.
ba·kas·yón png: isang mahabàng yugto ng liwalíw, lalo na yaong ginugol malayò sa tahanan o sa
pamamagitan ng paglalakbay; ang pag-iwan sa anumang pinagkakaabalahan;isang takdang yugto ng pahinga
sa pagitan ng mga semestre o term sa paaralan at sa hukuman.
ba·kát pnd: kopyahin, karaniwang sa pamamagitan ng pagpapatong ng manipis na papel sa ibabaw ng nais
kopyahin.
ba·ká·wan png: tawag sa mumurahing sigarilyo na gawang bahay; pook na maraming punongkahoy na
bákaw o maraming ibong bakáw.
ba·ká·wang-la·lá·ki png: punongkahoy, nakatukod ang mga nakatinghas na ugat, karaniwan sa ilog o
anumang matubig na pook.
ba·káy png: basket na maluwang ang itaas na bahagi at makipot ang ibabâ.
bá·kay png: pagmamasid o pagmamanman sa mga táong dumaratíng o dumaraan; bisúgong-gáid.
ba·ka·yáw png: isang uri ng palay.
bak·bák png: pag-aalis ng balát kung natutuklap sa lamán; pagtuklap sa balát ng punò ng kahoy o
prutas;pagtanggal sa anumang bagay mula sa pinagkakabitan.
ba·kó·kang png: súgat na matagal gumalíng at nag-iiwan ng malaki at malalim na peklat sa balát.
ba·kó·ko png: katamtaman ang laking isdang-alat, may maliit na bibig ngunit makapal na labì, marami sa
mga species ang may mahabàng palikpik sa gulugod, makulay ang kaliskis, at maraming species ang
nagbabago ang kulay hábang tumatanda;maliit at bagong salaan.
bá·kong-bá·kong png: pagbuhat sa sanggol at paglalagay nitó sa likuran, hábang nakakapit ito sa leeg.
ba·kó·ngin png: tandang na kakulay ng bulaklak ng bákong.
ba·kó·od, ba·ko·ód png: mataas na lupang hindi binabaha; táníman o plantasyon ng tubó.
ba·kós png :sinturón.
ba·kót png pnr: kubà.
bák·rang png: tagilíran.
bák·rus png: gálos.
bak·sá pnd: pitasin ang bungangkahoy nang wala sa panahon.
bak·sá png: alampáy o anumang ibinabalot sa leeg.
bak·sát png: malaking pusít.
bak·sáy png: sibát katulad ng bagsayá ay ginagamit sa pangi-ngisda.
bák·sil png: kabilâng gilid ng bundok, burol, o dalisdis.
bák·tad png: harang na inilalagay sa bakod o daanan.
bak·tál pnr: baság o bigtás, gaya ng baktál na singsing o galáng
bak·tál png: nabiyak na singsing.
bak·tás pnd: tahakin ang tapatan o tuwid na landas.
bak·tér·ya png: isa sa malakíng pangkat ng mikroorganismo na iisa ang cell, walang organelle at
organisadong nukleo, at may mga katangian kapuwa ng hayop at ng haláman.
bák·wa png: ilahas na ibon na itim at lungtian ang balahibo at maingay; patóla.
bak·wét png: tao o mga tao na umalis ng tirahan upang tumakas sa kapahamakan;pag·bak·wét kilos o
paraan ng pag-alis sa tirahan upang tumakas sa kapahamakan.
ba·la·bà png: palapà ng palma; muràng dahon ng saging o gabe; lapát na kawayan at ginagamit sa
pagbabakod; nahawan o malinis na gubat o kahuyan.
ba·la·há·si png: lamat o bitak ng tapayan; pagsasalita nang walang kaparaanan o pag-iingat.
ba·la·hí·bo png: manipis at malambot na buhok sa katawan ng tao; buhok na bumabálot sa katawan ng
hayop.
ba·la·ngáy png: pangkat ng mga tao sa isang pook; kasapi sa naturang pangkat.
ba·lá·ngay png: malaking bangka na ginamit sa pagtawid ng karagatan ng mga sinaunang.
bá·lang-bá·lang pnr: paisa-isa o mangilan-ngilan, karaniwang hinggil sa húling isda sa lambat.
