You are on page 1of 8

Lingayen Campus

Lingayen, Pangasinan

TUTORIAL DIARIES
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

MAJOR IN SOCIAL STUDIES

TEACHING INTERNSHIP
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

NETWORKING AND COMMUNITY LINKAGE THROUGH ONLINE/FACE-TO-FACE TUTORIALS

DAY _2__
Topic: Quarter 3 – Module 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
Sub-topics: Aralin 2: Rebolusyong Siyentipiko
Date: March 9, 2022
Time 3:00 pm to 4:00 pm

OBJECTIVES
✓ 1. Natutukoy at nasusuri ang mga kaganapan, dahilan, at epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko.
✓ 2. Napapahalagahan ang naging kontribusyon ng rebolusyong siyentipiko sa kasaysayan.

STRATEGIES
➢ Paggamit ng presentasyon sa PowerPoint.
➢ Pagprepresenta ng video patungkol sa aralin.
➢ Pagsasagawa ng isang online na aktibidad/laro patungkol sa aralin.
➢ Paggawa ng mga aktibilidad/worksheets pagkatapos ng talakayan
➢ Tanong -sagot
➢ Pagkuha ng ilang impormasyon mula sa ibang mapagkukunan.

SUMMARY REPORT
Sa aming tutoryal sesyon ngayong araw, aming sinimulan ito sa pamamagitan ng
pagbububod o pagbabalik-aral sa aming natalakay noong Day 1. Aking iprenesenta muli ang
dulo ng presentasyon sa PowerPoint patungkol sa aming nakaraang aralin na siyang
nagpapakita ng buod ng talakayan. Bago kami nagsimula sa aming diskusyon para sa
panibagong paksa, tinanong ko muna ang aking studyante kung mayroon pa ba siyang nais
tanungin or linawin sa araling aming natalakay noong Day 1. Upang pormal na simulan ang
aming diskusyon, katulad ng aming ginawa sa Day 1, ipinasulat ko muli sa kanya ang mga
kaalaman o ideya na kanya nang nalalaman patungkol sa aming araling tatalakayin ngayong
araw. Una, ay aking iprenesenta ang presentasyon sa PowerPoint patungkol sa aming
panibagong aralin na pinapamagatang “Ang Rebolusyong Siyentipiko”. Aking ipinaliwanang
o itinuro ang diskusyon sa pamamagitan ng makikipag kolaborasyon sa aking studyante
upang kanya ring maibahagi ang kaniyang ideya patungkol rito. Sa kalagitnaan ng aming
diskusyon, ako’y nagagalak sapagkat na idurogtong ng aking studyante ang kaugnayan ng
aming tinatalakay sa aming nakaraang aralin na nagpapatunay na ito’y kaniyang
nauunawaan. Bukod rito, sa proseso ng aming pagdidiskusyon, ang aking studyante ay
talagang mahilig magsulat ng kaniyang mga naririnig na mahahalagang impormasyon dahil
rito naniniwala akong siya ay talagang interesadong matuto. Sa mga pagkakataong ako’y
medyo napapabilis sa pagsasalita or pagpapaliwanag, kinukuha nito ang aking atensyon

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

SUMMARY REPORT
upang maayos niya ang kaniyang isinusulat na pagkakasunod sunod ng mga kaganapan sa
aralin.Sa kagitnaan ng aming talakayan, binigyan ko siya ng pagkakataong ibuod ang mga
mahahalagang detalye bago kami nagpatuloy. At upang pormal na ibuod ang aming aralin,
aking binasa o ipinabasa ang mga impormasyong aking isinulat mula sa aking libro upang
mas mapalawak pa ang kaniyang ideya patungkol rito.
Para sa aming aktibidad sa araw na ito, ako ay naghanda ng isang online na
aktibidad/laro patungkol sa aming aralin. At panghuli para sa araw na ito, ako ay muling
nagpanuod ng isang maikling video galing sa Youtube na patungkol muli sa aralin. Bago
namin tinapos ang sesyon sa araw na ito, ang aking studyante ay nagsagot muna ng kaniyang
mga “written works at summative tests” patungkol sa aralin na ibinigay ng kanilang guro.
Ito rin ay aking iwinasto at sa kaniyang mga maling sagot ipinapaalala ko muli sa kanya ang
parteng iyon ng aming talakayan hanggang sa makuha niya ang tamang sagot.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

