You are on page 1of 2

Mga Layunin ng Pagbasa

1. Makakalap ng impormasyon at kaalaman.


- Kailangang magbasa ng isang mag aaral para makakuha ng mga
impormasyong kinakailangan sa kaniyang pag-aaral at
pananaliksik.
2. Makapaglibang at Makapagpalipas ng oras nang may kabuluhan.
- Naging makabuluhan ang pagbabasa kung may
kapakinapakinabang nakukuha mula sa binabasa ang isang
mambabasa.
3. Makapaglakbay ang isipan sa iba’t ibang panig ng mundo.
- “Reading is the easiest way to travel.”
4. Mapalapit sa iba’t ibang lahi ng daigdig.
- Makikilala natin ang kaibihan ng ibang lahi sa daigdig, ang
kanilang kultura, tradisyon at iba pa.
5. Malutas ang mga suliranin sa buhay.
- Malimit na nakakahanap ng lunas ng suliranin ang isang tao sa
kanyang pagbabasa.

Katangian ng Pagbabasa
Dalawang katangian ng Pagbabasa, tahimik man o malakas
1. Naiuugnay ang pagbabasa sa pakikinig, pag-unawa, at pagsusulat.
2. Sa pamamagitan ng pagbabasa, nalilinang ang iba’t ibang kasanayan gaya
ng:
a. Kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at kaugnay na detayle.
b. Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay
c. Kasanayan sa pagkilala o pagdama ng estilo ng awtor
d. Kasanayan sa pagkilala ng pamaksang pangungusap
e. Kasanayansa pagbibigay ng sariling konklusyon.
Pamprosesong tanong
1-2 magbigay ng dalawang layunin ng pagbasa
3-5. magbigay ng tatlong Katangian na dapat isaalang alang tahimik man o
malakas na pagbabasa.

Reporters: Lapidez, Aliane Ruth L.


Cataño, Edgar
Banton, Arnold Luoie

You might also like