You are on page 1of 12

Lingayen Campus

Lingayen, Pangasinan

TUTORIAL DIARIES
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

MAJOR IN SOCIAL STUDIES

TEACHING INTERNSHIP
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

NETWORKING AND COMMUNITY LINKAGE THROUGH ONLINE/


FACE-TO-FACE TUTORIALS

DAY 6
Topic: REBOLUSYONG PRANSES
Sub-topics: • Mga Salik na nagbigay ng daan sa Rebolusyong Pranses
• Kalagayan ng Lipunang Pranses
• Ang Pagbagsak ng Bastille
• Primaryang Batas ng Kasaysayan
• Ang Pagsiklab ng Rebolusyon
• Ang Reign of Terror
• Napoleon Bonaparte (Napoleonic Wars)
• Peninsula War
Date: March 17, 2022
Time: 2:00 pm to 3:00 pm

OBJECTIVES
1.1. 1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses.
(AP8PMD-IIIi-9)
2. 2. Natutukoy ang mga napagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naganap sa Rebolusyong
Pranses.
3. 3. Napapahalagahan ang mga mahahalagang konsepto ng Rebolusyong Pranses.
4. 4. Naisasagawa ang mga aktibidad/worksheets patungkol sa araling natalakay.

STRATEGIES
➢ Paggamit ng manila paper upang isulat ang mga mahahalagang impormasyon sa aralin.
➢ Paggamit ng presentasyon sa PowerPoint sa pagpresenta ng aralin upang mas maunawaan ng
mag-aaral ang pagtatalakay.
➢ Paggamit ng white board upang ipakita ang panibagong araling tatalakayanin at upang isulat
ang ibang mahahalagang ideya.
➢ Paghahanda ng isang maikling video mula sa YouTube upang gamitin sa pagbubuod o
paglalahat ng aralin.
➢ Pagtatanong sa mag-aaral sa proseso ng diskusyon upang malaman kung siya ba ay
nakakasunod.
➢ Pagkakaroon ng kolaborasyon upang ang mag-aaral ay pakapagbahagi rin ng kaniyang
kaalaman.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

➢ Paghahanda ng isang online game/(Whack-a-mole) sa Wordwall Software bilang isang


motibasyon patungkol sa aralin.
➢ Pagkuha ng ibang impormasyon sa aklat maliban sa modyul na ginagamit ng mag-aaral.
➢ Pagbibigay pahintulot na magbasa sa presentasyon sa PowerPoint upang magkaroon ng
partispasyon.
➢ Pagsasagot ng worksheets na ibinigay ng kaniyang guro sa eskwelahan patungkol sa araling
natalakay.
➢ Pagbibigay ng halimbawang senaryo na hango sa parteng ito ng kasaysayan.
➢ Pagpapakita ng larawan ng mga taong kabilang sa Rebolusyong Pranses.

SUMMARY REPORT
“Takot at Pag-aalinlangan” mga salitang aking naramdaman bago magsimula ang aming
Teaching Internship Program. Takot na baka hindi ko makayanan at Pag-aalinlangan na baka hindi
ko ito lubos na magampanan. Ngunit ika nga nila anumang takot kung buo at matatag ang iyong
pundasyon sa iyong mga pangarap walang pwedeng humadlang kahit ano pa man. Ngayong araw,
Marso 17, 2022, ako’y lubos na nagagalak dahil sa kabila ng takot at pag-aalingan heto ako nasa
pang-anim ng sesyon ng aming tutoryal, patuloy at magpapatuloy sa pagbabahagi ng aking
kaalaman.
Sa aming tutoryal sesyon ngayong araw, bago ko sinimulan ang aming talakayan kami muna
ay nagkaroon ng isang maikling kamustahan o kwentuhan ng aking studyante na si Danicah. Aming
napag-usapan ang pagkakaroon ng “booster shot” na bakuna at naibahagi niya sa akin na siya pa rin
ay nag-aalangan ukol dito. Amin ding napag-usapan ang isang napapanahong pangyayari sa ating
lipunan tulad ng gulong nangyayari sa Ukraine. Pagkatapos ng aming maikling kwentuhan o
kamustahan kami muna ay nagdasal upang hilingin ang gabay at karunungan sa ating Poong
Maykapal.
Sa isang pagtatalakay ng panibagong aralin mahalagang siguraduhin muna ng isang guro
kung naunawaan at wala na bang katanungan ang mag-aaral sa araling kanilang huling tinalakay
kung kaya’t bago kami dumako sa aming panibagong aralin ngayon araw kami muna ay nagkaroon
ng isang maikling pagbabalik-aral sa aming araling tinalakay noong aming ika-limang sesyon ng
tutoryal. At ang aming huling tinalakay ay patungkol sa “Rebolusyong Pranses”. Upang aking
matiyak na natatandaan pa ito ni Danicah aking muling ipinabanggit ang mga impormasyong
kaniyang natutunan na sa kaniyang palagay ay ito ang magbibigay buod sa aralin. Narito ang
kaniyang ilang kasagutan: Ang Digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa
katawagang Rebolusyong Amerika. Ang digmaan ay nagpasimula dahil sa pagtutol ng dating 13
kolonya na dagdagan ang buwis na pinapataw sa kanila ng pamahalaan ng Britanya. Ang
naging kilalang islogan ng panahon ng digmaan ay “walang pagbubuwisan kung walang
representasyon”. Si George Washington ay itinuring na isang mahusay na heneral sa
Rebolusyong Amerikano at nang lumaon ay naging unang pangulo ng Estados Unidos ng
Amerika. “Mahusay!” Ganito ko ipinakita ang aking galak sapagkat ako’y nasisiyahan at kaniya pa

