You are on page 1of 15

MGA KASANAYAN SA

MAPANURING PAGBASA

LAARNI G. PERALTA
BALIK – TANAW

 Natalakay sa nakaraang aralin ang


kahalagahan ng ekstensibo o masaklaw na uri
ng pagbasa upang magkaroon ng interes ang
mga mag – aaral sa pagbabasa. Batay sa iyong
sariling karanasan, ano – anong uri ng
babasahin ang maaari mong simulang basahin
batay sa iyong interes? Ibahagi sa klase ang
iyong preperensiya sa pagbabasa.
IMPLIKASYON SA PAGTUTURO

 Ang mga gawain sa pagbasa na naaayon sa


interaktibong pananaw ay nagbibigay ng
pangunahing diin sa paggamit ng mga dating
kaalaman at konsepto ng mga mag-aaral sa
kanilang paligid. Ang bawat bahagi ng gawaing
pagbasa ay kakikitaan ng aktibong
partisipasyon ng mga mag-aaral.
A. BAGO BUMASA

Ang mga mag-aaral ay binibigyan na


ng mga gawain bilang paghahanda sa
pagbasa ng teksto. Sinisimulan ang
pagbabasa sa pagsisiyasat ng tekstong
babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas
na katangian ng teksto ay mahalaga
upang malaman ang tamang
estratehiya sa pagbabasa.
MGA GAWAIN BAGO MAGBASA
 Paggamit ng mga larawan,pamagat, mga bahagi ng
teksto upang magkaroon ng pangunahing ideya ang
mga mag-aaral sa babasahing teksto.

 Pagbibigay ng pangunahing pagsasanay na kailangan


sa pagtuturo ng bagong kasanayan(prerequisite
skills).

 Pagbibigay sa mga bata ng layunin sa pagbasa. Ano


ang pag-uukulan nila ng pansin s apagbabasa? Mga
tauhan ba,pangyayari o pag-alam sa sanhi atbunga?
MGA GAWAIN BAGO MAGBASA
 Pagbibigay ng guro ng bago o panimulang
impormasyon tungkolsa paksang babasahin (kung
wala o kakaunti ang kaalaman ng paksa).

 Pagtalakay sa mahihirap nasalita (kung mayroon) na


matatagpuan sa teksto at pag-uugnay nito sa dating
kaalaman ng mga bata.

 Paggamit ng dating kaalaman(prior knowledge) ng


mag-aaralsa pag-unawa ng bagong ideyao paksa.
HABANG NAGBABASA
 Ang mga bata ay magsasagawa ng
mga gawain na ipinakikita ang
interaksyon nila sa teksto. Ang
kaniyang mga naunang tanong at
prediksyon bago magbasa ay
pinanghahawakan niya upang
panatilihin ang pokus sa aktibong
pang – unawa sa binabasa.
MGA PAMAMARAAN PARA SA
EPEKTIBONG PAGBASA
 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
 Biswalisasyon ng binabasa
 Pagbuo ng koneksiyon
 Panghihinuha
 Pagsubaybay sa komprehensiyon
 Muling pagbasa
 Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
PAGKATAPOS BUMASA
 Upang maipagpatuloy ang malalim na pang –
unawa at pag alala sa tekstong binasa.
Mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang
sumusunod:

 Pagtatasa ng komprehensiyon
 Pagbubuod
 Pagbuo ng sintesis
 Ebalwasyon
PANANAW SA PAGTUTURO NG PAGBASA

NOON NGAYON
1.Pagsagot sa mga tanong tungkol 1. Pag – unawa sa binasa proseso
sabinasa- produkto.

2.Nakadepende sa teksto ang 2. May interaksyon sa pagitan ng


bumaba bumabasa at teksto

3.Walang alam ang mambabasa sa 3.Paggamit ng datingkaalaman


teksto at iskimang mag-aaral

4.Walang pag-hahanda bago bumasa 4.May mga gawainna bago pa


bumasa
PAGKILALA SA OPINYON O KATOTOHANAN

Ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan ang


isang pahayag ay mahalagang kasanayan ng isang
mambabasa, lalo na’t napakarami nang iba’t
ibang impormasyon ang maaaring makuha sa
Internet.
 Ang Katotohanan ay mga pahayag na maaring
mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan
ng empirikal na karanasan, pananaliksik o
pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
 Ang opinyon naman ay mga pahayag na
nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa
personal na paniniwala at iniisip ng isang tao .
Maaaring kakitaan ito ng mga panandang
diskurso tulad ng “sa opinyon ko,” “para sa
akin” “ gusto ko,” o sa “tingin ko”
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW AT
DAMDAMIN NG TEKSTO
 Layunin ay tumutkoy sa nais iparating at
motibo ng manunulat sa kanyang teksto.
 Pananaw ay pagtukoy kung ano ang
preperensiya ng manunulat sa kanyang teksto.
Ibig sabihin natutukoy rito kung ano ang
distansiya niya sa tiyak na paksang natalakay.
 Damdamin naman ay nagpapahiwatig na
pakiramdam ng manunulat sa teksto.
PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK AT
REBYU
 Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling
pagpapahayag ng ideya ng may – akda sa
ibang pamamaraan at pananalita upang
padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
 Ang abstrak ay isang buod ng pananaliksik,
tesis o kaya ay tala ng isang komperensiya o
anomang pag – aaral sa isang tiyak na disiplina
o larangan.
 Ang rebyu naman ay isang uri ng
pampanitikang kritisismo na ang layunin ay
suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo
at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman din
ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa
personal na pananaw ng mambabasa.

You might also like