ba·lang·gót png: halámang tubig na may hiblang nagagamit sa paglála ng banig at sombrero; sombrerong
yarì sa himaymay nitó.
ba·lang·háy png: yunit ng mga sundalo, karaniwang binubuo ng tatlo o mahigit na pulutong.
ba·lang·kás png: ang pagkakaayos at pagkakaugnay ng mga bahagi o sangkap ng isang bagay na
masalimuot; pag·ba· ba·lang·kás paraan ng pagkakabuo ng isang kapisanan, bahay, o mákiná; ang bubungan
ng bahay kapag wala itong takip o atip.
ba·la·sa·dór png: sa sugal, tao na nagbabalasa ng baraha, karaniwan sa sakla, pusoy, at katulad.
ba·la·sín png: baging na ginagawâng lubid o pantalì ang balát.
ba·la·sí·na png: maliit na lamat sa plato.
ba·la·só png: pagkakatabingi ng bangka dahil sa hindi pagkakaayos ng mga dalahin nitó.
ba·lát png: pinakataklob o bálot ng lamán ng isang bagay, may búhay man o wala; rabaw ng isang bagay;
tawag sa bigat ng ginto; nakatagong katangian sa ilalim ng kapintasan.
ba·lá·tay png: pagpapatong ng isang bagay sa ibabaw ng iba pa, katulad ng paa, braso; pagkakakapit nang
paayon sa kinakapitan.
bal·dá·do pnr: labis na napinsala ang katawan o anumang bahagi nitó dahil sa malubhang sakít o aksidente;
binawasan ang suweldo dahil sa hindi pagpasok sa trabaho.
bá·le png: sistema ng utangán na nagpapahintulot sa isang tao na makatanggap ng bilihin, kalakal, o salapi sa
bisà ng pagpirma sa kahilingan ; o pagkuha ng suweldo bago ang takdang araw ng pagtanggap nitó.
ba·lig·tád pnr: nása labas ang dapat nása loob, halimbawa sa baligtad na damit.
bá·lig·tá·ran pnr: maaaring magkapalitan ng posisyon.
ba·lík png: pagtúngo sa pinanggalingan; pag-uulit sa isang gawain, gaya ng balík-áral, balik-surì; pagbibigay
ng bagong búhay, lakas, pag-asa, at katulad, gaya sa pagbabalik ng malay o pagbabalik ng dating.
ba·lik·wás png: biglang pagpihit sa kabilâng panig; biglaang pagbangon mula sa pagtulog.
ba·lim·bíng png: punongkahoy na may bungang tatsulok ang limáng gilid; buhok na tumutubò nang
makapal sa gilid ng mukha hanggang sa sentido.
ba·lin·ta·táw png: ang lumalaki at lumiliit na bukásan ng inla ng mata at dinaraanan ng liwanag túngo sa
retina.
ba·lin·ta·wák png: estilo sa katutubòng damit ng babaeng Filipina, na may tapis at alampay.
Ba·lin·ta·wák png: Kas isa sa mga pook na sinasabing pinangyarihan ng Unang Sigaw; pook na
katatagpuan ng kauna-unahang Cloverleaf sa Filipinas.
ba·lin·ti·yák png: tinig ng pandiwa na naglalarawan sa paksâ bílang tagatanggap sa kilos na ipinahahayag
ng pandiwa.
ba·li·sá·han png: pook sa dagat o ilog na karaniwang pinagtutulusan ng talian ng bangka upang hindi ito
tangayin ng anuman patúngo sa laot.
ba·li·sa·sà png: lamat o biyak ng isang malakíng bagay; basket para sa isda.
ba·li·sá·so png: balisawsáw.
ba·li·saw·sáw png: sakít sa pag-ihi, karaniwang paunti-unti at masakít ang pag-ihi.
ba·li·saw·sá·wan png: balisawsáw.
ba·li·saw·sá·win pnr: madalîng magbago ang isip.
ba·li·so·só png: kakaning gawâ sa galapong at binalot na hugis apa sa dahon ng saging.
ba·li·su·sô png: pagkaalam sa bagay, gawâ, o pangyayari mula sa iba’t ibang anyo ng komunikasyon;
pagbibigay-alam ng sinuman tungkol sa isang bagay, gawâ, o pangyayaring hindi pa alam ng pinagsabihan.
