You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA PAGTUTURO NG PANANALIKSIK

I. LAYUNIN
-Sa loob ng isang oras at tatlumpung minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Matukoy ang mga bahagi ng pananaliksik sa kabanat 2


 Makapagbahagi ng sariling opinion batay sa kanilang isasagawang papel pananaliksik
 Makapagbibigay ng mga Halimbawa sa bawat bahagi papel pananaliksik sa kabanata 2

II. PAKSA
Paghahanda ng Pananaliksik

Sanggunian: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Materyales: Laptop, aklat ng Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimula
 Pagdarasal

Maaari mo bang pangunahan ang pagdarasal Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito Santo,
______. Amen.

Maraming salamat.

Magandang Hapon Class! Magandang Hapon din po Sir!


(Magsisiupo ang mga mag-aaral)
 Pagganyak
(Pagbabalik-Tanaw)
Noong nakaraang araw anu-ano ang mga pinag-
Aralan natin tungkol sa papel pananaliksik?

Sige nga ______. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sir, tinalakay po natin ang pananaliksik na kung


Saan nagbigay po kami ng aming sariling pananaw
Sa salitang “Pananaliksik”
Ok, maliban sa sagot ni_____, ano pa ang mga
ginawa ninyo nung tinalakay natin ang kabanata 1

Sige nga _______ (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

gumawa po kami ng Introduksyon para sa magiging


paksa naming sa papel pananaliksik.
Ok, sa pamamagitan ng ating tinalakay sa
Kabanata 1, ay may malaking bahagi ito para sa
ating susunod na ating tatalakayin.

Madalas po ay pinapagawan kami ng


Konseptong Papel at Term Paper.
B. Paglalahad
Ngayon nabanggit na ninyo kung ano ang ating
mga ginawa noong tinalakay natin ang kabanata
1.

sa inyong palagay class, anu kaya ang susunod


na hakbang sa paggawa ng papel pananaliksik
base sa inyong ginawa noong nakaraang araw.

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

 Pag-iimbestiga
 Magsasaliksik ng iba’t ibang pananaliksik
gamit ang libro at Internet.

Ok, ang mga sinabi ninyo ay may kinalaman sa


susunod na hakbang sa paggawa ng papel
pananaliksik.

Ok, talalakayin naman natin ngayon ang


Kabanata 2 na kung saan ito ang susunod na
hakbang sa paggawa ng papel pananaliksik
magsasaliksik kayo batay sa inyong paksa base
doon gagamit kayoi ng iba’t –ibang libro at
Internet na aakma sa inyong paksa.
Ok po Sir!

(Powepoint presentation)
A. Batayang Konseptwal
Maari mo bang basahin kung ano ang batayang
Konseptwal?
Sige nga_______ (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ang Batayang Konseptwal ay tumatalakay sa mga


ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang
Isasagawang pag-aaral.
Ok, batay sa binasa mo ibigay mo ang sariling
Pananaw mo o reaksyon lamang

Ang batayang konseptwal po ay tumutukoy sa set ng


mga mag-kakaugnay na konsepto, teorya,
Kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa
Sistematikong pananaw. Sa pamamagitan ng
pagtukoy sa relasyon ng mga baryabol sa paksang
pag-aaralan.
Ok Magaling!
Nagyon, magpapakita ako ng halimbawa na
Aakma sa inyong kurso upang lubos pa ninyong
Maunawaan.

(Magpapakita ng Halimbawa) Opo Sir!

susunod, ang batayang Teoretikal maaari mo


bang basahin ito

sige nga______
(magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ang Batayang Teoretikal naman ay naglalahad ng


mga kadahilaan kung bakit kinakailanagang humanap
pa ng mga panibagong datos ang mananaliksik na
kanya naming susuriin,
Ipapaliwanag at lalagumin
Ipapaliwanag mo nga ang inyo binasa? Sariling
pananaw lamang.