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

SUMMARY REPORT

ring naaalala ang aming aralin kahapon. Bago kami mag-umpisa para sa aming araling tatalakayin
ngayong araw aking ipinaalala ang takdang-araling aking ibinigay kahapon at ito ay ang ibigkas o
kabisaduhin ang “Labintatlong Kolonya” na parte ng aming aralin. Mayroong ilang bansa na hindi
nabanggit si Danicah ngunit ito’y aking nauunawaan sapagkat maaaring ito pa lamang ang kaniyang
unang beses na magkabisado ng medyo maraming bansa. Noong akin nang natiyak na wala na
siyang katanungan patungkol sa araling ito akin nang iprenesenta ang aming panibagong aralin
ngayon araw.
Sa pamamagitan ng sulat kamay sa white board aking iprenesenta ang pamagat ng aming
aralin ngayong araw at ito ay patungkol sa “Rebolusyong Pranses”. Upang aming malaman ang
patutunguhan ng aming pagtatalakay aking ipinabasa kay Danicah ang aming mga layunin para sa
araling ito. Sa pamamagitan ng paggamit ng presentasyon sa PowerPoint na aking hinanda aming
nang tinalakay ang aming aralin ngayong araw. Sa aming pagdidiskusyon sinisikap kong magbigay
ng mga halimbawang pangyayari sa kasulukuyan na hango sa mga pangyayaring naganap sa
parteng ito ng kasaysayan upang maipakita ang kahalagahan ng pag-aaral nito na bagama’t ito’y
nasa ating nang nakaraan mayroon pa ring ito epekto, dalang aral, at makakapagbigay ng pagbabago
sa ating kasalukuyan at panghinaharap. Bukod sa pagbibigay ng mga halimbawa, sa bawat
presentasyon ay aking paulit-ulit na ipinapaliwanag ang kahulugan at eksplanasyon ng bawat
mahahalagang salita o termino. Madalas rin akong magbigay ng mga katanungan patungkol sa
natapos na naming parte ng presentasyon upang aking malaman kung ang aking studyante ba ay
patuloy pa ring nakakasunod sa aming pagdidiskusyon. Maliban sa paggamit ng white board at
presentasyon sa PowerPoint ako din ay gumamit ng isang manila paper na nilagyan ng kunting
palamuti upang makuha ang atensyon ng aking studyante. Sa manila paper na ito aking isulat ang
isang bahagi ng aming aralin upang habang akin itong ipinapaliwanag isa-isa madali niya rin itong
matandaan o kabisaduhin. Ako rin ay nagpakita ng mga larawan ng mga taong may mahalagang
gampanin sa Rebolusyong ito. Upang magkaroon ng partisipasyon ang aking studyante binibigyan
ko siya ng pagkakataong magbasa sa presentasyon at magbahagi ng kaniyang ideya o
pagkakaintindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang kolaborasyon. Bilang motibasyon sa
aming talakayan ngayong araw ako ay muling naghanda ng isang online games o pinamagatang
“Whack a Mole” sa WordWall Software https://wordwall.net/resource/30162601. Sa aktibidad na
ito kailangan lamang pukpukin ang salitang tinutukoy sa panutong aking ibinigay at ako ay
natutuwa sapagakt nasagutan ito ni Danicah ng pawang tama na ang ibig sabihin ay nakakabisado
niya ang araling aming tinatalakay. Noong malapit ng matapos ang aming talakayan akin muling
ipinasulat kay Danica ang kaniyang mga makabagong kaalaman patungkol sa aralin. At sa
pagtatapos ng aming talakayan sinubukan kong magtanung kay Danicah upang subukin ang
kaniyang kaalaman sa aming tinalakay:
Gurong Nagsasanay: Danicah, sa apat na prinsipyo ng Primaryang Batas ng kasaysayan na
isinulat ng mga Pranses, maaari ka bang magbigay ng kahit isa lamang?

