You are on page 1of 9

ST.

JOHN PAUL II COLLEGE OF DAVAO

College of Teacher Education


Ecoland Drive, Matina Aplaya, Davao City

Detailed Lesson Plan sa SS200

Pangalan: Berja, Kendie Tagapagturo: G. Brandon Pado

Course/Year: BEED/2nd Year Duration: 60 Minutes

Subject Unit: SS200 Baitang: Grade 6

PAMANTAYAN SA Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt at


PAGKATUTO natatalakay ang mga programa ng pamahalaan.

I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 na minuto, ang mga mag aaral ay dapat na:

a. natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari na


humantong sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt
sa Pilipinas;

b. nakakalikha ng maikling pagpapaliwanag sa pamamagitan


ng aktibidad na “ISULAT MO AT IULAT MO" na biswal na
kumakatawan sa makasaysayang konteksto, mga pinuno, at
mahahalagang kaganapan sa panahon ng Komonwelt;

c. nakapagpapahayag ng mas mataas na pagpapahalaga para


sa makasaysayang konteksto ng Pamahalaang Komonwelt

II. Paksang Aralin

i. Paksa Pamahalaang Komonwelt


Reference

ii. Sanggunian
Reference • K to12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN
https://docs.google.com/file/d/0B_TibwEltyeuckFIdmU1dlNidGs/
preview?resourcekey=0-cWmGYL9jef7XFYne7v0hoQ
• Most Essential Learning Competencies (MELCs) for School
Year 2022-2023
https://www.teacherph.com/wp-content/uploads/2022/08/Grade-9-
Araling-Panlipunan-Most-Essential-Learning-Competencies-
MELCs.pdf

iii. Mga Kagamitan Visual aid, marker, mga larawan, tape, PPT
Materials

III. PAMAMARAN

A. Mga Karaniwang Gawain

Guro Mga Studyante

Panalangin:
“Anghel ng Diyos, mahal kong tagapag-alaga, na ipinagkatiwala sa
Magandang Umaga mga bata! akin ng pag-ibig ng Diyos, sa araw na ito ay nasa aking tabi, upang
Bago tayo magsimula ay liwanag at bantayan, upang mamuno at gabayan. Amen. Pagpalain
manalangin muna tayo sa
mo kami, O Panginoon, at itong iyong mga kaloob, na malapit na
poong Maykapal.
naming tanggapin mula sa iyong kagandahang-loob, sa pamamagitan
Pagsusuri ng Pagdalo: ni Kristo na aming Panginoon. Amen.”

Ang guro ay tinawag bawat


isa sa studyante para sa
attendance.

Mga Patakaran ng klase:

1. Makinig kung may


nagsasalita sa harap.
2. Itaas ang iyong kanang
kamay kung nais mong
sumagot.
3. Sundin kung ano ang
tagubilin ng mga guro.
4. Hinihikayat ko ang lahat
na huwag mahiya; kung
mayroon kang anumang
mga ideya, ibahagi ang
mga ito sa lahat.
5. Mangyaring gumamit ng
wikang Tagalog o Ingles
sa pagsagot.
6. Igalang ang lahat sa
klase.
“Maliwanag ba yun mga Opo, teacher!
bata?”

Balik-aral sa
Nakaraang Aralin

1. Ano ang ating “Tungkol po sa Pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas


aralin teacher!”
kahapon?
2. Sino
makapagbibiga
y kung ano ang Ako po teacher!
pinakahighligh Edukasyon: Itinatag ng mga Amerikano ang sistema ng edukasyon sa
t or natutunan Pilipinas. Ang wikang Ingles ay ginawang medium of instruction, at
natin mula sa inaayos ang sistema ng paaralan ayon sa istandard ng Amerika.
mga
amerikano?

Magaling
Shanon! Very
Good!

Pagganyak
(Integrated) Mga Studyante

Guro
Samantha: Ako teacher gusto ko maging secretary kasi mahilig ako
“Class may tanong ako
magsulat and gusto ko magsulat sa pisira.Naranasan ko na rin po
sa inyo. Ano ang gusto
ninyong position sa teacher maging isang secretary noong nasa ika 5 baitang po ako.
classroom? Presidente
ba, secretary or anong
posisyon? Samantha: Ang tatay ko po ay isang Kagawad sa barangay.
“Ok salamat Samatha. Ang nanay ko naman po ay labandera.”
Maari mo bang ibahagi
kung ano ang trabaho
ng mga magulang
mo?”
“Okay mga bata, bago
tayo magsimula may e-
play si teacher na video Opo teacher!
at gusto ko magpokus
at making kayo ng
mabuti.” (Ang mga bata ay pinagtuonan ng pansin ang video na nasa pisara
LINK RESOURCES: gamit ang projector)
https://youtu.be/PRVX
8Qn88MQ

IV. PAGSUSURI

Magtatanong ang
guro sa mga mag-
aaral.

