You are on page 1of 11

Lingayen Campus

Lingayen, Pangasinan

TUTORIAL DIARIES
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

MAJOR IN SOCIAL STUDIES

TEACHING INTERNSHIP
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

NETWORKING AND COMMUNITY LINKAGE THROUGH ONLINE/


FACE-TO-FACE TUTORIALS

DAY 5
Topic: REBOLUSYONG AMERIKANO
Sub-topics: • Sanhi, Karanasan, at Implikasyon ng Rebolusyong Amerikano
• Ang Labintatlong Kolonya
• Ang Unang Kongresong Kontinental
• Ang Deklarasyon ng Kalayaan
• Ang Labanan sa Yorktown
• Paghahangad ng Kapayapaan
Date: March 16, 2022
Time: 2:00 pm to 3:00 pm

OBJECTIVES
1.1. 1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano.
(AP8PMD-IIIi-9)
2. 2. Natutukoy ang mga napagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naganap sa Rebolusyong
Amerikano.
3. 3. Napapahalagahan ang mga mahahalagang konsepto ng Rebolusyong Amerikano.
4. 4. Naisasagawa ang mga aktibidad/worksheets patungkol sa araling natalakay.

STRATEGIES
➢ Paggamit ng presentasyon sa PowerPoint upang mas maunawaan ng mag-aaral ang araling
tinatalakay.
➢ Paggawa ng isang chart upang mas madaling matandaan ng mag-aaral ang mga mahahalagang
termino sa aralin.
➢ Paghahanda ng isang maikling video mula sa Youtube patungkol sa aralin upang ipakita ang
buod o paglalahat ng aralin.
➢ Pagbibigay ng mga halimbawa upang mas maunawaan ng mag-aaral ang isang pangyayari.
➢ Pagtatanong sa mag-aaral at pagbabasa ng mag-aaral sa presentasyon upang magkaroon
ng partisipasyon sa diskusyon.
➢ Pagkuha ng ilang impormasyon mula sa aklat maliban sa modyul na ginagamit ng mag-
aaral.
➢ Pagkakaroon ng kolaborasyon upang maibahagi ng mag-aaral ang kaniyang ideya.
➢ Paggawa ng isang online game/quiz show patungkol sa aralin bilang motibasyon.
➢ Pagsagot ng worksheets mula sa modyul.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

