You are on page 1of 8

Modyul 3 - Filipino sa iba’t ibang Disiplina

I. Pamagat – Ang ikatlong modyul na ito ay tungkol sa pagbasa ng Tekstong Akademiko at


Propesyonal.
A. Katangian ng Teksto at Register
1. Agham Panlipunan
Agham Teknolohiya at Matematika
2. Humanidades
B. Tekstong Pampropersyonal

II. Para kanino ito – ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng Navotas Polytechnic
College na nag-aaral ng asignaturang Filipino sa iba’t ibang disiplina.

III. Layunin - Nilalayon ng modyul na ito na bawat isa sa mag-aaral sa Navotas Polytechnic
College na nag-aaral ng Filipino sa iba’t iabang disiplina ay makamit ang mga sumusunod.
1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na
sanggunian.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. Mula sa mga
babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.

IV. Rasyunal : Pagkatapos maisaga at pag-aralan ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Maghahatid ng mga impormasyon at mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid na
maaaring makaapekto sa ating buhay panlipunan.
2. Makapagdudulot sa kanya ng bagong karanasan
3. Makapagbibigay ng bagong impormasyon na hindi niya nakuha sa mga naunang
karanasan sa pagbabasa.

V. Mga panuto sa paggamit ng modyul na ito-


Mga dapat tandaan
1. Basahin at unawain ang mga nakasulat ditto.
2. Pag-aralan ang bawat aralin
3. Sagutan ng wasto ang mga pagsasanay at pagsusulit
4. Huwag dudumihan o sisirain ang mga pahina nito
5. Maging tapat sa sarili sa pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

VI. Kahandaang Pangangailangan:


Iba’t iba ang nilalaman ng mga tekstong ating ginagamit sa mga gawaing pagbabasa.
Bawat teksto ay may natatanging katangian na maaaring magkaroon ng pagkakatulad o
pagkakaiba sa iba’t ibang teksto. Hindi ito maiiwasan sapagkat bawat teksto ay may kanya
kanyang layunin: magdulot ng kasiyahan, magpabatid ng mga kaalaman, maglaan ng mga
mungkahi, maglahad ng mga panunuri, at iba pa.
VII. Panimulang Gawain : (Pre-test)
Ngayon titingnan ko kung may naalala pa sa aralin noong Senior High ka.
Sagutan mo ng Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pangungusap.
______ 1. Ang pagbasa ng tekstong akademiko at propesyonal ay nangangailangang din ng
masusing pag-aaral sapagkat may ginagamit na natatanging wika sa iba’t ibang disiplina.
______ 2. Ang kursong sa agham panlipunan ay hindi nangangailangan ng malaking panahon
sa pagbabasa.
______ 3. Ang layunin sa pagbasa ang tutulong sa mambabasa kung paano babasahin ang
material.
______ 4. Ang teknolohiya ay isang malawak na paksa.
______ 5. Ang sining ay napakahalaga sa buhay ng tao.

Kung nawasto na ang iyong kasagutan, tingnan mo kung


5 – Mahusay ka
4-3 – may kaunti kang kaalaman sa aralin
2-1 – magbalik aral ka ng aralin
0 – pag-aralan mong mabuti ang aralin.

A. Katangian at Register ng Ilang Disiplina


1. Agham Panlipunan
Ito’y sangay ng siyensya na tumatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa mga
institusyon, gaain ng lipunan at ang ugnayang personal ng bawat nilalang bilang bahagi ng
komunidad. Sinasaklaw din nito ang relasyon o kaugnay ng iba’t ibang grupong etniko,
buhay pampamilya,kahirapan,suliranin sa populasyon at paggawa,reporma sa lupa at iba pa.

May apat (4) na pangunahing subdibisyon ang Agham Panlipunan, na ang bawat subdibisyon ay
may subdibisyon pa rin.

