You are on page 1of 30

THESIS TITLE

DEFENSE
(MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KABANATA 1 AT 2)
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
HUMSS/ABM/PROG-ROB
KABANATA 1
Ang Suliranin at Saligan ng Pag-aaral
Kinapapalooban ng mga pinakaahahalagang bahagi
ng pananaliksik ang unang kabanata (Suliranin at
Saligan ng Pag-aaral) sapagkat sa bahaging ito at
matunghayan ang mga batayan sa paggalugad ng
kaalaman sa ninanais na gawan ng pananaliksik.
Matatagpuan sa kabanatang ito ang sumusunod:
PANIMULA
Binibigyang-linaw ng panimula ang mga katanungang
maaaring gumugulo sa isipan ng mga mambabasa sa
isinasagawang pananaliksik sapagkat nilalaman nito
ang maiksing pagpapakilala sa makrong dulog o
malawakang pagtingin. Ipinapakita rin nito ang haylayt
ng mga pinagbatayang literatura’t pananaliksik na
nagsilbing hanguan ng suliranin ng pag-aaral.
PANIMULA
Hangga’t maaari ay nasa isa hanggang dalawang pahina
lamang ang panimula (depende sa kahirapan o paksa
ng pananaliksik), gumamit ng mga napapanahong datos
at istadistika. Wakasan ang pagpapahayag sa seksiyong
ito sa pamamagitan ng pagbibigay-linaw sa layunin ng
pag-aaral.
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAG-
AARAL
Nagiging karaniwang kamalian ng mga sumusulat ng
seksiyong ito ang paglalagay ng mga kasaysayan ng
institusyon o paksang ginagawan ng pag-aaral.
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAG-AARAL
Dapat na inihahayag sa bahaging ito ang kaligiran at
saklaw ng pag-aaral upang makapagpakita ng malinaw
na dahilan na ang paksang pinag-aaralan ay
katanggap-tanggap na isagawa o isakatuparan.
Naghahatid ito ng kaalaman sa mga mambabasa kung
saan ipinokus ng mananaliksik ang paksa at nagbibigay
limitasyon sa salik ng paksang inaaral. Detalyado ring
ipinaliliwanag sa bahaging ito ang mga dahilan kung
bakit napakahalaga ng paksa ng pag-aaral.
BATAYANG TEORETIKAL
Inilalarawan at ipinaliliwanag ng bahaging ito ang mga
teoryang pinagbatayan ng isinasagawang
pananaliksik/pag-aaral na kinuha mula sa mga
kaugnay na pag-aaral o literatura. Binibigyang-linaw
din sa bahaging ito ang relasyon sa pagitan ng mga
pangunahing baryabol ng teorya/mga teorya. Kung may
figyur o modelo ng teoryang ginamit, kinakailangan
itong mailahad nang maayos at maipakita sa
pananaliksik.
BALANGKAS KONSEPTUWAL
Binibigyang-linaw ng bahaging ito ang mga elemento ng
pinaghanguang teorya na ginamit sa pag-aaral.
Matatagpuan din sa bahaging ito ang mga dayagram o
paradaym na siyang nagpapakita kung paano nabuo o
binuo ang isinasagawang pag-aaral. Kinakailangang
maihayag nang wasto at maipakita ang pagkakaugnay-
ugnay ng bawat bahagi ng dayagram o paradaym.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Pinakapuso at utak ng isang pananaliksik ang
bahaging ito ng pag-aaral. Nilalaman nito ang mga
katanungang pampananaliksik. Ito rin ang
nagsisilbing pinakapamagat ng pag-aaral o
pananaliksik. Sumasagot ito sa mga katanungang
“Ano, Sino, Saan at Kailan”.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Pagkaminsan ay hindi na nakikita sa paglalahad ng
suliranin ang huling dalawang bahagi (saan at
kailan), ang mga ito ay inilalagay na lamang sa
saklaw at hanggganan ng pag-aaral.
HIPOTESIS o ASUMPSYON
Inilalahad ng mga bahaging ito ang mga teorya ng
mga kaugnay na literatura at pag-aaral na maaaring
pinatotohanan o pinasubalian ng kasalukuyang
isinasagawang pag-aaral o pananaliksik.
HIPOTESIS o ASUMPSYON
Sa pangkalahatang tingin ang Hipotesis at Asumsyon
ay mga paniniwala sa panig ng mananaliksik na
maaaring kahinatnan ng kanyang isinasagawang
pag-aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ano ba ang magiging silbi ng isinasagawang
pananaliksik sa larangan na kinabibilangan nito?
Kinakailangang mailahad sa bahaging ito ang mga
matitinding batayan kung ano ang magiging ambag
ng isinasagawang pananaliksik sa paksa o larang na
kinabibilangan o sa iba pang sektor na may
kaugnayan ito.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Kailangan ding maging ispesipiko sa mga teoretikal at
praktikal na konseptong maiaambag ng mga
tinatayang matutuklasan ng isinasagawang
pananaliksik.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sino ba ang maaaring makinabang sa isinasagawang
pananaliksik at ano ang maaaring pakinabang nito
sa kanila? Dapat na ilahad ang mga tao o
organisasyon na direkta o di-direktang makikinabang
sa isinasagawang pananaliksik at anong pakinabang
ang maaaring idulot nito sa kanila.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Halimbawa: Sa mga guro, mag-aaral, paaralan, at iba
pang organisasyon may kaugnayan sa isinasagawang
pananaliksik.

