You are on page 1of 4

BULAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Bulan, Sorsogon

Edukasyon sa Pagpapakatao - 8

TEACHER: YOLANDA R. PAJENADO MARKAHAN: Ikatlo


Petsa: May 24, 2023 Grade 8 - 9

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman :
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa seksuwalidad ng tao.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang tamang pakahulugan sa seksuwalidad.
2. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu
3. Naisasagawa ang tamang kilos bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga
at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.

II. NILALAMAN
SEKSUWALIDAD NG TAO
III. KAGAMITANG PANGTURO
A. Sanggunian: Grade 8 ESP modyul
1. Mga pahina sa Gabay ng guro: 114- 118
2. Mga pahina sa kagamitang pangmag-aaral: 344- 350
3. Mga pahina sa teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng learning resources
www/httph.google.com
5. Iba pang kagamitang panturo: visual aids, mga larawan, chalk

IV. PAMAMARAAN
A. Balik – aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:
1. Pagpapakita ng iba’t-ibang larawan.

B. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN


1. Natutukoy ang tamang pakahulugan sa seksuwalidad.
2. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa seksuwalidad.
3. Naisasagawa ang tamang kilos bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga
at nagbibinata at sa pagtupad ng kanyang bokasyon na magmahal.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


Ididikit sa pisara ang kopya ng artikulo na nasa visual aid, ang mga mag-aaral at ipabasa.
a. Indibidwal na Gawain
Tatawag ang guro na magbobuluntaryo na sagutan ang mga gabay na tanong.
b. Pangkatang gawain:
1. Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa artikulong binasa.
2. Talakayin ang mga konseptong nangangailangan ng paglilinaw.
Gamit ang Brainstorming Web. Punan ang kahon ng mga natalakay ayon sa mga
nabasang artikulo.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


1. Talakayin ang epekto ng maagang pakikipagrelasyon sa katapat na kasarian.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2
1. Talakayin ang epekto ng pagkahumaling sa paggamit ng pornograpiya.
2. Talakayin ang positibong pananaw sa seksuwalidad

F. Paglinang sa kabihasaan (tungo sa formative assessment)

1.Indibidwal na gawain.

a. Pumili ng positibong pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian

b. Ipaliwanag ang napiling pananaw at ibahagi sa klase sa iba’t ibang pamamaraan .(maaring
pasalaysay , patula, paawit atb)

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


*Paano makatutulong sa pang-araw-araw na buhay ang tamang pananaw sa seksuwalidad?

H. PAGLALAHAT NG ARALIN.
* Paano mapapaunlad ang tamang kilos kaugnay sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
pagdadalaga at pagbibinata.

I. PAGTATAYA ng aralin
TAMA o MALI. Sagutan ng T kung tama ang pahayag at M kung mali ang pahayag.

1. Kanais nais ang teenage pregnancy.

2. Dahil sa kahihiyan at mabigat na responsibilidad nakagagawa ng kalunos-lunos na krimen ang


karamihan sa mga kabataang babae.

3. Ang seksuwalidad ay isang behikulo upang maging ganap na babae o lalaki

4. Ang PAS o post abortion syndrome ay isang karamdaman sa isip na maihahalintulad sa depresiyon.

5. Ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa seksuwalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa susunod


na yugto ng buhay ng teenager.
Bulan National High School
Bulan,Sorsogon
Summative Test

Modyul 5& 7

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa kuwaderno ang Titik ng pinakatamang sagot.
1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kanyang sariling pangangailangan
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay _______________.
a. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. Nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. Pagtrato sa kanya nang may paggalang at dignidad.
d. Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa ___________.
a. Kakayahang umunawa ng tao.
b. Pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan.
c. Espesyal na pagkagiliw sa nakaangat sa lipunan
d. Pagtulong at pakikiramay sa kapwa.
4. Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ____________bilang pag-
lilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. Hanapbuhay c. Pagtutulungan
b. Libangan d. Intelektwal
5. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan c. Politkal
b. Pangkabuhayan d. Intelektwal
6. Nalilinang tao ang kaniyang __________sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga
samahan.
a. Kusa at pananagutan c. Talino at Kakayahan
b. Sipag at Tiyaga d. Tungkulin at Karapatan
7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa _____________.
a. Kakayahan nilang umunawa ng damdamin ng iba c. Kanilang pagtanaw ng utang na loob
b. Kakayahan nilang makiramdam d. Pagiging emosyonal sa pakikisangkot
8. Ano ang nakahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao.
d. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakituguhan ng iba.
9. Ang sumusunod na pahayag ay totootungkol sa diyalogo,maliban sa:
a. Naipakita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
d. Naipapahayag ng tao sa kanyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli,pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Tatlumpung minute na akong naghihintay sa iyo.”
11. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya sa pagsusulit para sa
iba’-ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang pinaka-
angkop na kurso para sa kanya.
a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda
b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit
c. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip
d. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hind magsisi sa huli.

You might also like