You are on page 1of 7

Ano ang Wika?

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay
“dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan,
saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang
ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.

Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na


behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan.

Ang wika ay kasangkapan ng ating pulitika at ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito
ang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating
kinabibilangan.

Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII –
Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng
larangan ang wika.

Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng
kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing
lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.

Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay


nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay
tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit
na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na
pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng
dalawa o higit pang tao.

Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura.
Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang
nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang kultura
na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.

Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at
isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang
ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang
bansa kaya’t kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito
ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.

Ang wika ayon kay Chomsky (1957), isang prosesong mental. May unibersal na
gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.
Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa
sistema ang wika na nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi
ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.

Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa


mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa
pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at pakikipag-
usap.

Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng impormasyon


tungkol sa tao bagay at maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay
nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan.

Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo
ay naririnig. Ang naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na
walang nakikita at naririnig. Ang unang salitang binibigkas ay “bekos”, ang ibig sabihin ay
“tinapay”.

Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na amy pamagat


na “THE ORIGIN OF LANGUAGE” ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may
nagtuturo sa kanya uoang makalikha ng iba’t-ibang wika.

Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng
pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito.
Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa homo sapiens o mg unang
tao.

Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang
mga hayop ay maaring nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ngntao.

May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig ay ang linggwahe ng
mga Aramean. Sila ang sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia. Tinatawag na
Aramaic ang kanilang wika. Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan ng Afro-Asiatic sa
timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya at kasama ang pangkat ng Semitik, ay ang
linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at ang kanyang mga disipulo. Sa wikang ito unang sinulat
ang Bibliya. Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8 siglo, ipinalalagay na ang lingwahe’y
nagmula sa Herbrew, anong orihinal na wika Bibliya.
Batayang Kaalaman sa Wika

Kahulugan ng wika

Hindi maitatanggi sa mga tao dito sa mundo ang kahalagahan ng wika. Ito ang naging daan
upang maibahagi sa isa’t isa ang kani-kanilang mga ninanais at niloloob. Ayon kina Espina at Borja
(1999:1), ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang
damdamin at kaisipan. Ang kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin at
kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan—kabiguan,
tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.

Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya at niloloob, anong uri kaya ng
lipunan mayroon tayo? Walang makabuluhang gawaing pantao ang maaaring maganap kung
hindi niya maipababatid ang kanyang iniisip gayon din kung hindi niya mauunawaan ang nais
ipahayag ng iba.

Ano nga ba ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may
kapangyarihan? Ilan lang ito sa mga katanungan na hindi karaniwang pinag-iisipan o
ipinaliliwanag dahil seguro sa pagiging natural lang sa tao ang pagkatuto, pagkakaroon at
tuluyang paggamit ng kanyang wika mula pagkabata. Ito ay kung wala siyang naging kapansanan
para hindi matuto ng wika o kaya’y para matigil ang kanyang paggamit ng wikang kinagisnan.

Ang mga dalubhasa ay may iba’t ibang pakahulugan sa wika.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid
ng mga kaisipan, damdain at mithiin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na
lumikha ng tunog.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na


binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming
dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay
tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa
iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y
sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa
kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga
tuntunin.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay
ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong
ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at
pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay
mayroon ding kahulugang arbitrayo at kontrolado ng lipunan.
Marami pang mga kahulugan ang mailalahad ng mga dalubhasa tungkol sa wika. At ang
mga kahulugang ito ay maiisa batay sa kahulugang ibinigay ni Gleason tungkol sa wika. Ayon sa
kanya, ang wika raw ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit
ito sa iba't -ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika,
pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala atnamamatay kung nauubos o umuunti
ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong
lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na
gumagamit nito.

Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro
at damdamin a pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa-tao. Ito ay
binubuo ng mgasalita, parirala, at pangungusap na may kahulugan.

Ayon naman sa isang dalubwikang si Gleason, ang wika ay sistematikong balangkas ng


isinatinig na mga tunog na pinili at isinagawa sa pamamaraang arbitraryo upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Arbitraryo, na ang ibig sabihin ay
hindi na pinagtatalunan at samakatuwid pinagkasunduan na gamitin na lamang.

Ayon sa isang pilosopong Ingles na si John Locke, ang wika ay arbitaryong walang
kahulugan kundi naglalaman ng ideya sa pagiisip ng tao.

Ano ang mga pangunahing wika sa Pilipinas?

Bilang tugon sa implementasyon ng DepEd Order No. 74, s. 2009 o ang


Pagsasainstitusyon ng Edukasyong Multilingguwal na Batay sa Katutubong Wika, isinapanahon
ng Kagawaran ng Edukasyon ang talaan ng mga pangunahing wika ng Pilipinas (DepEd Order
No. 16, s. 2012) na kinabibilangan ng:

Tagalog, Kapampangan, Ilocano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Pangasinan, Waray (Samar-


Leyte), Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chabacano.