Itala isa-isa at ihayag din nang ispesipiko ang mga


pakinabang na maidudulot nito sa kanila.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Hanggang saan ba ang kayang saklawin ng
isinasagawang pananaliksik? Inihahayag sa bahaging
ito ang kasaklawan (nais na pag-aralan) at
kahangganan (hindi sakop ng pag-aaralan) ng
pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang pagpili ng mga
layunin at katanungan, mga baryabol na gagamitin, at
mga gagamiting perspektibong teoretikal.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Unang dapat na makita ang kasaklawan at
kahangganan ng pag-aaral sa paglalahad ng
suliranin.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Sa bahaging ito ay dapat na magkakaroon ng ideya ang
mambabasa sa sumusunod:
PAKSA- magiging pokus ng mga katanungang sisiyasatin;
PANAHON- Oras o panahong ginugol o isinagawa ang
pagsisiyasat o pananaliksik;
PAMAMARAAN- Ano ang ginamit na disenyo at pamamaraan sa
pananaliksik;
PAGGAGANAPAN-Saang lugar ang pinangganapan ng
pananaliksik.
POPULASYON-Sino-sino ang tao o mga taong tutugon o
sasakupin ng isinasagawang pag-aaral o pananaliksik.
KATUTURAN NG MGA SALITA
Hindi makakaiwas sa gawaing pananaliksik ang
pagkakaroon ng mga terminolohiyang magagamit
nang ispesipiko para lamang sa isinasagawang pag-
aral. Sa bahaging ito ay mabibigyang-linaw ang
mambabasa hinggil sa mga pagkakagamit ng mga
kataga o salita sa loob ng isinasagawang pananaliksik
o pag-aaral.
KABANATA 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Pangunahing layunin ng kabanatang ito ang
masinsinang pagrerepaso sa mga naisagawa nang pag-
aaral na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Ang
mga kaugnay na pag-aaral ay siyang pinaghanguan o
pinagbatayan ng kasalukuyang pag-aaral. Ang mga
kaugnay na literatura naman ay mga teoryang
pinaghugutan ng mga prinsipyo at batayan upang
makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng
isinasagawang pananaliksik.
KABANATA 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Kinakailangan na ang bahaging ito ay maihayag nang
komprehensibo, napapanahon (hindi lalagpas ng
sampung taong pagitan sa kasalukuyang
pananaliksik) at magkakaugnay. Dapat ring lamanin
nito ang mga teoretikal at metodolohikal na mga
impormasyon mula sa mga naisagawa nang pag-aaral.
KABANATA 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Maaaring manggaling ang mga datos sa bahaging ito
sa iba’t ibang salik tulad ng sumusunod:

Salik Pantao- maaaring magsagawa ng mga direktang


panayam o interbyu ang mananaliksik sa mga
kinauukulan o awtoridad sa paksang tinatalakay o
kaya naman ay sa mga awtor ng nauna nang naisulat
na pananaliksik.
KABANATA 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Salik Pampapel- Ang mga naisulat na dokumento tulad
ng libro o pananaliksik ang sekondaryang materyales na
maaaring magamit. Maaaring ito ay isinulat ng lokal na
awtor o kaya naman ay banyaga. Ang mga literatura ay
nasa anyong aklat, jornal, magazine at iba pang
dokumento samantalang ang mga pag-aaral naman ay
nasa anyong publisado o di-publisadong tesis,
disertasyon at iba pang mga independeng pag-aaral o
pananaliksik.
KABANATA 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Salik Pang-elektroniko- Maaari ring gamitin ng
mananaliksik ang mga ideya o datos mula sa internet
gaya ng nakukuha sa mga search engine na google,
yahoo.com, at iba pa. Puwede ring manggaling ito mula
sa mga telebisyon, radyo, CD/DVD ROM at iba pang
gamit-elektronikong maaaring pag-imbakan ng mga
datos.
KABANATA 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Dapat na ihayag ang bahaging ito nang sang-ayon sa
paksa o thematically sang-ayon sa format na (Lokal na
Literatura, Global na Literatura, Lokal na Pag-aaral,
Global na Pag-aaral). Kinakailangang makita sa bawat
kaugnay na literatura at pag-aaral ang naging
kaugnayan o kaya’y naging gamit nito sa
isinasagawang pag-aaral o pananaliksik.
KABANATA 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Wakasan ang bahaging ito sa pamamagitan ng sintesis
o kaya’y lagom ng mga kaugnayan ng mga hinangong
literatura at pag-aaral sa magiging kahihinatnan ng
isinasagawang pag-aaral.
Ito ang magsisilbing gabay ninyo sa pagsusulat ng
Kabanata 1 at 2. Ang format ay:
1. TimesNewRoman 12
2. Doublespacing
3. 1 margin all sides

Tungkol sa format ay may isesend akong document at


iyon ang gagamitin ninyo.
Kung may katanungan ay maaari akong i-chat o i-text.
‘Yun lamang at maraming salamat! 

-Binibining Rhea
Emilio Aguinaldo College – Manila
Senior High School Department

Inihanda ni: Binibining Rhea M. Sabay


Faculty Member, Filipino Department

3/P Pangunahing Gusali 5, Emilio Aguinaldo College


Sulatroniko: rheasabay16@gmail.com/ 09260851938

You might also like