You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

RADIO-BASED INSTRUCTION
Petsa: ______________________

Learning Area: FILIPINO BAITANG 9


Episode: 2
MELC: F9PT-IVa-b-56 Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan
F9PD-IVa-b-55 : Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang binasang akda sa ilang
napanood na telenobela
F9PS-IVa-b-58 : Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami
Paksang Aralin: Ang Pagsisiwalat ng Katotohanan (Kabanata 1-13)
Length: 25 minuto
Scripwriter: ROLAN D. GALAMAY
Sanggunian: Ikalawang Edisyon – Pinagyamang Pluma Baitang 9
Ailene G. Baisa-Julian et.al.

Time Technical Instructions SPIEL


BIZ: INSERT SOA
PROGRAM ID
On Camera Magandang araw kabataang TarlakHenyo!

Isa na namang makabuluhang talakayan ang magaganap sa oras na ito.

Ating ipagppatuloy ang paglalakbay sa ikaapat na markahan ng ating asignatura. Ako


ang inyong lingkod, ________________________________________, ang inyong
gurong-brodkaster sa oras na ito.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Tumutok, makinig, at matuto kasama ang SHINE TARLAKENYO SA RADYO


PILIPINO via DZTC 828 AM Radio at RTV Tarlac Channel 26.
5secs BIZ: MSC UP AND OUT
Noong nakaraang episode ay nagkaroon tayo ng malalim na kaalaman kung paano
nabuo o nasulat ang nobelang Noli Me Tangere. Nalaman rin mula sa tinalakay ang
tunay na mga dahilan kung bakit naisatitik ang nag-aapoy na damdamin ni Rizal na
gisingin ang damdamin ng mga mamamayang Pilipino sa matagal na pagkakahimlay
nito sa mga pang-aaping ginagawa ng mga Espanyol sa bansa. Natunghayan din sa
aralin noong nakaraan ang mga pinagdaanan ni Rizal, maging ng kaniyang pamilya
On Camera bago niya ganap na naipalimbag ang nobela. Dagdag pa, nalaman din natin ang mga
hakbang na ginawa ng pamahalaang Espanyol upang hadlangan ang pagpapakalat at
paglilimbag ng akdang ito nang sa gayon ay hindi ito mabasa ng mga Pilipino.

May gusto pa ba kayong linawin sa mga kaalamang nakuha sa nakaraang aralin?


Kung mayroon pa, pakilagay sa ating comment section at atin itong lilinawin sa
bandang huli ng ating talakayan.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Ngayon, atin ng sisimulan ang paglalakbay sa nobelang Noli Me Tangere. Handan a
ba kayo?
On Camera
Kung ganoon, magsisimula na tayo.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
On Camera May kasabihang, “Ang buhay ay parang guong. Minsan ay nasa ibabaw, minsan ay
nasa ilalim.” Nangangahulugan itong ang buhay ay may tagumpay at kasawian. Ang
tagumpay ay panahong tila tayyo ay nasa itaas at masayang nabubuhay.
Samantalang ang kasawian ay panahong nasa mababang bahagi tayo ng buhay na

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

para bang naapakan, naapi, at puno ng kapighatian.

Ngayon, magbahagi nga kayo ng inyong karanasan at pananaw ukol gamit


5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
On Camera Ngayon, magbahagi nga kayo ng inyong karanasan at pananaw ukol dito gamit ang
mga sumusunod na tanong. Pakilagay sa comment section ang inyong sagot.
Show Power Point 1. Ano-ano ang mga tagumpay mo sa buhay?
Slide# 1
2. Ano-ano ang mga kasawian sa buhay na naranasan?

3. Ano-ano ang mga pananaw at realisasyon sa mga naranasang tagumpay at


kasawian.

(Magtawag ng mga mag-aaral sa comment section. Kung wala, maaaring ang inyong
sariling sagot ang ibahagi)
On Camera Atin ng sisimulan ang lunsaran sa aralin na ito ang Kabanata 1-13 ng Noli Me Tangere
sa papagitan ng pagpapakilala sa mga tauhan nito.

Show video # 1 https://www.youtube.com/watch?v=gtkiTomByWw

On Camera Tunghayan naman natin ang mga pangyayari mula kabanata 1 hanggang 13 sa
pamamagitan ng videoclip.

Show video #2 Kabanata 1

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

https://www.youtube.com/watch?v=f8ZNBnKKvvI

Show video #3 Kabanata 2

https://www.youtube.com/watch?v=oURpcFvrR_g

Show video #4 Kabanata 3

https://www.youtube.com/watch?v=oURpcFvrR_g

Show video #5 Kabanata 4

https://www.youtube.com/watch?v=s9MnF2nhJfo
Show video #6 Kabanata 5

https://www.youtube.com/watch?v=uWms0d4oRoI

Show video #7 Kabanata 6

https://www.youtube.com/watch?v=UrA0UsHuDQI

Show video #8 Kabanata 7

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

https://www.youtube.com/watch?v=Pbshhh8-_DU

On Camera Mga ginigiliw kong mag-aaral, mukhang naubos na ang ating oras sa araw na ito.
Ipagpapatuloy natin ang iba pang mga kabanata sa susunod na episode. Kung gusto
ninyong balikan ang mga video, huwag kayong mag-alala, ibibigay namin ito sa
inyong mga guro at ibabahagi sa inyong mga GC (groupchat).
5 secs BIZ: MSC UP AND Under
On Camera Bilang pabaon kong gawain sa inyo, mula sa napanood na video ay nakasulat din at
nababasa sa screen ang paglalarawan ng mga pangyayari sa bawat kabanata.
Maraming mga salita mula roon ang masasabi nating malalalim na salita.

Maglista ng limang malalalim na salita mula sa napanood at kopyahin kung paano ito
ginamit sa pangungusap. Guhitan mo ang mga malalalim na salitang ito. Sa ibaba,
ibigay niyo naman ang inyong sariling pagpapakahulugan mula rito.

(Mangyaring magbigay ng halimbawa ang broadcaster)


On Camera Hayan, kagaya ng sinabi ko kanina, ipagpapatuloy natin ang ating talakayan sa
susunod na episode.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
On Camera Kung mayroon kayong ibang katanungan, mangyaring kontakin ang inyong guro sa
asignaturang Filipino 9.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
On Camera At diyan nagtatapos ang talakayan natin ngayon. Nawa’y ang lahat ng aral na napulot
ninyo ay maisagawa at maibahagi sa iba.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Magkita-kita muli tayo sa susunod na talakayan.

Mabuhay ka, kabataang Tarlakenyo! Hatid sa inyo ng SHINE TARLAKENYO SA


RADYO PILIPINO via DZTC 828 AM Radio at RTV Tarlac Channel 26.

Isang makabuluhang araw sa inyong lahat at hanggang sa muli, paalam!

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph

You might also like