bá·lot png: takip sa kabuuan ng isang bagay; tawag sa sampung tangkas ng ikmo, at bawat tangkas ay may
25 dahon.
ba·ló·ta png: papel, o katulad, na ginagamit sa pagboto; bílang ng mga boto sa halalan.
ba·lo·wát pnr: may kimkim na gálit.
bal·sá png: sasakyang pantubig na yarì sa pinagdatig-datig na mga kawayan o punongkahoy; kasangkapang
yarì sa dikit-dikit na maiikling pútol ng kawayan at ginagamit na pampatag o pandurog ng lupa.
bál·sa·mó png: aromatikong oxidation ng resina, tulad ng pampahid o pabangong nakukuha mula sa iba’t
ibang punongkahoy at palumpong na ginagamit na base sa ilang pabango o preparasyong medikal.
ba·lú·ngan png: dakong binubukalan ng tubig; sisidlan sa bangkâ upang hindi mabasâ ang mga dalá-
daláhan.
ba·ná·han png: uri ng malaking lapulapu na may manilaw-nilaw na dalandang kulay at maliliit na putîng
batik.
ba·ná·law png: punongkahoy na tumataas nang hanggang 10 m at nalalatagan ng maliliit at kulay kapeng
kaliskis ang dahon at maliliit na sanga.
ba·náw pnd: tanáwin mula sa matarik o malayong pook; ihalò ang panghalò sa langis ; ang paminta sa
pagkain.
bang·háy png: isang guhit o isang pangkat ng mga guhit na tumutukoy sa hugis ng isang bagay, lalo na sa
paggawâ ng krokis o dayagram; pangkalahatang plano o borador na nagdudulot ng mga pangunahing
katangian subalit walang mga detalye.
ba·ngín png: makitid na lambak na may matarik na gilid, karaniwang bunga ng pag-agnas ng rumaragasang
tubig.
ban·lî png: panandaliang pagbubuhos o paglulubog sa kumukulông tubig ng hilaw na pagkain; pasò dahil sa
talsik ng mainit na tubig.
ban·ság png: kilaláng tawag sa isang tao bukod sa kaniyang tunay na pangalan.
ban·tâ png: pagpapahayag ng intensiyon o determinasyong magdulot ng pananakít, parusa, o pinsala bílang
ganti.
ba·óg pnr: sa tao, walang kakayahang magkaanak ; sa haláman, walang kakayahang mamunga ; sa lupa,
hindi tinutubuan ng haláman.
ba·ón png: paglilibing o pagkakalagay sa hukay, mula dito ang kabaón noon o kabáong ngayon.
ba·ón pnr: malalim na turok, tusok, o saksak; nalubóg sa lupa o anumang binagsakan.
bá·on png: anumang bagay na dinadalá sa paroroonan, gaya ng pagkain, salapi, at iba pa, para sa inaakalang
pangangailangan.
ba·rá png: anumang bagay na nakaharang o nakasisikip sa bútas o daraanan; pag-aahon ng sasakyang
pantubig upang huwag munang gamitin o upang ayusin ang sirà nitó.
ba·rá·ko png: laláking walang kinatatakutan ; laláking matapang; anumang laláking hayop na palahian;
baboy na inalagaan upang gawing palahian.
ba·ran·díl·ya png: isang mahabàng bakal na bára o mga bakal na bára, karaniwang nakapuwesto patayô at
ginagamit na gabay o hadlang.
ba·ré·ta png: pabilóg na bakal na patulis ang isang dulo at lapád ang kabilâ, at ginagamit na panghukay ng
lupa; mahabàng piraso ng sabon.
bat·ha·là png: makapangyarihang nilaláng sang-ayon sa paniwala, karaniwang naghahari sa isang larangan
o bahagi ng búhay; tao na dinadakila at sinasamba.
ba·tó png: matigas na substance at binubuo ng mineral; tampok sa hiyás, gaya ng diyamante, brilyánte, rubí,
at katulad.
ba·yá·bas png: palumpong hanggang maliit na punongkahoy na may bungang bilugán, mabutó, at
nakakain, katutubò sa tropikong America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español, may mga bagong
uri na ipinasok kamakailan sa Filipinas gaya ng guavajava na malaki ang bunga.