Start of the Lesson


My current understanding includes
Ang aking kasalukuyang kaalaman patungkol sa aralin ay una na si Nicolas Copernicus ang
nagpakilala ng teoryang Heliocentric na ang ibig sabihin ay ang araw ang sentro ng sansinukuban. Ang
ilan sa mga paniniwala ni Copernicus batay sa kaniyang ginawang pananaliksik tulad ng pinaniniwalaan
niya na ang mga ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa
sansinukuban ay may mga pagkakamali. Kabilang din sa aking kaalaman ang dahilan kung bakit hindi
agad nailathala ang kanyang kaisipan. Si Johannes Kepler na tumuklas ng tinatawag na ellipse at si
Galileo Galile naman sa teleskopyo. At panghuli, ang dalawang pilosopong Ingles, sina Thomas Hobbes
at John Locke, ang nagbigay ng konkretong paliwanag ukol sa ideya ng batas natural at pamahalaan
noong kalagitnaan ng ika-16 na siglo.

Midpoint of Lesson
New thing I have learn includes
Ang mga bagong kaalaman na aking natutunan ay una ay ang ilan pa sa mga paniniwala ni
Copernicus batay sa kanyang ginawang pananaliksik ay binigyang diin niya na ang mundo ay bilog di
gaya ng paniniwala noon na ito ay patag at kapag nakarating ang isang manlalakbay sa dulo nito ay
posibleng mahulog siya. Natutunan ko rin ang mga iba pang teorya ukol sa Sansinukuban gaya ni
Johannes Kepler na isang Aleman na astronomer na bumuo ng isang pormula sa matematika ukol sa
posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan
ito’ y tinawag niyang ellipse. Si Galileo Galile na naparusahan ng “house arrest” dahil sa kanyang
pagtanggap ng Teoryang Heliocentric ni Copernicus. Ang kaniyang naimbentong teleskopyo na naging
dahilan ng pagdidiskubre sa kalawakan. Ang Teoryang Divine Right na isang paniniwalang lumaganap
sa Europa na ang isang hari ay pinili ng kanilang diyos upang mamuno sa kaharian kaya binibigyan ng
absolutong kapangyarihan sa kanyang pamumuno. Maraming pumuna sa pamahalaang ito at naging
dahilan ito sa Inglaterra ng Digmaang Sibil. Ang Digmaang Sibil ay sumiklab sa pagitan ng mga taong
naniniwala na ang hari ay may absolutong kapangyarihan sa pamamahala at mga tao namang
naniniwala na kailangang sila ay may karapatang pamunuan ang kanilang mga sarili. Ang
pagpapaliwanag ni Thomas Hobbes ukol sa pamahalaan na mayroong absolutong monarkiya na ang
tanging hari lamang ang dapat masunod at mga taong kanyang nasasakupan ay mawawalan ng
karapatan. Taliwas ito sa ideya ni John Locke na ang mga tao ay kailangan pa ring magkaroon ng
karapatan na magbigay ng kaniyang saloobin sa pamahalaan.
Kabilang rin sa aking mga natutunan si Baron de Montesquieu na siyang naniniwala sa paghahati
ng kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: hukuman,
ehekutibo, at lehislatura. Panghuli ay si William Penn na nagsulong ng paniniwalang Pacifismo na ang
ibig sabihin ay naglalahad na ang paggamit ng pakikidigma o karahasan bilang pamaraan para ayusin
ang mga sigalot ay di kapaki-pakinabang.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

