You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Province of Pampanga
Mabalacat City

MABALACAT CITY COLLEGE

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. LAYUNIN
a. Nalalaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga
isyung panlipunan
b. Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan
ayon sa binasang impormasyon
c. Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa
isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Kampanyang Panlipunan at Komunikatibong Pahayag

III. SANGGUNIAN
https://www.youtube.com/watch?v=QJtz7RaRUQE

IV. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
a. Panimulang Pagbati/
Balik-aral

Magandang umaga grade 8! Magandang umaga po maam!


Kamusta kayo? Mabuti naman po.

Sino ang gustong manguna sa ating (may mga nag raise hands)
panalangin ngayon?

Sige si Easy. Amen.

Amen. Salamat Easy.


Bago ang ating talakayan ay atin
munang balikan ang naging aralin
natin noong nakaraang linggo.
At ito ay tungkol sa kahusayang
gramatikal tama ba.
At alam kong nagawa ninyo ng
mahusay ang ating mga Gawain

Ngayon ay panibagong araw


nanaman ng paglalabay sa ating
bagong aralin.

b. Pagganyak

Upang magkaroon kayo ng ideya


kung ano ba ang ating tatalakayin
ngayong araw ay tignan ninyo ang
iba’t ibang larawan na aking inihanda
at suriing mabuti ang mga ito.

Presyo po ng baboy at liempo


Ano ang iyong napapansin sa ating
unang larawan?

Tama! Ito ay ang pagtaas ng presyo


ng karneng baboy.

Nag-oonline class po maam.

Ano naman ang inyong napapansin


sa ikalawang larawan?

Magaling! Ang nasa larawan ay


batang nag-oonline class.

Mga nagsisimba po na may social-


distancing.

Dumako naman tayo sa ating


ikatlong larawan. Ano ang
napapansin niyo?
Tumpak! Mga sumisimba pero
malayo ang kanilang pagitan.

May ideya na ba kayo kung ano ang


ating tatalakayin?

c. Pagtalakay

Ang tatalakayin natin ngayon ay


tungkol sa Isyung Panlipunan.

Ang isyung panlipunan ay mga


paksa, problema, argumento na
pinag-uusapan na binibigyan ng
malalim na pansin at panahon upang
malutas.
Ito ay mga mahahalagang
pangyayari o kaganapan sa loob ng
bansa na may malawakang epekto
sa iba’t ibang sector ng lipunan na
kinabibilangan ng mga sumusunod:

 Pamilya- sila ang


pangunahing institusyon ng
lipunan. Ang mga isyu ng
anak at ng mga magulay ay
isang panlipunang isyu na rin.
 Simbahan- ito ay itinaguyod
na komunidad upang
malayang ipagdiwang ang
paniniwala. Kalimitang
ginugugulan ang mga isyung
moralidad ng simbahan.
 Pamahalaan- binubuo ito ng
mga tao at sangay ng mga
pinuno ng isang bansa. Ang
kalimitang isyu rito ay tungkol
sa batas at karapatang
pantao.
 Paaralan- tinatawag na
ikalawang tahanan ng mga
kabataan. Ang isyu tungkol sa
edukasyon at karunungan ang
mga pinakaimportanteng
ginaganapan ng mga
paaralan.
 Ekonomiya- ang
pagbabahagi ng yaman o ari-
arian sa lipunan ay malaking
isyu dahil ang lahat ng tao ay
may pangangailangan sa
araw-araw.

Anomang isyu ang harapin ng bawat


lipunan, napakahalaga pa rin na
Makita ang pagkakaisa para sa
ikagaganda at ikatitibay nito.

May kasabihan nga tayo na “Juan for


all, All for one”.

Sa kasalukuyan, malaki ang


ginagampanang papel ng mass
media sa buhay ng tao. Ang iba-
ibang midyum na ito tulad ng
broadcast media na radyo at
telebisyon, print media na binubuo ng
pahayagan, komiks, magasin at
kontemporaryong dagli, mga popular
na panitikan tulad ng patalastas,
awit, islogan at rap.
Gayundin ang mga pelikula at radio
technology a nagsisilbing mekanismo
sa pagbabago ng kulturang Pilipino
sapagkat may kakayahan itong
baguhin ang paniniwala at pag-iisip
sa mga tao sa mabilis na paraan.
Kaya naman sa kasalukuyang
panahon ang lahat ng ito ay
nagagamit na instrument sa 1. Pumili ng isang
kampanya tungo sa kamalayang napapanahong isyung nais
panlipunan o social awareness mong gawan ng social
campaign. awareness campaign.
2. Tukuyin kung sino ang grupo
Mayroon tayong mga hakbang sa o pangkat ng mga tao na
pagbuo ng isang social awareness nais mong makabasa o
campaign o kamalayang panlipunan. makarinig ng iyong gagawin.
Pakibasa ang una. 3. Magsaliksik ng mahalagang
datos o impormasyon hinggil
sa isyu o paksang iyong nais
bigyang-pansin upang
magkaroon ng sapat at
malawak na kaalaman
hinggil ditto.

Tama! Sunod, Opo maam.


4. Alamin kung anong paraan ang
iyong gagamitin sa pagsasagawa ng
iyong kampanya.
5. Magsagawa ng mahusay na Para po magkaroon sila o makaisip
pagpaplano sa pagbuo ng balangkas po ng solusyon para hindi na po
ng isasagawang campaign. lumaki yung problema.

Naiintindihan ba klas?

d. Paglalahat

Mahalaga ba na may kaalaman ang Aalamin ko muna ang hangganan


bawat isa tungkol sa isyu sa paligid? ng mga aking nasasakupan kug
Bakita kaya? ang hakbang na ito ay magiging
epektibo.
Tama! Mahalaga na may kamalayan
tayo sa mga isyu sa ating paligid
upang makaiwas at makatulong tayo.

Kung ikaw o kayo ay mabibigyan ng


pagkakataon na maging lider sa
kampanya hinggil sa mga isyung
panlipunan, ano ang iyong hakbang
upang maisakatuparan ito?

Mahusay! Napakagandang sagot,


tama no, dapat na alam ng lahat at
may kakayaan silang lahat uoang
makatugon sa iyong gagawing
kampanya.

e. Aplikasyon

Isulat sa sagutang papel ang


natutunan mula sa aralin gamit ang
mga gabay sa ibaba:
Nauunawaan ko na _________.
Napagtanto ko na _________.
Kailangan ko pang malaman ang
____.
V. PAGTATAYA
A. Magbigay ng limang (5) isyung panlipunan na mayroon sa Pilipinas
gayundin ang kaakibat na posibleng solusyon dito bilang isang mag-aaral.
Sagutan sa inyong sagutang papel.

VI. TAKDANG-ARALIN
Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social
awareness campaign. Gumamit ng makukulay na panulat at bond paper
bilang inyong campaign materials.

You might also like