You are on page 1of 3

MGA TAONG NAGPAHAYAG NG TUNGKOL SA WIKA AT KOMUNIKASYON

DELL HATHAWAY HYMES

“Nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipag-


interaksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng
kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.”

Ginagamit ang wika sa pang-araw-araw na gawain upang makipag-ugnayan sa ibang tao sa


lipunan. Maipapakita natin ang ating pagiging makatao sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa
sa kapwa o iba pang tao sa lipunan. Ang buhay na sistema ay nangangahulugang patuloy itong
umiiral, kung kaya't hindi maiiwasan ang patuloy rin nitong pagbabago na maaaring makaapekto
o hindi sa mga kasapi ng lipunan.

PLATO

“Ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng


pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng
mga kinatawan nito.”

Pinaniniwalaan ni Plato na nabubuo ang wika ayon sa ating mga


pangangailangan. Ginagamit natin ang wika kapag mayroon tayong
kailangan sa ibang tao o maging sa paligid. Natututo rin tayong makiayon
sa pagbabagong hatid ng paligid o kalikasan. Sa pamamagitan nito, mas
napauunlad natin ang wika at nalilinang natin ito sa kakaibang paraan.

JOHN B. CARROLL

Ito'y maaaring tumutukoy sa


sistema ng mga gawi na pinag-
aaralan o natututuhan at ginagamit
natin sa iba't ibang antas bilang mga
“Ang wika ay sistema ng mga
sagisag na ginagamit at kasapi ng komunidad. Ang wika ay
tinatanggap ng lipunan.” mananatili bilang pagkakakilanlan ng
pangkat, ngunit patuloy itong
magbabago dahil sa unti-unting
paglinang dito sa pagdaan ng
panahon.
LORETO TODD Behikulo sa
komunikasyon ang wika
na ginagamitan ng iba't
“Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na
ibang pamamaraan.
ginagamit sa komunikasyon.
Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang Maari itong bigkasin, i-
binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. senyas, at isulat, nang
Ang mga tunog at
sa gayo'y mas
sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko.”
magkaunawaan ang
dalawa o higit pang
nag-uusap.

“Ang limitasyon ng aking wika ay


siyang limitasyon ng aking mundo.” LUDWIG WITTGENSTEIN

Wika ang nagbibigay-linaw sa mga bagay at siya ring nagpapaunlad ng


mga nakalap nating impormasyon. Paano kaya kung limitado lang ang
nalalaman nating wika, mauunawaan pa kaya natin ang ibang bagay? Dahil
arbitraryo o nagbabago ang wika, hindi maaaring matigil tayo sa pagkatuto at
pagkalap ng iba pang impormasyon, dahil kung mangyayari iyon, marahil ay
maiwan tayo ng mundo. Hindi na tayo makasasabay sa takbo nito at hanggang
doon na lamang ang ating magiging kaalaman sa mga bagay-bagay. Paunlarin
at palawakin ang wikang nalalaman sa gayo'y mas lumawak pa ang ating
mundong ginagalawan (hindi literal).

FERDINAND DE SAUSSURE “Mas kailangang pagtuunan ng pansin ang anyo at paraan ng


wikang ginagamit ng isang nagsasalita, sa halip na pagtuunan ang
kahulugan nito.”

Maaaring magbago ang kahulugan o pahiwatig ng mensahe batay sa


taas at lakas ng pagkakabigkas nito. Nabibigay rin ng ibang kahulugan ang
ekspresiyon ng mukha at ibang senyas. Hindi dapat tayo nakatuon lamang sa
mensahe, bagkus bigyan din natin ng pansin ang anyo, at paraan ng
pagkakatanggap natin dito. Maaring maganda ang kahulugan ng sinasabi ng
ating kausap, subalit nakasimangot naman siya. Hindi tayo makasisigurong
maganda nga ang nais niyang iparating sa atin o nanunudyo lang siya. Kaya
naman mahalagang mas maging mapanuri tayo sa ano mang aspeto, hindi lang basta nakatuon sa kahulugan
na alam natin.
NOAM CHOMSKY

“Ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas at


tuntunin nito ay hindi natitinag, ngunit ang paraan ng paggamit
sa mga tuntunin ng paglikha ay malaya at nagkakaiba-iba.
Maging ang interpretasyon at gamit ng mga salita ay
kinasasangkutan ng proseso ng malayang paglikha.”

Kaya marahil maraming naglilitawang mga iba't ibang


lenggwahe, gaya ng conyo, Taglish, lenggwahe ng mga bakla (o beki language), jejemon, at kung minsan ay
acronym ng mga salita – halimbawa, “otw” na ang ibig sabihin ay 'on the way'. Marahil ang iba ay magkatugma
ng pagpapakahulugan sa isang bagay, subalit hindi lahat ay maaaring makaunawa ng katulad sa pagkakaunawa
ng isa. Ito ay dahil ang wika nga ay isang malayang paglikha.

KARL MARX

“Ang wika ay kasintanda ng kamalayan, ang wika ay praktikal


na kamalayan na umiiral din para sa ibang tao...ang wika,
gaya ng kamalayan, ay lumilitaw lamang dahil kailangan,
dahilan sa pangangailangan sa pakikisalamuha sa ibang tao.”

Para kay Karl Marx, hindi lamang para sa sarili ang paggamit ng wika, kung
hindi para rin sa kapakanan ng ibang tao. Isang sikat na katagang “No man is an
island” ang maituturing kong paliwanag sa pahayag na ito. Hindi nga naman
mabubuhay ang isang tao kung siya'y mag-isa lamang at walang kasalamuha.
Mabubuhay siya, oo kung may pagkain, subalit isa rin sa pangangailangan natin sa araw-araw ang
komunikasyon kaya’t marahil ay hindi rin siya magtagal mag-isa. Kung wala siyang kasama at makakausap,
maaaring magkaroon siya ng problema sa mental, emosyonal, at sikolohikal. Kailangan natin ng kapwa upang
makabuo ng isang komunidad, samahan, at pangkat na maaari nating makasalamuha o makausap (pakikipag-
ugnayan) gamit ang wika.

JOSE RIZAL

“...habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika,


pinangangalagaan niya ang marka ng kanyang kalayaan, gaya ng
pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan habang pinanghahawakan
niya ang sariling paraan ng pag-iisip.”

Nararapat lang na hindi tayo maging dayuhan sa sarili nating bayan at


tangkilikin ang sariling atin. Wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng ating bansa
at sagisag ng ating kasarinlan, kaya't nararapat lamang na gamitin at paunlarin
natin ang sariling atin.

You might also like