You are on page 1of 17

10

SELF- LEARNING MODULE


ARALING PANLIPUNAN
10
QUARTER 3
Development Team of the Module

Author: Glen Paul R. Abawan

Editor:

Reviewer:

Management Team: Celedonio B. Balderas Jr., SDS

Gemma G. Cortez, Ed.D., CID - Chief

Leylanie V. Adao, EPS - LR

Alejo S. Filio Jr., EPS – Araling Panlipunan

SDO Dasmarinas City

Gabay sa Paggamit ng Learner’s Module

Para sa Tagapagpadaloy

Layunin ng modyul na ito na tulungan kayo bilang tagapamatnubay ng mga


mag- aaral sa pag-aaral ng inyong mga anak sa tahanan. Hinihiling ang inyong
paggabay at pagtulong sa ating mga mag-aaral. Inaasahan din ang inyong
kooperasyon upang lubos nilang maunawaan at malinang ang kanilang
kakayahan at tiwala sa sarili sa pagtugon sa mga aralin.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa upang gabayan ka sa iyong pagkatuto gamit ang
iyong sariling kakayahan. Layunin din nito na tulungan ka na matapos ang mga
kompetensiyang itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon sa loob ng iyong
tahanan.

Inaasahan na iyong matatapos ang mga itinakdang gawain sa tamang oras.


Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong mga kasagutan at ipasa sa iyong
guro.
2
Week 1
Alamin Natin

INTRODUCTION TO THE COURSE

A. Course Description

Napapansin mo ba na mayroong mga bagay na para lamang sa kalalakihan at mayroong para


lang din sa kababaihan? Gaya na lamang ng paglalaro ng manika para sa mga batang babae at baril
naman para sa mga batang lalaki. Kapag nasasaktan ang lalaki, hindi siya maaring umiyak dahil
tinuturing itong kabawasan sa kanyang pagkalalaki. Sa ating lipunan, medyo hindi maganda tingnan
na kung ang babae ang siyang manligaw. Hindi
Sa modyul na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga isyu,
hamon at batas sa kasarian at lipunan upang maitaguyod ang isang pamayanan na may respeto at
paggalang sa kapwa tungo sa pagkapantay pantay. Malalaman mo rin ang kaibahan ng seks at
kasarian, at ang mga pagbabago sa gender roles hindi lamang dito sa Pilipinas, pati na rin sa buong
mundo. Higit sa lahat, malalaman mo ang kasagutan sa tanong na ito:
TANONG: Paano maitataguyod ang isang pamayanang may paggalang at respeto sa kapwa
tungo sa pagkakapantay-pantay? Tandaan mo lamang na ang bawat gawain sa modyul na ito ay
ginawa upang matulungan kang masagot ang katanungang ito.

B. Content Standard / Pamantayang Pangnilalaman


Ang mag-aaral ay… nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantaypantay ng tao bilang kasapi
ng pamayanan.
C. Performance Standards / Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa
kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
D. Learning Outcomes

Isang maganda at mapagpalang araw sa ating lahat. Sa linggong ito, panibagong landas ng kaalaman
ang ating sama-samang tatahakin. Umaasa ako na magiging bukas ang inyong isip sa pagtuklas ng mga
bagong karunungang ating matutuklasan sa araling ito.

3
Tayo na. Sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaalamang inihanda sa inyo sa modyul na ito. Ating
tatalakayin ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig (MELC
#1 Qrt.3)

Aralin at Sakop ng Modyul

Sa modyul na ito, masusuri mo ang katanungan gamit ang aralin na ito:

Sa aralin na ito, matutunan mo ang mga sumusunod:

1. Ang konsepto ng kasarian at seks


2. Gender Roles sa Ibat-ibang Panig ng Daigdig

*These learning competencies were rephrased and deemed most essential in the achievement of content
and performance standards.

