You are on page 1of 8

Lingayen Campus

Lingayen, Pangasinan

TUTORIAL DIARIES
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

MAJOR IN SOCIAL STUDIES

TEACHING INTERNSHIP
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

NETWORKING AND COMMUNITY LINKAGE THROUGH ONLINE/FACE-TO-FACE TUTORIALS

DAY _1__

Topic: Quarter 3 – Module 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe


Sub-topics: Aralin 1: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Date: March 8, 2022
Time 3:00 pm to 4:00 pm

OBJECTIVES
✓ 1. Natatalakay ang kaugnayan ng imperyalismo at kolonyalismo sa eksplorasyon.
✓ 2. Naipapaliwanag at nasusuri ang mga dahilan, pangyayari, at epekto ng unang yugto ng
imperyalismong kanluranin.

STRATEGIES
➢ Paggamit ng Presentasyon sa PowerPoint
➢ Pagprepresenta ng video patungkol sa aralin.
➢ Paggamit ng “white board” para sa mga mahahalagang termino.
➢ Tanong - sagot
➢ Paggawa ng mga aktibilidad/worksheets pagkatapos ng talakayan.
➢ Pagkuha ng ilang impormasyon mula sa ibang mapagkukunan.

SUMMARY REPORT
Ngayong Marso 8, 2022 ang unang araw ng aming tutoryal. Ang aking studyante ay si
Ms. Danicah Mae C. Nava. Siya ay kasalukuyang nasa ika-walong baitang at nag-aaral sa
Pangasinan National High School. Bago kami makarating sa puntong ito ng unang araw ng
aming toturyal, akin munang ipinaliwanag ang aming aktibidad na isasagawa at ipinaalam
sa kaniyang mga magulang kung maaari ko ba siyang maturuan. Pagkatapos, aking inalam
ang kanyang skedyul upang sa gayun ako ay makagawa ng aming skedyul sa aming tutoryal
sesyon. Bago kami magsimula ngayong araw akin munang inalam ang kanilang aralin para
sa linggong ito upang ako ay makapaghanda sa aming diskusyon. Muli akong nagbasa sa
aking aklat patungkol sa aralin, nagsulat ng mga importanteng impormasyon, ideya, at
termino na maaari kong ibahagi sa kanya. Nanuod din ako ng mga video sa Youtube
patungkol sa aralin upang mas mapalawak pa ang aming ideya. Bukod sa presentasyon sa
PowerPoint na ibinigay ng kanilang guro patungkol sa aralin, ako rin ay nagsagawa ng aking
sariling presentasyon na naglalaman ng buod o mahahalagang pangyayari o termino
patungkol sa aralin. At dahil malawak ang sakop ng kanilang aralin para sa linggong ito aking
hinati ito sa tatlong paksa upang mas maintindihan niya ang bawat parte ng araling ito at
masagutan niya ang kaniyang mga aktibidad. Ang aming skedyul ay mula alas tres ng hapon
hanggang alas kwatro.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