Midpoint of Lesson
Ang mga bagong kaalaman End na aking
of thenatutunan
Lesson ay una na si Nicolas Copernicus ay
isang Polish na astronomer na nagbigay ng rebolusyonaryong pagpapaliwanang na ang
I araw
am now angconfident
sentro ng that I can
sansinukuban at hindi ang mundo. Tinawag niya itong Teoryang
Heliocentric. Ilan pa sa mga paniniwala ni Copernicus batay sa kanyang ginawang
Sa pagtatapos
pananaliksik ayngbinigyang
aming tutoryal sa araling
diin niya na angito kaya
mundoko nang ibahagi
ay bilog diang
gaya mgangkaganapan
paniniwalasa panahon
noon
ngna Rebolusyong Siyentipiko. Kaya ko nang ipaliwanang kong ano mga mahahalagang
ito ay patag at kapag nakarating ang isang manlalakbay sa dulo nito ay posibleng Teorya na nabuo
samahulog
panahongsiyaito tulad ng Teoryang
at idinagdag paHeliocentric
niya na ang at Pacifismo.
araw angNapag-nasa alaman
sentro ko ngdin kung sino ang na
Sansinukuban nasa
likod Teoryang
taliwas ang pamahalaan
sa itinuturo ay nararapat
ng Simbahan na angnamundo may absolutong
ang sentro monarkiya. Akin ding napag-isipan
ng Sansinukuban. Natutunanna
angkoilan
rin sa mga
ang mga Teorya sa rebolusyong
iba pang teorya ukol ito sa
ay Sansinukuban
maiiuugnay sa mga gayakaganapan
ni Johannes sa kasaysayan
Kepler na ng ating
isang
bansa.
Aleman Tulad
nangastronomer
teorya ni William
na bumuo
Penn na ng Pacifismo
isang na pormula
inalathangsa ang
matematika
pakikipagdigma
ukol osapakikipaglaban
posibleng
pag-ikot
upang sa isang
maisaayos paribilog
ang isang sigalotng mga
ay di planeta sa araw
kapaki-pakinabang na di
na tulad rin gumagalaw sanagitna
ni Dr. Jose Rizal tangingngsa
kalawakan ito’ y tinawag niyang ellipse. Si
paraang pagsusulat siya nakipaglaban at hindi gamit ang dahas. Galileo Galile na naparusahan ng “house
arrest” dahil sa kanyang pagtanggap ng Teoryang Heliocentric ni Copernicus. Ang
kaniyang naimbentong teleskopyo na naging dahilan ng pagdidiskubre sa kalawakan.
Ang Teoryang Divine Right na isang paniniwalang lumaganap sa Europa na ang isang
hari ay pinili ng kanilang diyosTeacher’s upang Assessment
mamuno sa kaharian kaya binibigyan ng
Sa araw na ito, ang aking studyante ay mas
absolutong kapangyarihan sa kanyang pamumuno. Maramingnakikipag-partisipa na sa aming
pumuna talakayan. Nakikita kong
sa pamahalaang
kanyang sineseryoso ang aming naging talakayan noong Day 1 sapagkat nakapagbigay siya ng kaniyang
ito at naging dahilan ito sa Inglaterra ng Digmaang Sibil. Ang Digmaang Sibil ay sumiklab
sariling pagbubod patungkol rito. Isa pa ay nagsumete rin siya ng kaniyang sariling talaarawan patungkol
sa pagitan ng mga taong naniniwala na ang hari ay may absolutong kapangyarihan sa
sa kung ano ang mga mahahalagang kaalaman na kaniyang natutunan. Sa aming diskusyon, madalas na
rinpamamahala
siyang sumagotatatmga tao naming
makisama naniniwala na
sa aming kolaborasyon kailangang
at ako’y natutuwasila ay may
sapagkat karapatang
mayroon din siyang
ideyang naibabahagi sa akin na hindi ko pa nalalaman mula raw sa kaniyang napapanuod saukol
pamunuan ang kanilang mga sarili. Ang pagpapaliwanag ni Thomas Hobbes sa
Youtube.
Atpamahalaan
gaya sa amingnaunangmayroong
araw ng absolutong monarkiya
tutoryal, patuloy pa rinna ang
siya sa tanging hari lamang
kanyang pagsusulat ang dapat
habang kami ay
masunod at mga taong kanyang nasasakupan ay mawawalan ng karapatan. Taliwas ito
nagdidiskusyon.
sa ideya ni John Locke na ang mga tao ay kailangan pa ring magkaroon ng karapatan na
magbigay ng kaniyang saloobin sa pamahalaan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Pagprepresenta ng panibagong aralin sa pamamagitan


ng presentasyon sa PowerPoint
Aralin 2: Rebolusyong Siyentipiko

Pagbabahagi ng mga ilang ideya mula sa ibang


napagkuhanan ng impormasyon tulad ng aklat
patungkol sa kasaysayan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Pagbubuod ng araling natalakay upang mas


maunawaan ng mag-aaral bago dumako sa
pagsasagot ng mga written works.

Panunuod ng video na hango sa aralin


bilang pagbubuod.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Pagsasagot ng Online na aktibidad/laro, Worksheets


at Sumamative Tests.

Pangasinan State University


Lingayen Campus

You might also like