Tuklasin Natin
Gawain 1. Multiple Choice (Interactive with multiple tries)
Ating tuklasin kung gaano kalalim ang iyong nalalaman tungkol sa modyul na ito.
Panuto: I-click ang letra ng iyong kasagutan na siyang inaakala mong pinakatamang sagot sa tanong.

1. Ang kahulugan sa acronym na LGBTQ


a. Legally Gay, Blonde, Totally Queer
b. Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender, Queer
c. Literate, Gaiety, Beauty, Tattle, Queen
d. Love, Grace, Beauty, Trust, Quaint

2. Ang Gender Expression ay isang termino na may kahulugang:


a. Pamamaraang nagpapakita ng kataglayang masculinity o
femininity.
b. Pamamaraang gusto ng sarili kung paano maintindihan ng iba.
c. Pamamaraang pag-istilo ng buhok, pagpili ng kasuotan at katayuan.
d. Ang lahat ng mga pamamaraang nabanggit sa itaas.

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa konsepto ng


kasarian?
a. biolohikal na pagkakaiba ng babae at lalaki
b. pagkakaiba-iba ng pananaw ng babae at lalaki

4
c. mga inaasahang gampanin ng babae at lalaki batay sa kultural at
panglipunang alintuntunin
d. wala itong kaibahan sa konsepto ng seks

‘4. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at
umiibig sa kapwa babae.
a. Asexual c. Lesbian
b. Bisexual d. Transgender
5. Bakit nagkakaroon ng mga diskriminasyong pangkasarian sa kasalukuyang
panahon?
a. Hindi matangap ng mga kalalakihan na mas mahusay ang mga
kababaihan
b. Naniniwala pa rin ang karamihan na ang lugar ng kababaihan sa
lipunan ay sa bahay lamang
c. May mga lipunan na kulang ang kanilang kamalayan sa mga isyu,
hamon at batas na may kaugnayan sa kasarian
d. Mababa pa rin ang tingin sa kababaihan dahil sa pagiging mahina

Suriin Natin
Bawat lipunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagkakaroon ng paghahati sa mga miyembro nito
ayon sa kasarian. Sa kasaysayan, sa anumang lipunan sa daigdig, lalaki ang karaniwang inaasahang
bumuhay sa kaniyang mag-anak. Mauugat ito sa Panahong Paleolitiko na lalaki ang nangangaso at
nangangalap ng pagkain para sa ikabubuhay ng pamilya. Nakakabit naman sa kababaihan ang tungkulin na
alagaan ang mga anak at maging abala sa mga gawaing-bahay. Samakatuwid, noon, ang mga lalaki ay
nagtatrabaho sa labas ng bahay at ang mga babae ay inaasahang manatili sa loob.

Sa kasalukuyan, bunsod na marahil ng pag-unlad at paglaganap ng ideya ng feminismo, nagkaroon


na ng malaking pagbabago sa gampanin ng babae. Sa ating bansa, masasabing sa kasalukuyan ay hindi na
mahigpit ang lipunan sa pagtatakda ng gampanin ng babae at sa lipunan. Bukod sa lalaki at babae naging
hayag o lantad na rin ang mga tinatawag na LGBT (lesbian, gay, biseksuwal, at transgender) na nagnanais
din na matanggap at kilalanin ang kanilang karapatan bilang mamamayan.

5
Gawain 2. Simbolo, Hulaan Mo!
Handa ka na bang simulan ang araling ito? Kung handa ka na, subukin mong sagutin kung ano ang
kahulugan at ipinahihiwatig ng kasunod na mga simbolo. Isulat ang iyong sagot sa kasunod na mga patlang.

__________________ ________________ _______________

Pamprosesong Tanong
1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan ng unang dalawang simbolo? Ng pangatlo?
2. Ano sa palagay mo ang kinakatawan ng mga simbolong ito?

Gawain 3. Timbangin Natin!


Ngayong tapos mo nang sagutan ang unang gawain, ihanda mo ang iyong sarili sa pagsagot sa
susunod na gawain. Pansinin ang larawan ng timbangan sa ibaba at sagutin ang pamprosesong mga tanong.

