You are on page 1of 2

Bucas Grande Foundation College

Taruc, Socorro, Surigao del Norte

Ang Proseso ng Pagbasa

Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos, pagkuha, at paag-unawaa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya
na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangan tingnan at suriin upang maunawaan.

Apat na Aspekto ng Pagbabasa

Pisyolohikal na Apeskto ng Pagbabasa- isang pisyolohkal na proseso ang pagbaabasa dahil sangkot ditto ang mata
na siyang ginagamit natin upang makita, matukoy at makilala ang mgaa imaahe at simbolo. Sa tuwing tayo ay
nagbabasa ang simbolo o imahe ay mga liwanag na tumatama sa retina ng ating mata, dumadaloy ito sa ating mga
ugat patungo sa cerebral cortex, ang sentro ng ating utak.

Ibat ibang paraan ng ating mata kapag tayo’y nagbabasa

Fixation- tawag sa pagtitig n gating mata upang kilalanin at intindihin ang teksto.
Inter-fixation- tawag sa paggalaw ng ating mata mula kaliwa pakanan o mula itaas pababa.
Return sweeps- paggalaw ng mata mula sa simula ng binabasa hanggang sa dulo ng teksto.
Regression- tawag sa paggalaw ng mata kung saan kailangan balik-balikan at suriin ang binabasa.

Kognitibong Aspekto ng Pagbabasa- ito ay may dalawang pangunahing hakbang sa kognisyon: ang pagkilala
(decoding) at pag-unawa (comprehension). Una ay kinikilala muna natin at binibigyang –anyo ang mga simbolo,
pangalawa ay ating inuunawa ang ating binabasa.

Iba’t ibang antas ng pag-unawa (comprehension)

1. Pag-alam sa literal na kahulugan o unang antas ng pag-unawa sa binasa


2. Pagbibigay-kahulugan sa nabasa
3. Paggamit ng kaalamang nakuha mula sa binasa
4. Paghuhusga o pagtatasa sa nilalaman ng tekstong binabasa

Komunikatibong Aspekto ng Pagbasa- wika ang siyang nagging kasangkapan sa pakikipagtalastasan.

Panlipunang Aspekto ng Pagbasa- kahit saan ka tumingin at mapunta ay may napakaraming maaaring basahin.

Mga Hakbang sa Pagbabasa

1. Pagkilala- proseso ng pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na salita o simbolo at kakayahang mabigkas
ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.
2. Pag-unawa- proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag sa simbolo o salita.
3. Reaksiyon- proseso ng pagpasiya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto, pagpapahaalaga sa
mensahe nito, at pagdama sa kahulugan nito
4. Pag-uugnay- ito ay kaalaman sa pinagsanib o paag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kaniyang dati at
mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

A.Pagkilala sa nakalimbag na salita at pag-unawa sa kahulugan nito- upang makabasa ang isang tao,kailangan
may kakayahan siyang kilalanin ang nakasulat na salita, may kakayahang bigkasin ang salita, ito ay
nangangahulugang nakikilala at nauunawaan niya ang salitang binigkas. May tatlong elemento ang isinaalang-alang
ditto:

1. Kaalaman sa kahulugan ng salita o bokabularyo- isang mahalagang salik sa pagkatutong bumasa at


mapalawak ang ating kaalaman

2. Pag-unawa sa pangungusap o kaalaman sa syntax- ito ay sumusuri kung paano ang bawat bahagi ng
pananalita ay nagkakaugnay-ugnay.

3. Pag-unawa sa kabuuan ng pahayag- ang isang mambabasa ay may kakayahang suriin ang sariling paraan
ng pagpoproseso ng empormasyon.

You might also like