ba·ya·rán png: panahon ng pagbabayad; pook na pinagbabayaran; tao na binayaran upang gumawâ ng
isang bagay, karaniwang lihim.
ba·yáw png: bana ng kapatid o pinsang babae ; laláking kapatid o pinsan ng asawa; tawagan ng mandaragat
na hindi magkakakilála kapag namamalakaya.
ba·yó pnd: durugin sa malakas at ulit-ulit na pukpok, gaya sa pagbayo ng palay: igupo sa pamamagitan ng
malakas na palò o suntok; pitpitin ang lupa gamit ang pambayo.
Bb daglat: binibíni.
be png: tawag sa B sa alpabetong Español.
be·bin·díl png: pinakamaliit na gong sa kulintang.
bé·ha png: upós ng tabako o sigarilyo.
bé·ho pnr: mukhang matandâ at sakitin.
be·kè png: nakahahawang sakít na pamamagâ ng parotid at alin-man sa mga glandulang lumilikha ng laway,
at kung minsan, pamamagâ ng testes, at obaryo.
bek·lóg png: seremonyang pangkasal.
be·las·yón png: sa simbahang Katolika, seremonya para sa kasál; aliwan o laro hábang naglalamay sa
patay.
Bé·lat! pdd: pahayag na nanunukso at nang-uuyam ; madalas may kasabay na paglabas ng dila at itunutuon
ang mga hinlalaki sa magkabilâng sentido hábang ikinakaway ang mga daliri.
bé·lé·koy png: kendi na malambot ngunit napakakunat, karaniwang may budbod na linga.
be·lén png: tanawin na naglalarawan sa pagsílang ni Jesus sa isang sabsaban.
bén·da png: piraso ng tela o ibang materyales na pantakip sa sugat, pilay, at katulad; piraso ng materyales na
ginagamit na piring sa matá.
be·te·ri·nár·ya png: mhinggil sa sakít o karamdaman ng mga hayop at ang paggamot nitó.
be·te·ri·nár·yo png: tao na kalipikadong manggamot ng mga hayop at may kasanayan sa beterinarya.
béyn·te png: dalawampû.
bi png: tawag sa titik B ng alpabetong Filipino at Ingles.
bí·be png: inaalagaang páto, putî ang balahibo, may malapad na tukâ, maikli ang bintî, at pandak.
bi·be·rón png: boteng may tsupong sinususuhan ng sanggol.
bi·bíg png: bahagi ng mukha ng tao o hayop na pinapasukan ng pagkain ; guwang na naglalamán ng mga
estrukturang kailangan sa pagnguya ; mga estrukturang ginagamit sa pagnguya at pagtikim, gaya ng ngipin,
dila, oral cavity, at katulad ; bukasan ng guwang na pinagmumulan ng pagsasalita.
bi·bing·ká png: kakanin na gawâ sa malagkit na bigas, iniluluto sa hurnong yarì sa luad, at ginagatungan sa
ilalim at sa ibabaw.
Bíb·li·yá png: Sa Kristiyanismo, ang banal na kasulatang binubuo ng Luma at Bagong Tipan.
bíb·li·yó·gra·pí·ya png: talaan ng mga aklat na sanggunian sa isang saliksik.
bí·bo pnr: masiglá.
bí·da png: salaysáy; bayáni; búhay.
bi·gás png: binalatang butil ng palay.
bi·gát png: timbang na mataas; halagá.
bi·gá·tin png: tao na may impluwensiya o kapangyarihan ; tao na kinikilála .
bi·gáw pnr: matulig o nagulantang dahil sa matinding ingay.
bi·gáy png: pag·bi·bi·gáy pagkakaloob ng isang bagay na sarili upang ariin o pangalagaan ng iba; bagay na
ibinigay upang ariin o pangalagaan ng iba.
big·kás png: paraan ng pagsasalita; pagtatalumpati o pagbása nang malakas ng tula at katulad.
big·kís png: bánda o paha na itinatalì nang paikot sa tiyan; buklód.
big·lâ pnr pnb: nangyari, dumatíng, o ginawâ nang madalian at mabilisan; walang babalâ, nakagugulat, o
hindi inaasahan.