SUMMARY REPORT

Pagkakaroon ng malawak na kaalaman ganito ko maiilarawan ang ika-limang araw ng


aming tutoryal sesyon. Ngayong araw Marso 16, 2022, marami kaming natutunan hindi lamang
patungkol sa aming araling tinalakay bagkus pati na rin ang mga mahahalagang aspeto ng buhay.
Katulad ng aking nakagawain sa aming mga sesyon bago kami nagsisimula sa aming pagtatalakay
kami muna ng aking studyante na si Danicah ay nagkakamustahan at nagkakaroon ng maikling
kwentuhan patungkol sa mga bagay-bagay. Naibahagi sa akin ni Danicah sa aming ika-apat na
sesyon na pangarap niya ring maging isang huwarang guro sa hinaharap ngunit sa araw na iyon ay
hindi ko naitanong ang kaniyang dahilan kaya’t ngayon ay kinuha ko ang pagkakataon na ito upang
malaman. At ang kaniyang kasagutan sa akin ay: “Noong ako’y bata pa hindi ako masyadong
natuturuan ng aking mga magulang dahil sa kanilang mga trabaho at pag-aalaga sa aking
kapatid kaya gusto ko balang araw maturuan ko yung mga batang katulad ko noon”. Hindi ba’t
nakaka-antig ng puso na sa murang edad pa lamang ay mayroon na siyang ganitong kaisipan sa
buhay. Pagkatapos ng aming kamustahan, kami muna ay nagdasal upang hilingin ang gabay at
tulong ng Poong Maykapal.
Upang aking malaman kung maaari na ba kaming dumako sa aming panibagong aralin
ngayong araw kami muna ay nagkaroon ng isang maikling pagbabalik-aral patungkol sa araling
aming tinalakay kahapon. Sa halip na ipresenta muli ang presentasyon na aming ginamit sa aming
ika-apat na sesyon hiniling ko kay Danicah na kaniyang banggitin ang mga mahahalagang
impormasyon na batay sa kaniyang mga natatandaan. Danicah: Isa sa nagpalawak at nagpaigting
ng pagpapatuloy ng paglalakbay ng mga Europa ay ang kakulangan sa mga hilaw
materyales…May tinatawag tayong dalawang uri ng pananakop ito ay ang tuwiran at di-
tuwirang pananakop…Ang apat na antas ng pananakop ay ang mga Sphere of Influence,
Kolonya, Protectorate at Concession”. At nagbigay din ako ng ilan pang mga karagdagang
impormasyon na hindi niya nabanggit.
Sa pamamagitan ng isang sulat kamay sa malikhaing papel na aking ginawa, aking
iprenesenta ang pamagat ng aming aralin ngayon araw at ito ay patungkol sa “Rebolusyong
Amerikano”. Sa pagsasagawa ng isang gawain mahalagang magkaroon ng layunin kaya’t bago
namin sinimulan ang aming diskusyon muli kong ipinabasa kay Danicah ang aming layunin para
sa araling ito. Bago ko sinimulan ang talakayan, akin munang tinanung si Danicah kung mayroon
ba siyang ideya patungkol rito at ako’y natutuwa dahil sa pagbibigay ko ng araling ito kahapon
bago kami naghiwalay siya daw ay nanuod ng ilang video sa Youtube kaya’t mayroon na siyang
mga ideyang naibahagi sa akin. Sa aming pagdidiskusyon gamit ang presentasyon sa PowerPoint,
kami ay nagkaroon ng kolaborasyon, pagbabahagi ng kanya-kanyang ideya, at tinatanung ko rin
siya upang aking malaman kung siya ba ay nakakasunod sa talakayan. Kasabay ng aming pagdidis-

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

SUMMARY REPORT

kusyon patuloy pa rin si Danica sa kaniyang pagsusulat. Bukod sa paggamit ng presentasyon sa


PowerPoint para sa aming talakayan ako rin ay naghanda ng isang “chart” na nagpapakita ng mga
“Labintatlong Kolonya” parte ng aming aralin na kinapapalooban ng labintatlong mahahalagang
bansang may malaking gampanin sa Rebolusyong Amerikano. Sa pamamagitan ng teknik na ito ng
pagprepresenta mas madaling natatandaan ni Danicah ang iba’t-ibang bansa. Sa pagpapatuloy ng
aming aralin, siya rin ay aking pinagbabasa sa presentasyon upang magkaroon ng interaksyon at
partisipasyon ang aming diskusyon. Katulad ng aking ipinapagawa sa aming mga tutoryal sesyon
muli kong ipinasulat ang mga bagong kaalaman na kaniyang natutunan sa aming pagtatalakay. Sa
pagtatapos ng aming talakayan akin ding tinanung si Danicah kung ayos ba lamang sa kanya ang
aming pagtatalakay.
Bilang pormal na pagtatapos ng aming talakayan ngayong araw ako ay nagpanuod ng isang
maikling video mula sa YouTube na nagpapakita ng buod ng aming araling tinalakay. At bago niya
sagutan ang mga worksheets na ibinigay ng kanilang guro na patungkol sa aralin siya muna ay aking
pinaglaro ng isang online game/quiz show na aking hinanda sa WordWall Software upang aking
malaman kung natatandaan ba niya ang mga bansang napapabilang sa “Labintatlong Kolonya”
(parte ng aming araling tinalakay) https://wordwall.net/resource/30071663. Hindi nasagutan lahat
ni Danicah ng tama ang bawat lebel ng quiz show at ito’y aking naiintidihan sapagkat alam kong
mahirap talagang memoryahin ang mga bansang ito lalo na’t isang oras lamang ang aming sesyon
kaya’t binigyan ko siya ng isang takdang-aralin na memoryahin ang labintatlong bansang ito at
kaniyang bibigkasin sa aming ika-anim na sesyon. Sunod naman ay sinagutan niya na ang mga
worksheets mula sa paaralan at aking iniwasto bago niya ito ipinasa sa online na pamamaraan.
Hindi madaling magpatuloy para sa isang batang madami nang pinagdaanang hirap sa
buhay. Ngunit mayroong isang katulad ni Danicah na sa kabila ng lahat ng pagsubok sa kanilang
pamilya, pangarap at mga mithiin pa rin ang nag-aalab sa kaniyang puso na kahit maliit na
puwang para sa salitang pagsuko ay hindi kakikitaan sa kaniyang determinasyon sa pag-aaral.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