1. Base sa video na napanood “May tatlong sangay ang pamahalaan teacher.”


ninyo, anoa no ang inyong
napansin at natuklasan?

2. Ano-ano ang tatlong sangay


na binanggit sa video?
“Legislative, Executive at Judicial po teacher”
“Magaling! Sa tingin ninyo
ano kaya ang ating tatalakayin
(Tuwang-tuwa ang mga estudyante sa pakikinig sa susunod na
ngayong hapon? Sabay sabay
asignatura)
nating pagtuonan ng pansin
ang bagong talakayin ngayon.”

V. ABSTRAKSYON PAMAHALANG KOMONWELT


(Interdisciplinary)
Ang Komonwelt ng Pilipinas ay ang tawag pampulitika sa
Ang guro ay Pilipinas noong 1936 hanggang 1946 kung kailan naging komonwelt
magsisimula ng ng Estados Unidos ang bansa. Bago noong 1936, isang pook-insular
magpakita ng na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito
powerpoints tungkol sa
ng Estados Unidos. Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo
historya ng
Pamahalaang sa Komonwelt. Ang "Quezon City" ay isang lungsod na matatagpuan
Komonwelt at mga sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay unang itinatag bilang
pograma na naisagawa bagong kabisera ng bansa noong panahon ng Pamahalaang
ng pamamahalng ito. Komonwelt.
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay naapektohan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang masakupan ng mga Hapones
ang bansa noong 1941. Sa ilalim ng pamahalaang Hapones, binuwag
ang Pamahalaang Komonwelt at itinatag ang Pampansang Asamblea
na kontrolado ng mga Hapones. Ito ang nagdulot ng pagkawala ng
kalayaan at demokrasya sa bansa, at nagsimula ang panahon ng pang-
aapi at pagsasamantala. Ngunit, sa kabila ng mga pagsubok,
maraming Pilipino ang nagpakita ng tapang sa pakikibaka laban sa
mga Hapones, at ang pagsasabuhay ng diwa ng bayanihan ay
nagbigay inspirasyon sa pagtataguyod ng kasarinlan pagkatapos ng
digmaan.

Ang Batas Tydings–McDuffie, opisyal na Batas sa Kalayaan ng


Pilipinas, ay isang Batas ng Kongreso na nagtatag ng proseso para sa
Pilipinas, noon ay isang teritoryo ng Amerika, upang maging isang
malayang bansa pagkatapos ng sampung taong panahon ng paglipat.

Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si


Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel L.
Quezon ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang
Komonwelt noong 1946 at naging republika ang Pilipinas.

TATLONG SANGAY NG PILIPINAS

1. LEHISLATURANG SANGAY

Ang Lehislaturang sangay ay pinahihintulutang gumawa ng


mga batas, mag-amyenda, at magsawalang-bisa ng mga ito gamit ang
kapangyarihang ibinigay sa Kongreso ng Pilipinas. Nahahati ang
institusyong ito sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.

2. EHEKUTIBONG SANGAY

Ang Ehekutibong sangay ay binubuo ng Pangulo at


Pangalawang Pangulo na kapwa inihalal ng boto ng nakararami at
magsisilbi sa loob ng anim na taon. Binibigyan ng Konstitusyon ang
Pangulo ng kapangyarihang piliin ang kanyang Gabinete. Bubuuin ng
mga kagawarang ito ang isang malaking bahagi ng burukrasya ng
bansa.

3. HUDIKATURANG SANGAY

Ang Hudikturang sangay ay may kapangyarihang lutasin ang


mga sigalot sa pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas.
Hinahatulan ng sangay na ito kung nagkaroon o hindi ng matinding
pang-aabuso sa pagpapasya, na katumbas ng kakulangan o kalabisan
ng kapangyarihan, sa panig ng pamahalaan. Binubuo ito ng Korte
Suprema at mga nakabababang hukuman

Katarungang Panlipunan

1. Pagtatakda ng Minimum Wage Law


2. Pagtatakda ng walong oras lamang na pagtatrabaho ng isang
manggagawa sa isang araw araw o Eight Hour Labor Law.
3. Pagtadhana sa Tenancy Act
4. Pagtatadhana sa Public Defender Act

Paggamit ng Wikang Pambasa

Tagalog ang inerekomenda ng Surian na maging batayan ng


wikang Pambansa na kung saan nagging opisyal na pambansang wika
ito noong Hulyo 4, 1946. Tinaguriang ama ng wikang pambasa si
Pangulong Quezon.
Pang-ekonomiyang Pagsulong
Sa pamumuno ni Pangulong Quezon, nagsimulang magkaruon ng
pang-ekonomiyang pagsulong ang bansa. Isinakatuparan ang mga
proyektong pang-infrastruktura, gayundin ang pagtatatag ng mga
industriyal na proyekto, na nagdulot ng pag-usbong sa sektor ng
kalakalan at industriyalisasyon.