big·náy png: punongkahoy na tumataas nang 4–10 m at may bungang kumpol-kumpol na tíla duhat,
mapulá, malamán, at maasim, karaniwang ginagawâng halea at alak, katutubò sa India at Malaya, at hindi
matiyak kung kailan pinatubò sa Filipinas.
bi·gó png: isang uri ng sakít na kakikitahan ng maputlang mukha at umbok na tiyan; ang taong hindi
tumatama kapag nanunudlâ o nagsusugal.
big·tí pnr: namatay o pinatay sa pabiting pagkakagapos sa leeg; hindi makahinga dahil sa pagkakatalì o
pagkakasakal.
big·wás png: biglaang suntok o dagok.
bí·hag png: tao na dinakip o hinúli dahil sa digma; tao na alipin ng kagandahan, pag-ibig, simbuyo, at iba
pa.
bi·há·sa png: pagsasánay para sa isang bagay; pagsasáma nang hindi kasal.
bi·hi·rà pnr pnb: nagaganap sa iilang pagkakataon o mabagal na pag-uulit; pam·bi·hi·rà hindi
pangkaraniwan; pam·bi·hi·rà namumukod o natatangi.
bi·hís pnr: tapos nang magsuot ng damit; kapansin-pansin o iba sa karaniwan ang damit.
bí·hi·sán png: pook para sa pagbibihis; damit na pampalit sa suot.
bi·ík png: tawag sa maliit o bágong sílang na báboy; ang umbok ng kalamnan ng bintî.
bi·kang·káng png: sakáng; pagbuká ng mga lamándagat na gaya ng tulya o ng binhî.
bi·kí·ni png: hapit at makitid na dalawang pirasong damit pampaligo ng babae.
bík·ti·má png: tao na tumanggap ng nakasasakít o mapanirang aksiyon mula sa iba; tao na naloko ng ibang
tao; tao o hayop na isinakripisyo.
bi·lár png: benda ó kuwintas; bagay na ibinilad sa araw upang patuyuin ito; pagpapaaraw sa matanda o sa
táong giniginaw.
bi·ling·gu·wál pnr: matatas na nakapagsasalita sa dalawang wika; sinalita o nakasulat sa dalawang wika.
bi·lís png: tulin ng pagkilos, pagpa-patúloy, o pagganap.
bi·li·sád-on png: ekspresyon tungkol sa mga katotohanan ng búhay.
bi·lít pnr: hitik sa bunga.
bi·ló-bi·ló png: binilog na gala-ong na karaniwang inihahalò sa ginataan.
bi·lóg pnr: may anyo ng bílog, gaya ng bola o globo.
bí·log png: saradong kurba na may mga panig o bahagi na pantay-pantay ang distansiya mula sa sentro;
anumang bagay na anyong singsing.
bin·hì·an png: karaniwang kapirasong bahagi ng bukid o haláman na inilaan para sa pagpapatubò ng binhî.
bi·ni·bí·ni png: babaeng walang asawa ; nása malaking titik, tawag sa babaeng wa-lang asawa o babae na
may asawa subalit pinananatili ang apelyido nitó sa pagkadalaga, karaniwan sa pro-pesyonal na dahilan ; o
titulo ng isang reyna ng kagandahan; karaniwang tawag sa babaeng hindi kilala.
bi·nig·kís png: mga bagay na pinagsama-sama sa pamamagitan ng tali, gaya ng binigkis na bagong gapas
na palay.
bi·tu·ín png: anumang lawas pangkalawakan, maliban sa buwan, na natatanaw bilang kumikislap na mga
tuldok sa madilim na langit; anuman sa malalaki at nagniningning na lawas pangkalawakan, gaya ng araw, na
may sariling liwanag; lawas pangkalawakan, gaya ng mga planeta, na itinuturing na may kinalaman sa mga tao
at sa mga pangyayari.
bi·tú·ka png: bahagi ng lamanloob ng tao o hayop, likaw-likaw na túbong lagusan ng tinutunaw na pagkain
mula sa sikmura hanggang puwit.
bi·yâ png: isdang-tabáng o alat na nása ibabaw ng ulo ang dalawang matá .
bi·yá·he png: lakbay o paglalakbay.
bi·ya·hé·ro png: manlalakbáy.
bi·yák png: bahagi ng isang bagay na nahati, gaya ng isang biyák na kawayan; putok o sirà ng isang bagay;
kasunduan ng mga nagsasabong na paghatian ang tandang na natálo.