Source: https://www.impactplus.com/blog/gender-equality-in-workplace-starts-with-company-culture-infographic

Ano ang ipinahihiwatig ng dalawang simbolo na sa timbangan? Sa iyong palagay, mayroon kayang
hindi napabilang sa representasyon na ipinahihiwatig ng larawang ito? Sino? Ano sa palagay mo ang
pangkalahatang mensahe ng larawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong
1. Sa iyong palagay, bakit kaya wala sa larawang ito ang isa pang simbolo na nakita mo sa unang
Gawain?

6
Binabati Kita!

Sa bahaging ito ay inaasahang mas lalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga
konseptong may kinalaman sa kasarian. Maaari mong balikan ang mga katanungan at kasagutan na iyong
nabuo sa unang bahagi ng araling ito upang mapagtibay ang tamang kasagutan at maiwasto ang maling
sagot o konseptong nabuo. Pagtuunan ng pansin ang babasahin at sagutanang mga tanong sa gawain.
Handa ka na ba?
Konsepto ng Kasarian

Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang salitang ito sa
wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng salitang kasarian.Tatalakayin natin sa bahaging ito ng aralin ang
kahulugan ng mga konseptong may kinalaman sa pag-aaral ng kasarian.Upang maunawaan mo ang mga
konseptong ito, lalo na ang kaibahan ng gender at sex basahin mo ang sumusunod na teksto.

Konsepto ng Gender at Sex


Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o
babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian
na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga
panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

SEX GENDER

Masculine Feminine

Female Male
(Babae) (Lalaki)

Ang mga katangian ng sex at gender ay narito. Ang katangian ng sex ay batay sa bayolohikal at
pisyohikal na katangian ng isang tao noong pagkapanganak niya. Kabilang dito ang pagkakaroon ng
magkaibang pribadong bahagi ng lalaki at babae. Ang katangian ng gender ay batay sa mga sosyal na
kadahilanan kagaya ng gampanin at pagkakakilanlan sa sarili. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye
tungkol sa kung anu-ano ang mga katangian ng sex at gender ay nasa ibaba.

7
1. Katangian ng Sex

Tungkol sa SEX: Ang sex ay ang natural, bayolohikal at pisyohikal na katangian ng isang tao noong
pagkapanganak niya. Ito ay tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao. Tandaan na hindi maaaring
mabago ang sex sanhi ng mga kadahilanan sa lipunan.

Anu-ano ang mga katangian ng sex? Ang halimbawa ng katangian ng sex ay:

• ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla o dalaw


• samantalang ang mga lalaki ay hindi nagkakaroon nito
• ang mga lalaki ay may testicles o pribadong bahagi ng lalaki,
• samantalang ang mga babae ay may vagina at walang testicles

1. Katangian ng Gender

Tungkol sa GENDER: Ang gender naman ay mas komplikado dahil ito ay nakabatay sa mga social factors.
Ito ay ang panlipunang gampanin, pagkilos at gawain na batay sa lugar, panahon o lipunang ginagalawan
ng mga babae at lalaki.

Anu-ano ang katangian ng gender? Ang halimbawa ng katangian ng gender ay:

• maaaring palitan sa pamamagitan ng mga social factors


• ito ay fluid
• ito ay depende sa uri ng pagkakakilanlan ng isang tao

Oryentasyong Seksuwal
Ano ang pagkakaiba ng Sexual Orientation at Gender Identity (SOGI)?
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa
kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng
malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa. Samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling
katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian,
kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong
makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang
heterosekswal, homosekswal, at bisekswal.
Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at transgender
o mas kilala bilang LGBT.

