You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV B-MIMAROPA
DIVISION OF OCCIDENTAL MINDORO
Mamburao, Occidental Mindoro

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10 – MGA


KONTEMPORARYONG ISYU

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang siyentipikong depinisyon at konsepto ng global warming;
2. Nauunawaan ang kahalagahan kung bakit dapat ingatan, alagaan, at protektahan ang ating
kalikasan;
3. Natataya ang epekto ng global warming sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng tao sa
pamayanan, sa bansa, at sa daigdig;
4. Nakapagmamasid ng mga gawain o aktibidad sa pamayanan na maaaring magpalala sa global
warming; at
5. Nakabubuo ng output na naghahatid ng mensahe ng pangangalaga at pagmamahal sa kapaligiran.

II. NILALAMAN
1. Paksa: Global Warming: Suliraning Pangkapaligiran
2. Sanggunian: Modyul sa Pag – aaral ng mga Kontemporaryong Isyu, Carbina
Torbeso, Pahina 4 – 8.
3. Kagamitan: LCD Projector, Laptop, tsart, at marker.
4. Konsepto: Ang Global Warming at dulot nitong Climate Change ang isa sa pinakamalaking
usapin ngayon na kinakaharap ng mamamayan ng daigdig. Isang usaping
nangangailangan ng kagyatan at pangmatagalang solusyon sa
pinakamaagang panahon.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag – aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal

Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.


Ben, maaari ka bang manguna sa ating pagdarasal?
(Lalapit sa unahan at magdarasal.)
Ama namin…

Magandang hapon sa inyong lahat!


Magandang hapon din po.

2. Pagsusuri sa kapaligiran ng silid.


Bago kayo umupo, maaari bang damputin ninyo ang
mga natitirang kalat at iayos ang hanay ng inyong mga
upuan. (Dadamput ng kalat at iaayos ang hanay ng mga
upuan.)

Maari na kayong maupo.


(Uupo.)

3. Pagtatala ng liban.
Shaina, sino ang liban sa araw na ito?
Wala po.
Maraming salamat.

B. Balik – Aral

Ngayon, mula sa inyong mga nagpag-aralan kahapon,


tignan natin kung inyong nakikilala pa ang mga
ahensya ng paaralan na may kinalaman sa Disaster
Risk Mitigation. Sino sa inyo ang naglalaro o
nakakaalam ng larong “Logo Quiz” sa cellphone o “...Ako po, Ma’am!”
Android?” “...Ma’am, ano po iyon?”

May pagkakahalintulad ang ating gagawin. Para sa


hindi nakakaalam, sa Logo Quiz, may ipapakitang
logo ng isang brand o kumpanya at huhulaan ang
pangalan ng brand na ito. Sa atin namang Logo Quiz,
may ipapakita akong mga logo ng ahensya ng
pamahalaan na may kinalaman sa Disaster
Mitigation.Bibigyan kayo ng clue kung ano ang Opo!
tungkulin ng ahensyang ito saka ninyo huhulaan.
Handa na ba ang lahat?

Simulan natin:

“Ano ang ibig sabihin ng NDRRMC? Ang


Ma’am ang nasa larawan po ay ang National Disaster
sagot ay hindi dapat acronym.” Risk Reduction and Management Council.
(Tatawag ng batang sasagot)

Tama Jolina! Ito ang pangunahing sangay na may


kinalaman sa paghahanda, pagtugon, at pagpaplano
sa tuwing panahon ng sakuna.
Ito naman ang sunod na logo, tignang maigi.

Ito ang ahensyang nag- iisyu ng mga ulat- panahon at


mga babala tuwing may bagyo o malakas na ulan.
Sino kaya ang makakapagsabi ng buong pangalan ng
PAGASA? Ma’am ang PAGASA po ay ang Philippine
(Tatawag ng batang sasagot) Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services
Administration.

