You are on page 1of 5

KATANGIAN NG WIKA 

(AUSTERO, ET AL., 1999)

a.       Dinamiko/ buhay. Dahil dinamiko ang wika, ang bokabularyo nito’y patuloy na


dumarami, nadaragdagan at umuunlad. Aktibo itong ginagamit sa iba’t ibang larangan. Hindi
lamang ito pang-akademiko kundi pangmasa rin.

b.      May lebel o antas. May wikang batay sa gamit ay tinatawag na formal at di-formal, pang-
edukado, balbal, kolokyak, lalawiganin, pansensya at pampanikan. Dumedepende ang lebl o
antas ng wika sa mga taong gumagamit nito at maging sa uri ng lugar na pinaggagamitan.
Halimbawa, iba ang uri ng wikang gamit ng isang pari sa simbahan kaysa sa wikang gamit sa
palengke. Iba rin ang wika ng taong nakapag-aral kaysa sa taong hindi nakapag-aral.

c.       Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikag sinasalita. Ang wikang pasulat
ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang
pangungusap kung walang salita. Sa pagsasama-sama ng mga salita, nabubuo ang
pangungusap. Ginagamit ang wika bilang instrument ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at
pagpapalawak ng kaalaman.

d.      Ang wika ay natatangi. Bawat wika ay may kaibihan sa ibang wika. May pagkakaiba
man ang mga wika, wala naming maituturing na superyor o imperyor. Napagsisilbihang lubos
ng partikular na wika ang lipunang gumagamit dito, kaya walang makapagsasabi na nakahihigit
ang kanyang wika sa wika ng iba.

e.       Magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring papaghiwalayin ang wika at


kultura.Ang pagkamatay o pagkawala ng isang wika ay nangangahulugan ding pagkamatay o
pagkawala ng isang kultura. Ang wika rin ang pagkakikilanlan sa isang kultura.

f.        Gamit ang wika sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon. Bawat disiplina o propesyon


ay may partikular na wikang ginagamit, kung kaya may mga partikular na rejister na lumalabas
o nabubuo. Halimbawa, may mga salitang partikular na  gamit lamang ng mga doctor, may
kanya rin ang mga abogado, ang mga magsasaka, at iba pang grupo.

BARAYTI NG WIKA – (SANTOS, ET AL., 2009)

Dayalek  Wikang subordineyt ng isang katulad ding wika. Pekuliyar ito sa isang tiyak na lugar o
rehiyon. Halimbawa Cebuano-Cebu, Cebuano-Davao, Cebuano-Gensan
Sosyolek Ang tawag sa wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa isang lipunan.
Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, sa seks, sa uri ng trabaho, sa istatus
sa buhay, sa uri ng edukasyon, atbp. Halimbawa ng mga salitang
bakla bongga (maganda sa Filipino o extravagant/flamboyant sa Ingles), shoke (pangit
sa Filipino o ugly sa Ingles).
Idyolek May tatak ng pagiging indibidwal, kaya nga sinasabing indibidwal dahil may natatanging
pagkakaiba sa iba. Kakaiba ang indibidwal ng isang indibidwal na mababakas sa
mukha, pagkilos at maging sa pagsasalita. May perkuliyaridad sa pagsasalita ng isang
indibidwal at ang perkuliyaridad sa pagsasalitang ito ay tinatawag
na idyolek. Halimbawa ang isang Tagalog ay gumagamit ng “kung baga” pagsasalita
bilang pagsisimula, ang Ilonggo naman ay kilala sa paggamit ng “gid”, “anay” at “bala”
sa pagsasalita. Ang pangungusap na “game kana ba” kapag sinasabi ni Kris Aquino ay
kakaiba sa paraan ng pagbigkas ni Edu Manzano. May distinksyon sa paraan ng
pagbigkas ng dalawang host. Kung gayon masasabi na ang idyolek ay ang indibidwal
na paggamit ng wika.
Rejister Ang rejister ay set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong
gumagamit nito na maaaring hindi mauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o
hindi pamilyar sa propesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan ng
nagsasalita o grupong nag-uusap. Halimbawa ang mga abogado ay maririnig sa kanila
ang mga salitang kliyente, nasasakdal, notary, kaso at iba pa. maaari naming dribol,
referi, free throw at iba pa.