SUMMARY REPORT

Bago ko sinimulan ang diskusyon, kami muna ay nagkamustahan patungkol sa kaniyang pag-
aaral at kung ano mga bagay o problemang kaniyang hinarap o kinakaharap sa ganitong
paraan ng pag-aaral na kung saan ang lahat ay isinasagawa sa birtwal na paraan. Aming
munang sinagutan ang mga dapat niyang punan sa “Tutorial Diaries Form” bago ko
sinimulan ang pormal na talakayan. Upang aking malaman kung hanggang saan na sa aralin
ang kaniyang nalalaman, ipinasulat ko muna sa kanya sa malinis na papel ang mga bagay o
ideyang kaniyang natatandaan patungkol sa aralin. Pagkatapos ay sinimulan ko ang
talakayan sa pagprepresenta ng PowerPoint. At ngayong araw ang aming aralin ay ang Aralin
1: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin” ito ang unang aralin sa kanyang modyul para
sa linggong ito na pinamagatang Quarter 3: Modyul 2 “Paglawak ng Kapangyarihan ng
Europa”. Bukod sa mga impormasyon sa presentasyon, aking ding ibinahagi ang mga ideya
o impormasyon mula sa aking libro. Sa pamamagitan din ng white board iprenesenta ang
mga mahahalagang termino sa aralin. Sa kalagitnaan ng aming talakayan, aking muling
ipinasulat ang mga bagong kaalaman na kaniyang natutunan sa aming diskusyon.
Pagkatapos ipagpatuloy at tapusin ang talakayan sa araw na ito, kami ay nagkaroon ng
kolaborasyon sa isa’t-isa upang ibuod ang aming tinalakay. Aking ding ipinanuod ang video
na galing sa Youtube upang kaniyang mas maintindihan ang aming aralin bago niya sagutan
ang kaniyang mga aktibidad na ibinigay ng kaniyang guro sa Araling Panlipunan. At dahil ang
kaniyang mga aktibidad ay pawang online, pinahiram ko siya ng aking laptop upang
makapagsagot ng maayos dahil tanging cellphone lamang ang kaniyang ginagamit sa online
class. Bago ko pormal na tapusin ang sesyon sa araw na ito, siya ay aking tinanong muli
upang ibuod ang aralin. At panghuli, kami ay kumuha ng mga litrato para sa aming
dokumentasyon.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

Start of the Lesson

My current understanding includes


Ang aking kasalukuyang kaalaman patungkol sa aralin ay una ito ay kung paano nagsimula ang
“Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin”. Akin ding natatandaan ang mga ilan sa mga
mahahalagang termino sa aralin, tulad ni Marco Polo na siyang anak ni Nico Polo. Ang mga
importanteng bagay na nadiskubre sa panahong ito gaya nang astrolabe na ginagamit upang sukatin
ang mga bituwin. Ang compass na ginagamit upang alamin ang tamang direksyon na nais puntahan.
Ang kahulugan ng “Renaissance” na ang ibig sabihin ay muling magkabuhay. Ang dalawang bansa sa
Europa na nanguna sa paggagalugad ito ay ang Portugal at Spain. Si Ferdinand Magellan na sumubok
na sakupin ang Mactan ngunit napatay ni Lapu-Lapu sa kanilang naging labanan. Ang mga “Spices” ay
kanilang ginagamit upang ipreserba ang kanilang mga pagkain at karne.