8
▪ Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki
na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
▪ Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad
na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian,
gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.
▪ Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
▪ Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla
ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki,
at bayot).
▪ Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
▪ Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
▪ Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender
na katauhan. Sila ay nagdadamit o nag-aanyo na para sa ibang kasarian (cross-dresser)
▪ Trans-sexual- kung ang isang tao ay dumaan sa isang medikal na diyagnosis kung saan ang isang
indibidwal ay may pagkakakilanlang kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian at sumailalim sa
operasyon o pagpaparetoke.
▪ Queer- mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekwalidad na pagkakakilanlan.

Gawain 4. Paano Nagkaiba?


Ngayong natapos mo nang basahin ang teksto, subukin mo nang tukuyin kung ano ang pagkakaiba ng sex
at gender. Ilista ang katangian ng sex at gender sa mga kahon sa ibaba.

Sex Gender

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang napansin mong pagkakaiba ng iyong mga itinala?
2. Ano ang dati mong iniisip na kaibahan ng dalawang konseptong ito? Naging maliwanag na ba sa
iyo ang kaibahan ng sex at gender?
9
Gawain 5. Gender at Sex: Ano nga Ba?
Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex
mula sa mga natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap sa ibaba.

Gender Roles Sa Iba’t-Ibang Bahagi Ng Daigdig.

Ang gender role o gampaning pangkasarian ay isang konsepto na higit na mag-uugnay sa sex at gender.
Ito ay ang inaasahan ng isang lipunan na kilos, gawi, katangian, at tungkulin ng mga mamamayan na
naaayon sa kanilang kasarian. Ang mga babae ay dapat pambabae ang kilos, pananamit, at pag-uugali.
Gayundin, ang mga lalaki ay dapat panlalaki ang kilos, pananamit, at pag-uugali. Bawat lipunan, kultura, at
pangkat ng tao ay may kani-kaniyang gender roles na inaaasahan. Ito ay maaari ding magbago sa paglipas
ng panahon. Malaki ang impluwensya nito sa pamumuhay ng bawat indibiduwal dahil sa matinding
Ating suriing mabuti ang bahagi ng gender roles sa iba’t
pagnanais na mapabilang sa lipunang ginagalawan.10
ibang larangan at institusyong panlipunan sa ibat-ibang panig ng daigdig.
Gender Roles sa Pilipinas
INSTITUSYONG PANLIPUNAN PALIWANG HALIMBAWA
Edukasyon • Ang edukasyon (hanggang • Noong Panahon ng
kolehiyo) ng anak na lalaki ay Espanyol, ang kabataang
mas binibigyang prayoridad. lalaki ang nauunang
• Ang pagkuha ng kurso sa binibigyan ng pribilehiyo na
kolehiyo ay nakaayon din sa mag-aral at ang babae ay
kasarian na angkop sa babae tinuturuan sa ,ga gawaing
at lalaki. bahay.

Hanapbuhay • Kakakitaan ng higit na • Nakatatanggap ng mas


kasanayan ang kalalakihan mataas na sahod at
kaysa kababaihan. posibleng promosyon ang
mga lalaking manggagawa.
Relihiyon • Pangingibabaw ng • Ang Babaylan ang siyang
kababaihan sa espiritwal na pinuno ng sinaunang
buhay ng mga katutubo bago relihiyon ng mga katutubo.
dumating ang mga Espanyol. • Kalalakihan gaya ng Santo
• Sa pagdating ng Espanyol Papa, Obispo at Kardinal ang
umiral ang patriyarkal na namumuno sa Simbahang
pananaw. Katoliko
Pamilya • Ang Patriyarkal na pananaw • Ang ama o lalaki ang
ay kumalat sa lipunan nasusunod sa
pagdating ng mga Espanyol. pagdedesisyon para sa
• Pinaigting pa ito ng ibang pamilya.
mananakop.
• Ngunit sa kasalukuyan, ang
mag-asawa ay malimit ng
pagkasunduan ang desisyon
para sa pamilya.
• Boxer Codex- isang
dokumentaryo noong 1595,
Ang mga lalaki ay
pinapayagang magsawa ng
marami, subalit maaring
patayin ng lalaki ang
kanyang asawa kapag ito ay
nakita na may kasamang
ibang lalaki.
Pamahalaan • Bago ang 193, ang • Nabigyan ng karapatan ang
pamahalaan ay hindi kababaihan na bumoto at
kinabibilangan ng mamahala.
kababaihan. • Noong 1947, si Geronima T.
Pecson ang unang babaeng
senador at si Corazon C.
Aquino ang unang babaeng
Pangulo noong 1986.