Bilang mananaliksik hindi lamang kayo magbabase


sa iisang datos kung kailanagan pang maghanap pa
ng panibagong datos upang sa gayon ay maging
matibay ang inyong papel pananaliksik.

Ok Magaling!

(Magbibigay ng Halimbawa)
Susunod, Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral
Basahin mo nga______

(Magtataas ng Kamay ang mga mag-aaral)

ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng


pag-aaral na kung saan ipinapaliwanag ang
problema ng pananaliksik, ang lugar na
pinagaganapan, ang mga nakilahok at ang
instrumentong ginamit sa pananaliksik.

Ok salamat______

Sa madaling salita class, ilalahad ng mananaliksik


Kung sino ang tagatugon na gagamitin sa
isasagawa ng pag-aaral, saam at kailan ito
gagawin.

Susunod, Basahin mo nga____

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

ang huling bahagi ng unang kabanata ay ang


paglalalahad ng key terms sa pag-aaral.

Dito, ang pagbibigay ng kahulugan ay maaaring


mailahad na konseptwal na kung saan ito ay base
sa konsepto o ideya na kadalasang makikita ang
kahulugan sa diksyunaryo o operasyonal na kung
saan konsepto o ideya ang base sa kung paano
nagagamit sa pag-aaral.

(Magbibigay ng Halimbawa)

Ok class naintindihan ninyo? May katanungan ba?

Wala po Sir!

Ngayon, dadako na tayo sa mga kaugnay na


literatura at pag-aaral
Ok po Sir!
 Kaugnay na Literatura
Ok maaring mo bang basahin______

(Magtataas ng Kamay ang mga Mag-aaral)

Matutunghayan sa bahaging ito ang mga nakalap


na referensyang may kaugnay sa ginawang
pag-aaral.
Ok base sa binasa mo, ano ang maaaring gamitin
ng isang mananaliksik upang makakuha siya ng
mga referensyang gagamitin sa pananaliksik

 Aklat
 Disertasyon
 Tesis
 Dokumento
 Artikulo
 At iba pang sanggunian.

Magaling! Maari ka ng umupo.

Dito Class, isusulat muna ang nakuhang pahayag


sa bawat awtor at isusulat sa katapusan ng
pahayag ang apelyido ng awtor at taon ng
pagkalathala o pagkakagawa nito,

At ang panghuli, basahin mo nga _____

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ang Kaugnay na Pag-aaral- ito ay kinapapalooban ng


mga ideyang hinango sa mga tesis at disertasyon.
Sa bawat pahayag na kinuha, isinusulat ang apelyido
ng mananaliksik at ang taon ng pagkakagawa ng
Pagkakagawa ng pag-aaral.
Dito, kailangang pagbukurin ang mga ideyang
hinango mula sa mga lokal at dayuhang
pag-aaral.

Sa Lokal, ang mga local na pag-aaral at literature


ay hango sa pag-aaral na ginawa sa loob ng
Bansa
Sa Dayuhang naman, ditto naman sa mga pag-
aaral na gawa sa ibang bansa

(Magpapakita ng Halimbawa. Lokal at Dayuhan)

Opo Sir!
Nakikita ninyo ba ang pagkakaiba Class?

III. Paglalapat
(Pangkatang Gawain)
Sa bawat Grupo pag-uusapan nila kung paano
Nila isasagawa ang kanilang susunod na hakbang
sa paggawa ng papel pananaliksik Kabanata 2 ng
aming tinalakay ngayon. ( ang mga mag-aaral ay
magkakalap na kung ano ang mga suliranin sa
kanilang papel pananaliksik)

IV. Takdang-Aralin

1. maghanap ng kaugnay na literature (Lokal at Dayuhan) na ayon sa inyong


paksa sa papel pananaliksik. (APA Format)

2. Bashin at pag-aralan ang susunod na hakbang sa paggawa ng papel


pananaliksik (Kabanata 3) at magbigay ng sariling reaksyon batay sa inyong
binasa.

You might also like