Tumpak Karen!
Napakahusay! Tignan natin kung masasagot ninyo
ang ikatlong logo:
(Tatawag ng batang sasagot) Ma’am iyan po ay ang Philippine Institute of Volcanology
and Seismology o PHIVOLCS.”

Mahusay Hazel!
Ang ahensyang ito ang nag- iisyu ng mga babala
tuwing may napipintong pagputok ng bulkan o di
kaya'y nagsusukat kung gaano kalakas ang isang
naganap na lindol.
Ngayon naman para sa huling logo:

Ma’am ako po! Iyan po ay ang Department of Social Welfare


and Development.
(Tatawag ng batang sasagot)

Tama! Mahusay Reymark. Ito ay ahensya ng


pamahalaan na may kinalaman sa pagbibigay ng
ayuda at tulong sa mga nasalantang komunidad
matapos ang isang sakuna at nangangalap ng mga
donasyon mula sa mga may malasakit na
mamamayan.

Ang mga nabanggit nating mga ahensya ay ilan Ito po ang pagbawas sa mga masasamang epekto ng
lamang sa mga napakaraming sangay ng pamahalaan isang sakuna sa ating
na may kinalaman sa Disaster Mitigation. Bago tayo pamayanan.
tumungo sa panibago nating paksa, Eppiea ano nga
muli ang konsepto ng Disaster Mitigation?

Mahusay Eppiea! Sa konsepto ng Disaster Mitigation, Ma’am may mga sakuna po na hindi na po natin
paano nasabing mababawasan ang epekto ng isang mapipigilang maganap dahil sa pwersa ng kalikasan.
sakuna? Ngunit mayroon tayong magagawa bilang mga
mamamayan tulad ng paghahanda sa sakuna upang
(Tatawag ng batang sasagot) hindi na lumala ang masamang epekto nito sa atin.

Mahusay Michael! Bilang panghuling katanungan,


gaano kahalaga ang ating papel bilang mamamayan sa Napakahalaga ng ating papel sa Disaster Mitigation
Disasater Mitigation? sapagkat kung hindi tayo kikilos at maghahanda para
sa ating kaligtasan, mabababale-wala ang
(Tatawag ng batang sasagot) paghahandang ginawa ng kinauukulan sa oras na tayo
mismo ay hindi makipagtulungan.

Opo!
Magaling Benjamin. Nawa sa mga darating na
panahon ay lagi kayong handa sa sakuna at hindi kayo
maging mga biktima ng mga kalamidad. Maaasahan
ko ba iyon?

C. Pagganyak
1. Paglinang ng Aralin
Bago natin pormal na simulan ang ating talakayan ay
magkakaroon muna tayo ng isang aktibidad na (Hahanap ang mga mag-aaral ng kanilang mga
tatawagin nating Think-pair-share. Sa aktibidad na ito, kapareha.)
may mga ipapakita akong mga larawan sa inyo at nais
kong humanap kayo ng inyong mga kapareha at suriin
ninyo ang mga larawang ipapakita ko. Opo!

Nakahanap na ba ng kapareha?

Magaling. Ngayon, sa loob ng limang minuto, suriin


ninyo ang ang mga sumusunod na larawan

(Susuriin ng mga pares ng mag-aaral ang mga


larawan.)

Opo!

Tapos na bang suriin ang mga larawan?

Sa unang larawan po, para pong may bitak-bitak na


Tatawag ako ng ilang pares ng mag- aaral upang lupa na may hugis kamay. Yung kamay po, tila
tignan ang inyong mga nahinuha. inaabot yung isang basong tubig.

(Tatawagin ang unang pares ng mga mag-aaral.)


Doon po sa unang larawan, para kasing tigang at bitak-
Ano ang inyong nakikita sa unang larawan? bitak yung lupa. Para bang sinasabi na kulang na
kulang at natutuyo na ang pinagkukunan ng tubig kaya
nagiging tigang at tuyot na ang lupa.