11
Gender Roles sa Iba’t-Ibang Panig ng Daigdig

INSTITUSYONG PALIWANAG/HALIMBAWA
PANLIPUNAN
Edukasyon Sa mga bansa gaya ng Egypt, Indonesia, at ilang bansa sa Timog Africa ay nagkaroon ng pagtaas
sa porsyento ng kababaihang nag-aaral dahil sa pagpapatayo ng karagdagang paaralan.
Sa Pakistan, naitala naman ang pagbaba sa 20% ng mga batang babaeng pumapasok sa
paaralan dahil na rin sa layo ng eskuwelahan.
Hanapbuhay Noong 2011, naitala na marami sa bansa ang nagpapasahod ng higit na mas mababa sa trabaho
ng kababaihan kumpara sa kalalakihan. Idagdag pa rito ang mas mahabang oras ng trabaho gaya
na lamang sa Tanzania at Benin, kung saan ang kababaihan ay naghahanapbuhay ng 17.4 na
oras kumpara sa 14 na oras ng kalalakihan.
Naitala rin na aabot sa 43% ng kababaihan ang naghahapbuhay sa sektor ng agrikultura sa
papaunlad na mga bansa. Ipinakikita lamang nito na tumaas ang bilang ng kababaihan na
tumutulong upang mabawasan ang gutom at kahirapan sa kanilang bansa
Relihiyon Santo Papa, hindi man tuwirang sumang-ayon rito, ay nagpahayag na pagkakapantay-pantay
para sa lahat na naiiba sa mga naunang pinuno ng simbahang Katoliko.
Argentina, Mexico, Uruguay, at Colombia ay may kani-kaniyang mga batas upang maprotektahan
ang komunidad ng LGBTQI. Maging ang pagpapakasal ng parehong kasarian at pag-aampon ng
anak ay ginawang legal.

Pamilya Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na
inilabas 276 ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng
karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan
(bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay nagdudulot ng
impeksyon, pagdurugo, hirap umihi at kamatayan.

Pamahalaan Sa Asya, naitala ang mula 1.6% hanggang 31% ng kababaihan ang nagiging pinuno ng
kanikanilang bansa.
Sa bansang Saudi Arabia ay mahigpit sila sa mga kababaihan sila ay hanggang ngayon sila ay
hindi parin maaring bumoto (ayon sa pangako ni Haring Saud, sa taong 2015 pa lamang sila
makakaboto sa halalan). Bukod sa hindi pagboto, may pagbabawal din sa mga babae na
magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o
kapatid). Ipinagbabawal rin ang paglalakbay ng mga babae nang mag-isa o kung payagan man
ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kahulugan ng gender role?


2. Paano natututunan ng isang indibiduwal ang ukol sa gender role?
3. Ano-ano ang bahaging ginagampanan ng gender role sa mga institusyong panlipunan sa iba’t-
ibang panig ng bansa?

12
E Pagyamanin Natin

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea

• 1931- SEPIK - antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay pag-aralan ang
mga pangkultura pangkat sa lugar na ito.

TATLONG (3) PANGKULTURANG PANGKAT; Pag-aaral sa Gampanin ng Lalaki at Babae

Arapesh Tchambuli

Source:
Mundugumur Source:https://slideplayer.co
m/slide/8163794/
https://www.google.com/search?q=arapesh&hl=en&source=lnms
&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiYt6eUmtLuAhXNUt4KHeyoB
NUQ_AUoAXoECBAQAw&biw=1366&bih=601#imgrc=R1BFyF3
xXjIAWM Source:https://www.loc.gov/exhibits/mead
/field-sepik.html

• Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga
babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa,
kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
• Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo,
bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat
• Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa
kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki,
sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan
bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

Gawain 6. Punan natin!