ARALIN 3: WIKANG FILIPINO: WIKA SA GLOBALISASYON

Mahalagang kasangkapang panlipunang kapital ang wika na ang gamit ay gawing


episyente ang mga transaksyon sa isang ekonomiya. Dahil ito ang instrumento na
namamagitan sa mga tao, may kakayahan itong maging susi sa integrasyon ng isang lipunan.
Subalit kung ang isang lipunan ay pinamumugaran ng maraming wika o may nangingibabaw na
wika sa paligid ng maraming wika, hindi nagagampanan ng wika ang kakayahan nitong pag-
ugnayin ang mga tao, sektor, mga lugar sa isang lipunan. Samakatuwid, hindi mabisa ang mga
transaksyong pang-ekonomiko. Ang ganitong kalakaran ay maaaring maging sanhi ng mabagal
na pagsulong bunga ng magastos na paggamit ng mga produktibong sangkap (Acopra, A. et
al., 2018).

            Ang kritisismo sa wikang Ingles sa kakayahan nitong maging mahalagang sangkap ng
panlipunang kapital ng Pilipinas ay hindi nakabatay sa dahilang ito ay isang dayuhang wika.
Kahit pa tinatanggap na ang wikang Ingles bilang nangingibabaw na wika sa larangan ng
politika, batas, ekonomiya at kultura sa bayang ito, hindi naman nito napag-uugnay ang lahat ng
mga mamamayan sa kanilang pakikilahok sa mga nabanggit na aspekto ng lipunan (Acopra, A.
et al., 2018).

            Hindi rin pinagdududahan ang wikang Ingles dahil ang pangingibabaw nito ay nakabaon
sa pagiging wikang ginagamit ng mga naghaharing uri, namumuno, komokontrol at
nagpapalakad ng ating lipunan. Ang alinlangan sa wikang Ingles ay nagmumula sa pagiging
wikang di-makapag-ugnay, wikang mapaghiwalay, at wikang nahahati ng mga sektor at
mamamayan. Kung ang wikang Ingles ay tunay na mapag-ugnay at nagiging daan sa mabisang
transaksyon, hindi mahalaga ang pagiging dayuhan nito o kung ito ay ginagamit ng mga
naghaharing uri dahil may panlipunang mahalaga ang pagiging dayuhan nito o kung ito ay
ginagamit ng mga naghaharing uri dahil may panlipunang halaga pa rin ito sa mga
nasasakupan dahil sa pag-unawa nila rito nagagamit ito sa kanilang transaksyon. Ang wikang
Ingles ang siyang nagsisilbing tulay sa globalisasyon (Acopra, A. et al., 2018).

            Mahalaga ang papel ng wika sa globalisasyon sapagkat ito ay naglalarawan bilang
samu’t saring proseso na naglalayong mapag-isa ang iba’t ibang networks sa buong mundo sa
pamamagitan ng kompetisyon, pakikipag-ugnayan o interkoneksyon at pagtutulungan o inter-
dependence (Tullao, 2001).
            Ang kasalukuyang ito ay bumabalot at nagpapabago sa lahat halos ng antas ng buhat at
lipunan sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Ang lawak, lalim at bilis ng paggalaw ng mga
produkto, kapital, kaalaman, at mga tao sa pagitan ng mga bansa ang nagpapalawak sa
kasalukuyang gamit ng konsepto ng globalisasyon. Dahil dito, ang globalisasyon ang isa sa
pinakalantad na reylidad sa kasalukuyan na nakakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng buhay at ito
ang pangunahing dahilan na nagbibigay ng bagongbatayan at katuturan sa umuusbong na
papel ng ga indibidwal, institusyon at istruktura sa isang lipunan.

