You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao

Learning Activity Sheet


Quarter 1 Week 3

Prepared by:
ROLANDO F. ROSALDO
Edukasyon sa Pagpapakato 5

Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________


Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

Learning Competency: Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral.


Aralin 3

Bukas ang Isip ko, Mag-aaral Ako!

Unang Araw - Alamin Natin

Ano ang maaring mangyari kapag di tayo marunong makinig sa hinaing ng iba?

Alamat ng Keyboard

Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero, naghahari ang grupo ng mga
numero. Sila ang nagpapatupad ng mga batas, namumuno upang mapaunlad ang kanilang
pamumuhay. Sabi ng grupo ng mga letra, “dapat tayo naman ang mamuno sa ating bayan!, upang
magkaroon ng pagbabago at mas mapa-unlad natin ang ating bayan! Lagi na tayong alipin dito!”
Dahil dito, naglunsad ng pag-aaklas ang mga grupo ng mga Letra laban sa pamumuno ng mga
numero,” Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang pamumuhay nila. Dahil sa ginawang ito ng
mga grupo ng Letra nagalit ang Inang Diwata, maayos naman daw ang pamumuhay nila noon
hanggang sa magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pilit na pinag-aayos ng Inang Diwata ang dalawang
grupo, ngunit ayaw pa rin nilang mag-ayos. Sa galit ng mga Inang Diwata, sinumpa niya ang mga
numero at letra na maging keyboard sa ibang dimension. Sa makabagong panahon at henerasyon
ngayon ang keyboard ay ginagamit sa paaralan, establisyemento at marami pang iba.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang pamagat ng alamat?


2. Sino ang dalawang grupong nabanggit sa kwento?
3. Bakit naglunsad ng pag-aaklas ang grupo ng mga Letra?
4. Bakit nagalit ang Inang Diwata?
5. Ano ang kinalabasan ng di pagkakaunawaan ng dalawang grupo?

Ikalawang Araw - Isagawa Natin

Gawain 1

Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay nagpapahayag ng kawilihan
at MALI kung hindi.

______________1. Makinig na mabuti kapag may nagsasalita.

______________2. Aktibong makilahok sa mga talakayan at pangkatang gawain.


_____________3. Makipagtalo sa kagrupo kapag hindi na sunod ang gusto.

_____________4. Pakinggan ang opinion o ideya ng mga kasama.

_____________5. Makipagsabayan sa pagsasalita ng guro.

Ikatlong Araw – Isapuso Natin

Bumuo ng isang islogan tungkol sa kawilihan sa pag-aaral.

Tandaan Natin

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang
bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng
isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin
ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila
sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Maipapakita ng isang mag-aaral ang kanyang kawilihin at
positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig sa talakayan, pakiki-isa sa mga
gawaing pampaaralan, at kusang loob na pagpasok sa paaralan. Sa tulong ng mga nabanggit na
katangian mas magiging masaya at kanais-nais ang mga mangyayari sa paaralan.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan
nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang
pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan.
Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat
isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Ikaapat na Araw - Isabuhay Natin

Pag-isipan mo ang tanong na ito:

Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita sa ang kawilihan at


positibong saloobin sa pag-aaral?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.
Ikalimang Araw - Subukin Natin

Subukin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng bituin ang iyong pinaniniwalaang


sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Sitwasyon Oo Hindi


1. Nakikinig kaba sa oras ng talakayan o kaya ay pagnagsasalita ang
guro?
2. Tumutulong kaba na matapos ang nakalaang gawain sa inyong
grupo?
3. Gumagamit kaba ng magagalang na salita tuwing ikaw ay
nagtatanong sa iyong guro?
4. Dapat bang magpakita ng kawilihan sa pag-aaral?
5. Magbigay ng opinion o ideya tuwing pangkatang Gawain?

Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakato 5 Learner’s Material

Inihanda ni:
ROLANDO F. ROSALDO
Guro 3

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

You might also like