You are on page 1of 25

Pangatnig at

Transitional
Devices
Pangatnig
- ang mga kataga o lipon ng mga salitang
nag-uugnay sa dalawang salita, parirala
sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa
sugnay upang maipakita ang dalawa o
higit pang kaisipan sa loob ng
pangungusap.
Pangatnig
- Ang pangatnig ay ginagamit
din sa mga pangungusap na
tambalan, hugnayan at langkapan.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Panapos - pangatnig na
nagsasaad na malapit nang
matapos ang pagsasalita o
ang nais ipahiwatig ng
pangungusap.
PANAPOS
Halimbawa:
• a. Makukuha ko na rin sa wakas
ang inaasam kong promosyon sa
trabaho.
• b. Sa lahat ng ito, dapat tayong
magkaisa.
• c. Sa bagay na ito, nasa ating
mga kamay na ang paghuhusga.
PANANHI
2. Pananhi- nagsasaad ng
kadahilanan o katuwiran para
sa natapos na kilos.
PANANHI
Halimbawa:
• a. Sumakit ang kanyang lalamunan
dahil sa kasisigaw.
• b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya
nilagnat.
• c. Umapaw ang ilog sapagkat walang
tigil ang ulan.
• d. Nahilo si Lindsay mangyari ay
ikot siya nang ikot.
PAMUKOD
• 3. Pamukod - pangatnig na
ginagamit sa pagbukod o
pagtatangi.
Halimbawa:
• a. Kung ikaw o si Alfrancis ang
bibigyan ng parangal ay wala
akong tutol.
PAMUKOD
• Halimbawa:
• b. Batid ko ang pagkapanalo ng
ating grupo kung si Ronald man ang
piliing lider natin.
• c. Walang diprensiya sa akin maging
si Dylen ang magwagi sa
paligsahan.
• d. Ni sermunan ni saktan ay hindi
ko ginagawa sa aking anak.
PANINSAY
4. Paninsay - pangatnig na sinasalungat ng
naunang parte ng pangungusap ang
ikalawang bahagi nito.

Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng
tagumpay kahit (kahit na) maraming
naninira sa kanya.
PANINSAY
b. Nakatapos si John ng medisina
bagaman tindera lang sa palengke ang
kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Ajin datapwat may
mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Mayaman nga si Donya Victoria
ngunit matapobre naman.
PANUBALI

• 5. Panubali - nagsasaad ito


ng pag-aatubili o pag-
aalinlangan.
• Halimbawa:
a. Hindi tayo matutuloy sa sine
kapag hindi umuwi nang maaga
ang tatay.
PANUBALI
• b. Sasayaw ako kung aawit ka.
• c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si
Boyet.
• d. Hindi tayo makakahuli ng maraming
isda sakaling lumitaw ang buwan.
PANIMBANG

6. Panimbang - pangatnig na
gamit kung naghahayag ng
karagdagang impormasyon at
kaisipan.

• Halimbawa:
a. Nagpiknik sa bukid sina Wince at Jadyn.
PANIMBANG
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang
iniligtas.

c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang


pag-aaral para makaahon sa kahirapan.

d. Nagtanim siya ng upo at saka


patola.
PAMANGGIT
7. Pamanggit - pangatnig
na gumagaya o nagsasabi
lamang ng iba.

Halimbawa:
• a. Siya raw ang hari ng sablay.
PAMANGGIT
b. Sa ganang akin, mali ang paniniwala mo.

c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.

d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.


PANULAD
• 8. Panulad - gumagaya o
tumutulad ng mga pangyayari,
kilos o gawa.
Halimbawa:
a. Kung ano ang itinanim, siya ring
aanihin.
PANULAD
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang
mananalo.

c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring


ibibiyaya sa iyo.
PANLINAW
9.Panlinaw - gamit ang pangatnig na
panlinaw upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit.

• Halimbawa:
a. Nahuli na ang tunay na
maysala kaya makakawala na si
Berto.
PANLINAW
• b. Nagkasundo na ang mga trabahador at
may-ari, kung gayon ay magbubukas na
ang planta.
TRANSITIONAL DEVICES
• Transitional devices naman ang tawag
sa mga kataga na nag-uugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
(naratibo) at paglilista ng mga ideya,
pangyayari at iba pa sa paglalahad.
1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos

Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa
kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga
anak na sila’y mahal na mahal ng
kanilang ama.
• kung gayon – panlinaw

Mga Halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya,
kung gayon kailangan niyang pagbutihin
ang kaniyang pag-aaral.

You might also like