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Danicah: Men are born and remain free and…


Gurong Nagsasanay: and? and equal in rights. Mahusay!
Bilang pagbubuod sa aming aralin, nagpanuod ako ng isang maikling video mula sa
YouTube patungkol sa aralin. Pagkatapos ay kaniya nang sinagutan ang mga worksheets na
ibinigay ng kaniyang guro sa Araling Panlipunan sa eskwelahan. Pagkatapos niyang sagutan ang
mga worksheets aking iniwasto ang mga ito at sa mga bahaging mayroon siyang pagkakamali akin
muling ipinapaliwanag ang parteng ito ng aralin hanggang ito’y kaniyang maalala. At bilang
pagtatapos ng aming sesyon ngayong araw kami ay kumuha ng mga litrato para sa aming
dokumentasyon.
“Sabi nila bilang isang guro, balang araw makikita mo sa iyong mga magiging mag-
aaral ang iyong sarili. Maaaring sa paraang positibo at minsan may halo itong negatibo. At
naniniwala ako na bilang isang guro marunong dapat tayong umunawa at mas pahabain pa ang
ating pasensya sapagkat minsan na rin tayong nalagay sa posisyon nila”. Ito ang aking aral o
realisasyon ngayong araw ng aming sesyon sapagkat nakikita ko kay Danicah ang aking sarili noon
bilang isang mahiyaing mag-aaral at malimit lamang magsalita. Ngunit naniniwala ako na tulad ng
prosesong aking pinagdadaanan upang malagpasan ang ganitong kagawian o pagiging mahiyain
malalagpasin din ni Danicah ito. At dito na nagtatapos ang aming ikalawang linggo ng tutoryal
sesyon.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

Start of the Lesson

My current understanding includes


Ang aking kasalukuyang kaalaman patungkol sa aralin ay ang ilang mga Salik na
nagbigay daan sa Rebolusyong Pranses. Ito ay ang walang hangganang kapangyraihan ng hari
at krisis sa pananalapi na kinakaharap ng pamahalaan ng Pransiya. At si Napoleon Bonaparte
na bahagi ng Rebolusyong Pranses ang unang emperador ng Unang Imperyong
Pranses ng Pransiya at unang hari ng Italya,

Midpoint of Lesson
New things I have learn includes
Ang mga bagong kaalaman na aking natutunan ay ang mga sumusunod:
• Sa taong 1789 ang Pransiya ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon
monarko na ang pamumuno ay absoluto.
• Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihan pinuno ng isang nasyon sapagkat
ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang Divine Rights of
Theory.
• Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang
unang states ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may katungkulan sa Simbahan.
Ang ikalawang states ay binubuo ng mga maharlikang Pranses. At ang pangatlong states
ay bunubuo naman ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan,
mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga manggagawa.
• Noong Agosto 27, 1789, isinulat ng mga Pranses ang Declaration of the Right of Man. At
ang isa sa mga prinsipyo nito ay “Men are born and remain free and equal in rights”.
• Sa panahon ng pamumuno ni Napoleon Bonaparte ay nasakop niya ang malaking bahagi
ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804.
• Ang Rebolusyong Pranses ay nagtagumpay sa pag-alis ng absolutong kapangyarihan ng
hari at pagtatatag ng isang republika.
• Malaking bilang ng populasyon sa Pransiya ang pinatay sa pamamagitan ng guillotine sa
Panahon ng Reign of Terror.
• Tatlong liberal na ideya ang naging pamoso pagkatapos ng Rebolusyong Pranses, ang
kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran
• Ang Rebolusyong Pranses ang naglatag ng Digmaang Napoleonic sa Europa.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