Bi·yák-na-Ba·tó png: pook sa paanan ng Sierra Madre at sakop ng San Miguel, Bulacan at ginamit na
pangkalahatang himpilan ng Hukbong Rebolusyonaryo sa pamumunò ni Heneral Aguinaldo; pook din na
pinagtayuan ng Republika ng Biyak-na-Bato at pinangyarihan ng Kasunduan sa Biyak-na-Bato.
bi·yás png: bahagi sa pagitan ng mga bukó, gaya sa kawayan, tubó, at iba pa; bahagi sa pagitan ng mga
hugpungan ng katawan ng tao o hayop, gaya ng bisig, binti, at iba pa; matigas na baging na magkakatapat at
malalapad ang dahon na matutulis ang dulo.
bi·yo·lín png: instrumentong may apat na kuwerdas, mataas na pitch, at ipinapatong nang halos pahaláng sa
balikat kapag tinutugtog.
bo·lun·tár·yo png: tao na nagboboluntaryo; pagkilos o paggawa ng isang bagay nang hindi pinipilit ; o
kilos na sinasadya at hindi aksidente.
bo·lun·tár·yo pnr: nag-alay ng libreng serbisyo; walang bayad at kusang-loob na naglilingkod; batay sa
sariling pagpapasiya.
bóm·ba png: sisidlang pumuputok na may lamáng usok, gas, at ibang nakapipinsala; mákináng pansaboy ng
tubig o panghihip ng hangin.
bom·bé·ro png: tao na may tungkuling umapula ng sunog; tao na lumalabas sa panooring bomba,
bom·bé·ra kung babae.
bo·ní·to png: isang uri ng isdang-alat na humahabà nang 90 sm, kulay abuhing-bughaw, qat may pahilis na
itim na guhit sa likod; magandang laláki, bo·ní·ta kung babae.
bó·og png: pagkabulok ng bungangkahoy dahil sa pagkalaglag mula sa punò o pagkaani nang wala sa
panahon.
bo·ók png: pagpatay sa isang tao sa pamamagitan ng pagpútol ng ulo; pagtapyas sa isang dulo ng niyog para
kunin ang lamán.
bo·wá·ya png: kuwintas na yarì sa ngipin ng áso, bahagi ng kasuotan para sa ritwal ng pakikidigma.
bó·ya png: uri ng palutang na ginagamit na pananda para makíta na naglalakbay ang mga tangrib, bahura, at
iba pang panganib sa dagat.
bóy·kot png: pagkakaisa ng mga tao na may layuning huwag tangkilikin ang isang tao, produkto, o
negosyo.
bu·bót pnr: hindi hinog, karaniwan sa bungangkahoy gaya ng bubót na bayabas, at bubót na sinigwelas.
bu·bú·li png: uri ng maliit na karaniwang nása mga sukal at dumi.
bú·but pnr: murà.
bu·bu·wít png: maliit na dagâng-bahay na may mahabàng nguso; bagong sílang na dagâ.
bu·bú·yog png: kulisap na may apat o higit pang pakpak, may karáyom, at nabubúhay sa pollen at nektar.
bu·bú·yok png: laláking bubuyog.
bu·dál pnd: hampasín; suntukín.
búd·bod png: súman; pagtaktak ng mga pinulbos na sangkap, tulad ng paminta, asin, o butil sa isang rabáw;
unti-unting pamamahagi ng mga bagay.
bud·hî png: kamalayan hinggil sa kabutihang moral o ang pagiging karapat-dapat masisi sa asal, layunin, o
ugali kalakip ang pakiramdam na tungkuling gumawâ o maging karapat-dapat sa kinikilálang mabuti, at
malimit na nararamdaman na sanhi ng pagtanggap sa pagkakasála o pagsisisi sa anumang nagawâng kamalian;
ang fakultad, kapangyarihan, o simulain ng isang tao, pangkat, o bansa na pumapatnu-bay túngo sa tama at
palayô sa malî ; matalas na pakiramdam hinggil sa katarungan o pantay na pagtingin sa lahat; kaloóban.