Kahalagan ng Pamahalaang Komonwelt

Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas, na itinatag noong 1935 at


nagtagumpay sa pagtatapos ng Kapanahunang Amerikano, ay may
mahalagang papel at kahalagahan sa kasaysayan ng bansa. Narito ang
ilan sa mga pangunahing kahalagahan nito:
1. Pagsasarili at Pagsasariling Pamahalaan
2. Pagsulong ng Demokrasya
3. Pagtatatag ng mga Batas at Patakaran
4. Pagsusulong ng Pambansang Wika
5. Pang-ekonomiyang Pagsulong
6. Pagpapalakas ng Ugnayang Panlabas

Ang Pamahalaang Komonwelt ay nag-ambag sa pag-unlad at


pag-usbong ng Pilipinas bilang isang demokratikong bansa. Ang mga
nasabing kahalagahan ay nagdala ng matibay na pundasyon para sa
pagsulong ng bansa tungo sa kanyang kasalukuyang estado bilang
isang malaya at soberanong republika.
VI. APPLIKASYON ISULAT MO AT IULAT MO: Sa palagay mo, ano ang
pinakamahalagang ambag ng Pamahalaang Komonwelt at ano ang
Hahatiin sa 2 pangkat ang kahalagan nito sa mamayang Pilipino?"
klase. Ang guro ay magbibigay
ng tig iisang kartolina sa
dalawang grupo.

Teacher Mga mag-aaral

“Isulat sa kartolina ang inyong


sagot o pananaw tungkol sa “Opo, teacher masusunod po.”
Pamahalaang Komonwelt.
Kinakailangan na aabot sa 100
na salita o mahigit pa ang
inyong sagot. Mag pili ng
isang representante na mag
uulat ng Gawain ninyo.”

C. PAGTATAYA

Ang guro ay magbibigay ng pagsusulit sa mga mag-aaral sa loob ng 5 minuto.

Panuto: Bilugan ang tamang sagot. Iwasan ang pagbura at mangyaring gumamit ng itim na
ballpen.

1. Ano ang pangunahing layunin ng Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas?


a. Itaguyod ang demokrasya
b. Maging isang kolonya
c. Itatag ang monarkiya
2. Sino ang unang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
a. Emilio Aguinaldo
b. Sergio Osmena
c. Manuel L. Quezon

3. Ano ang Commonwealth Act No. 1 o "National Defense Act"?


a. Batas ng Ekonomya
b. Batas ng Pambansang Depensa
c. Batas ng Edukasyon

4. Paano naitatag ang Pamahalaang Komonwelt?


a. Tydings-McDuffie Act
b. Treaty of Paris
c. Spanish-American War

5. Ano ang pangunahing isyu sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt?


a. Kolonyalismo
b. Kahirapan
c. Pambansang Kasarinlan

6. Paano nakatulong ang Pamahalaang Komonwelt sa edukasyon?


a. Itinatag ang mga unibersidad
b. Pinalawak ang sistema ng edukasyon
c. Binago ang wikang ginagamit sa paaralan

7. Ano ang "Quezon City" at ano ang koneksyon nito sa Pamahalaang Komonwelt?
a. Bagong kabisera ng Pilipinas
b. Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt
c. Bahagi ng Pampanga

8. Paano naapektohan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pamahalaang Komonwelt?


a. Nagtagumpay ito
b. Napanatili ang kasarinlan
c. Naging bahagi ng puwersang Hapones

9. Sino ang sumunod kay Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
a. Emilio Aguinaldo
b. Sergio Osmena
c. Ramon Magsaysay

10. Ano ang kahalagahan ng Pamahalaang Komonwelt sa kasaysayan ng Pilipinas?


a. Itinatag ang kolonyalismo
b. Nagtakda ng pundasyon para sa isang malayang Pilipinas
c. Naging bahagi ng imperyalismong Espanyol

SAGOT:

1. a. Itaguyod ang demokrasya


2. c. Manuel L. Quezon
3. b. Batas ng Pambansang Depensa
4. a. Tydings-McDuffie Act
5. c. Pambansang Kasarinlan
6. b. Pinalawak ang sistema ng edukasyon
7. a. Bagong kabisera ng Pilipinas
8. c. Naging bahagi ng puwersang Hapones
9. b. Sergio Osmena
10. b. Nagtakda ng pundasyon para sa isang malayang Pilipinas

D. TAKDANG ARALIN

Interbyuhin ang isang miyembro ng pamilya na maaaring may mga personal na kwento o karanasan
noong panahon ng Commonwealth. Magbahagi ng mga insight kung paano naimpluwensyahan ng
Pamahalaang Commonwealth ang kanilang buhay o ang buhay ng kanilang mga ninuno. Isulat ang isang
ito sa isang dilaw na papel at isumite ito sa Lunes.

Inihanda ni: Bb. Kendie A. Berja

You might also like