You are on page 1of 17

Ang Wika at mga Barayti

DEBBIE M. CRUSPERO
Mag-aaral

Dr. EMMA B. MAGRACIA


Propesor

Bahagi ng Varyasyong Sosyal ng Wika ang; REGISTER ay set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na maaarin hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo (Santos, p.230). Itoy nagpapakita kung ano ang kanyang ginagawa (Magracia, 1993).

ang mga salitang bumubuo sa varayti ng wika na ginagamit ng partikular na grupo sa pakikipag-ugnayan sa kagrupo na halos sila lamang ang nagkakaunawaan, dahil sa ; uri ng propesyong mayroon sila (doktor, abogado, akawntant) Gawain o trabaho ( karpentero, manlalaro ng basketbol, byutisyan)

Interes o hilig (paglalaro ng games mula sa computer o internet, pagsasabong, kolektor ng mga bagay na kinahihiligan, pag-aalaga ng halaman) Iba pang grupo na nagkakasama-sama dahil sa kinaaanibang grupo/organisasyon, relehiyon atbp (Santos, et. al. 2010).

Ginagamit ang register sa pagtukoy sa mga varayti ayon sa gumagamit (ayon kina Halliday, McIntosh at Stevens, sa aklat nina Santos et al. 2010). Varayti itong kaugnay na higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag na humigit-kumulang na parehong kahulugan sa ibat ibang okasyon.

3 Dimensyon ng REGISTER

1. Field

nauukol ito sa layunin at paksa ng komunikasyon. Nangangahulugan ito ng Ano sa komunikasyong nagaganap. (nagsasalaysay, naglalahad, nangangatwiran, naglalarawan)

2. Mode

tungkol ito sa papaano isinasagawa ang komunikasyon ( pasalita o pasulat).

Ang paraan o moda ay tumutukoy sa pagiging sensitibo o pagpapahalaga sa mismong gamit ng komunikasyon. Halimbawa, mas katanggap-tanggap pa rin bilang pormal na pagdodokumento ay ang pasulat na paraan kaysa pasalita.

Nangangahulugan lamang na ang modang pasulat ay may mas mataas na pagtingin. 3. Tenor ayon ito sa relasyon ng mga kalahok. Para kanino ito.

Tumutukoy naman ito sa pormalidad at kaimpormalan sa gamit ng salita.

Halimbawa: Iba ang paraan ng pagtawag ng isang ina sa kanyang anak sa tuwing may iuutos ang ina. Samantala, sa kaparehong sitwasyon, iba ang tenor o paraan ng pagtawag ng isang titser sa kanyang estudyante na kapwa naguutos din.

ISTILO

bahagi ng varayti ng wika na ginagamit sa pagsasalita ng isang nagsasalita ( anyong pormal o di pormal sa pakikipag- usap). Ang lebel ng pormalidad ay pumapasok depende sa mga paktor-panlipunan ( dayalek, idyolek at sosyolek).

Ikinokonsidera dito ang edad, seks, o kasarian, uri ng trabaho. Gayundin ang uri ng okasyon, lugar, paksa, relasyon ng tagapagsalita sa kinakausap at ang layunin ng pag-uusap.

DIGLOSSIA

Isang barayti ng wika kung saan ang isang bansa ay may dalawang (2) lebel ng wika (H and L);

Ang unang wika ay ginagamit sa gobyerno (formal) Ang ginagamit ng mga tao sa simpleng pagsasalita (informal)

Wikang Opisyal Ito ang wikang ginagamit at nararapat gamitin sa mga usaping pambansa at pangangailangang pambansa ng sambayanan. Ginagamit at nararapat gamitin ng mga sangay at ahensya ng gobyerno sa lahat ng opisyal na komunikasyon sa;

deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas; pag-isyu ng mga dekrito at kautusang ehekutibo; paghahanda ng mga impormaasyong pampubliko kaugnay ng mga opisyal na programa ng gobyerno;pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya ng hukuman;

pormulasyon ng pambansang patakaran;

pagsulat ng memorandum at iba pang komunikasyon; mga opisya na porma at /o dokumento (lisensya, sertipiko, sertipiko, pasporte at iba pa);

mga tungkulin at Gawain ng estado.

WIKANG PAMBANSA Wikang ginagamit ng mga tao mula sa ibat ibang grupong etnolinggwistiko upang magkaunawaan at makipag-ugnayan (Santos et.al., 2010) Pinalalawak ito at ginagamit bilang simbolo ng pambansanag pagkakaisa (Holmes, 1992).

Maraming Salamat Po sa Inyong Pakikinig

You might also like