Bu·dís·mo png: paniniwala kay Buddha.
Bu·dís·ta png: tao na naniniwala kay Buddha o sa Budismo.
bud·lóng png: tagdan na may dalawa o higit pang brasa ang habà; malakas na hampas o bangga.
bú·do png: balahíbo; anumang malabuhok na bagay na nakakakatí.
búd·yas pnd: ilantad o ipakíta ang malaki o umbok na tiyan.
bud·yók png: pag-udyok na sumang-ayon sa pamamagitan ng pambobola at pagsulsol.
bu·gá png: malakas na pagpapalabas ng anumang nása bibig o ilong; tunog ng pagbuga; laro sa holen na
pinalalabas sa bibig upang patamaan ang holen ng kalaban.
bu·hól png: paraan ng pagtatalì ng dalawa o mahigit na piraso ng himaymay, lubid, sinulid, at katulad; ang
umbok o bukó ng naturang pagtatalì.
bú·hos png: pagsasalin o pagtatápon ng likido o buhaghág na bagay; malakas na agos ng tubig o katulad;
pagbibinyag sa sanggol; sementadong pundasyon o haligi.
bu·kás png: paglilitaw ng nása loob, gaya ng pagbubukas ng aklat; pag-aalis ng tikom o sara, gaya ng
pagbubukás ng pinto.
bú·lak png: malambot na tíla himaymay na nakabálot sa butó ng halámang bulak karaniwang ginagamit sa
3
panggagamot; palumpong 5 m ang taas, may bulaklak na kulay putî, dilaw, o mapusyaw na lila, at may
bungang kapsula na mahimaymay ang butó, katutubò sa Gitnang America at may mga uring ipinasok
kamakailan sa Filipinas bílang halámang pang-agrikultura.
bu·la·lás png: táo na mahilig maglustay; pagpapakita o paglalabas kung ano ang nása loob.
bu·lá·las png: biglang pagsasalita dahil sa matinding damdamin, pagkagulat, pagtutol; pagsigaw o
pagsasalita nang malakas o mariin.
bu·la·ló png: magbará ang bituka na dahilan upang hindi makapunta ang mga bitamina sa ibang bahagi ng
katawan.
bu·la·lô png: utak ng butó sa biyas ng báka, kalabaw, at baboy; putahe na may sabaw ng pinakuluang mga
biyas ng báka o kalabaw.
bu·lól pnr: may depekto ang pagsasalita ; hindi makapagsalita nang tuwid at tuloy-tuloy.
bu·lo·lóng png: talukab ng alimango o alimasag.
bú·lon png: bikíg na dulot ng malaking subò ng pagkain.
bu·lóng png: agsasalita nang mahinàng-mahinà, karaniwan sa pamamagitan ng hiningá sa halip na sa
lalamunan, lalo na sa kapakanan ng paglilihim; pagsasabi ng masamâ sa talikuran.
bú·los png: dagdag o ulit, karaniwan sa pagkain; dagdag na sahog sa pagluluto; nilikhang buhos ng hangin,
gaya sa bulusan; malaking hinawang pook sa gubat.
bul·sá png: bahagi ng damit o anumang kasuotan na sisidlan ng mga bagay; bulâ ng hangin, gaya ng sa keso.
búl·to png: yunit ng pagbu-bungkos o pagbabalot ng mga produkto; piraso ng bagahe o dala-dalahan.
bu·lu·bun·dú·kin png: tíla tanikala o pangkat ng mga bundok.
bu·lu·bun·dú·kin pnr: may ugaling magaspang.
bu·lú·gan png: laláking baboy o kabayo na ginagamit sa pagpapalahi; baráko.
bu·lu·ha·ní png: matikas na laláki.
bu·lú·sok png: paglalandas pababâ ng anumang mula sa himpapawid; paglubog ng paa sa putik; patulis na
pagbagsak sa likido ng isang biluhabâng bagay; sagitsit ng palaso o bála sa hangin.
bu·lú·tong png: nakahahawang sakít sanhi ng virus na variola, lumilikha ng mga bilóg na pasâ sa balát, at
nag-iiwan ng pilat; anumang tulad ng pasâng likha ng naturang sakít.