Sa inyong palagay, bakit kaya inaabot nung tila hugis


Mayroon pong isang oso na nagbabasa. Tinatanong ng
kamay yung isang basong tubig?
oso sa kasama niya kung naniniwala ba siya dun sa
nabanggit sa binasa niya na endagered species na daw
silang mga oso ngunit walang sumasagot sa kanya.

Maraming salamat. Maari na kayong maupo.


Kasi po nalunod na yung kasama niyang oso sa tubig.
(Tatawagin ang ikalawang pares ng mga mag-aaral.)
Ano naman inyong nakikita sa ikalawang larawan?

Kasi natutunaw na yung yelo na tinitirahan nila.


Bakit walang sumasagot doon sa nagbabasang oso?

Base sa larawan, bakit kaya nalunod yung kasama Doon po sa kaliwang larawan, may isang batang
niyang oso? nangingisda sa isang butas sa gitna ng napakakapal na
yelo. Doon naman sa kanang larawan, nakalutang na
lang yung isang tipak na yelo kung saan nakaupo yung
Maraming salamat. Maari na kayong maupo. bata habang nangingisda sa gitna ng napakalaking
(Tatawagin ang ikatlong pares ng mga mag-aaral.) anyong tubig. Kumbaga lahat ng yelong dati niyang
inuupuan, naging tubig na lahat at kakaunti na lang
Ano naman inyong nakikita sa ikatlong larawan?
ang natira.

Tila po pabago- bago na ang panahon, minsan po


Mahusay na obserbasyon. mainit at napakaaraw tapos bigla-bigla na lang uulan.
Ngayon nabanggit ninyo ang pagkatuyot, kakulangan
ng tubig at pagkatunaw naman ng mga yelo sa
malalamig na lugar. Sa ngayon, ano ang inyong Mas mainit na po ngayon kumpara dati.
napapansin at nararamdaman ninyo sa ating panahon?

Siyang tunay. Ano naman ang napapansin ninyo sa


temperatura natin ngayon?

Global Warming po!


Tama. Ang pag-init ng panahon ay hindi lamang
dama sa ating bansa kundi maging sa ibang panig ng
daigdig. Ang pagkatunaw ng mga yelo at
pagkatigang ng lupa ay ilan lamang sa mga bunga ng
phenomenon na ito. Ano nga muli ang termino para
sa pagtaas ng temperatura ng ating daigdig?

Tumpak! Atin ngayong pag – aaralan kung ano ang


global warming at mga maaring bunga nito sa atin at
sa daigdig.
2. Talakayan
Milyun-milyong mamamayan na sa daigdig ang
matinding dumaranas ng epekto ng climate change
dulot ng global warming -- pagkawala ng buhay at
kabuhayan; pagkawala ng seguridad sa pagkain at
mapagkukunan ng ligtas na tubig; pagkasira di lang ng
mga bahayan at istruktura kundi ng buo-buong
nasyon, lalo na sa mga rehiyon ng Africa, Arctic, Asya
at mga maliliit na islang-nasyon sa Pasipiko. Ito ang
ilan sag a indikasyon ng climate change:

Ang impormasyong ito ay buhat sa Non-Government


Organization. Dahil ditto ay mas madali nating
malalaman at matutukoy kung umaapekto na nga ba
ang cimate change sa ating bansa.
Ma’am para po sa akin, isa sa sanhi ng Global
Bukod sa mga nabanggit, ano pa sa tingin ninyo ang Warming ay ang polusyon na dahil sa maling gawain
sanhi ng Global Warming? ng mga tao.

(Tatawag ng batang nagtataas ng kamay.)

Diofel?

Tama. Mahalaga na maintindihan natin kung ano itong


global warming at ang resulta nitong climate change
para maipaliwanag ang mga kaganapang may
kinalaman sa kapaligiran at kalikasan; ang dalas at (Magbabasa)
tindi ng mga sakuna dulot ng kalamidad at ang laki at
lawak ng epekto nito. Upang mabigyan pa ng mas
malinaw na paliwanag kung ano nga ba ang nilalaman
at sanhi ng Global Warming, atin na itong tatalakayin.
Maari mobang basahin ang kahulugan Shaina?

