You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Province of Pampanga
Mabalacat City

MABALACAT CITY COLLEGE

MASUSING BAGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang mga bahagi ng pananaliksik sa Kabanata 2
b. Nalalaman ang wastong gamit ng mga bahagi ng pananaliksik sa
Kabanata 2
c. Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa bawat bahagi ng papel
pananaliksik sa Kabanata 2

II. PAKSANG-ARALIN

Pagbuo ng Pananaliksik

III. SANGGUNIAN

IV. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Pagbati/
Balik-aral

Magandang umaga klas! Magandang umaga po ma’am.


Ngayong araw na ito ay
pangungunahan tayo ng panalangin Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng
ni Juliana. Espirito Santo. Amen.

Noong nakaraang araw, ano-ano ang


mga pinag-aralan natin tungkol sa
papel pananaliksik?
Tinalakay po natin ang pananaliksik
Sige Mikey, ano ang mga iyon.
na kung saan nagbigay po kami ng
aming sariling pananaw sa salitang
“Pananaliksik”
Gumawa po kami ng introduksyon
Tama. Ano pa? Gabriel? para sa magiging paksa naming sa
papel ng pananaliksik

Mahusay at nakinig at naaalala ninyo


ang ating tinalakay noong nakaraan.
Sa pamamagitan ng ating tinalakay
sa Kabanata 1, may malaking bahagi
ito para sa ating susunod na
talakayan.

Ngayon nabanggit na ninyo kung ano


ang ating mga ginawa noong
nakaraang talakayan.
Sa inyong palagay, ano kaya ang
susunod na hakbang sa paggawa ng
papel pananaliksik base sa inyong
ginawa noong nakaraang araw. Sa palagay ko po ma’am dahil
Mayroon ba kayong ideya? natapos na tayo sa panimula,
Nag raisehand si Beatrix. Sige Bea kahalagahan at saklaw, tutungo na
ano sa palagay mo ang sususnod na po tayo sa pagtatanong o pag
hakbang? iimbestiga. Kakalap po ng mga
karagdagang impormasyon
susuporta sa pananaliksik.

Magaling!

B. Pagtatalakay (Powerpoint
Presentation)

Talakayin naman natin ngayon ang


Kabanata 2 na kung saan ito ang
susunod na hakbang sa paggawa ng
papel pananaliksik.

Batayang Konseptwal. Maaari mo


bang basahin kung ano ang Ang BatayangKonseptwal ay
batayang Konseptwal? tumalakay sa mga ideya o konsepto
Christopher. ng mananaliksik ayon sa kaniyang
isasagawang pag-aaral.

Ang batayang konseptwal po ay


tumutukoy sa set ng mga mag-
Ngayon, batay sa iyong binasa, ano kakaugnay na konsepto, teorya,
ang iyong sariling pananaw o ang kahulugan at proporsyon na
pagkakaintindi mo rito. nagpapakita sa sistematikong
pananaw. Sa pamamagitan ng
pagtukoy sa relasyon ng mga
baryabol sa paksang pag-aaralan.

Ang Batayang Teorotikal ay


Ok magaling! naglalahad ngmga kadahilaan kung
Susunod, ang batayang teorotikal bakit kinakailangang humanap pa ng
maaari mo bang basahin Raino. mga panibagong datos ang
mananaliksik na kanya naming
susuriin, ipaliliwanag at lalagumin.

Bilang mananaliksik, hindi lamang


Ano ang pagkakaunawa mo sa iyong magbabasa sa iisang datos kung
binasa.. kailangan pang maghanap pa ng
panibagong datos upang sa gayon
ay maging matibay ang inyong papel
pananaliksik.

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa


Tumpak!. Tumungo na tayo sa aklaw delimitsyon ng pag-aaral na kung
at Limitasyon ng pag-aaral. Sino pa saan ipinaliliwanag ang problema ng
ang hindi ko natawag? pananaliksik, ang lugar na
Ayan si Juliana, pakibasa. ginaganapan, ang mga nakilahok at
ang instrumenting ginamit sa
pananaliksik.

Ok salamat. Sa madaling salita klas,


ilalahad ng mananaliksik kung sino
ang taga-tugon na gagamitin sa
isasagawang pag-aaral, saan at
kalian ito gagawin.

At ang huling bahagi ay ang


paglalahad ng key terms sa pag-
aaral.
Dito, ang pagbibigay ng kahulugan ay
maaaring mailahad na koseptwal na
kung saan ito ay base sa konsepto o
ideya na kadalasang makikita ang
kahulugan sa diksyunaryo o
operasyonal na kung saan konsepto o
ideya ang base sa kung paano
nagagamit sa pag-aaral. Opo ma’am.

Klaro ba klas? Wala po.

May katanungan ba?

Kunin ang inyong notebook. Sagot


lang ang isusulat ninyo at isend sa
akin sa messenger kapag natapos na.

C. Paglalahat

Sagutin ang mga tanong.

____1. Dito inilalarawan o binibigyan


ng mas malinaw na kahulugan ang
mga iilang salita.
____2. Isang gabay na siyang
kumakatawan at nagpapatatag sa
isang pag-aaral
____3. Ito ang pangunahing tema at
panuntunan ng pagsisiyasat na
ipinakikita sa pamamagitan ng isang
presentasyon ng paradigma ng
pananaliksik na kailangang
maipaliwanag nang maayos.
____4. Ito ay ang naglalarawan sa
kabuuang sakop ng pananaliksik

V. PAGTATAYA
 Magbigay ng tig-isang halimbawa ng Batayang Koseptwal at Teorotikal.

VI. TAKDANG ARALIN


 Magtala ng limang pamagat na maaaring maging paksa sa paggawa ng
pananaliksik.

You might also like