Ilan ang kabuuang bilang ng mga wika sa Pilipinas at ano ano ito?

Ang Pilipinas alinsunod sa pinakahuling pag-aaral na isinagawa ng Summer Institute of


Linguistics (SIL) ay may 181ng buhay na wikang sinasalita sa Pilipinas, 171 sa mga ito ang
katutubo (indigenous) habang sampu (10) naman ang itinuturing na hindi katutubo (immigrant)
(Lewis, 2009). Kung titingnan ang pagkakaiba-iba ng mga ito batay sa Greenberg’s diversity
index, tinatayang 0.855 ang diversity index ng mga WP o katumbas ng 96% diversity coverage.
Ibig sabihin, sadyang magkakaiba ang mga wikang ito at tinatayang bawat dalawang tao sa
populasyon ang makapagsasabi na mayroon silang magkaibang katutubong wikang sinasalita.
URI NG WIKA Sa paksang ito, malalaman natin and depinisyon ng apat na iba’t ibang uri ng wika
at ang mga halimbawa ng mga uri nito. Uunahin natin alamin kung ano talaga ang kahulugan ng
wika.

Depinisyon
Ang wika ay ang isang paraan ng kommunikasyon na kadalasang ginagamit ng tao sa isang
lugar. Para sa atin, ang wikang Filipino ay ang ginagamit natin para makausap ang katulad
nating Pilipino. Ang wika ang pinakamabisang instrumento ng komunikasyon at wikang Filipino
para sa mga Filipino. Ito ay nahahati sa apat na uri.

1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot
sa kapaligiran.

Halimbawa: parak (pulis), iskapo (takas), istokwa (layas), juding (binababae), tiboli (tomboy),
epal (mapapel), istokwa (layas) ,haybol (bahay)

2. Lingua Franca o Panlalawigan - Kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa
lalawigan o panlalawigang salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno, Bicolano at iba pa ay
may temang lalawiganin sa kani kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing
tema ay ang punto o accent AT (hindi, O) ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi
rin naman Tagalog.

3. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Sa Pilipinas,


laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing ito ay
Filipino, samantalang ang iba naman ay may katwiran ding tawaging Tagalog lamang ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung mauunawaan na ang Filipino at ang kaniyang alpabeto
(Simpleng alpabeto) ay maunlad, at may mga hiram na titik. Ang Filipino naman ay kalipunan ng
mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man, o balbal, mapa Tagalog man
o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi
ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at
kinikilalang wikang pambansa.

4. Pampanitikan - Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang
pang kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at
ibat ibang tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan ay ang
"Kapatid na babae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at
maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahang lumikha ng mga tauhang
piksyunal o kathang isip. Ito ay kadalasang nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay
malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan.
Halimbawa:

1. Balbal
Ito ay ang pinakamababang antas. Binubuo nito ng mga salitang kanto na sumusulpot sa
kapaligiran.

Halimbawa:

 tibo (tomboy)
 astig (cool)
 shat (uminom ng alak)
 gege (sige)
 juding (binabae)
 petmalu (malupet)
 kodak (kukuha ng litrato)
 mumshie (ina)
 praning (baliw, paranoid)
 brenda (brain damage)
 charot (biro lang)
 jowa (lover, partner, boyfriend/girlfriend)

2. Lingua franca | Panlalawigan


Ito naman ay tinutukoy sa salitang katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita.

Halimbawa: (Lalawigan – Wika)

 Cebu – Cebuano
 Ilocos – Ilocano
 Iloilo – Hiligaynon
 Bicol – Bicolano
 Samar – Waray
 Pampanga – Kapampangan
 Pangasinan – Pangasinan
 Lanao del Norte and Lanao del Sur – Maranao
 Sulu – Tausug
 Maguindanao – Maguindanao

3. Pambansa
Ang wikang ginagamit ng buong bansa. Hanggang ngayon, marami pa ring nagdedebate kung
ang wika natin ay Filipino o Tagalog. Hanggang ngayon, ang Filipino ay tinuturing wikang
pambansa.
Halimbawa: (Bansa – Wika)

 Czech Republic – Czech


 Russia – Russian
 Vietnam – Vietnamese
 China – Standard Mandarin | Putonghua
 Japan – Japanese
 Laos – Lao
 Germany – German, Frisian
 The Netherlands – Dutch, Papiamento, Yiddish, Frisian
 Norway – Norwegian, Bokmål, Nynorsk, North Saami
 Saudi Arabia – Arabic
 Kazakhstan – Kazakh, Russian
 Turkey – Turkish

4. Pampanitikan
Ang pinakamayaman na uri. Sa pangalan pa lang, malalaman natin na ang wikang pampanitikan
ay ginagamit sa tayutay, idioma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto.

You might also like