Ang “global warming” ay kinatatangian ng pagtaas ng


karaniwang temperatura ng mundo kaya’t nagdudulot
ng pangkalahatang pag-init ng kalawakan, ng kalupaan
at karagatan (global heating of the atmosphere, land
and oceans).
Ayon sa binasa ni Shaina, ang pinatutungkulan ng
global warming ay malakihan o ganap na pagbabago
sa klima o panahon sa mga lugar sa daigdig (global
climate change), di makalkula o paiba-ibang klima o
panahon (global climate variation) at matitinding mga
kaganapang may kinalaman sa weather patterns sa
iba’t ibang panig ng daigdig (tsunami, hurricane,
atbp). Magpapangkat – pangkat ang mga mag – aaral at
iuulat ng mga mag – aaral ang mga paksang naibigay
Sa pagpapatuloy ng ating talakayan, hahatiin ko ang
sa kanila.
klase sa apat na pangkat at iuulat ang mga sumusunod
na paksa:
PANGKAT I:
Gamit ang isang Concept Map, ilagay ang kahulugan
at Konsepto ng Global Warming.

PANGKAT II:
Para naman sa ikalawang pangkat, gumamit ng Fish
Bone Diagram upang ilagay ang mga sanhi ng global
warming.

PANGKAT III:
Panghuli, isang flow chart naman ang inyonh
gagamitin para sa mga epekto ng global warming.

Bibigyan ko lamang ng sampung minuto ang bawat isa


upang tapusin ang nasabing aktibidad.

Mungkahing rubric para sa Group Reporting:

3 2 1
(Napakahusay) (Kainaman) (Pagbutihin)
Kaalaman sa Lubos na batid May Hindi ganap
Paksa ang mga detalye pangkalahatang ang
paksa kaalaman sa pagkaunawa
paksa sa paksa
Komunikasyo Malinaw ang pag- May kaunting pag- Magulo at
n uulat at aagam-agam hindi malinaw
presentasyon sa habang nag-uulat ang pag-uulat
klase sa klase at
presentasyon
sa harap ng
klase
Paggamit ng Maganda at Sa Magulo at hindi
Visual Aids kaaya-aya ang mga pangkalahatan, presentable ang
ginamit na visual presentable ang visual aids na Opo!
aids ginamit na visual ginamit
aids
Kooperasyon Bawat isang Isa o dalawang Tatlo o higit
ng mga miyembro ay may miyembro ang pang
miyembro ng ginagampanang hindi gumawa ng miyembro ang (Magsasagawa ng naturang aktibidad.)
pangkat tungkulin sa pag- tungkulin sa hindi gumawa
uulat kanyang pangkat ng tungkulin sa
kanyang
pangkat
PUNTOS:_______ x 50 + 50 = %
12

Naintindihan ba ang panuto?

Magaling! Simulan na natin.


(Magbibilang ng oras.)

Tapos na ang itinakdang oras! Maaari ng simulan ang


presentasyon.

(Ipapaliwang ang aktibidad sa harap ng klase.)