            Ang konsepto ng globalisasyon ay isang paradokso dahil maraming kaakbay na


kontradiksyon ito. Sa kabila ng mapagsanib nito, ito ay nagdadala rin ng paghihiwalay bilang
katapat na sakripisyo. Kahit na ito ay may kakayahang mag-ugnay, ito rin ay mabilis na
tumatanggi sa mga hindi handa at hindi karapat-dapat. Kahit na ito ay lumilikha ng
pamamatyagang global nauuwi ito sa di-pantay na pakikinabang sa proseso. Samakatuwid, sa
paglayon nitong matamo ang pinag-isang mundo lumilikha ito ng duwalismong internasyonal at
marami itong nasasaktan sa proseso ng integrasyon.

            Kaugnay nito, ano ang papel ng wikang Filipino sa kapaligirang may dalawang uri ng
integrasyong hinaharap sa ating lipunan? Walang duda na ang pangunahing papel ng wikang
nauunawaan ng nakararami ay ginagamit lamang upang itanghal ang nasyonalistikong
damdamin. Ngunit sa katotohanan sa harap ng duwalismo sa ating lipunan may halagang
ekonomiko ang wikang Filipino na ginagamit sa mga transaksyon ng mga nakarararming
Filipino kahit pa sinasabing sa larangan ng komersyo, batas at politika ang nangingibabaw ang
wikang Ingles.

            Noong unang panahon, merong mga taong patuloy na tumatangkilik sa mga produkto at
sumasalita ng sariling wika. Sa paraan na ito, napapayaman nila ang wikang Filipino gamit ang
wastong pagsasalita ng sariling wika. Pinapakita dito na dapat sila ang gayahin sapagkat sila
ang mga katutubo habang tayo’y nasa sinapupunanng mga ina natin, sila ang patuloyna
lumalaban sa Kalayaan ng bansang Pilipinas, kung kaya’t tayo’y nagkaroon ng sariling wika na
dapat respetuhin. Pero sa panahon ngayon, tila’y nababale wala na lamang ang Wikang
Filipino, sapagkat dito na pumapasok ang mga iba’t ibang larangan ng pananalita.

            Sa panahon ngayon, mabilis magbago ang lahat na para bang tila nilalamon ng
makabago at modernong panahon ang nakagisnan ng mga tao. Ano nga ba ang epekto ng
pagbabagong ito sa kasaysayan ng bawat tao at maging sa bansang Pilipinas. Isa na rito ay
ang Wikang Filipino, para ba sa inyo meron pa bang papel ang wikang Filipino sa harap na
laganap na globalisasyon? Sinasabi ng iba na mas kailangan paunlarin ang kaalaman ng mga
Pilipino sa wikang Ingles sapagkat ito raw ay higit na makakatulong sa kanilang kinabukasan,
ito raw ay isang wikang komersyo, wika ng makabagong teknolohiya sumakatuwid ang wika
ang globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay naniniwala na ang kaalaman sa wikang Ingles ng
mga Pilipino ay isa sa mga pangunahing batayan sa pagiging kompetitibo. Isa rin itong dahilan
ng komparatibong kalamangan ng mga mamamayan sa kalakalang internasyunal. Ang
nasabing ito ay may punto ngunit naisip ba ang mga taong iyon na dahil rito nahahati ang mga
Pilipino? Upang mangingibabaw ang epekto ng pagsanib kaysa epekto ng paghahati, higit na
tama ang gawing susi ang Wikang Filipino bilang wika sa laganap na globalisasyon. Ibig sabihin
mahalin, gamitin nang tama at pahalagahan ang wikang nabanggit.