Midpoint of Lesson
New things I have learn includes
Ang mga bagong kaalaman na aking natutunan ay una ang Muslim na naggalugad sa Asya at
Aprika pagkatapos ni Marco Polo ito ay si Ibn Battuta. Ang unang bansa sa Europa na naggalugad ay
ang Portugal sa pangunguna o sa pamamagitan ni Prince Henry the Navigator. Natutunan ko rin na
ang mga “spices” ay hindi lamang nila ito ginagamit sa pagrereserba ng kanilang mga pagkain bagkus
ito rin ay kanilang ginagamit sa paggawa ng kanilang mga pabango, kolerete sa mukha, at mga
medisina. Aking nalaman ang mga ilan sa mga “spices” na kanilang nadiskubre sa paglalakbay tulad ng
cinnamon, nutmeg, at paminta. Noong nagsimula ang Portugal sa paggalugad, nadiskubre ni
Bartolomeu Dias ang isang lugar na tinatawag ngayong South Africa. Siya rin ang nakadiskubre ng
“Cape of Storms”, na sa kasalukuyan ay tinatawag na “Cape of Good Hope”. Sumunod ay si Vasco Da
Gama, unang Europeyong naglakbay sa “Cape of Good Hope”. Siya rin ay nakarating sa Callicut, India.
Nalaman ko rin na nagsimulang magkaroon ng interes ang Espanya sa mga yaman ng Asya noong
ikinasal sina Haring Ferdinand V ng Aragon at Queen Isabella I ng Castille. Sila ang sumuporta sa
paglalakbay ni Christopher Columbus. Sa kaniyang paglalakbay kaniyang nadiskubre ang mga lugar ng
Isla ng Bahamas, South America, Cuba, Caribbean, at Hispaniola. Si Christopher Columbus rin ang
tinaguriang “Admiral of the Ocean Sea”. Dahil sa kompetisyon ng dalawang bansang Portugal at Spain,
sila ay humingi ng tulong kay Pope Alexander VI upang hatiin ang lupain na maaari lamang lakbayin ng
bawat bansa. Ang Santo Papa ay gumamit ng tinatawag na “line of demarcation” isa itong linyang hindi
nakikita. Sa linyang ito, ang kanlurang bahagi ay para sa Spain at ang Silangang bahagi ay para sa
Portugal.
Natutunan ko rin na si Ferdinand Magellan ang kauna-unahang maglalayag na naglakbay sa
Kanlurang bahagi ng Asya. Kanya ring natawid ang Pacific Ocean. Ang kanyang grupo ay lulan ng limang
barko at ito ay ang mga Victoria, Santiago, San Antonio, Concepcion, at Trinidad. Ang kanilang pinaka
pakay sa explorasyon ay ang tanyag na tatlong G na ang ibig sabihin ay God, Gold, Glory. Noong
kanyang narating o natagpuan ang Pilipinas, sinubukan niyang sakupin ang Mactan, ngunit napatay
siya ni Lapu-Lapu sa isang labanan. At ang tanging barkong nakabalik sa Spain ay ang Victoria.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

End of Lesson End of the Lesson

I am now confident that I can

Sa pagtatapos ng aming tutoryal sa araling ito kaya ko nang ibahagi ang mga kaganapan o
pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Kaya ko na
ring ibahagi ang mga importanteng tao sa parteng ito ng ating kasaysayan. At panghuli, kaya ko nang
sagutan ang aking mga “worksheets at summative tests” nang may sapat na kaalaman patungkol sa
aralin.

Teacher’s Assessment
Sa unang araw ng aming tutoryal, aking napansin na ang aking studyante ay nahihiyang
makipagpatisipa sa aming diskusyon. Madalang siyang sumagot sa aking mga katanungan at tanging
ngiti lamang ang kaniyang isinasagot. Ngunit sa kagitnaan ng proseso, nang siya ay naging komportable
na sa aming diskusyon, kaya niya nang magtanong tanong kung mayroong mga bahagi ng aralin na hindi
niya nasusundan or naiintindihan.
Napansin ko rin na kahit mayroon na kaming presentasyon sa PowerPoint na ginagamit, siya pa
rin ay nagsusulat ng mga importanteng impormasyon. Siya rin ay isang mag-aaral na mabilis matuto at
kayang muling ibahagi ang kabuuan ng aralin. At sa pagtatapos ng aming unang sesyon, nagsagot siya
ng kaniyang mga online na aktibidad at bago niya ito ipinasa akin muna itong binasa o iniwasto at
nakitang kong kahit sa kunting oras na diskusyon ng aralin at tanging mga importanteng impormasyon
lamang ang nabanggit nasagutan niya pa rin ito ng maayos.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Diskusyon patungkol sa “Aralin 1: Unang Yugto ng Imperyalismong


Kanluranin” gamit ang presentasyon sa PowerPoint.

Paggamit ng white board upang ipakita ang mga mahahalagang termino o


salita patungkol sa aralin upang mas matandaan ng mag-aaral.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Pagkakaroon ng kolaborasyon patungkol sa aralin.

Panunuod ng video na hango sa araling tinalakay


bilang pagbubuod ng aralin.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Pagsasagot ng mga aktibidad / worksheets na


ibinigay ng kanilang guro sa Araling Panlipunan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus

You might also like