You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Pamagat: TRECCS TNHS 828 Radyo Eskwela


Paksa: Balagtasan
MELC: Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan. (F8PB-IIc-d-25)
Format: School-on-the-Air
Haba: 30 minutes
Manunulat ng Iskrip: Rachelle B. Balot/Orlando S. Alejo,Jr.
Layunin: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 8 Filipino,
inaasahang makapagbibigay ng opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID


2 BIZ: MSC UP AND UNDER
3 Guro: Magandang…magandang..magandang…magandang…magandang umaga!!!
4 (HINTO) Naririto na naman ako!!! Ako ang inyong lingkod, Ginoong Orlando Santos
5 Alejo Jr. , Guro mula sa Kagawarang Filipino -Ikawalong Baitang.
6 BIZ: MSC UP AND UNDER
7 Guro: Naririto na naman tayo para sa ating paglalahad ng ating aralin sa pamamagitan
8 ng radyo. (HINTO) Binabati ko ang lahat ng mag-aaral sa Ikawalong Baitang, pati na

9 ang mga magulang at mga tagapakinig saan mang sulok ng mundo… Ito ang TRECS

10 828!!!

11 BIZ: MSC UP AND UNDER

12 Guro: Handa na ba kayo???? (HINTO) Nais kong marinig…. (HINTO) Okay, okay!

13 Batid kong handang-handa ka na sa isa na namang panibagong yugto ng pagkatuto sa

14 asignaturang Filipino..

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16
Guro: Pumwesto na sa inyong pinakakumportableng upuan, (HINTO) Tiyaking may
laman din ang inyong mga tiyan. Kumain na ba? Pakatandaan, kung may laman ang
17
tiyan, tiyak din ang kaisipan!!!
18
BIZ: MSC UP AND UNDER

-May Kasunod-
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

1 Guro: Sige, kunin na ninyo ang inyong handout. At tayo’y magsisimula na! (HINTO)

2 Ngunit siyempre, huwag nating kalimutan ang ating nakaraan upang makarating tayo

3 sa ating paroroonang magandang kinabukasan, hindi ba? Ano nga ulit ang ating huling
aralin sa ating Modyul? (HINTO).
4
BIZ: MSC UP AND UNDER
5
Guro: Tama, ang Tula.. Bow! Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng
6
buhay, hingo sa guni-guni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa
7
pananalitang may angking aliw-aliw… (HINTO) O diba? Ang ganda ng ating nakaraang
8
aralin? Ang tula!(HINTO)
9
BIZ: MSC UP AND UNDER
10
Guro: Ang atin namang aralin ngayon ay may kaugnayan pa rin sa Tula. (HINTO) Ang
11
Balagtasan! (HINTO) Ngunit, ano nga ba ang Balagtasan, mga ginigiliw kong mag-aaral?
12
BIZ: MSC UP AND UNDER
13
Guro: Isaisip, klas, Ang Balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang
14
panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad
15
ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga
16
saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.
17
(HINTO) Ang galing, hindi ba?
18
BIZ: MSC UP AND UNDER
19
Guro: Katulad ng ibang akdang pampanitikan, ang Balagtasan ay nagtataglay ng
20
mahahalagang elemento. Alam n’yo ba kung ano ang mga ito? (HINTO) Sige nga…
21
MSC UP AND UNDER
22 Guro: Mahusay, tama ang iyong nasa isip… (HINTO) Mayroon itong Tauhan, Paksa,
23 Mensahe at Pinagkaugalian…Oppst, huwag mag-alala. Iisa-isahin natin sila… Okey ba?
24