Subdibisyon ng Agham Panlipunan

Sosyal na oryentasyon Bisnes/ Pangangalakal Pag-aaral sa mga Oryentasyong


sinaunang tao Pulitikal
 Sosyolohiya  Ekonomiks  Antropolohiya  Abogasya
 Paglilingkod  Pagtutuos-  Arkeolohiya  Kasaysayan
Panlipunan akawnting  Agham
 Sikolohiya  Administrasyong pulitika
pangangalakal
Ayon kay Belvez (2003) ang akdang pulitika ay tumutugon ukol sa mamamayan o pamahalaan sa
pamamalakad, ideolohiya, patakaran at mithiin ng mga mamamayan.
- Ang ekonomiks ay pamamalakad na pangkabuhayan ng pamahalaan at ng bansa; tinatalakay din
ditto ang tungkol sa puhunan, kalakal, pagtitinda, anunsyo, bangko at pananalapi.
- Ang antropolohiya ay akdang nagpapabatid ng pinagmulan, paglinang kagawian,lahi at
paniniwala ng sangkatauhan.
- Ang sosyolohiya ay pag-aaral ng kilos ng tao
- Ang akdang kasaysayan na tumutugon tungkol sa pangyayaring naganap sa buhy ng bansa at
kanyang mamamayan. Tinatalakay din ditto ang kultura at tradisyon, pinagmulan, paniniwala,
pamumuhay, pangarap, kaugalian, kaasalan, at kapalaran ng isang bansa at sibilisasyon ng mga
mamamayan.

Narito naman ang ilang halimbawa ng register na ginagamit sa iba’t ibang disiplina sa Agham
Panlipunan.

Kasaysayan Sikolohiya Antropolohiya Ekonomiks Pagbabatos

Aborigines- unang Anxiety- takot Norm- Allocation- Accountable-


tao,kauna-unahang Aura- awra pamantayan, kalaanan pananagutan
tao Autistic- otistik huwaran Scarcity- Accreditation-
Accustome- Convulsion- Institution- kakulangan pagkilala
masanay kombulsyon institusyon Surplus- Accruing-
Ad valorem- batay Delirium- deliryo Traits- mga paglalabis,sobra ipinagkaloob
sa halaga Depression- katangian Demand- Acquittal-
Aggression- depresyon Beliefs- mga pangangailangan pagkakaabswelto
pananalakay Dwarfism- paniniwala Law of demand- Affiliation-
Arbitrary- walang pagkaunano Systems- sistema batas ng kinaaniban
tiyak na batayan Gay- bakla Arts- mga sining pangangailangan Alteration-
Authenticate- Hallucination- Pattern- disenyo Law of supply- pagbabago
patunay,katibayan halusinasyon Folkways- mga batas na Appoint- hirangin
Autonomous- Hysteria- histerya ugaling bayan maibibigay Appointment-
nagsasarili Illusion- ilusyon Manifest- malinaw, Complementary pagkakahirang
Brotherhood- Impotence- hayag Goods- Autonomy-
kapatiran pagkabaog Latent- hindi kita, komplementaryong pagsasarili
Civilization- Insanity- tago bilihin Natural born
kabihasnan pagkabaliw Society- lipunan, Unemployment- citizen- katutubong
Economic Imsomnia- insomya sosyudad walang trabaho anak ng
Depression- Isolation- Personality- Price- halaga mamamayan
paghihikahos pagkahiwalay katauhan Money- salapi
Emancipation- Mental Deficiency- Homosapiens- Labor- paggawa
pagpapalaya kakulangan sa pag- homo sapiens,tao Interest- pataw na
Exploitation- iisip Rituals- mga porsyento
pagsasamantala Panic disorder- seremonya
Grandeur- pagkataranta Feast- piesta
karangalan Paranoid- tamang
Hospitality- duda
mabuting
pagtanggap
Halimbawa:
Ang Kalikasan ng Automobile