bul·wá·gan png: malakîng silid sa pasukán ng isang gusali; aw-ditóryo;koridor o daanan sa isang gusali;
malakîng gusali sa unibersidad o kolehiyo na ginagamit sa pagtuturo o bílang tirahan.
bum·bón png: pagpapakain ng palay o anumang butil sa manok o ibon; Psd patibong ng isda sa ilog o lawa
na gawâ sa mga sanga-sanga at patpat; lawà o anumang lawas ng malinaw na tubig at natural na nalikha o
nabuo.
bun·dól png: pagtama o pagbunggo ng dulo ng anumang mahabà at biluhabâng bagay sa iba pang bagay.
bu·ngá png: bibíg.
bú·nga png: produkto ng haláman, karaniwang ang kinakain na bahaging panreproduksiyon ng halámang
binhi; palma na mataas, katutubò sa Filipinas at Asia, at ginagawang ngangà ang prutas ; anák; kináuwian o
kinalabasan ng gawain o pangyayari.
bun·tón png: walang ayos na pagsasáma-sáma ng mga bagay upang magmukhang munting bundok.
bun·tót png: dulong puwitan o paghabà ng dulong puwitan sa katawan ng isang hayop; bahaging nása
kabilâng dulo ng ulo ng isda.
bu·nu·tán png: paraan ng sapalarang pagpilì sa pinunò, tayâ, isasakripisyo, panata, at katulad.
bun·yók png: kakaibang paraan ng pagluluto ng kanin sa buhò.
bu·ó png: pagóng.
bu·ô pnr: tinataglay ang lahat ng kailangang sangkap o bahagi.
bu·ód png: maikling lagom o pangkalahatang pagtingin sa isang bagay; banghay ng istorya ng isang dula,
katha, pelikula at katulad.
bu·óg pnr: nabulok, gaya ng bungangkahoy na masyadong pinisil o pinitas nang wala sa panahon; antúkin.
bu·ól png: sákong.
bu·ót png: kuného; iskuwírel; málay o kamalayan.
bu·rá png: kilos para alisin ang anumang nakasulat, marka, o mantsa sa rabaw.
bu·ra·dór png: simpleng saranggola.
bú·rak png: uri ng pútik na mabahò at malansa gaya ng putik sa pusalì at estero; bulaklák; bulaklak ng
kalabasa.
bu·sál png: anumang inilalagay sa bunganga bílang pantakip upang hindi maibuka.
bú·sal png: matigas na ubod na kinatitimuan ng mga nakahanay na butil ng isang puso ng mais.
bu·sá·ngot png: pag-ismid na nakanguso.
bu·sí·na png: kasangkapang pansasakyan na pinatutunog bílang hudyat o babalâ.
bus·lô png: basket na makipot ang bibig, maaaring masinsin o maluwang ang pagkakalála at may takip,
karaniwang sisidlan ng húling isdâ.
bu·wé·lo png: paghahanda para sa dagdag na lakas at bilis; panimulang tulak paimbulog; galaw o kilos,
gaya ng paglipad, at pagtakbo nang mabilis.
bu·wél·ta png: balik o pagbalik; pagliko, gaya ng bu-wélta sa trapiko; pagbaligtad, pagtihayá, o pagtaob.
bu·wé·na·bís·ta png: isang uri ng maliit na punongkahoy.
bu·wé·na·má·no png: unang unang benta.
bu·wé·nas png: magandang kapalaran.
Bu·wé·no! pdd: Mabuti! Magalíng!
bu·wíg png: kumpol ng mga bunga, tulad ng buwíg ng saging at lansones.
bu·wís png: bahagi o parte sa ani.
bu·wí·sit pnr: málas; nakayayamot; nakagagalit.
bu·wí·tre png: malakíng ibon na karaniwang walang balahibo ang leeg at ulo at kumakain ng patáy na
hayop.
bu·yá pnd: magkasundo ang mga magulang para sa takdang pagpapakasal ng kanilang mga anak.
bu·yà png: kasiyahan; saganà; tirahan ng isda na gawâ sa yantok, dahon ng niyog, at kawayan; kumain
hanggang sa mabusog at magsawà.