Panuto: Gamit ang talahanayan o tsart sa ibaba, Ibigay ang gampanin ng lalaki at babae sa Pangkulturang Pangkat
ng Papua New Guinea.

Gampanin
Primitibong
Pangkat Lalaki Babae

Arapesh

Mundugumor

13
Tchambuli
Gawain 7. Venn Diagram
Panuto: Isulat ang pagkakaiba at pagkakapareho ng gampanin ng lalaki at babae sa Pilipinas at sa iba’t-ibang panig
ng bansa.

Gawain ng Lalaki Gawain ng Babae

P
A
G
K
A
K
A
T
U
L
A
D

Isaisip Natin

Gender Role Awareness


Panuto: Gumuhit ng pigura ng isang babae at lalaki. Gupitin ito at ilapat o idikit
sa malinis na papel. Gawan ng listahan ng kanilang gender roles ayon sa iyong
napapansin sa paligid. Maaari mong maging batayan ang inyong tahanan,
paaralan, komunidad, at midya.

14
Alituntunin sa pagpapasa:
Pagpipilian1: Online na pagpasa sa email, google classroom, FB messenger
Pagpipilian 2: Personal na pagpasa ng magulang sa guro sa paaralan.

15
16
Gawain 1.
1.) B 2.) D 3.) A 4.) C 5.) C
Gawain 2
Babae, Lalaki, LGBTQ Symbol
Gawain 3 (Ayon sa pasya ng guro)
Gawain 4
SEX GENDER
Tumutukoy sa Ito ang
Biyolohikal at gampanin na
pisyolohikal na tinakda ng
katangian ang lipunan sa
tao noong siya mga babae
ay isinilang at lalaki.
Gawain 5 (Ayon sa pasya ng guro)
Gawain 6
• Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila
na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak,
matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
• Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa
matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang
pangkat
• Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang
gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang
dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya,
samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at
mahilig sa mga kuwento
Gawain 7
GAMPANIN NG LALAKI
• lalaki ang nauunang binibigyan ng pribilehiyo na mag-aral
• Ang ama o lalaki ang nasusunod sa pagdedesisyon para sa pamilya.
GAMPANIN NG BABAE
• babae ay tinuturuan sa mga gawaing bahay.
• Sa Asya, naitala ang mula 1.6% hanggang 31% ng kababaihan ang nagiging pinuno ng
kanikanilang bansa.
• Sila ay bahagin ng kanilang lipunan na ginagalawan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Additional Resources
Para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa isyu at mga hamong pangkasarian, maari mo ding puntahan
ang mga sumusunod na website upang mas mapalawig pa ang iyong nalalaman sa paksa.

1. Mga Isyu at Hamong Pangkasarian


https://quizlet.com/269166726/module-3-mga-isyu-at-hamong-pangkasarian-aralin-1-kasarian-sa-
ibat-ibang-lipunan-flash-cards/
2. Isyung PangKasarian
https://www.youtube.com/watch?v=_gBGFfRflGs

‘3. Gender Roles sa Iba’t-ibang Lipunan


https://www.youtube.com/watch?v=fQkOEambWsE

References
• Antonio, 201, REX Publishing House, Kayamanan ang Kontemporaryong Isyu, p228-229
• DepEd Modules Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu pahina 246-283
• Gender Roles Pre-Kolonyal
Https://Tinyurl.Com/Y2p8kuj8
• Margaret Mead: Human Nature and The Power Of Culture
Https://Tinyurl.Com/Mveoy5u

CREATED BY:

Sgd.
GLEN PAUL R. ABAWAN
Teacher I, FEBIHS
DepEd - City Schools Division of Dasmarinas

17

You might also like