Start of the Lesson

My current understanding includes


Ang aking kasalukuyang kaalaman patungkol sa aralin ay nagsimula ang himagsikan
nang ang mga Ingles ay naging migrante sa Timog Amerikano at nagrebelde sa labis na
pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa
Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa
pagitan ng 13 kolonya sa Timog Amerika at Great Britain. Ang kanilang naging paboritong
islogan ay ang “walang pagbubuwis kung walang representasyon”.

Midpoint of Lesson
New things I have learn includes
Ang mga bagong kaalaman na aking natutunan ay ang mga sumusunod:
• Ang Digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong
Amerika.
• Ang digmaan ay nagpasimula dahil sa pagtutol ng dating 13 kolonya na dagdagan ang
buwis na pinapataw sa kanila ng pamahalaan ng Britanya
• Si George Washington ay itinuring na isang mahusay na heneral sa Rebolusyong
Amerikano at nang lumaon ay naging unang pangulo ng Estados Unidos ng Amerika
• Taong 1783 sa pamamagitan ng isang Kasunduan sa Paris ay kinilala na ang kalayaan ng
Estados Unidos ng Amerika ng pamahalaang Britanya.
• Ang digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng United States of
America.
• Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan.
• Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng himagsikan sa France sa kabuuan ng
Europe at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahahalagang
prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado; ang kalayaan, pagkakapantay-pantay ,
at ang kapatiran.
• Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa
pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang
produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya.
• Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang
sakupin ng Britanya ang Timog Carolina.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

End of Lesson End of the Lesson

I am now confident that I can


Sa pagtatapos ng aming tutoryal sa araling ito kaya ko ipaliwanag ang kaugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano. Akin ding naibibigay ang mga
pagkakasunod-sunod na pangyayaring naganap sa Rebolusyong Amerikano. At aking
napapahalagahan ang mga mahahalagang konsepto ng Rebolusyong Amerikano. Paghuli, kaya
ko ng sagutan ang aking mga worksheets nang may malawak na kaalaman patungkol sa araling
aming tinalakay ngayong araw.