Ang automobile ay isang sasakyang panlansangan, may sariling gulong at propeller. Ang lakas ay
mula sa makinang tinatawag na internal combustion na ginagamitan ng diesel o gasoline. Malaki ang
kontribusyon ng automobile sa pag-unlad ng sibilisasyon.
Sa karaniwang gamit ng salita, ang automobile ay tumutukoy sa sasakyang ginagamit para sa
pansariling tranportasyon ng 2 hanggang 6 na tao. Ang automobile ay kilala rin bilang awto, kotse, at
motorcar. Ang huli ay karaniwang katawagan sa Britanya. Ang malaking sasakyang automobile ay mga
bus para sa transportasyong pampubliko at mga trak para sa gamit na pangkomersyal. Ang mga
sasakyang may tiyak na gamit ay traktora para sa bukid, tangkeng military at sasakyang pantauhan
lamang. Ang mga makinang pang-konstruksyon ay pison at crane.
Ang ilang maliliit na uri ng trak ay patuloy na ginagamit para sa personal na pangangailangan.
Bukas ang bahaging likuran ng pick-up. Ang van ay hugid kahon at saradung-sarado. Karaniwan ay may
sapat na upuang matatagpuan sa bahay. Ang maliit na sasakyan kahawig nito malimit na ginagamit sa
paglalakbay na panlibangan. Kasalungat nito ang malalaking trak ay pangkomersyal lamang.
Gawain Tungo Sa Pang-unawa:
Ngayon ay titingnan ko kung may natutunan ka sa aralin.
Itala sa talahanayan ang mga sumusunod na terminolihiya na kaugnay ng talataang nabasa mo.
Mga salitang Hiniram nang Mga bagong Salitang Natutunan Kahulugan ng mga bagong
Ganap salitang Natutunan mo
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
6. 6. 6.
7. 7. 7.

Kapag nakakuha ka ng iskor na

21-18 – mahusay ka, nag-aral kang mabuti


17-14 – magaling ka pero dagdagan mo pa ang pag-aaral
13-10 – pwede na kaya lang magbalik aral muli
9-0 – pagbalik- aralan muli ang aralin

2. Agham Teknolihiya at Matematika-


- Ang agham ay tumutugon sa mga non-fiction na gumagamit ng paglalahad, paglalarawan o
pangangatwiran. Ayon kay fabrigas (2001), ito’y gumagamit ng formal at teknikal na pananalita.
Ang mga salita na ginagamit sa mga tekstong ito ay kailangan alam ng mambabasa upang
maunawaan ang pagbabasa nito. Kadalasan namang gumagamit ng eksperimento sa
pamamagitan ng pagsusuri, pagmamasid, pag-aayos ng mga datos, pag-uugnay ng mga kosepto
na maaaring gamitin sa mga umiiral na suliranin.
- Ang teknolohiya ay isang malawak na paksa. Saklaw nito ang mga pag-aaral hinggil sa
makabagong pamamaraan ng agrikultura gaya ng pagsasaka at pangingisda na walang ibang
layunin ay ang mapaunlad at mapalaki ang kita. Higit na ginagamit ang teknolohiya sa mga
kursong inhinyeria kasama na rito ang kompyuter at iba pang kursong teknikal magmula sa
elektroniks hanggang sa pananahi (lachica).
- Matematika- siyensya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika at ugnayan ng mga numero,
pigura, anyo, espasyo, kantidad, estruktura na ipinahahayag sa pamamagitan ng mga simbolo.
Mga Disiplina sa Larangan ng Siyensya o Agham at Teknolohiya

Narito ang ilang katangian ng disiplinang ito

- Biyolohiya- nakatuon sa mga bagay na buhay ang estruktura, pinagmulan,ebolusyon,gamit,


distribusyon at paglawak ng mga ito.

- Kemistri- nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties, at mga reaksyon at


interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.

- Pisika- nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter,
mula ito sa Griyego na phusike o kaalaman sa kalikasan.

- Earth Science o Heolohiya- sistema ng planetang daigdig sa kalawakan, klima, karagatan,


planeta, bato at iba pang pisikal na element kaugnay ng pagbuo, estruktura at mga phenomena
nito.

- Astronomiya- pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal mga kometa, planeta, galaxy, bituin at
penomenang pangkalawakan.

- Information Technology (IT)- pag-aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at


paglilipat ng impormasyon, datos, at pagpoproseso. Ito rin ang pag-unawa,pagpaplano,
pagdidisenyo,pagbuo, distribusyon,pagpoprograma,suporta, solusyon at operasyon ng mga
software at kompyuter.

