You are on page 1of 6

Grades 1 Paaralan Bulihan Integrated Baitang/Antas 8

to 12 National High School


Lesson Guro Pamela M. Asignatura FILIPINO
Log Carapatan
(Pang-araw- Petsa/Oras Pebrero 27, 2024 Markahan IkatlongMarkahan
arawna tala Ikaapat na Linggo
saPagtuturo)

UNANG ARAW
I. LAYUNIN
A. Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan sa
PamantayangPan panitikang popular sa kulturang Pilipino
gnilalaman
B. Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
PamantayansaPa kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
gganap campaign)
C. Mga Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng
KasanayansaPag konsepto ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon, sa akala at iba pa)
katuto
(Isulatang code
ng
bawatkasanayan)
II. NILALAMAN Paggamit ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga Pahinasa Ikatlong Markahan Q3 PIVOT BOW R4QUBE, week 4
Gabay ng Guro
2. Mga
PahinasaKagami
ta ng Pang-Mag-
aaral
3. Mga Pinagyamang Pluma
pahinasaTeksbu
k
4.
KaragdagangKag
amitanmulasa
portal ng
Learning
Resources
B. Iba pang Powerpoint Presentation
KagamitangPa
nturo
C. Dulog Constructivism Approach
D. Estratehiya
E. Metodo (Mga
AktibidadnaGi
namitsaPagtut
uro)
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral Balik-aral sa nakaraang aralin
sanakaraangar
alin at/o
pagsisimulang
bagongaralin
B. BASA-SURI
PaghabisaLayu Basahin at suriing mabuti ang maikling sanaysay ng ginawa ng guro.
Ikaw ang gabay
nin ng Aralin Ni Bb.M.D.Dayonot
Ang ilaw ay isang liwanag sa madilim na lugar tulad ng isang tahanan. Ilaw kung ituring ang mga ina sapagkat
sila ang nagiging gabay sa tuwing nakararanas ng pagkalito. Ayon kay TF Hodge “Ang Ina ang unang guro ng
kanyang anak; dapat siya ang magturo sa kanya ng higit mahalagang aral sa lahat, kung paano magmahal. " .
Sang-ayon ako sa kanyang tinuran sapagkat ang ina ang humuhulma ng ating pagkatao at kung paano haharapin
ang tunay na mundo.
Inaakala ng iba ang ina ay isa lamang dekorasyon sa tahanan diyan sila nagkakamali sapagkat mawawalan ng
silbi ang isang tahanan kung walang inang nagsasakripisyo at naggagabay para sa pamilya

C. Pag-uugnay ng Gabay na tanong:


mgahalimbawa 1.Ano ang paksa ng sanaysay?
sabagongaralin 2.Ano ang papel ng isang ina?
3.Isa-isahin ang mga salitang may makapal na letra.
4.Ano ang tawag sa ga salitang ito?

D. Pagtalakay ng  Mga ekspresiyong naghahayag ng konsepto ng pananaw o "point of


bagongkonsept view"
o at May mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at
paglalahad ng nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang ayon,
bagongkasanay
batay, para, sangayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko,
an #1 ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng
mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.
Halimbawa:
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
 Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commission
On Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa
mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o CEG sa taong
2016.
 Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang
pambansa ng PIlipinas ay Filipino.
 Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon.
 Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling
wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ng
 Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na
edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo
sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
 Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan
sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang
kinabukasan.
 Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi
lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pabbibigay
patnubay at suporta sa kanilang mga anak.
c. Inaakala. Pinaniniwalaan, Iniisip
 Pinaniniwalaan kong dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol
sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
 Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpataw ng kaparusahan ang DENR
kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin, Sa tingin, Akala, Palagay ko
 Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang
pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa
lumalalang
krimen.
 Sa palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga
batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.
2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa at/o pananaw.
Gayunman, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumiyak
kung sino ang pinagmulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng
pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
 Sa isang banda, mabuti nan gang nalalaman ng mamamayan ang mga
anomaly sa kanilang pamahalaang lokal nang gayo’y masuri nila kung sino
ang karapatdapat na ihalal para mamuno rito.
 Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi
tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa
kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno rito.
b. Samantala
 Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais
makitaang kanilang bansa sa susunod na taon. Matalinong pagpapasya ang
kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto

E. Pagtalakay ng BASA-SURI
bagongkonsept Babae sa lipunan
Ni Bb. M.D.Dayonot
o at
paglalahad ng Voice Over: Halina’t pakinggan komentong maghahatid ng makabuluhang katugunan sa paksang pag-uusapan.
bagongkasanay Narito na ang no. 1 station ang Bulihan 198.4.(intro music in and fade out)
an #2
Ka komento:Magndang-magandang Araw mga listener naririto muli tayo sa bagong talakayan. Ako si Ka Komento
magbibigay komento sa inyong buhay.

Ka tugon: Hephep! Huwag akong kalilimutan ako si Ka tugon ang tutugon sa mga katanungan nyo

Ka komento:Partner kumusta ang araw mo?


Ka Tugon:Maayos naman ako partner heto at nag-scroll lang sa Fb at nakita ko nakiisa ang Bulihan INHS sa
pagdiriwang ng Buwan ng Kababihan.

Ka Komento:Korek ka riyan partner, nagsuot sila ng purple bilang pagkilala sa mga kababaihan. Ayon sa
International Women's Day (IWD) organization, ang pagsusuot ng kulay na ito ay simbolo ng dignidad at
pagkapantay-pantay.

