You are on page 1of 1

Angela May M.

Buenaflor ST12P4

“LAKBAY SANAYSAY SA HOYOHOY”

Ang paglalakbay ay isang paraan upang tayo ay may bagong karanasan sa iba’t ibang lugar.
Bilang isang kabataan sa ating bagong henerasyon, tayo ay nawiwiling pumunta sa mga lugar na para
sa atin ay bago kasama man ang pamilya o mga barkada.

Ang paglalakbay ay kahiligang gawin ng aming pamilya at isa sa mga gusto kong napuntahan
kasama sila ay sa Hoyohoy. Sariwang hangin ang malalanghap, malamig ang temperatura,
magagandang tanawin, magagandang mga bulaklak at mga tradisyunal na kubo.

Mahilig ako sa mga malalamig na lugar, ang Hoyohoy ay parang “Little Baguio” kung tawagin
dahil bukod sa malamig dito dahil ito ay nasa pinaka tuktok ng bundok, marami ka ring makikitang
strawberries sa kanilang harden. Maganda din ang tanawin na siguradong mawawala ang iyong pagod
at problema. Sikat din ang kanilang pinakamataas na zip line at pwede ka ring mag-star gazing pag gabi.
Ang mga magagandang bituin na nagsisilbing ilaw at nagpapasaya sa iyong gabi. Talagang maganda
siyang pasyalan para sa pamilya at barkada. May mga tradisyunal din sila na kubo at samut saring mga
bulaklak na animo’y parang pag-ibig na kailangan mong diligan at alagaan upang magiging mas
matibay at mas maging maganda. Isa sa mga napagtanto ko sa aming paglalakbay doon ay walang mas
gaganda pa sa lugar na kung saan ito ay iniingatan, pinapahalagahan at inaalagaan. Wala kang
makikitang basurang nakakalat sa daan, hindi ka makakalanghap ng maruming hangin at ang lugar ay
mapayapa. Kung ako ang tatanungin, iyon ang pinakamagandang lugar na napuntahan namin kasama
ang aking pamilya.

You might also like