Teacher’s Assessment
“Prinsipyo at pagkakaroon ng tagumpay sa hinaharap” ganito ko maiilarawan si
Danicah para sa aming talakayan ngayong araw. Sapagkat nakita kong patuloy nang lumalabas
ang kaniyang kumpiyansa sa sarili upang ibahagi ang kaniyang mga kaalaman at palawakin pa
ang kaniyang mga ideya patungkol sa aming mga aralin.
Sa aming pagtatalakay ngayong araw, napansin ko na mahusay sumunod si Danicah sa
mga alituntuning aking ibinibigay sa mga aktibidad na aming isinasagawa. Isa siyang mag-aaral
na lubos munang inuunawa ang isang bagay o gawain bago ito simulan at tapusin. Sa amin
namang proseso ng pagdidiskusyon, aktibo niya na ring naibabahagi ang kaniyang mga ideya at
nagkikipagpartisipa na ng lubos sa aming pagtatalakay dahil ngayon siya na ang
nagboboluntaryong magbasa sa presentayson sa PowerPoint. Batay sa aking obserbasyon sa
kadahilanang kasapi pala si Danicah sa grupo ng mga manunulat sa kanilang klase kung kaya’t
siya’y mahilig magsulat ng mga importanteng impormasyon sa aming talakayan simula pa
lamang ng aming mga tutoryal sesyon. Ngayon ay nasasagutan niya na rin ang kaniyang mga
worksheets na hindi ko pinapaliwanag kung ano ang kaniyang dapat gawin ngunit akin ding
munang iniwasto upang aking malaman ang mga bahaging kailangan niya pa ng tulong.
Sa pangkahalatan, mayroon ng mga pagbabago sa kanya lalong-lalo na sa pagkakaroon
ng kumpiyansa upang sabihin o ibahagi ang kaniyang sariling opinyon o saloobin ngunit
mayroon pa ring mga kagawian tulad ng mabilis na pagkahumaling sa ibang bagay sa
kalagitnaan ng aming diskusyon na dapat pa niya itong iwasan. At panghuli, si Danicah ay isang
mag-aaral na hindi nakakalimot sa mga bilin at gawain.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Ngayong araw ang aming ika-limang sesyon sa aming tutoryal sesyon. At ang aming
panibagong aralin ay patungkol sa “Rebolusyong Amerikano”. Bilang paghahanda
para sa aming talakayan ngayong araw ako ay naghanda ng isang presentasyon sa
PowerPoint at isang sariling gawang “chart” na nagpapakita ng isang mahalagang
bahagi ng aming aralin.

Bago kami magsimula sa aming talakayan sa panibagong aralin kami muna ay nagkaroon
ng pagbabalik-aral sa aming araling natalakay noong aming ika-apat na sesyon at ito ay ang
“Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo”. Pagkatapos ay aking iprenesenta ang
aming panibagong aralin gamit ang presentasyon sa PowerPoint.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Sa larawang ito, akin ding pinagbabasa


si Danicah sa aming presentasyon
upang magkaroon ng partisipasyon.
Pagkatapos ay akin ding tinatanung
kung mayroon ba siyang ideya o
maibibigay na halimbawa patungkol
rito bago ko ipaliwanang.

Bukod sa paggamit ng presentasyon


sa PowerPoint, gumamit rin kami ng
aking ginawang chart upang
ipresenta ang isang bahagi ng aralin
upang madali niya itong maunawaan
at matandaan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Sa larawang ito, sa kalagitnaan ng diskusyon,


isinusulat ng aking studyante ang kanyang
mga bagong kaalaman patungkol sa aralin
upang madali niya itong matandaan. Upang
sa ganoon ay mas madali niyang
masasagutan ang worksheets na ibinigay ng
kaniyang guro sa Araling Panlipunan.

Bilang motibasyon sa aming talakayan ako din ay naghanda ng isang online game
o quiz show sa WordWall Software. https://wordwall.net/resource/30071663

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Bilang pagbubuod sa aming araling tinalakay ako ay nagpanuod ng isang


maikling video mula sa YouTube bilang pagbubuod/paglalahat at upang mas
maunawaan pa ng aking studyante ang araling aming tinalakay.

Sa puntong ito ang aking studyante ay nagsasagot na ng kaniyang mga


worksheets patungkol sa aralin na ibinigay ng kaniyang guro sa Araling
Panlipunan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

Pagtatapos ng aming ika-limang araw ng tutoryal sesyon. “Pangarap, mithiin, at


tagumpay” mga bagay na aking mailalarawan sa aking studyante ngayong araw. Hindi
man naging perpekto ang kaniyang karanasan sa pagiging bata ngunit ang puso niya’y
nagnanais na makatulong sa mga batang katulad niya.

Pangasinan State University


Lingayen Campus

You might also like