End of Lesson End of the Lesson

I am now confident that I can


Sa pagtatapos ng aming tutoryal sa araling ito, kaya ko ng ipaliwanang ang kaugnayan
ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses. At nauunawaan at natutukoy ko an rin
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng mga naganap sa Rebolusyong Pranses. At
magpakita ng pagpapahalaga sa mga konsepto nito. Kaya ko na ring ibahagi ang mga
pangyayari sa kasaysayan ito na maaaring konektado o may pagkakatulad sa mga nangyayari
sa ating kasalukuyan.

Teacher’s Assessment
Ngayong araw, maraming mga positibong pagbabago sa aking mag-aaral at mayroon din
ilang kailangan pang hubugin at linangin. Sa pagsisimula ng aming talakayan, ipinagawa ko ang
takdang-araling aking ibinigay kahapon at ito ay ang kabisaduhin ang “Labintatlong Kolonya”
ngunit hindi niya lubos nakabisado ang lahat batay sa aking obserbasyon maaaring may ibang
dahilan o di kaya’y kailangan pa ni Danicah na matuto ng ilang teknik kung paano pagkabisado
ng mga aralin ng mabilis. Sa amin namang pagtatalakay ako’y natutuwa sapagkat halos siya na
ang nagbabasa sa aming presentasyong ginagamit dahil sa kaniyang pagboboluntaryo at akin
nalamang itong binibigyan ng eksplanasyon. Sa paggawa naman ng isang motibasyon makikita
kay Danicah ang kasiglahan o pagkawili na siyang mas nagbigay sa kanya ng udyok upang
makinig sa aming talakayan. Nakikisama na siya unti-unti sa aming kolaborasyon hindi tulad
nung mga unang araw na pana’y ngiti lamang ang kaniyang isinusukli sa akin. At nasasagutan
niya rin ng maayos ang kaniyang mga worksheets na ibinibigay ng kaniyang guro sa
eskwelahan.

Isa sa mga bagay na nagpasaya sa akin sa aming sesyon ngayong araw ay ang aking
pag-alala na noon si Danicah ay isang maliit pa lamang na bata na nilalaro namin ng aking
kapatid ngunit ngayon siya na ang aking pinaka-unang studyante. -Gurong Nagsasanay

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Sa aming ika-anim na tutoryal sesyon ang aming araling tinalakay ay patungkol


sa “Rebolusyong Pranses”. Bilang paghahanda sa aming talakayan ngayong
araw ako ay naghanda ng isang presentasyon sa PowerPoint at sulat kamay sa
isang manila paper upang mas maunawaan ng aking estudyante aming tatalakayin.

Gamit ang isang white board aking iprenesenta ang pamagat ng aming aralin. At
bago kami pormal na nagsimula sa aming diskusyon akin munang ipinabasa ang
aming mga layunin para sa araling ito.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Sa mga larawang ito, nasa kagitnaan kami ng aming pagtatalakay at akin ding
pinagbabasa si Danica sa presentasyon.

Sa larawang ito, sa kalagitnaan ng


diskusyon, isinusulat ng aking studyante
ang kanyang mga bagong kaalaman
patungkol sa aralin upang madali niya itong
matandaan. Upang sa ganoon ay mas
madali niyang masasagutan ang worksheets
na ibinigay ng kaniyang guro sa Araling
Panlipunan.

Bukod sa paggamit ng
presentasyon sa PowerPoint
para sa aming pagtatalakay,
gumamit rin ako ng manila
paper upang isulat ang ilang
parte ng aming aralin.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Sa mga larawang ito, ako ay naghanda ng isang motibasyon na aking ginawa


sa WordWall Software https://wordwall.net/resource/30162601.

Bilang pagbubuod/paglalahat
ako ay nagpanuod ng isang
maikling video patungkol sa
aralin upang mas maunawaan ng
aking estudyante.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Pagsasaayos ng mga kasagutan sa worksheets bago ito ipasa sa paraang online.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Pangasinan State University


Lingayen Campus

You might also like