You are on page 1of 21

Pangatnig at Transitional Devices

Roel S. Dancel
Pangatnig at Transitional Devices
Ang Pangatnig at Transitional Devices ay
ginagamit sa pag-uugnay ng mga
pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito,
napagsusunod natin nang tama ang mga
pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang
gamit nito.
PANGATNIG
- Ang tawag sa mga salitang nga-uugnay sa
dalawang salita, parirala o sugnay,

TRANSITIONAL DEVICES
- Ang tawag naman sa mga kataga na nag-uugnay sa
pagsunod-sunog ng mga pangyayari, (naratibo) at
paglilista ng mga ediya, pangyayari at iba pa sa
paglalahad
Mga Tungkuling Ginagampanan ng pangatnig at
transitional devices.

1. Naghuhudyat o ngsesenyas ng
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o
gawain-sumunod, pagkatapos, una, saka,
at saka, pati.
Halimbawa:
Unang dumating ang mga binata,
sumunod ang mga dalaga, pagkatapos ang
mga bata.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng pangatnig at transitional devices.

2. Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa


madaling sabi, sa biglang sabi, sa katagang sabi,
sa tahasang sabi, sa kabilang dako
Halimbawa:
Si Gng. Masamboy ay isang babaing
mapagkawanggawa sa mahihirap at laging
handanh tumulong sa nangangailangan. Sa
madaling salita, bukas-palad siya sa mahihirap.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng pangatnig at transitional devices.

3. Pagtitiyak- tulad ni, tulad ng, gaya,


sumunod, kahalintulad
Halimbawa:
Maraming magagandang lugar na
maaaring puntahan ng mga turista, tulad
ng Boracay, Baguio, Tagaytay at iba pa.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng pangatnig at transitional devices.

4. Paglalahat- bilang pagtatapos, bilang


pagwawakas, sa wakas, sa di kawasa,
anupa’t
Halimbawa:
Bilang pagtatapos, hinahamon ko
kayong kabataan na tumulong sa paglilinis
at pagpapaganda ng pamayanan.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng pangatnig at transitional devices.

5. Panandang naghuhudyat at pananaw


ng nagsasalita o sumusulat- sa aking
palagay/opinyon, bagaman, subalit
Halimbawa:
Sa aking palagay, makapapasa ako sa
pagsusulit sapagkat nag-aral akong
mabuti kagabi.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng pangatnig at transitional devices.

6. pagsalungat- ngunit, datapwat,


subalit, samantala at iba pa.
Halimbawa:
Umuunlad nga ang agham at
teknolohiya ngunit nawawala naman ang
magagandang kulturang minana natin sa
ating mga ninuno.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng pangatnig at transitional devices.

7. Pananhi- kaya, dahil sa, sapagkat


Halimbawa:
Dahil sa sobrang traffic hindi ako
nakadalo sa miting namin
Pag-alam sa Natutuhan
Pagsasanay 1: Punan ng angkop na
transitional devices ang mga patlang na
matatagpuan sa kahon upang mabuo
ang kaisipan ng kuwento.

Anupa’t At saka dahil kung kaya


Sumunod saka Sapagkat Bagaman kaya
Datapwat gaya una sa wakas samantala
Maaga pa lamang, ang __1__ kong
ginawa ay tumungo sa terminal ng bus
__2__ patungo ako sa Laguna. __3__
matagal pa ang pagdating ng bus na
sasakyan ko __4__ minabuti kong maglibot-
libot muna sa mga tindahang nakapaligid sa
terminal.
Bumili ako ng pasalubong- pagkain, de lata, mga
gamit at mga jumk foods. __5__ bumili rin ako ng
kimonang niyari sa jusi para sa lola ko. __6__
kumakalam na ang sigmura ko __7__ nagpunta
muna ako sa isang maliit na kainan __8__umorder
ako ng kanin at sinigang na baboy. __9__ pagbalik
Ko ko’y kararating lamang ng bus.
Dalawang oras din akong naglakbay. __10__
narating ko rin ang tahanan ng aking lolo.
Nadatnan kong inaatipan ng aking tiyuhin ang
bubong ng bahay __11__ si Lolo ay nagpapakain
ng kaniyang mga alagang hayop at manok.__12__
hinagkan ko ang kamay ng aking lolo at lola,
tiyuhin at tiyahin bilang tanda ng aking paggalang.
__13__ nasiyahan sila sa aking dalang pasalubong.
Slide Title
Product A Product B
• Feature 1 • Feature 1
• Feature 2 • Feature 2
• Feature 3 • Feature 3

You might also like