Ka Tugon:Sa isang banda anumang kulay ang suotin mo ay maipapakita mo pa rin ang pagkilala sa mga
kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay galang at pagrespeto.

Ka Komento: Tumapak partner, Pinaniniwalaan ko na mahalaga ang mga kababaihan sa ating lipunan kaya dapat
silang irespeto at protektahan din.

Ka tugon: Kaya mga kababaihan na tulad ko tandaan protektado tayo ng batas. Batay sa RA 9262: the Anti-
Violence Against Women and their Children Act of 2004 ito ang batas na proteksyon natin lalo pa kung tayo ay
sinasaktan o inaabuso.

Ka komento:Tandaan ang batas na iyan. Nawa may natutuhan muli kayo sa amin. Ako si Ka komento ang
magbibigay komento sa buhay nyo
Ka tugon: Ako naman si katugon ang tutugon sa mga tanong ninyo. Mabuhay mga babae sa ating lipunan.
Gabay na tanong:
1.Ano ang paksang pinag-uusapan?
2.Sino ang dalawang nag-uusap?
3.Bakit mahalaga ang kababaihan sa ating lipunan?
F. Paglinang Gawain
saKabihasaan( Mula sa binasang Babae sa lipunan.Ihanay ang mga pahayag mula sa ekspresyon na mga salita sa konsepto ng
pananaw sa tsart.
Tungosa
Formative Nagpapahayag ng Pananaw Nagpapahiwatig ng pagbabago
Assessment)

G. Paglalapat ng
Aralin sa pang- Gamit ang konsepto ng pananaw ay ilahad ang iyong sagot sa tanong
araw- na ito.
arawnabuhay
Bilang isang mag-aaral, sino ang babaeng iyong hinahangaan sa buhay
at bakit?
H. Paglalahat ng 3N
Aralin
I. Pagtataya ng Panuto:Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang angkop na
Aralin ekspresyon ng konsepto ng pananaw.

1.Nagkaroon ng pagbabago sa variant ng Corona Virus at madali na


itong makahawa ______ pag-aaral ng mga siyentipiko sa United
Kingdom.
A. alinsunod sa C. samantala
B. batay sa D. sang-ayon sa
2._______ Senador Cynthia Villar, ang Rice Tariffication Law ang
tutulong sa mga magsasaka para mapataas ang bentahan ng palay
sa merkado.
A. Ayon kay C. Sang-ayon sa
B. Batay sa D. Alinsunod sa
3._______ ipinag-uutos ngayon ng ating gobyerno, bawal lumabas ng
bahay ang mga batang may edad na 15 taon pababa at mga senior
citizen na may edad na 65 taon pataas.
A. Alinsunod sa C. Batay sa
B. Ayon sa D. Sa isang banda
4.Naituro nang lahat ni Tomas ang dapat na malaman ng mga taga-
Gapan kaya naisipan niyang umalis at bumalik sa kalangitan,
_________ nalulungkot si Aliah at ang kaniyang dalawang anak.
A. alinsunod sa C. sa kabilang banda
B. samantala D. sa kabilang dako
5. _________ kaugalian, ang paghingi ng tubig pagpasok sa tahanan ay
isang magandang ugaling mayroon ang tao.
A. Ayon kay C. Sa kabilang banda
B. Batay sa D. Sa kabilang dako
J. Karagdagang
Gawain
satakdang-
aralin at
remediation
V. MGA TALA ____Natapos ang aralin/gawain at
maaarinangmagpatuloysamgasusunodnaaralin.
____ Hindi natapos ang aralin/gawaindahilsakakulangansaoras.
____Hindi natapos ang aralindahilsaintegrasyon ng
mganapapanahongmgapangyayari.
____Hindi natapos ang aralindahilnapakaramingideya ang
gustongibahagi ng mga mag-aaralpatungkolsapaksangpinag-aaralan.
_____ Hindi natapos ang
aralindahilsapagkaantala/pagsuspindisamgaklasedulot ng
mgagawaing pang-eskwela/ mgasakuna/ pagliban ng
gurongnagtuturo.

Iba pang mga Tala:


VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng
mga mag-
aaralnanakak
uha ng 80%
sapagtataya
B. Bilang ng
mga mag-
aaralnananga
ngailangan ng
iba pang
Gawain para
saremediatio
n
C. Nakatulongba
ang
remedial?
Bilang ng
mga mag-
aaralnanakau
nawasaaralin.
D. Bilang ng
mga mag-
aaralnamagpa
patuloysarem
ediation?
E. Alin ___ _sama-samangpagkatuto
samgaistrate ____Think-Pair-Share
hiyangpagtut ____Maliitnapangkatangtalakayan
uronakatulon ____malayangtalakayan
g ng lubos? ____Inquiry based learning
Paano ____replektibongpagkatuto
itonakatulong ____ paggawa ng poster
? ____pagpapakita ng video
_____Powerpoint Presentation
____Integrative learning (integrating current issues)
____Pagrereport /gallery walk
____Problem-based learning
_____Peer Learning
____Games
____Realias/models
____KWL Technique
____Quiz Bee
Iba pang Istratehiyasapagtuturo:______________
___________________________________________________

Inihandani:

PAMELA M. CARAPATAN
Guro I, Filipino

Binigyang-pansin:

JULIE ANN M. TOLENTINO


Dalub Guro I, Filipino

Pinagtibay ni:

MARY ANN C. DEGOLLADO


OIC-Kagawaran ng Filipino

You might also like