-May Kasunod-

1 Guro: Galaw - galaw muna!!! Ikot-ikot ang leeg… pakanan at pakaliwa…

4
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

BIZ: MSC UP AND UNDER


Guro: Okay, narito na. Mga elemento ng Balagtasan upang lubos ang iyong pagkaunawa.
(HINTO) Elemento ako ng Balagtasang tinatawag na Tauhan,
May Lakandiwa, Mambabalagtas at mga manonood…
Mga makakatang ‘pag narinig, tiyak na maninikluhod,
Sa husay ng pagbigkas, lahat ay taimtimang nakatutok.
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Kuha ba, mga mag-aaral, unang elemento ng Balagtasan?
Kung gayo’y ipagpatuloy na natin susunod na elemento.
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Paksa.. Paksa.. Napakaraming paksa na maaaring pagtalunan
Dito sa pagbigkas na tulang, debate ay Balagtasan
Isyu.. Tema.. Oh napakaraming pwedeng pagtalunan
Pwede nga ika ang sa Ingles, “anything under the sun”
Mapa-edukasyon, kultura’t pag-ibig, ekonomiya’t kalikasan
Dapat ba o Hindi dapat paluin ang bata?
Masama ba o mabuti ang dulot ng Pag-unlad ng Agham at Teknolohiya
Sino ba ang higit na nakatutulong sa pag-unlad ng Bansa, Mamamayan ba o Pamahalaan?
Maraming katanungan, maaaring pagtaluna’t bibigyan ng kasagutan.
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Nasusundan ba mga Mag-aaral ng Ikawalong Baitang? (HINTO) Kaway-kaway diyan
kung naiintindihan….
-May Kasunod-

1 Guro: Dumako na tayo sa susunod na Elemento ng Balagtasan…(HINTO) Ang Mensahe o

2 Mahalagang Kaisipan…

3 Mahalaga itong elemento na dapat maiparating sa manonood nang buong linaw

4 Napapanahong isyu, bibigyang-pansin, ipapaliwanag nang mainam

7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Matutunghayan ito sa ekspresyon ng mukha, galaw, kumpas,mahalagang ginagampanan


Upang sa madla maging mahusay ang pagdaos nitong tinatawag na Balagtasan.
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Hep..hep..hep! Nandyan pa ba? (HINTO) Samahan ako hanggang sa huli, dahil tinitiyak
kong hindi ka magsisisi.. May matutunghayan tayong isang halimbawa ng balagtasan.. O
diba, kapanapanabik? (HINTO) Kaya’t diyan ka lamang ha.
Guro: Narito na ang panghuling Elemento ng Balagtasan na tiyak kong alam na alam
mo na… Ano ito? Ating tunghayan….
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Pinagkaugalian kung ito’y tawagin,
Sa Tula ito rin dapat na taglayin,
Tugma o magkakatunog sa dulo ng salita
Sukat naman ang bilang ng bawat pantig
At indayog ang sining na sa Tula at Balagtasa’y nagbibigay ng kariktan o kagandahan.
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Hay, kay sarap pakinggan ng ating wikang pambansa. Mga bata, sana gayundin
kayo diyan.. Isang pagpapakita ng pagtanaw natin ng utang na loob sa ating mga
ninuno at pagpapahalaga sa ating pagka-Pilipino!(HINTO)
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Sige, sige, kapit pa! Tingnan ang inyong mga Modyul.. at ating muling

-May Kasunod-

1 babanggitin ang mga Elemento ng Balagtasan.. (HINTO) Sundan mo ako ha… Unang

2 elemento ay…. Tauhan, Ikalawa ay ang Paksa… Ikatlo ay ang Mahalagang Kaisipan at

3 ang Panghuli’y Pinagkaugalian.

4 BIZ: MSC UP AND UNDER

8
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Guro: Ayan….. alam mo na ang kahulugan ng Balagtasan at mga Elemento nito.


(HINTO) Hindi ba’t nakatutuwang may bago kang natutuhan?
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Dumako na tayo, klas, sa kapanapanabik na bahagi ng ating aralin..
Guro: Ating matutunghayan ngayon ang isang uri at kung paano ang paraan ng
Balagtasan…. (HINTO) Huwag na nating patagalin pa.. Tayo’y makinig at matuto.. at
natitiyak akong kapag natapos ang araling ito’y nanaisin mo ring makipag-Balagtasan.
Mamahalin mo ang Balagtasan, natitiyak ako! Isang Balagtasan mula sa ikawalong
baitang, pangkat ng SPJ… sina Angela Arim sa panig ng Matalino, si Lawrence Costales
sa panig ng Mayaman at si Rolando Macapinlac bilang Lakandiwa.
BIZ: MSC UP AND UNDER
Paksa: SINO ang mas sikat at higit na dapat hangaan: MATALINO o MAYAMAN?
Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawid
Kababayang minamahal, ilakas ang radyo't makinig
Dalawang magaling na makata, Balagtasa'y ihahatid
Magandang araw po muna sa lahat ang bati naming matamis.

Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng kasiyahan


Upang ang pagod ninyo sa trabaho ay maibsan

-May Kasunod-

1 Ginaganap natin ito sa bawat unang Lunes ng buwan

2 Ang tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y balagtasan.

3
Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan
4
Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan?
5
Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman?
6

9
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.

MAYAMAN (Unang tindig)


Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryoso
Baka labis pong magdamdam kapag dito ay natalo
Yamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalino
Hayaan nyong sa inyo po ako muna ay magkwento.

Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirap


Mayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarap
Sino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas sikat?
Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y maliwanag.

LAKANDIWA
Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-Binan
Lalo daw sikat at dapat hangaan ay yung mga mayayaman
At para naman lalo nating ito'y maunawaan
Magpapatuloy po sila at atin namang palakpakan!

-May Kasunod-

1 Nitong aking katunggaling panalo ang siyang hangad

2 Magagawa bang gutumin ang may utak at ng lakas?


O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak!
3

4
Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng mayaman
5
Upang lalo pang lumago sa panahon mang daratal
6
Ano kayang mangyayari kung wala yaong may aral?
7

10
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Baka itong masalapi'y hahantong sa basurahan.

MAYAMAN (Ikalawang tindig)


Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisal
Inamin pong ang may aral, lingkod lamang ng may yaman
Pag nagsara ng negosyo ang mapera't may puhunan
Ang kawawa'y ang marunong na kawaning swelduhan lang!

Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't Adan


Paraiso'y nakamtan na, wala pa ring kasiyahan
Sa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusan
Pati dunong ng Maylikha ay nais na mapantayan!

MAYAMAN
Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng kalaban
Sa marunong versus mangmang napalihis ang usapan!

-May Kasunod-

1 MATALINO
Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoy
2
Mahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol!
3

4
MAYAMAN
5
Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y kinukulang
6
Magkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na lamang!
7

10

11
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

MATALINO
Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin pala!

MAYAMAN
Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket money ka pa!

MATALINO
Marunong ang hahangaan, di mayamang walang alam!

MAYAMAN
Sa gobyerno ay kaydaming matalinong magnanakaw!

LAKANDIWA
Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawa
Ako namang Lakandiwa ang papasok sa eksena

-May Kasunod-

1 Ang hiling ko sa dalawang makata ay magkamay na

2 At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila!

3
Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawin
4
Sa katwiran ng dalawa na mahirap arukin
5
At sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa magagaling
6
Marahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y limiin.
7

8 Hahangaan mo rin ba ang isang mayaman


9 Kung wala namang malasakit sa kapwang nahihirapan?
10

11

12

13
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa katuwiran

Walang pag-aatubili, sisikat siya at hahangaan.


Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailangan

Datapuwa’t kakailanganin din ang puhunan ng mayaman


Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan
Ngunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng negosyo ng mayaman.

Ang paksa ay sino nga ba ang higit na hahangaan


Ang may angking talino ba o ang isang mayaman?
Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan:

Patas po ang naging laban, sila'y ating palakpakan!