Upang matiyak ang kanilang kasagutan narito ang
kahulugan at konsepto ng Global Warming.
Ang Global Warming at dulot nitong Climate Change
ang isa sa pinakamalaking usapin ngayon na
kinakaharap ng mamamayan ng daigdig. Isang
usaping nangangailangan ng kagyatan at
pangmatagalang solusyon sa pinakamaagang panahon.
Patuloy pa rin sa pagtaas ang greenhouse gas
emissions na siyang salarin sa global warming at
patuloy sa paglaki ang konsentrasyon ng greenhouse
gases na ito sa kalawakan. Nagpapatuloy ang banta ng
panganib na maaari pang idulot ng pagkasira ng
ozone; pag-init ng mundo; pagkatunaw ng glaciers, ice
sheets at sea ice; pagtaas ng tubig-dagat at iba pang
kaganapan sa kalikasan na di pa nasaksihan sa
kasalukuyang panahon. Pinatutungkulan din nito ang
mga usapin ng:
 global ocean acidification
 pagkasira ng ozone layer ng mundo
Iniulat naman ng United Nations Intergovernmental
Panel on Climate Change (IPCC) ang mga panganib
na kaakibat ng climate change:
 pagkasira ng kalupaan
 kasalatan sa tubig at pagbaba ng kalidad ng
tubig
 suliranin sa suplay ng pagkain at malaganap na
kagutuman
 pagkalat ng mga sakit at pangkalahatang
pagbagsak ng antas ng kalusugan ng tao

Napakahusay! Tama ang inyong mga kasagutan. (Ipapaliwang ang kanilang kasagutan sa klase.)
Ngayon dumako naman tayo sa ikalawang pangkat na
magtatalakay ng mga sanhi ng Global Warming.

Magaling ikalawang pangkat. Narito pa paliwanag ng


mga sanhi ng Global Warming.

Ang pangunahing sanhi ng Global Warming ay ang


parami ng paraming konsentrasyon ng mga gas tulad
ng Carbon dioxide, methane, nitrous oxide,
chlorofluorocarbons at ozone na naiipon sa atmospera.
Ang mga gas na ito ay nagsisilbing makapal na balot
na nagpapainit sa mundo.
Ang mga gas na ito o mas kilala bilang “greenhouse
gases” ay dala ng polusyon mula sa iba’t – ibang
gawain ng tao sa mundo, gaya ng mga pagawaan ng
(factories), at coal – mining pati narin ang
Deforestation o ang pagputol at pagsunog ng
kagubatan.
Sunod naman ang ikatlong pangkat, idikit na ninyo
ang inyong sagot sa pisara at simulan na ang pag-
papaliwanag. (Magpapaliwanag ng kanilang kasagutan sa klase.)

Mahusay, narito naman ang karagdagang halimbawa


sa mga epekto ng Global Warming.
Implikasyon at Epekto ng Global Warming

1. Sa Lipunan
 Panlipunang Dislokasyon (Social Dislocation)
Sinasabi ng mga islang-nasyon, na kapag tumaas pa
ang temperatura ng mundo sa 1.5 degrees Celsius, na
may katumbas na 0.9 metrong pagtaas sa lebel ng
tubig-dagat, ay lulubog ang maraming nasyong tulad
nila at iba pang mabababang lugar laluna sa Asya at
Pasipiko. Nanganganib na maging climate refugees
ang buo-buong populasyon ng mga islang-nasyon
gaya ng Maldives, Vanuatu at Tuvalu. Magaganap
ang malakihang migrasyon dahil sa pagbaha,
matinding tagtuyot at mga kalamidad.
 Pagdami Ng Mga Nagkakasakit Sa Lipunan
Ang climate change at malawakan at malakihang
migrasyon dahil sa epekto nito ay malaki ang
kontribusyon sa paglaganap ng mga sakit laluna ang
may kinalaman sa pagdami ng peste, insekto at mga
sakit na air at water-borne. Maaaring ang sakit ay
makuha rin sa kakapusan sa tubig at pagkain sa isang
partikular na lugar sa isang bansa na kung saan hindi
sapat ang mga pangunahing pangangailangan ng tao.
Bagama’t laganap ito sa iba’t ibang bansa, maging
inspirasyon sana ito upang masolusyonan ang
problema sa climate change.
2. Ekonomiya
 Agrikultura
Kung ating titingnan sa kahit saang aspekto, ang
ekonomiya ang labis na maapektuhan kung
magpapatuloy ang labis na pagbabago ng klima sa
ating mundo (climate change). Pinakaunang
maapektuhan dito ay ang mga produkto sa ating
agrikultura katulad ng palayan. Ayon sa balita,
maraming mga palayan ang higit na napinsala sa init Opo.
ng panahon. Hindi maitatangging ang lahat ng ito’y
nagdulot ng kakulangan ng suplay sa bigas kung
kaya’t ang Pilipinas sa taong ito ay nag-aangkat na
lamang ng mga bigas upang mapunan ang kakapusan.
 Imprastraktura at mga Tirahan
Ang epekto ng Climate Change ay nakakasira sa lahat.
Higit sa lahat, nakaaapekto ito sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay kaya’t dulot nito ay nagkakaroon
rin ng pagbabago sa ating bansa. Kahit itigil pa ng Wala po.
mga tao ang mga gawain na nakapagdudulot nito ay
hindi na kayang ibalik ang mga nasira at hindi na rin
mapipigilan ang paglawak ng epekto nito.
Naiintindihan ba klas? Ito po ang naranasang pagtaas ng katamtamang
temperatura ng mundo nitong mga nakaraang dekada.

