You are on page 1of 2

D.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay naka sentro sa nagiging emosyon ng mga estudyante

hingil sa matinding daloy ng trapiko lalo na sa mga mag-aaral na malalayo ang bahay

sa kanilang mga paaralan. Aalamin ng mga mananaliksik kung ano-ano ang nagiging

emosyon ng mga estudyante kapag sila ay nakakaranas ng matinding trapiko. Sa pag-

aaral na ito, nararapat na alamin ng mga mananaliksik kung nagbabago ba ang

emosyon ng mga estudyante sa kanilang pakikipag-kapwa tao, pagkilos sa paaralan at

tahanan, pagbabago ng emosyon sa mga kaibigan o pagkaranas ng stress o

pagkamagalitin.

Ang paraan ng pagpapakita ng balangkas ay nakabatay sa teorya ng “Appraisal

Theory” na batay kina Magda Arnold at Richard Lazarus. Ayon sa teoryang ito, ang

emosyon ay nakabase sa kung paano nasusuri ng isang indibidwal ang penomenang

nangyayari sa kanyang buhay at kung paano ito ipapahayag ng kanilang damdamin.

Ayon kay Mesken (2006), maraming na ang pananaliksik tungkol sa trapiko na gumamit

din ng “Appraisal Theory” ngunit ang mga ito ay tungkol sa emosyon ng mga drayber o

ng mga taong nagmamaneho ng sasakyan.

Indibidwal

(Mag-aaral sa ika-11
baitang sa PHS)
Pagtanggap o
Appraisal Theory pagsusuri sa
Pangyayari
pangyayari
(Mabigat na daloy ng
trapiko)
Pagbabago ng
emosyon
Ayon sa dayagram na ito, ipinapakita na ang “Appraisal Theory” ay tungkol sa

kung paano nagkakaroon ng koneksyon ang isang pangyayari at ang isang indibidwal

sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagbabago sa emosyon. Ang indibidwal ay

maaaring makaranas ng isang pangyayari. Maaaring ang pangyayari ay hindi pisikal na

pangyayari. Maaaring makaranas ng pangyayari na tanging nasa isip lamang ng isang

indibidwal, nakaalala ang isang indibidwal ng nakalipas na pangyayari, o nakaisip ng

isang pangyayaring maaaring mangyari sa hinaharap. Kaugnay sa pananaliksik na ito,

maaaring makaranas ng pagbabago sa emosyon ng isang mag-aaral ang pangyayari

tulad ng pagkaranas sa mabigat na daloy ng trapiko. Kung kaya’t malaking tulong ang

teoryang ito upang mabigyang gabay ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.

You might also like