You are on page 1of 10

Presentasyon at Paglalathala

ng Pananaliksik
Aralin 16
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Matukoy ang kahalagahan ng paglalathala at presentasyon ng


pananaliksik
• Maisa-isa ang hakbang sa paglalathala ng akademikong
pananaliksik
• Matutuhan kung paano gawin ang presentasyon ng pananaliksik
Daloy ng Talakayan

• Kahalagahan ng Paglalathala at Presentasyon ng Pananaliksik


• Akademikong Publikasyon
• Presentasyon ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Paglalathala at Presentasyon ng Pananaliksik
• Kasing halaga ng pagbuo ng
pananaliksik ang pagbabahagi
nito sa pamamagitan ng
paglalathala o presentasyon.
Hindi kompleto ang proseso ng
pananaliksik kung wala ito.
• May dakilang layunin ito na
pataasin ang antas ng kaalaman at
kamalayan ng mga taong pinag-
uukulan ng pananaliksik.
Akademikong Publikasyon
• Hindi kompleto ang anomang pananaliksik na walang publikasyon.
• Maaaring ilathala ang pananaliksik, buod, pinaikling bersiyon o isang
bahagi nito sa pahayagan o pamahayagang pangkampus, conference
proceedings, monograph, aklat o sa refereed research journals.
• Ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong publikasyon ay
mapasama sa isang refereed research journal sa anomang larangan ang
inyong pananaliksik.
• Ito ay dahil sa dumadaan ang refereed journals sa tinatawag na peer
review. Ang peer review ay isang proseso kung saan ang mga manuskrito
o artikulo ay dumaraan sa screening o serye ng ebalwasyon bago
mailimbag sa mga journal.
Akademikong Publikasyon
• Narito ang inisyal na mga hakbang kung paano makapaglalathala sa isang
research journal.
Akademikong Publikasyon
• Narito ang isang
halimbawa ng
panawagan para sa
kontribusyon ng papel-
pananaliksik. Ito ay mula
sa HASAAN Journal,
Opisyal na Journal ng
Unibersidad ng Santo
Tomas na nakuha mula
sa mga patalastas ng
panitikan.ph
(http://www.panitikan.co
m.ph/content/panawagan
-para-sa-hasaan-
journalng-ust).
Presentasyon ng Pananaliksik
• Ang isa pang pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik ay ang
presentasyon nito sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang kumperensiya. Isa
sa mga mahalagang linangin sa loob at labas ng akademya ang maunlad na
pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga pampublikong gawain tulad
ng simposyum, forum, kumperensiya, at iba pa.
• Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng mga miyembro ng
akademya na maghanap ng mas mataas na antas ng kaalaman at uri ng pag-
iisip.
• Sa pamamagitan din nito, nagiging makabuluhan at napapanahon ang kaalaman
ng mga guro at mag-aaral at nadadala ito sa loob ng silid-aralan. Sa kabuuan ay
nailulugar din nito ang silbi ng akademya sa lipunan.
Mga Gabay sa Rebisyon
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik. Lahat ba ng
ideya ay may kinalaman sa pangunahing tesis ng papel? May mga ideya bang
walang kinalaman sa paksa o tesis ng pag-aaral? Kung mayroon man, kailangan
mo bang baguhin ang tesis ng pag-aaral o alisin na lamang ang ideya?

5. Pakinisin ang gamit ng wika sa kabuuan ng papel-pananaliksik. May mga


malabong ideya at pangungusap ba dahil sa hindi maayos na gamit ng wika?
Basahin nang malakas ang iyong papel at pakinggan kung may hindi akmang
mga salita at malabong ideya. Alisin ang mga salitang may malabong kahulugan
at maling paggamit.
Mga Gabay sa Rebisyon
6. Alisin ang mga pagkakamaling gramatikal. May mga pagkakamali ba sa
gramatika, pagbabantas, at pagbaybay? Kung may pagkakamali, tiyakin ang
maayos na pagtatala ng mga ito, at kung hindi tiyak sa tamang gamit,
maaaring komunsulta sa mga dalubhasa sa wika.

7. Baguhin ang punto de bista mula sa pagiging mananaliksik tungong


mambabasa. Magkunwang binabasa mo ang pananaliksik ng ibang tao. Ano
sa tingin mo ang mga punto ng kalakasan at kahinaan ng papel? Bakit? Ano
sa tingin mo ang mga magagawa upang mapabuti pa ang iba’t ibang bahagi
ng papel? Madali bang maunawaan ang kabuuan ng pananaliksik?

You might also like