Magaling. Marahil ngayon, mas naiintindihan natin na Yung mga sasakyang nagbubuga ng maiitim na usok,
may mahalagang papel tayong mga tao sa pag papalala yung mga taong nagsisiga ng basura o nagsusunog ng
ng ating Global Warming. Mayroon din namang mga gulong, at mga pabrikang nagbubuga ng makakapal at
ahensya at programa na nag-aaral upang patuloy na maiitim na usok sa hangin.
malutas ang problemang ito tulad na lamang ng Kyoto
Protocol at Climate Change Act of 2009. May
katanungan baa yon sa aking ipinaliwanag?

D. Paglalahat
Sa inyong sariling pagkaunawa, ano nga muli ang
global warming? Para po sa akin Ma’am, sa pamamagitan ng pagsunod
ng mga alituntunin at patakarang pangkalikasan, sa
hindi paggamit ng mga kemikal at produktong may
CFC at naglalabas ng CO2, sa hindi pagsusunog ng
Ano-ano ang mga nakikita ninyong mga gawain sa mga basurang naipon.
kapaligiran ang lalong nagpapalala sa global
warming?

Sa iyong munting paraan, paano ka makaiiwas na


maging sanhi ng paglala ng global warming at paano
naman makakatulong ang sa pagbawas sa masamang
epekto nito?

(Tatawag ng batang nagtataas ng kamay)


Mia?

(Manunuod)
Napakahusay, Mia! Tama iyon sapagkat tayong mga
tao ang may pinaka – malaking kontribusyon sa
paglala ng Global Warming kaya naman malaki ang
mababawas nito kung marami sa atin ang susunod sa
mga alituntunin upang hindi na lumalala ang Global
Warming sapagkat tayo rin naman ang naapektuhan
nito.
Ma’am ayon po sa pinanood ko, Malaki ang epekto ng
E. Paglalapat mga tao sa global warming lalo n asa paglala nito
1. Pagpapahalaga sapagkat sa paglipas ng panahon ay sya ring pag bilis
Bago tayo tumungo sa pangwakas na gawain, mayroon ng pag – unlad di lang ng mga tao kundi ng mga
akong short film palabas na ipapanuod sa inyo. Nais bagay. Kaya naman, mas dumarami ang mga sanhi ng
paglala ng Global Warming halimbawa na lamang ng
kung panuorin ninyo ito ng maigi at pagnilayan.
mga malalagong pabrika na siyang naglalabas ng usok
Pagkatapos ng palabas ay hihingin ko ang inyong
na nakakasira sa ating ozone layer na siyang balik sa
reaksyon patungkol sa short film. ating mga tao ng kalikasan sapagkat nakakaranas tayo
ng mas mainit na panahon na maaring mag – dulot di
(Ipapalabas ang short film) lamang ng pagka – irita kundi pati narin ng sakit tulad
ng heat – stroke at cancer sa balat.