- Inhinyeriya- nakatuon sa aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko at matematiko upang


bumuo ng disenyo,mapatakbo at mapagana ang mga estruktura,makina,proseso at sistema.

- Arkitektura- itinuturing itong kabilang sa teknolohiya dahil isa itong proseso at produkto ng
pagpaplano, pagdidisenyo at pagtatayo ng mga gusali at iba pang pisikal na estruktura. Ngunit
ibinibilang din ito sa larangan ng sining dahil sa mga gusali ay kadalasang itinuturing na sining at
kultura na simbolo. Hindi lamang ang gamit, silbi, teknikal, sosyal at pangkapaligiran ang
binibigyang konsiderasyon kundi pati ang estitika, pagiging artistiko o malikhain at kultura.

- Matematika- sinasabing may makabagong paraan ng pagkukwenta at ditto nalalaman kung


papaano nakukuha ang sagot. Hindi na ito isinusulat sa halip ay ginagamit na ang isipan sa
pagkukwenta.

- Aeronautics- teorya at praktis ng pagdidisenyo, pagtatayo, matematika, at mekaniks ng


nabigasyon sa kalawakan.
Narito naman ang ilan sa mga mahahalagang terminolohiya para sa Agham, Agrikultura at Matematika.

Agham Agrikultura ( Pagsasaka) Matematika


Acid- asido Abundance- kasaganaan Addition- pagdaragdag
Astronomy- Agronomy- agronomiya Altitude- taas
dalubtala/astronomiya Animal/Breeder- tagapaglahi Angle- anggulo, sulok
Bacteria- bakterya Budding- pagpapatubo sa puno Area- kabuuang laki
Chemical- kemikal Compost- abono/ pataba Circumference- kabulugan
Cloud- ulap Crop diversification- pag-iiba iba Cost- halaga
Earth- daigdig ng pananim Convert- palit
Echo- alingawngaw Cross pollination- Count- bilang
Eclipse- paglalaho pagpopolinahan Decimal- panampunan
Energy- enerhiya Depletion- pagbabawas Decimal point- tuldok panampu
Experiment- ekperimento Deduction- pagbabawas
Fertilizer- pataba Degree- antas
Habitat- tirahan Division- paghahati
Insect- insekto Deposit- deposito, lagak
Kidney- bato Digit- numero
Membrane- lamad Discount- diskwento
Mold- amag Interest- tubo
Oxygen- hangin/oksiheno

Halimbawa ng Akdang Agham at Matematika

Marcot at Cutting
Limang halamang may 2 hanggang 3cm. ang diametro ng puno ang pinagputol-putol sa habang
20cm humigit-kumulang sampung cuttings ang ginawa rito. Isinaksak ang bawat cutting sa anggulo 30
degrees sa isang seed plot at diniligan ang mga ito araw-araw. Pagkaraan ng may isang buwan, may mga
usbong na lumilipat; sa sumunod na buwan, nag-ugat na ang mga cuttings. Inilipat at itinanim ang mga
cuttings na may ugat pagkaraan ng ikatlong buwan.
Nagmarcot din sila ng 10 pang lubi lubi na halaman. Ang pagdilig ay araw araw din sa ikatlong
buwan, ang mga marcot na nagkaugat ay pinutol mula sa tinubuang halaman at tinabi sa mga cutting.
Ang nangyari at 5 sa 10 cuttings at 2 sa 10 marcots ang namatay.
B. Gawaing pang-unawa:
Ngayon tingnan ko kung marunong ka nang kumilala ng mga terminolohiya na ginagamit sa
Agham at Matematika.

Isulat sa kahon ang mga terminolohiyang pang agham at matematika ginamit sa talataan. Huwag
uulitin ang sagot.

(Mater) Agham Matematika


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9.
10.
11.
12.

Ngayon wastuin mo ang iyong kasagutan. Kapag ang iskor mo ay


20-15 – mahusay ka at natutunan mong mabuti ang aralin
14-10 – magaling ka rin
9-5 - pwede na
4-0 - magbalik aral ka sa aralin.

You might also like