You are on page 1of 43

Aralin 4

Bukas ang Isip ko,


Mag-aaral Ako!
Ano ang nais mo paglaki mo? Ikaw ba ay isang
batang nangangarap na maging isang matagumpay
na tao balang araw, may malaking bahay at sariling
sasakyan at nalilibot ang iba’t-ibang bahagi ng
mundo?

Alamin Natin!
Suriin ang ipinahahayag ng mga nasa larawan.
Ikaw bilang isang bata, aling
larawan ang nais mong
maging ikaw? 
Ano ba ang kahalagahan ng
pag-aaral sa isang batang
katulad mo?
 
Ano ang mga mabuting
epekto ng edukasyon sa tao?
Paano mo maipakikita ang kawilihan
at positibong saloobin sa pag-aaral
sa pamamagitan ng paggawa ng
proyekto, paggawa ng takdang
aralin at pagtuturo sa iba?
Paggawa ng proyekto

Paggawa ng takdang aralin

Pagtuturo sa iba
INITIAL NA KAALAMAN

Paggawa ng Paggawa ng Takdang Pagtuturo sa Iba


Proyekto Aralin
Takdang Aralin
Panuto:Sagutan ang
bawat katanungan sa
kahon sa loob ng pyramid.
Iguhit ang larawan ng isang
keyboard.

Saan ginagamit ang isang


keyboard?

Ano ang kahalagahan ng


isang keybord sa isang mag-
aaral na tulad mo?
Aralin 4
Ikalawang Araw
Isagawa Natin

Panuto: Balikan ang kwentong


“Ang Alamat ng Keyboard”
sa Aralin 3.
BUIIN MO AKO
Ako ay isang Keyboard………kaya
lamang, nagkahiwa-hiwalay ang mga
bahagi ng aking katawan….maaari mo ba
akong buiin?
• Mga kagamitan:
1. Mga letra,numero at iba pang bahagi ng
keyboard
2. Pandikit
3. Folder o karton
4. Mga aklat na maaaring pagkunan ng larawan
ng isang keyboard.
•  
Panuto:
1.Hatiin sa apat na grupo ang klase. Magtalaga ng
isang lider.
2.Magpakita ng modelo ng keyboard sa klase.
3.Bumuo ng isang keyboard gamit ang mga nakalaang
kagamitan.
4.Ipresenta ang awtput sa klase.
Aralin 4
Ikatlong Araw
Talakayin ang takdang aralin
ng ikalawang araw.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa
isang matagumpay na hinaharap ng isang
bansa. Kung ang mga mamamayan ng
isang lipunan ay hindi magkakaroon ng
isang matibay at matatag na pundasyon ng
edukasyon, magiging mahirap para sa
kanila ang abutin ang pag-unlad.
Maipapakita ng isang mag-aaral ang
kanyang kawilihin at positibong
saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan
ng pakikinig sa talakayan, pakiki-isa sa
mga gawaing pampaaralan, at kusang
loob na pagpasok sa paaralan.
Ang edukasyon ay kailangan ng
ating mga kabataan sapagkat ito
ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang
kinabukasan.
Ang kanilang kabataan ang siyang
estado kung saan nila hinahasa ang
kanilang mga kaisipan at
damdamin sa mga bagay na
kailangan nila sa kanilang
pagtanda.
Ang edukasyon ay mahalaga
sapagkat ito ang daan upang
magkaroon ng mga kaalaman
tungkol sa kanyang buhay,
pagkatao at komunidad na
kanyang ginagalawan.
Ito ang naghuhubog ng mga
kaisipan tungo sa isang
matagumpay na mundo at
upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig.
Tandaan Natin
Ang edukasyon ay sandata natin sa
pagharap sa buhay. At bilang mag-aaral,
mahalaga na malaman ninyo ang mga
maaaring maging epekto ng mabubuti
at di-mabubuting saloobin sa pag-aaral.
Mahalagang malaman ninyo na sa araw-
araw na pagpasok ninyo sa paaralan
kayo ay hinuhubog at inihahanda sa
isang magandang kinabukasan. Lagi
ninyong pakatandaan na “Ang kabataan
ang pag-asa ng bayan”.
Ikaw, bilang isang mag-aaral ay
maaaring maging isang
instrumento upang magkaroon ng
pagbabago ng takbo sa inyong
lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang masaganang bansa.
Aralin 4
Ikaapat na Araw
PANGKATANG GAWAIN:
Isapuso
Natin

Kaya ko,
kaya mo,
kaya natin
Panuto:
Basahin ang mga susmusunod na
sitwasyon na nagsasaad ng mga hindi
mabubuting saloobin sa pag-aaral. Iwasto
ang mga sitwasyon sa pamamagitan ng
maikling dula-dulaan.
Pangkat Lapu-Lapu
Pumasok sa paaralan si Alma na hindi
naligo at madumi ang uniporme. Tanghali
na kasi siyang nagising at mahuhuli na siya
sa klase kung siya ay maliligo pa.
Pangkat Rizal
Maingay ang klase ni Mr. Cruz sa
kadahilanang agaran siyang ipinatawag ng
punongguro upang kausapin. Nag-iwan siya ng
Gawain at inatasan si Julio na mangasiwa muna
sa mga kamag-aral at magpatahimik. Subalit
siya ang pasimuno sa pag-iingay.
 
Pangkat Bonifacio
Nagbigay ng takdang-aralin ang guro na si Bb.
Raga tungkol sa pangangalap ng impormasyon
sa malimit na pagbaha sa lugar nina Margo.
Kinakailangan nilang kausapin ang mga taong
may kaugnayan dito. Subalit tinatamad si
Margo dahil may usapan sila ng kanyang mga
kaibigan na pupunta sa parke .
Pangkat Jacinto
Nagkaroon ng pangkatang Gawain sa klase ni
Gng. Bala. Inatasan ng guro na maging lider ang
isang kagrupo ni Tanya. Nawalan ng gana sa Gawain
si Tanya dahil inaasahan nya na siya ang magiging
lider dahil alam nya na mas magaling siya kesa sa
kaklase. Kaya imbes na makiisa sa Gawain, hindi
siya tumutulong at kinukwento pa niya ang katabi.
Bilang mag-aaral, paano mo
maipapakita ang kawilihan at
positibong saloobin sa
pag-aaral?
Aralin 4
Ikalimang Araw
Subukin Natin
Subukin ang sumusunod na pangungusap.
Lagyan ng bituin ang iyong
pinaniniwalaang sagot.
Gawin ito sa sagutang papel.
 
______1. Nakikinig ka ba sa
oras ng talakayan o kaya ay
kapag nagsasalita ang guro?
 
 
______2.  Tumutulong ka ba na
matapos ang nakalaang gawain
sa inyong grupo?
 
________3. Gumagamit ka ba
ng magagalang na salita
tuwing ikaw ay nagtatanong
sa iyong guro?
_

• 
________4.  Dapat bang
magpakita ng kawilihan
sa pag-aaral?
_______ 5.Magbigay ng opinion
o ideya tuwing may
pangkatang gawain?
• 
Maraming Salamat
sa Pakikinig

You might also like