Ano ang reaksyon ninyo sa video? Ano sa tingin ninyo


ang epekto ng mga tao sa global warming, at ano
naman ang epekto nito sa ating mga tao?
(Tatawag ng batang nagtataas ng kamay)

Teoffanny?

Mahusay na kasagutan Teoffanny! Marahil nga


madami nang pagbabago ang nararanasan natin sa Opo!
paglipas ng panahon subalit huwag nating
kakalimutan na mas may mahalagang bagay parin na
dapat nating pahalagahan at yun ay ang ating (Sisimulan na ang naturang gawain)
kalikasan.

2. Pangwakas na gawain
Bilang panghuli, magkakaroon tayo ng pangkatang
pangwakas na gawain. Nais kong sagutin ninyo ang
mga sumusunod na katanungan at ipaliwanag ito sa
klase.
PANUTO: Gumawa ng isang action plan para sa
inyong pamayanan. Tukuyin ang mga gawaing (Presentasyon)
nakapagdudulot ng global warming at magbigay ng
tatlo hanggang limang mungkahing programang
tutugon sa pangangalaga para sa kapaligiran.

Naiintindihan ba ang panuto ng gawain?

Maari na kayong magsimula!

Pamantayan sa Paghuhusga ng Gawain:


Kaugnayan sa Paksa 25%
Kaakmaan ng Impormasyon 25%
Presentasyon (Paliwanag) 50%
Kabuuan 100%

IV. PAGTATAYA (EBALWASYON)


PAGSUSULIT I. TAMA o MALI
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Isulat ang TAMA sa patlang
kung ang pangungusap ay naghahayag ng tama, MALI naman kung hindi at salungguhitan ang nagpamali sa
pangugusap at isulat ang sagot sa patlang.
________1. Sa patuloy na pagtaas nito, patuloy na lalala ang Global Warming na sya ring sisira sa ozone,
pag init ng mundo at pagkatunaw ng ice glaciers.
________2. Ang pangunahing sanhi ng Global Warming ay ang parami ng paraming konsentrasyon ng mga
gas tulad ng Carbon dioxide, methane, nitrous oxide, chlorofluorocarbons at ozone na
naiipon sa atmospera. Ang mga gas na ito ay nagsisilbing makapal na ballot na patuloy na
nagpapalamig sa mundo.
________3. Ang mga gas na Carbon dioxide, methane, nitrous oxide, chlorofluorocarbons ay mas kilala
bilang Natural gas na nagdadala ng polusyon sa atmospera.
________4. Ang climate change at malawakan at malakihang migrasyon dahil sa epekto nito ay malaki ang
kontribusyon sa paglaganap ng mga sakit laluna ang may kinalaman sa pagdami ng peste,
insekto at mga sakit na air at water-borne.
________5. Ang epekto ng Climate Change ay nakakasira sa lahat. Higit sa lahat, nakaaapekto ito sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay kaya’t dulot nito ay nagkakaroon rin ng pagbabago sa
ating bansa.
PAGSUSULIT II. SANAYSAY (10 puntos )
Panuto: Sa isa’t kalahating papel, gumawa ng isang maikling sanaysay batay sa katanungang ibibigay. Ang
sanaysay ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan:
Pagbabalangkas ng konsepto – 2 pts
Pagbibigay ng sapat at angkop na impormasyon – 3 pts
Kabuoan at nilalaman – 5 pts
1. Ano-ano ang mga mahahalagang konseptong iyong natutunan sa paksa ng Global Warming?

Susi sa pagwawasto:
1. Tama
2. Mali – nakapagpapainit ng mundo
3. Mali – Greenhouse gases
4. Tama
5. Tama

V. TAKDANG ARALIN
1. Hanapin ang mga kahulugan ng mga sumusunod na termino:
a. Unemployment
b. Underemployment
c. Globalisasyon
d. Sustainable Development

Inihanda ni:

VENZ MAE D. SIODO, LPT


JHS Teacher-Applicant

You might also like