-May Kasunod-

1 BIZ. TUNOG NG PAGSUSULIT

2 Guro: Hayan…Hayan… Napakagandang pakinggan, isang uri ng Balagtasan!


Hindi ba’t kagagaling ng mga nagsipagbigkas? Mapapa- Sana All ka na lamang…
3
hahaha.. Ngunit kung kaya nga nila, aba’y siyempre kaya n’yo rin mga Anak!!!
4
BIZ. TUNOG NG PAGSUSULIT
5
Guro: At dahil diyan, dumako na tayo sa inyong pagsusulit sa araw na ito..(HINTO)
6
BIZ. TUNOG NG PAGSUSULIT
7
Guro: Kumuha na ng malinis at papel at isang maswerteng bolpen na makatutulong sa
8
pagsagot ninyo sa ating pagsusulit sa araw na ito. (HINTO) Huwag kayong mag-alala mga
9
minamahal naming mag-aaral, madali lamang ito. Walang maling sagot sapagkat opinyon
10
lamang ang inyong isusulat sa papel na iyan.. O diba? Madali lang!
11

12

13

14
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

BIZ. TUNOG NG PAGSUSULIT


Guro: Narito na ang ating pagsusulit! Talasan ang isip!!! Kung kayo’y nakinig nang
maigi sa Balagtasan kanina’y nakakuha kayo ng ideya. Ngunit sabi ko nga rin ay walang
maling sagot. Opinyon lamang ninyo ang pagbabatayan ng kasagutan. Ngunit tiyakin
din na ang inyong Opinyon ay nakabatay sa Katotohanan…(HINTO)
BIZ. TUNOG NG PAGSUSULIT
Guro: Ito na ang Panuto sa Pagsusulit: Ibigay ang inyong katwiran o Opinyon sa Paksang
tinalakay sa Balagtasang napakinggan. Uulitin ko ang Paksa ay Tungkol sa “ Sino ang mas
higit na hangaan, ang taong Matalino o ang taong Mayaman?” O ayan, simulan na!
BIZ: MSC UP AND UNDER
Guro: Okay, ipasa na ang ang inyong mga kasagutan sa ating google classroom o
kaya’y ipadalang mensahe sa aking facebook account na Orly Alejo Jr., at maaari ring
eemail sa orlandojr.alejo@deped.gov.ph(HINTO)
BIZ: MSC UP AND UNDER

1 Guro: At kung mayroon kayong mungkahi, mensahe o nais na linawin sa ating mga

2 aralin, mangyari lamang na ipadala din sa ating google classroom o kaya magmessage

3 sa numerong 09398322379, ulitin ko manyari ipadala sa ating google classroom o

4 magmessage sa numerong 09398322379


BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)
5
BIZ: MSC UP AND UNDER
6
Guro: Okay, okay!!!!Isa na namang leksyon ang ating napag-aralan. (HINTO)
7
BIZ: MSC UP AND UNDER
8
Guro: Para sa ating susunod na kapana-panabik na aralin, ang ating tatalakayin ay
9
tungkol sa Sarswela..(HINTO) Ano nga ba ang Sarswela at tutunghayan din natin ang
10
isang uri ng Sarswelang pinamagatang “Walang Sugat”. (HINTO) Kaya’t siguraduhin
11
lamang na nakasubaybay kayo dito sa ating Radyong panghimpapawid : TRECCS TNHS
12
828 Radyo Eskwela para maging Handa ang Isip, Handa ang Bukas.
13
BIZ: MSC UP AND UNDER
14

15

16

17
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Guro: Muli, ito si Ginoong Orlando Santos Alejo Jr. , ang inyong Broadcaster sa Filipino
Baitang walo at laging isaisip at isapuso… Pag-aaral, unang hakbang upang maging
edukado at isang pasilip sa Ambisyon mo!!!! Hanggang sa muli!!! Paalam…
BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)
BIZ: MSC UP THEN OUT

-WAKAS-

Prepared by:

ORLANDO S. ALEJO, JR. / RACHELLE B. BALOT


Teacher Broadcaster - Scriptwriter

Noted by:

VILMA O. ESTEBAN
Head Teacher VI, -Filipino Dept.

EPIFANIA B. DUNGCA, EdD.


Principal IV

Reviewed & Evaluated by:

ALLAN T. MANALO
(Education Program Supervisor in-charge of the subject)

BOBBY P. CAOAGDAN, EdD.


Education Program Supervisor, LRMDS
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Recommending Approval:

PAULINO D. DE PANO, PhD.


Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division

MARIA CELINA L. VEGA, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Approved by:

RONALDO A. POZON, PhD CESO V


Schools Division Superintendent

You might also like