You are on page 1of 23

KABANATA 1

INTRODUKSYON
o Panimula / Introduksyon
o Rebyu ng Literatura at
Pag-aaral
o Sintesis
o Balangkas Teoretikal

o Balangkas Konseptuwal
o Layunin at Suliranin
o Saklaw at Limitasyon
o Kahalagahan ng Pag-aaral
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

Ayon kina Ordonez, et al. (2007), ang


pananaliksik ay pahayag sa mataas na
lebel ng pagsusulat at dahil
nangangailangan ito ng pangangalap ng
mga datos, pag-iimbestiga, pagsusuri,
pagbibigay hinuha, at sa pagtatapos ay
pagbibigay kongklusyon at
rekomendasyon.
PANIMULA / INTRODUKSYON

∙ Ito ay isang maikling talata ang kinapapalooban ng


pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Dito
tinatalakay ang mga sagot sa tanong na “ano at bakit.”

∙ Sa bahagi ring ito nakatala ang mga mahahalagang ideya


at impormasyon sa kung paano nagsimula ang paksang
pinili
PANIMULA / INTRODUKSYON

∙ Krusyal ang papel ng pinakaunang pangungusap na bibitawan


sa bahaging ito sapagkat kinakailangan ng sapat na kaalaman
at impormasyon sa paksa o isyung nais bigyan ng kasagutan.
Siguraduhin din na mababanggit dito ang mga naunang
pag-aaral na may kaugnayan sa paksa o konseptong nais
bigyang pansin.
∙ Ang Rebyu ng kaugnay na literatura at pag-aaral ay isa sa
mga mahalagang bahagi ng pananaliksik,sa parteng ito
naipapakita ng mananaliksik kung paanong ang
mga pag-aaral ay konektado o ipinapakita ang ganap na
kaalaman tungkol sa mga kaugnay na pag-aral at mga
pangunahing ideya na naglalahad ng mga impormasyon
tungkol sa paksang tinalakay.

REBYU NG LITERATURA AT PAG-AARAL


o Ayon kay Dela Cruz (2016) ang rebyu ng kaugnay
na literatura at pag-aaral ay isang pormal na
pangangalap ng propesyunal na literatura na may
kaugnayan sa isang particular na suliranin ng
pananaliksik. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay
napapakita ang antas at lawak ng kaalaman tungkol
sa mga kaugnay na pag aaral at mga
pangunahing kaisipan.

REBYU NG LITERATURA AT PAG-AARAL


KLASIPIKASYON NG REBYU NG
LITERATURA AT PAG-AARAL

o Lokal - kung ito ay inilathala sa loob ng isang bansa.

o Dayuhan - kung ito ay inilathala sa ibang bansa.

REBYU NG LITERATURA AT PAG-AARAL


KATANGIAN NG MGA REBYU NG
LITERATURA AT PAG-AARAL

o Makabago at napapanahon kung saan naisulat ng hindi


hihigit sa sampung taon na ang nakakaraan.
o Obhetibo at walang pinapanigan.
o May kaugnayan sa paksa.

REBYU NG LITERATURA AT PAG-AARAL


KATANGIAN NG MGA REBYU NG
LITERATURA AT PAG-AARAL
o Nakabase sa makatotohanang impormasyon at may
kredibilidad ang sangguniang ginamit.
o Hindi kinakailangan na masyadong marami ang kuhanin sa
teksto kun’di ang mahahalagang ideya lamang na may
kaugnayan sa paksa.

REBYU NG LITERATURA AT PAG-AARAL


SINTESIS:
Ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng iba’t
ibang mga akda upang makabuo ng isang akdang
nakapag-uugnay sa nilalaman ng mga ito. Ito kung
gayon ay isang sulating maayos at malinaw na
nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming
sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng
sumulat.
SINTESIS:

Bahagi ng pananaliksik na ang layunin ay


pagsasama-sama ng mga impormasyon,
mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang
napakahabang libro, mabuo ang isang bagong
kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa
sandaling panahon lamang.
BALANGKAS TEORETIKAL:
Ang teoretikal na balangkas ay bumubuo ng pundasyon
ng iyong pananaliksik. Nililimitahan nito ang saklaw ng
iyong pag-aaral sa nauugnay na data at ginagawang mas
makabuluhan ang iyong mga obserbasyon at iniisip. Ito ay
dinisenyo upang madagdagan ang pag-unawa at makabuo
ng bagong kaalaman.
BALANGKAS TEORETIKAL:

Ang balangkas na ito, na binubuo ng isang pormal


na teorya ay nagsisilbing batayan para sa
pananaliksik.Ito ay nagsisilbing reference point para sa
iyong proseso ng pananaliksik. Ito ang batayan ng
lahat ng pananaliksik.
BALANGKAS KONSEPTUWAL:
• Ang konseptwal na balangkas ay mas tiyak tungkol sa
ugnayan sa pagitan ng mga variable, at ito ay naiiba sa
tradisyonal na teoretikal na balangkas.

• Ito ay maaaring nakatuon sa sanhi at epekto ng mga


relasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga variable.
Maaari mo ring suriin ang kaugnayan sa pagitan ng mga
umaasa o independiyenteng mga variable.
BALANGKAS KONSEPTUWAL:
• Nakakatulong ito sa pagbuo ng iyong pananaliksik.
Naglalaman ito ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa
pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at
panuntunan ng pagsisiyasat.

• Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang


presentasyon ng paradigma ng pananaliksik na kailangan
maipaliwanag nang maayos. Ito ay binubuo ng
Paghahanda (input), Proseso (process) at Kinalabasan
(Output).
LAYUNIN AT SULIRANIN:
Ito ay isang importanteng bahagi
ng pananaliksik kung saan sa bahaging ito ang
nagbibigay ng sentro o pokus sa sa isang pag-aaral.
Ito ay naglalarawan sa isang issue na kasalukuyang
nangyayaring isyu na dapat matugunan sa
pamamagitan ng pananaliksik. Sa bahagi ding ito ay
inilalahad ang suliraning nais bigyan ng mahalagang
pokus sa suliranin. Dito rin nakikita ang mga suliranin
sa pamamagitan ng anyong patanong.
LAYUNIN AT SULIRANIN:

Ang paglalahad ng suliranin ay ang pinakasentro


ng pananaliksik. Dito nagsisimula ang lahat ng mga
katanungan na dapat masagot sa kabanata apat ng
pananaliksik.
SAKLAW AT LIMITASYON

Ito ay pagtatakda at pagbibigay-tuon (pokus) sa paksang


nais simulan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng paglilimita
o pagpapalawak ng isang paksain.

Maipapamalas ang kaalaman at pagkaunawa sa sa paksa


sa pamamagitan ng paglalatag ng mga halimbawa, kaso,
ilustrasyon, pagsusuri, at mahahalagang detalye na hinihingi
ng itinakdang sakop ng pagaaral.
SAKLAW AT LIMITASYON

Sa bahaging ito inilalahad kung sino ang respondente na


gagamitin sa isasagawang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang
lugar (saan) at panahon (kailan) ito gagawin, dito rin makikita
ang limitasyon at hangganan ng pag-aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ipinapaliwanag ang kahalagahan ng pananaliksik upang

madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa sa paksa ng

pananaliksik at ipinapaliwanag kung bakit gustong tuklasin ng

mananaliksik ang isyu.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pananaliksik ay nagpapaliwanag kung


ano ang tunay na layunin ng pananaliksik at kung ano ang
gustong malaman ng mananaliksik sa pananaliksik. Linawin ang
iyong pananaliksik at ipaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral
upang malutas ito.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like