You are on page 1of 10

Unang Kabanata

Bahagi at Depinisyon
Kasama sa Bahaging ito ng
Kabanata ang Sumusunod:
1.Panimula – Nagpapaliwanag ang
bahaging ito ng malawakang
paglalarawan ng pag-aaral at
bumabanggit ng mga sitwasyon o
pahayag ng mga awtoridad upang
ipaliwanag kung bakit isinasagawa
ang pananaliksik.
2.Saligan ng Pag-aaral –
Makapagbibigay ng ideya na naging
dahilan upang isagawa ang pag-aaral
ng bahaging ito. Binabanggit din nito
ang mga impormasyon hinggil sa lugar
tulad ng lokasyong heograpikal,
kultural, at demograpikong katangian,
politikal, ekonomiko, at iba pa depende
sa ginagawang pag-aaral.
3. Balangkas Teoretikal – Nagsasaad
ang bahaging ito ng dahilan kung bakit
ang mananaliksik ay humahanap ng
mga bagong datos na susuriin,
ipaliliwanag, at lalagumin. Nagbibigay
rin ang bahaging ito ng balangkas na
nagsasaad ng teorya ng mga awtor na
pinagbabatayan ng pag-aaral upang
maipakita ang kaugnayan ng mga
variable sa pag-aaral.
4. Balangkas Koseptwal at Paradigma ng
Pag-aaral – ang bahaging ito ay nagsasaad
ng konsepto ng mananaliksik o mga ideya
niya hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.
Dapat magkaroon ng paradigma ng
pananaliksik na kinabibilangan ng
pinagbabatayan (input), proseso (process),
at kinalabasan (output). Ang paradigma ay
kinakailangang ipaliwanag ng mananaliksik.
5. Paglalahad ng Suliranin –
nagsasaad ng direksyon upang
masagot ang mga tiyak na
katanungan. Nahahati ito sa
pangkalahatang suliranin at sa mga
kaugnay na tiyak na suliraning
maaaring ipahayag nang patanong
o pasalaysay.
6. Palagay/Hinuha – ang palagay
o hinuha ay bahagi ng pananaliksik
na kailangang patunayan o suriin.
Ang palagay ay tinatanggap bilang
katotohanan batay sa obserbasyon
o batay sa umiiral na mga konsepto
na batay sa mga naunang pag-
aaral.
7. Kahalagahan ng Pag-aaral
– dito ay inisa-isa ng
mananaliksik ang magiging
kahalagahan ng pag-aaral sa
kanyang target audience.
8. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-
aaral
- Inihahanay ng mananaliksik sa
bahaging ito ang limitasyon ng
kanyang pag-aaral. Binabanggit kung
ilan ang kanyang respondents at
kung ano lamang ang saklaw ng
paksang pinag-aralan.
9. Pagpapakahulugan sa mga
Terminolohiya - sa bahaging ito,
bibigyan ng katuturang
operasyonal (operational definition)
ang mga salitang gagamitin sa
pananaliksik. Ang katuturan ay
ipapaliwanag ayon sa
pagkagagamit sa pag-aaral.

You might also like