            Sa kasalukuyan, naiimpluwensyahan ng mga dayuhan, ang mga tao na magsalita ng


kanilang wika, o tumatangkilik sa kanilang produkto dahil itong bansang Pilipinas ay hindi
gaanong malaki para gumawa ng mga produkto na matibay, kung kaya’t pinipili nila ang mga
produkto sa ibang bansa para magamit nang matagalan. Sa paggamit naman ng wika,
naeengganyo ang mga Pilipino na magsalita ng ibang wika sapagkat “cool” daw pakinggan
kapag iba ang wika na sinasabi. Merong laganap na salita ngayon na tinatawag na “conyo” na
kadalasan mapaparinggan o makikita natin sa mga kabataan ngayon. Ito ay ang pagsasalita ng
hindi deretsong wikang Filipino kundi ito ay may halong wikang Ingles gaya ng “Let’s go outside
and buy tusok-tusok” na ang ibig sabihin lamang ay bumili ng fishball sa labas. Isa pang
patunay na nakakaapekto ang globalisasyon sa lipunang ito ay ang pag-aaral ng iba’t ibang
lenguahe o ang Foreign Language Education. Ayon sa pagsasaliksik, may mga eskwelahan na
kailangan aralin ang ibang lenguahe bukod sa wikang Filipino, mga halimbawa ay Nihongo,
Spanish, French, at iba pa. Sa ganitong isyu mas lalong napapag-iwanan ang wikang Filipino at
mas nagiging sanay pa ang mga tao sa ibang lenguahe kesa sa nararapat na lenguahe para sa
kanila. Ang layunin ng adbokasiyang ito ay mas maisama ang dumaraming mamamayang
Filipino na mas nakakaunawa sa wikang Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon.

            Ang kailangan lamang ay pasiglahin, pagyamanin at palakasin natin ang


pakikipagtunggali at makinabang sa benipisyo ng globalisasyon. Palawakin ang wikang Filipino
bilang intelektwalisadong wika bilang tagapamagitan sa proseso ng globalisasyon.

            Ayon nga kay Dr. Pamela C. Constantino (2009), panahon na upang mabago ang
pagtingin sa Filipino bilang wikang panturo at asignatura. Ang negatibo at mababang pagtingin
sa sariling wika, bung ana rin ng kolonyal na pag-iisip na hinubog ng ilang siglong kolonisasyon
ang nananatiling hadlang sap ag-unlad ng wika at ng lipunang pinaggamitan nito. 

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

November 13, 1936 – Norberto Romualdez (Father of the Law of National Language)
- Commonwealth Act 1984 upang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP)

Jaime de Veyra – unang pinuno ng SWP (waray)


Kasamahan: Santiago Fonacier (Ilokano)
Filemon Sotto (Cebuano)
Casimero Perfecto (Bikolano)
Felix S. Sales Rodriguez (Panay)
Hadji Batu (Mindanao)
Cecilio Lopez (Tagalog)

November 9, 1937 – SWP; tagalog – gamit ng manunulat, pahayagan, komunikasyon


December 31, 1937 – sinangayunan ni Manuel Quezon – Tagalog ang Wikang Pambansa
1959 – Pilipino ang wika
1960 – SWP – Bagong Salita: salompas, salipawpaw, salungso, salumpuwit, salungki
Dalawang Kilusan: 1.) Laban sa Wika
2.) Bukas sa Ibang Wika
1.) 1963 – Innocencio V. Ferrer (congressman, negros Occidental)
Wikang Pilipino – “Hindi konstitusyunal”
Natalo
2.) Gerunab Lacuesta – Head of the Modernizing the Language Approach Movement
“anti-purist conferences” – “manila lingua franca”
1971 – isyu sa bagong wika
- Philippine Constitution Convention
1973 Constitution – wala ng Tagalog
Filipino – bagong Wikang Pambansa
SWS Survey ; karunungan ng mga Pilipino sa pag-intindi,paggamit at pagsulat ng Wikang
Pambansa: 85% ang nakakaintindi ng Wikang Filipino
85% nakakabasa
79% nakakapagsulat
79% nakakapagsalita
Totoong wika ng bayan – Filipino

English – pagkakaroon ng mataas na antas ng lipunan


SWS Survey sa pag intindi ng mga Pilipino sa Wikang Ingles
75% nakakabasa
61% nakakapagsulat
46% nakakapagsalita

1934 Constitutional Convention


- Sistema ng pagturo ng wikang Ingles
August 16,1934 – delegado Felipe R. Jose (Mountain Province)
- Naghanda ng talumpati na hindi espanyol kundi TAGALOG.

You might also like